You are on page 1of 41

St. Mary’s College of Bansalan, Inc.

(Formerly: Holy Cross of Bansalan College, Inc.)


8005 Dahlia St. Poblacion Uno, Bansalan, Davao del Sur
Basic Education Department
A.Y. 2021 – 2022

ARALING PANLIPUNAN 7
UNANG MARKAHAN – MODYUL 1:

ANG PISIKAL NA KATANGIAN NG ASYA

MS. GLENDA C. OTACAN


Subject Teacher

Page | 1
Araling Panlipunan 7

Pangalan: _______________________________ Week: 1 Petsa: ____________


Aralin 1: Ang Pisikal na Katangian ng Asya Seksyon:___________ Kwarter: 1st

PANALANGIN
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espirito Santo, Amen.
Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na ito sa aming lahat upang magampanan naming ang
aming sariling tungkulin. Bigyan mo kami ng gabay at pagkalinga sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan
mo kami ng tulong sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo ang aming mga guro sa matiyagang
paghahatid sa amin ng mga leksyon sa araw-araw. Pagpalain mo rin ang aming mga magulang sa pagpatuloy
sa pagsuporta sa amin. Maraming Salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang inyong ibinibigay sa aming
lahat. Ikaw po ang aming sandigan at kalakasan. Amen.

Layunin:
 Maipaliliwanag ang konsepto ng Heograpiya;
 Maipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko: Silangang Asya, Timog-
Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, at Hilagang Asya;
 Mailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng Asya;
 Mapahahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog sa kabihasnang Asyano.
 Magpasalamat sa Poong Maykapal sa paglikha ng makabuluhang mga tanawin sa Asya.

I.Panimulang Gawain:
Gawain 1/Motivation/Pagganyak: Tunghayan ang pisikal na mapa ng Asya. Suriin ang legend ng elebasyon
nito. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ilarawan ang kontinente ayon sa kinaroroonan


at sukat nito.
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

Gawain 2.
Saan kita matatagpuan?
Panuto: Tukuyin kung saang lugar matatagpuan ang sumusunod na magagandang tanawin. Piliin ang iyong
sagot sa kahon na nasa ibaba

THAILAND MALAYSIA PHILIPPINES MALDIVES

Magaling! Marami ka bang natutunang magagandang lugar na mula sa ating rehiyon? Ang lahat ng
mga ito ay bahagi ng pag-aaral ng heograpiya. Ngayon masasabi mon a kaya kung ano-ano ang mga dapat

Page | 2
pag-aralan sa heograpiya? Masasagot mo iyan sa mga susunod na gawain. Halika na at mas higit na palalimin
ang iyong kaalaman.

Gawain 3: Subukan mo akong buoin!

Sa gawaing ito ay susubukan mong makabuo ng isang salita sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga
letra. Ang mga salitang iyong mabubuo ay may kaugnayan sa konsepto ng Heograpiya. Handa ka na bang
simulan ang gawain?

1. ISKLAIP

2. ATKINGANA

3. LAAAGPRA

4. DDIIGGA

5. OMUDN

Matapos mong mabuo ang mga salita na may kaugnayan sa heograpiya, ngayon subukan mong
makabuo ng kahulugan ng konsepto ng Heograpiya gamit ang mga salitang iyong nabuo mula sa gawain
3.

Gawain 4: Dugtungan mo ako!

Ang heograpiya ay __________________________________________________________________________


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

II. Paglinang/ Lesson Development


Basahin at unawain mo ang tekstong ito tungkol sa kinaroroonan, lokasyon, at
paghahating pangrehiyon ng Asya na makapagbibigay sa iyo ng impormasyon na higit mong
kakailanganin sa pagtamo ng kaalaman, upang matutunan ang konsepto ng paghahating
heograpiko ng Asya.

Konsepto ng Asya
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Dahil sa lawak ng sakop ng
Asya, magkakaiba ang uri ng topograpiya, klima, at vegetation cover ng mga lupaing kabilang
dito. Bunga nito, nagkakaiba rin ang uri ng pamumuhay at kultura ng mga taong naninirahan
dito.
Ang salitang heograpiya ay hango sa mga salitang Griyego na “geo” na
nangangahulugang “daigdig” at “graphien” na nangangahulugang “pagsulat” o “paglalarawan”
ng pisikal na kaayusan ng balat ng lupa.

Katangiang Pisikal ng Asya


Natatangi ang Asya sa lahat ng kontinente sa daigdig dahil sa lawak ng sakop nito.
Sakop nito ang halos may ikatlong bahagi ng kabuuang lupain sa daigdig na humigit
kumulang sa 44, 579,000 kilometro kuwadrado (World Atlas.com). Ang kabuuang sakop ng
Asya ay nagmumula sa pinaka-kanlurang bahagi nito sa Cape Baba, Turkey hanggang sa
pinaka-silangang bahagi nito sa Cape Dezhnev sa Hilagang- silangang Siberia, at mula sa
katigumang dulo ng Malay Peninsula hanggang sa Cape Chelyuskin sa Hilagang Siberia pa
rin. Ang hangganan sa pagitan ng Europa at Asya ay bumabagtas sa mga bundok ng Ural,
patimog sa Ural River, Caspian Sea, at pakanluran na bumabagtas sa mga bundok ng
Caucasus at Black Sea.
Binubuo naman ng mga pulo at kapuluang bansa ang mga baybaying dagat nito.
Matatagpuan sa Indian Ocean ang bansang pulong Sri Lanka, kapuluang Maldives, at
Andaman. Matatagpuan naman sa timog-silangang bahagi nito ang mga kapuluan tulad ng
Indonesia at Pilipinas, at Hapon naman sa silangan.
Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog
Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito
sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na
aspeto.

Page | 3
Hilagang/Gitnang Asya
Silangang Asya

Kanlurang Asya Kazakhstan


Tsina
Kyrgyzstan
Hapon
Qatar Lebanon Tajikistan
Mongolia
Bahrain Oman Turkmenistan
Hilagang Korea
Cyprus Saudi Arabia Uzbekistan
Timog Korea
Iran Syria
Taiwan (Republic of China)
Iraq UAE
Israel Yemen
Jordan Turkey
Kuwait

Timog-Silangang Asya
Brunei
Timog Asya
Cambodia
Afghanistan
Indonesia
India
Laos
Pakistan
Malasia
Bangladesh
Myanmar
Bhutan
Pilipinas
Nepal
Singapore
Maldives
Thailand
Sri Lanka
East Timor or Timor-Leste
Vietnam

Marami ka bang natutunan sa iyong binasa? Sa susunod na gawain ay pagyayamanin mo ang iyong
kaisipan sa mga kaalamang nakuha sa tekstong iyong binasa.

Bilang karagdagan sa iyong impormasyon, makikita mo ang talahanayan sa ibaba na nagpapakita ng


kabuuang sukat ng mga kontinente sa daigdig. Ang impormasyon ay hango sa Information Please Almanac sa
http://www.factoid.com.

Kabuoang Sukat
Kontinente
( Kilometro Kuwadrado )
1. Asya 44, 486, 104

2. Africa 30, 269, 817

3. North America 24, 210,000

4. South America 17, 820, 852

5. Antarctica 13, 209, 060

6. Europa 10, 530, 789

7. Australia 7, 862, 336

Kabuuan 143, 389, 336

KALUPAANG SAKOP NG MGA KONTINENTE SA MUNDO

Australia = 5%
Europe = 7%
5%
7% Antarctica = 9%
31% 9% South America = 12%
North America = 16%
12%
Africa = 20%
20% 16% Asya = 31%

Page | 4
Australia Europe Antarctica South America North America Africa Asya
Gawain 5: Sa iyong nabasang teksto ay natutunan mo ang paghahati ng Asya sa iba’t ibang rehiyon at ang
mga batayan nito na makikita sa tsart. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang pinakamalaking kontinente sa ating daigdig? _________________


2. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Asya? Ano-ano ang rehiyong ito? ______________________
__________________________________________________________________________
3. Paano hinati ang Asya sa iba’t ibang rehiyon? Ano-ano ang mga batayang isinaalang-alang sa
paghahating ito? ____________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Kung ikaw ay nakatira sa bansang Pilipinas sa kasalukuyan, sa anong rehiyon ka napapabilang?
__________________________________________________________________________

Gawain 6: Tukuyin kung anong Rehiyon ng Asya ang mga nasa larawan.

_______________ __________________ _________________ _________________ ______________

III. Pagpapalawak ng Konsepto/ Broadening of the Concept

Basahin at unawin mo ang teksto na patungkol sa mga sa katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon
ng Asya.

Mga uri ng Anyong Lupa

1. Bulubundukin o hanay ng mga bundok. Pinakatanyag ay ang Himalayas na may habang


umaabot sa 2,415 kilometro. Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir (Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at
Kyrgyzstan), Tien Shan (Hilagang Asya), Ghats (Timog Asya), Caucasus Azerbaijan, George Russia, at
Armenia) at ang Ural (Kanlurang Asya) ay ilan din sa mga bulubundukin ng Asya. Kadalasang pinapangkat
sa dalawang kabundukan sa Asya. Ang una ay nagmumula sa hilagang-silangan dulo ng Asya malapit sa
Bering Strait na tumatahak pahilig patungong Afghanistan at Pakistan, samantalang ang ikalawa naman ay
nagmumuka sa kanlurang bahagi ng Asya particular sa Turkey patungong Iran na mula sa mga bansang ito
ay tumatahak pahalang patungong Himalayas, bababa sa Myanmar at tangway ng Malay.
Ang dalawang sistema ng kabundukang ito at magtatagpo sa Afghanistan at Pakistan. Sa Himalayas
ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro, pangalawa ang K2
(8,611 metro) na nasa Pakistan / China. Pangatlo naman ang Mt. Kanchejunga (8,586 metro) na as
Himalayas din.

2. Bundok. Ang Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas ay ang


pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas nahalos 8,850 metro,
pangalawa ang K2 (8,611 metro) na nasa Pakistan / China.Pangatlo naman ang
Mt. Kanchejunga (8,586 metro) na as Himalayas din.
3. Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang Tibetan
Plateau na itinuturing na pinaka mataas na talampas sa buong mundo
(16,000 talampakan) at tinaguriang Roof of The World ay nasa Asya. Ang
talampas ng Deccan na nasa katimugang bahagi ng indo-Gangetic Plain
ng India ay kilala rin.
4. Disyerto. Ang Gobi Desert (Mongolia at Hilagang China,1,295,000
kilometro kwadrado) na siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa
buong mundo ay isa lamang sa mga disyertong matatagpuan sa Asya.
Makikita rin dito ang mga disyerto na Taklamakan (China), Karakum
(Turkmenistan), at mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia, at India.

Page | 5
5. Kapuluan o Arkipelago ay pangkat ng mga pulo na marami sa Asya
tulad ng Indonesia, ang pinakamalaking archipelago state sa buong mundo na
binubuo ng humigit kumulang na 13,000 mga pulo. Ang Pilipinas at ang Japan
ay kabilang din sa mga bansang binubuo ng kapuluan.

6. Pulo Umaabot sa 1,994,300 kilometro kuwadrado ang kabuuang sukat ng


mga pulo sa Asya at kabilang dito ang Cyprus sa kanluran; Andaman, Sri Lanka, at
mga pulo ng Maldives sa katimugan; Borneo, Java Sumatra, at mga pulo ng
Pilipinas sa Timog-Silangan; Hainan, Taiwan, Sakhalin, Kuril, at mga Pulo sa
Japan sa silangan; at Wrangel, New Siberian, Zemlya, at Severnaya sa hilaga.
7. Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli
sa karagatan ang Asya. Tinatayang nasa 7,770,000 kilometro kuwadrado ang sukat
nito. Ilan sa mga ito ay ang Turkey sa kanluran; Arabia, India, Indochina, at Malay sa
katimugan; Korea, Kamchatka, at Chukotsk sa silangan; at Taymyr, Gyda, at Yamal sa
hilaga (bahagi sa Siberia).
8. Kapatagan. Halos sangkapat (1/4) na bahagi ng lupain
ng Asya ay kapatagan. Ang Indo-Gangetic Plain at malaking bahagi ng Timog
Silangang Asya ay bahagi nito.

Bukod sa pinakapangunahing lugar na panirahan ng tao, ang biyayang hatid ng mga anyong lupa sa
tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensiya sa kanilang kultura at pamumuhay. Ang mga bulubundukin
ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang lugar, at proteksiyon o harang sa malalakas na
bagyo at sigwa. Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid, at kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay
nagtataglay ng samu’t-sari na yamang mineral – mga metal, dimetal at gas. Sa mga bundok at gubat ay
nakukuha ang mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan
ng mga hayop at mga wildlife. Binubungkal, sinasaka, at nililinang ng
tao ang mga kapatagan at mga lambak para sa mga pananim, ang mga
damuhan at mga burol ay ginagawang pastulan.
Ang paggamit ng tao sa iba’t ibang uri ng anyong lupa ay
nakapagambag sa paghubog ng kaniyang uri ng pamumuhay at ng
kabihasnan. Mapapansing ang kontinente ng Asya ay halos
napaliligiran ng mga karagatan at mga dagat. Isa-isahin mo ang mga
ito. Masasabi mo ba na malaking bahagi ng hangganan ng Asya mula sa iba pang mga kontinente ay mga
anyong tubig? Ang mga karagatang ito gumaganap nang mahalagang papel sa pamumuhay ng mga
Asyano dahil ang mga ito ay nagsisilbing likas na depensa, rutang pangkalakalan at sa paggagalugad, at
pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat at yamang mineral.
Mga Vegetation Cover ng Asya
Ang vegetation o uri o dami ng mga
halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon
ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima
nito. Sa Hilagang Asya, ang katangiang pisikal
ng kapaligiran nito ay ang pagkakaroon ng
malawak na damuhan o grasslands na
nahahati sa tatlong uri: ang steppe, praire, at
savanna.
Ang steppe ay uri ng damuhang may
ugat na mabababaw o shallow-rooted short
grasses. Maliliit ang damuhan sa lupaing ito
dahil tumatanggap lamang ito ng 10-13
pulgada ng ulan. Sa hilagang bahagi ng mga
steppe ng Russia at Manchuria at maging sa
Mongolia matatagpuan ang prairie, ang
lupaing may damuhang matataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.
Samantalang ang savanna naman na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya partikular sa Myanmar
at Thailand ay lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan. Ang mga taong naninirahan sa mga

Page | 6
steppe, prairie, at savanna ay kadalasang nakatuon sa pagpapastol at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng
baka at tupa na pinagkukunan nila ng lana, karne, at gatas. Ang mga lambak-ilog at mabababang borol ay
ginagawa nilang pananiman.
Ang boreal forest o taiga (rocky mountainous terrain) ay matatagpuan din sa Hilagang Asya partikular
na sa Siberia. Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na
klima dahil sa presipitasyon na maaring nasa anyong yelo o ulan.

Sa bahagi ng Russia at sa Siberia matatagpuan ang tundra o treeless mountain tract. Kakaunti ang
mga halamang tumatakip at halos walang puno sa lupaing ito dahil sa malamig na klima. Ang lupaing malapit
sa baybayin ng Arctic Ocean ang saklaw ng behetasyong ito. Sa Timog-Silangang Asya at sa mga bansang
nasa torrid zone ang biniyayaan ng tropical rainforest dahil sa mainam na klima nito na halos may pantay
na panahon ng tag-ulan at tag-araw.

Ang mga Klima ng Asya


Narito ang isang talahanayan na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng kilma sa mga rehiyon ng Asya. Basahin at
unawain mo itong mabuti. Batay sa mga datos at paglalarawan, bumuo ka ng paghihinuha kung paano
nagkakaugnay ang tao at ang kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano.

Mga Uri ng Klima sa Asya

Rehiyon Katangian ng Klima

Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng


anim na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit may ilang mga lugar na
Hilagang Asya
nagtataglay ng matabang lupa. Gayonpaman, malaking bahagi ng
rehiyon ay hindi kayang tirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.

Hindi palagian ang pagbabago ng klima. Maaaring magkaroon ng labis


o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Bihira at halos
Kanlurang Asya hindi nakararanas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon. Kung
umulan man, ito’y kadalasang bumabagsak lamang sa mga pook na
malapit sa dagat.

Page | 7
Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung hunyo
hanggang setyembre, taglamig kung buwan Disyembre hanggang
Timog Asya Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at tagtuyot.
Nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo ang Himalayas at ibang
bahagi ng rehiyon.

Monsoon climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng


rehiyong ito, ang mga bansa rito nakararanas ng iba-ibang panahon:
Silangang Asya
mainit na panahon para sa mga bansang nasa mababang latitude,
malamig at nababalutan ng naman ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon.

Timog Silangang Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropical nakararanas
Asya ang mga ito ng tag-init, taglamig, tag araw at tagulan.

ANG KATANGIANG PISIKAL NG MGA REHIYON SA ASYA

Hilagang Asya
Ang kabundukang Ural na nasa rehiyong ito ang humahati sa mga kontinente ng Europe sa Asya. Ang
Bering sea ang nag uugnay sa Hilagang Asya at Alaska.

Kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya ay nakatalaga sa pangkontinental na bahagi ng Asya at sa hilagang silangang
bahagi ng Africa. Nahahati ito sa tatlong rehiyong pisikal: Northern tier na lupain ang kabundukan at
talampas, Arabian Peninsula na isang malawak na tangway na pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig. Ang
Fertile Crescent na nag tataglay naman ng matatabang lupa at saganang suplay ng tubig.

Timog Asya
May anyong hugis tatsulok ang Timog Asya na may
hangganang Indian Ocean sa Timog at kabundukan ng Himalayas sa
Hilaga. Sa kanlurang bahagi ng rehiyon nakalatag ang mga bansang
Afghanistan, Pakistan, at India, sa silangan ay Bangladesh, sa dakong
hilagaay ang mga bansang Bhutan, at ang mga pulo ng SriLanka at
Maldives sa timog. Mainit sa rehiyong ito maliban sa mga kabundukan
na nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo.

Silangang Asya
Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyong
Silangang Asya partikular na ang China na sumasakop sa 20%
sukat ng kontinente. Ang mga bansang Japan at Koreaay halos 5%
ng lupaing ng Silangang Asya, ang rehiyong ito ay may mga pisikal
na hangganan tulad ng Gobi Desert, Mongolian-Tibetan Plateau at
ang Himalayas. Ang mga ilog ng Huang Ho, Yangtze, at Xi Jiang ay
ang tatlong pinakamalagang ilog sa pamumuahy ng mga Tsino
dahil sa nagpapataba ito ng mga lupain at ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan. Samantala, sa
pamamagitan ng sea sa Japan at Korea Strait, ang bansang Japan ay nahihiwalay sa mismong lupain ng
Silangang Asya. Binubuo ito ng apat na malalaking isla; ang
Kyushu, Shikoku, Honshu at Hokkaido.

Timog - Silangang Asya


Ang kahabahaan ng
Timog – Silangang
Asya ay makikita sa
Timog ng China at
Japan. Ang India ang nasa Hilagang Kanluran at Pacific Ocean
naman sa Silangan bahagi. Dahil sa kaaya-ayang klimang nito,
magubat na kabundukan ang nasa hilaga ng rehiyon at mga
lambak – ilog naman sa timog.

Page | 8
Timog-Silangang Asya: Ang Pangkontinenteng Timog-Silangang Asya o Mainland Southeast Asia,
isang tangway na nasa pagitan ng South China Sea at Indian Oceans ang malaking bahagi ng lupain ay
kabundukan. Kilala ang ilog ng Irrawaddy, Salween, Chao Phraya, Mekong at Red River. Ang pangkapuluang
Timog-Silangang Asya o insular Southeast Asia naman ay binubuo ng mga kapuluang nakalatag sa
karagatan kabilang ng mga isla sa Pilipinas, Indonesia, East Timor. Ang ilan sa mga kapuluang ito ay
(kasama ang Japan) ay kabilang sa rehiyong Pacific Ring of Fire dahil hitik sa mga bulkan ang lugar maaari
itong magdulot ng paglindol dulot ng kanilang pagsabog.

Ang Pisikal na Heograpiya ng Asya

Napakaimportante ang pag-unawa sa pisikal na kapaligiran ng Asya. Ang kapaligiran ay may


napakalaking impluwensiya sa pamumuhay at paghubog ng Kabihasnang Asyano. Ang mga kaganapan sa
kasaysayan at pagbabagong kultural ay maaaring hatid at epekto ng kapaligirang ginagalawan ng tao.

 Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa at nagkaroon ito ng malaking ugnayan sa
paghubog ng iba’t ibang Kabihasnang Asyano.
 Ang idinidikta ng Katangiang Pisikal ng lugar kung saan naninirahan ang mga Sinaunang Asyano ang
humubog sa kanilang pamumuhay.

Gawain 7: Halina’t Ating Punan!


Batay sa iyong pagbabasa ng teksto sa itaas, Ilarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa
mga rehiyon ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, klima at “vegetation cover” (tundra, taiga,
grasslands, desert, tropical forest, mountain lands) sa pamamagitan ng data retrieval chart. Pupunan mo ng
mga datos ang data retrieval chart na makikita sa kahon na nasa ibaba. Maaari mong balikan ang mga teksto
tungkol sa Katangian ng kapaligirang pisikal ng Asya.
KATANGIANG PISIKAL NG ASYA

Kinaroroonan Hugis Anyo Klima Vegetation Cover

Hilagang Asya

Kanlurang Asya
Timog Asya

Silangang Asya

Timog Silangang Asya

Gawain 7: Pamprosesong Tanong:


Panuto: Sagutin mo ang sumusunod na katanungan tungkol sa katangiang pisikal ng Asya.

1. Ano ang mga pagkakatulad sa katangiang pisikal ng Hilagang Asya, Kanlurang Asya, Silangang Asya,
Timog Asya, at Timog Silangang Asya?
Ipaliwanag.________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Page | 9
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________

2. Kung iuugnay natin sa kasalukuyang panahon, ano ang isa sa pinakamahalagang gampanin ng
katangiang pisikal ng Asya sa pamumuhay ng mga Asyano? Bakit kailangang pahalagahan ang ating
kapaligiran?
Ipaliwanag.________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Bilang Asyano ano ang iyong magiging kapakinabangan sa pagkakaroon ng ganap na kaalaman
tungkol sa mga kapaligirang pisikal ng Asya? Sa paanong paraan mo ito pahahalagahan?
Ipaliwanag.________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________

Gawain 8: Punan ng tamang sagot ang patlang mula sa mga salita loob ng kahon.

Tundra Tropikal

Lake Baikal

Gobi Desert Prairie

1. Ang pinakamalamig na disyerto sa buong mundo.

________________ 2. Uri ng damuhan na may matataas na damo at may


malalim na ugat.

________________ 3. Tinatawag na treeless mountain tract.

________________ 4. Uri ng klima na nararanasan ng mga lugar na


malapit sa ekwador.

________________ 5.Pinakamalalim na lawa sa buong mundo.

Gawain 9: Web making


Panuto: Punan ang mga bilog sa Spider Web ng mga uri ng Klima sa Asya.

Uri ng
Klima sa
Asya
Page | 10
Binabati kita dahil sa matagumpay mong paglinang ng aralin, taglay mo na ang mga
mahahalagang detalye tungkol sa katangiang pisikal ng Asya. Sa pagkakataon namang ito,
pahahalagahan mo ang ugnayan ng kinaroroonan, anyo, hugis, klima at vegetation cover ng mga
katangiang pisikal ng Asya sa pamamagitan ng pagsasagawa sa susunod na gawain.

IV. INTEGRATION/ Pag-uugnay

Gawain 10: Biblical Passage

Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong:

Pahayag 4:11

Marapat ka, Oh Panginoon naming at Diyos naming, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng


kapurian at ng kapangyarihan: sapagka’t nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong
kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha.

 Base sa nabasang teksto sa Bibliya, bakit mahalaga ang kapaligiran sa paghubog


ng kabihasnan ng tao?
Ipaliwanag:__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________

V. PAGTATAYA/QUIZ:

Panuto: Basahin at unawain ang teksto, pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Piliin o
bilogan lamang ang titik ng tamang sagot
Si Pia ay isang Tourist Guide, tinatangkilik niya ang mga lugar sa sariling bansa kaya naman dahil dito
ninais ng mga Dayuhang Turista na sila ay makapamasyal sa mga lugar sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay
mayaman sa mga katangiang pisikal, nariyan ang pamosong Mt. Apo sa Mindanao na tanyag sa kanyang
kataasan na umaabot ng 9,692 ft. Ang Laguna de Bay sa Laguna na ubod ng lawak na umaabot ng 352-366
milya kwadrado. Ang Ilog Pasig na naisalba sa pagkawala na may taglay pa ring karikitan na may 15.5 milya
at ang ipinagmamalaki ng Ifugao, ang Banawe Rice Terraces na may sukat na 1500 meters 5000
talampakan. Natapos ang kanilang pamamasyal na may ngiti sa mga labi dahil sa napagmasdan nilang
kagandahan.
1. Ano ang Pagkakapareho ng ng mga katangiang pisikal na matatagpuan sa Pilipinas ayon sa
nabasang teksto?
A. Anyo
B. Lawak
C. Lugar
D. Sukat
2. Ano ang resulta ng wastong paggamit ng tao sa mga kapaligirang likas?
Page | 11
A. Maipagmamalaki sa mga dayuhan
B. Makatutulong sa Pagsulong
C. Maisasalba sa pagkasira
D. Tatangkilikin ng nakararami
3. Ano ang mangyayari kung lahat ng tour guide ay may katangiang tulad ng kay Pia?
A. Marami ang pupunta at mamamasyal sa Pilipinas
B. Marami pang mga likas na yaman ang makikilala
C. Marami sa mga dayuhan ang uuwing may ngiti sa labi
D. Malaki ang iuunlad ng turismo sa Pilipinas
4. Ano ang tawag sa uri ng behetasyon na inilararawan bilang damuhan at kagubatan at karaniwang
makikita sa bansang Myanmar at Thailand na nasa Timog-Silangang Asya. Anong behetasyon ang
inilalarawan dito?
A. Prairie
B. Savanna
C. Taiga
D. Tundra
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa tulad ng tangway, kapuluan, bundok,
kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng behetasyon tulad ng savanna, prairie, rainforest,
taiga at tundra.
D. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay lamang ng iisang uri ng klima.
6. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro?
A. Mt. Everest
B. Mt. Fuji
C. Mt. Pinatubo
D. Mt. Kanchenjunga
7. Ano ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na may humigit kumulang 13,000 na
pulo?
A. Indonesia
B. Pilipinas
C. Japan
D. Brunei
8. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa pamumuhay ng mga Asyano?
A. Nagsisilbi itong panirahan ng mga tao
B. Nililinang ng mga tao ang mga kagubatan para sa ma pananim
C. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang lugar.
D. Nakakapagbigay ito ng malaking suliranin sa pamumuhay ng mga tao.
9. Ano ang mahahalagang ilog na nagsilbing lundayan ng mga kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi
sa buong daigdig?
A. Tigris at Euphrates, Indus, Huang Ho
B. Ilog ng Lena
C. Ilog ng Amu Darya
D. Yangtze
10.Ano ang pinakamalaking lawa sa mundo?
A. Lake Baikal
B. Caspian Sea
C. Aral Sea
D. Dead Sea
11.Ano ang tawag sa isang uri ng anyong lupa na nakausli sa karagatan ng Asya?
A. Kapatagan
B. Tangway
C. Talampas
D. Disyerto
12.Ano ang tawag sa uri ng damuhang may ugat na mababaw o shallow-rooted short grasses?
A. Steppe
B. Prairie
C. Taiga
D. Savanna
Page | 12
13.Ano ang uri ng behetasyon na inilalarawan bilang coniferous ang mga kagubatang ito bunsod ng
malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan?
A. Steppe
B. Prairie
C. Taiga
D. Savanna
14.Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang nagpapaliwanag ukol sa klimang tropikal?
A. Mayroong labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
B. Nakararanas ang mga bansa dito ng iba-ibang panahon.
C. Nakararanas ang mga bansa dito ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-ulan
D. Nakararanas ang mga bansa dito ng mahabang taglamig.
15.Ang Pilipinas kasama ng ilang bansa sa rehiyong Asya Pasipiko ay nakalatag sa isang malawak na
sona na tinatawag na Ring of Fire o Circum-PacificSeismic Belt. Bakit kaya tinawag ang rehiyong ito
na Ring of Fire?
A. Dahil sa ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan.
B. Dahil sa nakaharap ito sa karagatang Pasipiko.
C. Dahil nagtataglay ito ng mga hanay ng kabundukan.
D. Dahil sa napakaraming anyong tubig na nakapalibot ditto.

VI. Summary/ Action

Ngayong natutunan mo na ang mga Katangiang pisikal ng Asya, gagawa ka ng isang larawan ng
inyong lugar na maipagmamalaki. Iguhit sa kahon ang lugar na iyong naisip at gumawa rin ng maikling
pagpapaliwanag kung paano ito naka apekto sa mga taong naninirahan sa inyong lugar. At bilang isang mag-
aaral ano ang iyong magagawa na maipagmamalaki ng iyong pamilya at iyong mga guro.

____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
___

VII. Makabuluhang Takdang- Aralin

Ngayong natutuhan mo na ang Mga katangiang pisikal ng Asya at ang kahalagahan nito. Sa paanong
paraan mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran para sa iyong kinabukasan?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________

Page | 13
Closing Prayer

Diyos na makapangyarihan sa lahat, kami ay nagpapasalamat sa isang makabuluhang gawain sa araw na


ito. Sana po ay manatili sa amig isaipan ang mga karunungang natutunan sa aming mga guro. Patawarin
nyo po kami sa mga pagkukulang namin sa inyong harapan. Pakisuyong ingatan nyo po kami sa mga
susunod na oras. Ang panalangin pong ito ay ipinaabot tangi lamang sa pangalan ni Jesus. Amen.

Maligayang pagbati sayo! Napakagaling mo! Natapos mong sagutan ang modyul na ito. Maari ka
nang magpatuloy sa Modyul 2: Mga Likas na Yaman ng Asya. Nawa’y pagpalain ka ng Poong Maykapal!

ST. MARY’S COLLEGE OF BANSALAN, INC.


(Formerly: Holy Cross of Bansalan College, Inc.)
Dahlia St., Poblacion Uno, Bansalan, Davao del Sur
Telefax No.: (082) 553-9246

________________________
Name of Student

LEARNING PACKAGE:
MRS. HONEY MARISSARALING
D. DELA PANLIPUNAN
CERNA 8
4th Quarter: IKA-12
Subject TeacherNA LINGGO

MGA DAHILAN NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Page | 14
“Teachers can open the door, but you must enter it yourself ”

~Chinese Proverb~

St. Mary’s College of Bansalan, Inc.


(Formerly: Holy Cross of Bansalan College, Inc.)
8005 Dahlia St. Poblacion Uno, Bansalan, Davao del Sur
Basic Education Department
A.Y. 2020 – 2021
Araling Panlipunan 8

Pangalan: _______________________________ Linggo: Ika-12 Petsa: _______________


Aralin 12 : Mga Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig Seksyon: _________________
Kwarter: 4th

I. MGA LAYUNIN:

 Naisa-isa ang mga dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig;


 Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig; at
 Nabibigyang diin ang kahalagahang ginagawa ng mga bansa upang makamit ang pandaigdigang
kapayapaan.

Panimulang Panalangin
Magandang araw mga mag-aaral!
Purihin nawa si Hesus at Maria! Bago tayo magsimula sa pagsagot sa
modyul na ito, tayo ay manalangin muna sa ating Poong Maykapal.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at Espiritu Santo. Amen


Ama naming makapangyarihan maraming salamat po sa lahat ng biyayang
ipinagkaloob niyo sa amin lalong lalo na po sa raw na ito. Nawa’y gabayan
niyo kami upang mapagtagumpayan namin ang aming mga gawin sa araw
na ito.
Ito po ay hinihingi naming sa ngalan ng Ama, ng anak at Espiritu Page | 15
Santo. Amen
Introduksyon:

Kumusta kayo mga mag-aaral? Nagustuhan niyo ba ang ating nakaraang aralin? Magaling!. Dahil
ngayon naman ay magkakaroon tayo ng panibagong aralin tungkol sa mga Dahilan ng Unang Digmaang
Pandaigdig.

Sa modyul na ito, matatalakay natin ang mga dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig. Nasusuri ang
mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig at higit sa lahat mabibigyang diin ang
kahalagahang ginagawa ng mga bansa upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan. Halina’t ating
tuklasin! Kaya mo ito!

Unang Araw

Sa bahagi ng modyul na ito ay susubukan natin kung mayroon kang nalalaman tungkol sa aralin na iyo
pang matututunan.

Gawain 1: Pre-Test

Direksyon: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisisimula ng Unang Digmaang
Pandaigdig.

A. Pagkamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers.


B. Pagpapalabas ng labing –apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson.
C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia
D. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europe tulad ng Germany, Austria, Hungary

2. Ito ang katawagan sa masidhing pagmamahal sa bansa.


A. Federalismo
B. Loyalismo
C. Nasyonalismo
D. Pasismo.

3. Ang takot at kawalan ng tiwala ang nagtulak sa malalakas na bansa na maghanap ng proteksyon ay sa
pamamagitan ng ________.
A. Pag-aalyansa
B. Pagbibigay ng donasyon
C. Pagbigay ng pautang
D. Pag- sangdugo

4. Ang Triple Entente ay binubuo ng mga bansa?


A. Austria, Germany Japan
B. France, Great Britain, Russia
C. Germany Austria- Hungary, Italy
D. USA, Japan, Germany

5. Isang paraan ng pang- aakin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag-
unlad ng mga bansa sa Europe.
A. Imperyalismo
B. Militarismo
C. Nasyonalismo
D. Sosyalismo

Magaling! Dahil natapos mo na ang pagsagot sa Pre-Test. Patuloy sa pagkatuto!


Page | 16
Sa bahaging ito, ay muling tatandaan ang mga nalalaman sa nakaraang modyul.

Gawain 2. Balikan Natin: Jumbled Words


Direksyon: Ayusin ang mga letra upang maibigay ang tinutukoy sa bawat bilang.

_________________1. Uri ng manggagawa (RIATLETAROP)

_________________2. Makinaryang nagpabilis ng produksyon (REPOW LOMO)

_________________3. Transpormasyon o malaking pagbababago sa aspektong agrikultura sa Europe at

America. (BOLUSNGOYER DUSTRINLAY)

_________________4. Paniniwalang pinakamahusay na uri ng pamahalaan ay ang absolutong monarkiya

(LARUTAN AWL)

_________________5. Gamit na nagpaunlad sa sistema ng komunikasyon (ELETGARHP)

Nagustuhan niyo ba ang ating pangalawang gawain? Mahusay! Ngayon naman


ay dadako tayo sa ating aralin.

Ikalawang Araw

II. Paglinang/ Lesson Development

ANG MGA DAHILAN NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay isang malawakang digmaang pandaigdig na naganap noong mga
taon 1914 hanggang 1918. Ang mga nangungunang bansa ng mundo na sangkot sa digmaan ay nabibilang sa
dalawang magkalabang alyansa: ang Triple Alliance at Triple Entente.

Ang malaking digmaan na ito ay hindi naganap sa isang iglap lamang. Habang may mga likas na
kadahilanan, may mga salik na nagpaalab sa situasyon. Mga pangunahing dahilan ng Unang Digmaang
Pandaigdig ay nasyonalismo, imperyalismo, militarismo, mga alyansa at ang pagpaslang kay Archduke
Francis Ferdinand.

A. Nasyonalismo

Ang damdaming nasyonalismo ay nagbunsod ng pagnanasa ng


mga taong maging isang malayang bansa. Kung minsan ito ay
lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal ang nagyayari sa sariling
bansa kaya't lumilikha ng galit at paghihinala mula sa iba.

May mga bansa na dahil sa paniniwalang karapatan nila na


pangalagaan ang mga kalahi nila ay gusto isama sa kanilang
nasasakupan ang mga taong pinakikialaman kahit nasa ilalim ng
kapangyarihan ng ibang bansa.

Page | 17
B. MILITARISMO

Upang mapangalagaan ang nasyonalismo at imperyalismo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe


ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan. Kaugnay nito ang pagpaparami ng
armas. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at
pagmamatyagan ng mga bansa.

Nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany. Ipinalagay ito'y tahasang
paghamon sa kapangyarihan ng England bilang " Reyna ng Karagatan.
At sa pagdami ng armas , lalong nagkakaroon ng takot at sa dakong huli,
napipilitan ang mga bansa na
makipagtagisan sa pagkakaroon ng higit at mas maraming armas.

C. Imperyalismo
Ito ay isang paraan ng pagpapalawakang pambansang
kapangyarihan sa pamamagitan ng pag-ankin ng mga kolonya at
pagkakataon na umunlad ang kabuhayan. Ang pag-uunahan ng mga
makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ngkontrol sa pinagkukunang- yaman at
kalakal ng Africa at Asya ay lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan.

D. Pagbuo ng mga Alyansa


Dahil sa inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga
bansang makapangyarihan. Dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo
- ang Triple Alliance at Triple Entente. Ang una'y binubuo ng Germany, Austri-
Hungary at Italy.

Ang France, Russia at Britan naman ay bumuo sa Triple Entente. Ang


mga bansa sa loob ng bawat grupo ay nagkasundong magtutulungan may
sasalakay na alin man sa kanila.

E. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand

Noong ika -28 ng Hunyo, 1914, bumisita sa Sarajevo Bosnia ang


tagapagmana sa trono ng Austria na si Archduke Francis Ferdinand. Siya
ay pataksil na pinatay ni Gavrilo Princep, isang Serbian na naninirahan sa
Bosnia at miyembro ng The Black Hand, isang grupong terorista laban sa
Austria.
Naghinala ang Austria na may kinalaman ang Serbia sa pangyayari, agad nagpadala ng ultimatum ang
Austria sa Serbia na kailangan tanggapin ang kanilang mga kahilingan sa loob ng 48 na oras. Tumanggi ang
Serbia sa ilang mga kahilingan kaya noong Hulyo 28,1914 ng digmaan ang Austria sa Serbia

Gawain 3: TAMA O MALI


Direksyon: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at kung mali ay palitan ng tamang sagot ang
salitang may salungguhit upang maitama ang pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang ng bawat
bilang.

_________1. Si Gavrilo Princep ang pumatay sa tagapagmana sa trono ng Austria Hungary na si Archduke
Francis Ferdinand.
_________2. Ang bansang England ay tinaguriang “Reyna ng Karagatan “.
_________3. Ang nasyonalismo ay isa paraan ng pagpapalawakng kapangyarian ng malakas na
bansa sa isang mahinang bansa.

Page | 18
_________4. Ang triple Entente ay binubuo ng mga bansang Russia, France at Germany.
_________5. Ang pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ang naging mitsa ng Digmaan.

Gawain 4: Concept Matrix


Direksyon: Isulat sa loob ng Matrix ang mga konsepto tungkol sa mga Dahilan ng Unang Digmaang
Pandaigdig.

Dahilan ng Unang
Digmaang
Pandaigdig

Mahusay mga mag-aaral, dahil natapos na ang ating unang aralin. Ngayon
ay dadako naman tayo sa ating pangalawang aralin. Handa ka na ba? Aba’y
siyempre handa talaga!.

Ikalawang Aralin: ANG MAHAHALAGANG PANGYAYARING NAGANAP SA UNANG DIGMAANG


PANDAIGDIG

Sinuportahan ng Germany ang tangka ng Austria na mapahina ang Serbia. Alam ng Germany na kung
makakalaban niya ang Russia, makakalaban niya din ang France. Kaya noong Agosto 1, 1914 ay nagpahayag
siya ng pakikidigma sa Russia at sa France noong ika -3 ng Agosto 1914. Schlieffen Plan ay isinagawa ng
Germany, sa planong eto unang sasalakayin ng hukbong Germany ang France sa
Kanluran panig ng Germany. Pagkatapos ay mabilis na sasalakayin ang Russia sa Silangang bahagi.

Ang Digmaan sa Kanlurang Europe

Sa kanlurang bahagi, ang mga magkakalabang sandatahan


ay naghukay ng mga lungga na malawak na kanal o trenches mula
sa hangganan ng Switzerland hanggang Germany. Ang nasakop ng
digmaan ay mula sa hilagang Belhika hanggang sa hangganan ng
Switzerland. Ang pinakamainit na labanan ay dito sa kanluran
naganap.

5Nilusob ng hukbong
Germany ang Belguim, kahit na isa itong neutral na bansa. Ito
ang paraan ginamit nila upang malusob ang France.
Ngunit pinakita ng mga taga Belhika ang kanilang
kagitingan. Kaya ang balak nilang talunin ang France ay
binigo ni Heneral Joffre sa unang Digmaan sa Marne.
Ikinagalit ng Great Britain ang pananalakay sa bansang
neutral at kaalyadong niya ang Belguim kaya lumahok na rin
ito sa digmaan.

Ang Digmaan sa Silangang Europe

Nilusob ni Grand Duke Nicolas ang Germany, ngunit natalo siya ng dumating ang tulong mula sa
Germany. Natalo ang Russia sa Labanan sa Tannenberg. Ito tuluyang bumagsak ang sandatahan ng Russia
at ang sunod-sunod na pagkatalo ay naging dahilan ng pagbagsak ng dinastiyang Romanov at ang pagsilang
Page | 19
ng Komunismo sa Russia. Upang makaiwas sa digmaan ang Russia, nakipagkasundo si Vladimir Lenin sa
ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa Treaty of Brest-Litovsk. Iniwan ng Russia ang Alyado at
sumapi sa Central Power

Ang Digmaan sa Balkan

Natalo ang Serbia ng lusubin ito ng Austria. Sumapi sa


Central Powers noong Oktubre, 1915 ang Bulgaria upang
makaganti sa pagkatalo Tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling
neutral naman ang Italy.

Karamihan sa mga estadong Balkan ay


napasailalim ng Central Powers noong 1916. Ang Turkey ay
kumampi sa Germany upang mapigilan ang Russia sa pag-angkin
sa kaniyang bansa sa Dardanelles.

Ang Digmaan sa Karagatan

Bago pa man mag simula ang digmaan mayroon nang mga Krusero na nakakalat sa buong mundo,
nanagsasagawa ng pag atake ng mga barkong pangangalakal ng Alyadong Pwersa. Nagkasubukan ang mga
hukbong pandagat ng Germany at Great Britain. Mula sa Pitong Dagat, naitaboy ng mga barkong pandigma ng
Germany ang lakas pandagat ng Great Britain. Sa Kanal Kiel dumaong ang bapor ng Germany at naging
mainit ang labanan. Nakagawa ng malaking pinsala ang mga submarinong U-boats at Raiders ng Germany
kaya sa dakong huli napalubog nito ang Sydney, isang Australian cruiser.

Pagsali ng United States sa Digmaan

Nanatiling neutral ang United States sa halos tatlong taon mula ng mag umpisa ang digmaan. Nag
palabas ng Proclamation of Neutrality si Pangulong Woodrow Wilson, ngunit nagbago ang mga plano
United States at noong Abril 1917, ay nagpahayag ng pakikidigma ang United States sa Germany. Ang dahilan
ng pagbabago ay dahil sa pagpapalubog ng barkong Lusitania, isang barkong Briton at pagkamatay ng
maraming Amerikano dahil sa walang humpay na pagtorpedo sa kanilang barko sa karagatan.

Isa pang dahilan ay ang Zimmerman Note, palihim na sulat ng embahador ng Germany sa Mexico, na
nakuha ang secret police ng Britain. Hinihikayat ng Germany ang Mexico na pumanig sa Germany. Nalathala
sa pahayaganan ang telegrama na nagpasiklab sa galit ng mga Amerikano.
Nagpadala ang United States ng American Expeditionary Forces na may lakas na dalawang milyong katao sa
pamumuno ni Heneral John Persing. Ito ang nakatulong ng malaki sa pagkatalo ng mga Germany noong
1918.

Mahusay mga mag-aaral, dahil natapos na ang ating pangalawang aralin.


Ngayon naman ay susubukan natin kung meron kayong naiintidihan. Sagutin
ang mga gawaing ihinhanda para sa iyo. Handa ka na ba? Aba’y siyempre
handa talaga!.

Gawain 6: E- Hanay Mo

Direksyon: Hanapin sa Hanay B ang hinihingi sa Hanay A. Isulat ang iyong sagot sa patlang ng bawat bilang.

Hanay A Hanay B

________1. Nagpalabas ng Proclamation of Neutrality noong umpisa ng


A. Bismarck
digmaan

Page | 20
________2.Pinamunuan ko ang American Expeditionary Forces B. Churchill

________3. Pinangunahan ko ang mga Russo sa Germany C. Hen. John Pershing


________4. Tinalo ko ang mga Aleman sa Digmaan sa Marne D. Woodrow Wilson
________5. Ako ang nakipag kasundo sa pamahalaang Bolshevik
E. Hen. Joffre
Ng Germany
F. Vladimir Lenin
G. Grand Duke Nicolas

Gawain 7: Punan Mo
Direksyon: Lagyan ng mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig ang mga
kahon na nasa ibaba.

Digmaan sa Kanlurang
Europe

Digmaan sa Silangang
Europe

Digmaan sa Balkan

Digmaan sa Karagatan

Pagsali ng United States


sa Digmaan

Ikatlong Araw

III. Integration/ Pag-uugnay

Gawain 8: Biblical Passage

Roma: 14-19
Sagutin
“Kaya pagsikapan nating gawin lagi ang mga bagay na magbibigay ng kapayapaan at
mo ang
makakapagpatibay sa isa’t isa”.
mga
sumusunod na pamprosesong tanong.

Ano ang gustong iparating ng banal na salita ng Panginoon?

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________
Page | 21
Paano ito naaangkop sa ating aralin ngayon?

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Ano ang masasabi mo sa ginawang aksyon ng ating Presidente tungkol sa hindi matapos tapos na agawan sa
West Philippine Sea sa pagitan ng ating bansa at Tsina? Tama ba ang kanyang ginawang aksyon upang
mapangalagaan ang kanyang nasasakupan? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Sumulat ng isang talata ng sanaysay na maghahayag ng iyong damdamin sa temang ito “Walang magandang
maidudulot ang digmaan”.

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________

Magaling mga mag-aaral ! Dahil natapos na natin ang ating aralin. Nakakapagod
ba? Okay lang ‘yan dahil may kasabihan tayong “ There’s no glory without
sacrifice” ang paghihirap ay parte ng pagkatuto kung kaya’t laban lang ng laban.
Narito na ating pang huling pagtataya. Smile and Good Luck !

IV. Pagtataya/ Quiz


Gawain 9: Multiple Choice
Direksyon: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot .

1. Ang panghihimasok ng makapangyarihan bansa sa mahinang bansa


A. Imperyalismo
B. Komunismo
C. Nasyonalismo
d. Pasismo

2. Ang katawagn sa pagmamahal sa bansa


A. Demokrasya
B. Komunismo
C. Militarismo
D. Nasyonalismo

3. Pagkakampihan ng mga bansa

A. Alyansa
B. Kilusan
C. Treaty
D. Unyon

4. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe.


A. Komunismo
B. Militarismo
Page | 22
C. Sosyalismo
D. Totalitaryanismo

5.Ang lugar kung saan pinaslang na taga-pagmana ng trono ng Austria- Hungary.


A. Bosnia
B. Somalia
C. Sudan
D. Persia
6. Sinakop ng Germany ang Belguim kahit isa itong neutral na bansa upang makontrol ang bansang?
A. France
B. Great Britain
C. Italy
D. United States

7. Isa sa dahilan sa pagsali ng United States sa digmaan ay ang pagpapalubog sa barkong_____ ?


A. Lusitania
B. Super Ferry
C. Titanic
D. Trinidad

8. Dito naganap ang pinakamadugo at mainit na labanan ng mga Germans at Pranses.


A. Digmaan sa Balkan
B. Digmaan sa Kanluran
C. Digmaan sa Karagatan
D. Digmaan sa Silangan

9. Dahil sa sunod- sunod na pagkatalo ng Russia sa Germany,anong dinastiya ang bumagsak?


A. Aleman
B .Hampberg
C.Holand
D. Romanov

10. Anong mga estado ang napasakamay ng Central Powers noong 1916?
A. Balkan
B. Bulgarian
C. Ottoman
D. Turko

V. Makabuluhang Takdang Aralin : Dugtungan mo!

Ang natutunan ko sa araling ito ay..

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Sanggunian:
Blando, Rosemarie C., Mercado, Micheal M., Cruz, Mark Alvin M., Esperitu, Angelo C., De
Jesus, Edna L., Pasco, Asher H., Padernal, Rowel S., Manalo Yorina C., Asis, Kalenna Lorene
S., 2014 Modyul sa Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig, Unang Edisyon, Pasig City,
Philippines, Vibal Group, Inc.

Panapos na Panalangin
Manalangin tayo…

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at Espiritu Santo. Amen


Page | 23
Ama naming makapangyarihan maraming salamat po sa inyong
gabay upang mapagtagumpayan namin ang aming mga gawain sa
St. Mary’s College of Bansalan, Inc.
(Formerly: Holy Cross of Bansalan College, Inc.)
8005 Dahlia St. Poblacion Uno, Bansalan, Davao del Sur
Basic Education Department
A.Y. 2019 – 2022
Araling Panlipunan 9

Pangalan:_______________________________Week 1 Petsa: August 24-29,2019 Aralin 1:


Introduksyon sa EkonomiksSeksyon:___________Quarter: 1st

Layunin:

Page | 24
 Mabigyang kahulugan ang ekonomiks bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan
 Naipapaliwanag at nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang
isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan sa pamamagitan ng pagsuri ng sitwasyon at artikulo
 Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral,
at kasapi ng pamilya at lipunan

Unang Araw

II. Panimulang Gawain:

Gawain 1/Motivation/Pagganyak:
Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba.

Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.

1. Sa larawan, ano ang dalawang sitwasyon na pinagpipilian ng batangbabae?

2. Naranasan mo na ba ang ganyang sitwasyon?Ipaliwanag.

Gawain 2: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin
mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang desisyon mo at sa ika-apat na kolum ang dahilan
ng iyong naging pasya.

Option A Option B Desisyon Dahilan

Pagtatrabaho
1. Pagpapatuloy ng
pagkatapos ng high
pag-aaral sa kolehiyo
school
Pagsakay ng jeep o
2. Paglalakad papunta
tricycle papunta sa
sa paaralan
paaralan

3. Paglalaro sa parke Pagpasok sa klase


4. Pananaliksik sa
Pamamasyal sa parke
aklatan

Page | 25
5. Pakikipagkwentuhan Paggawa ng takdang-
sa kapitbahay aralin

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________________________

2. Anoangnagingbatayanmosaiyongginawangdesisyon?Nagingmakatuwiran ka ba sa
iyongpasya?

Gawain 3/APK: Anticipation-Reaction Guide


Sagutin ang Anticipation-Reaction Guide ng dalawang beses. Una, bago ang aralin
at gawin ulit pagkatapos ng aralin.

 Isulat ang S kung sang-ayon sapahayag


 Isulat ang DS kung di-sang ayon sapahayag

Anticipation Reaction Guide


Sagot Bago ang Aralin Mga Hinuha at Sagot Pagkatapos ng
Pahayag Tungkol sa Aralin
Ekonomiks
Ang araling ito ay para
sa mga tamang gulang
Lamang
Ito ay isang agham
Sakop lamang nito ang
mga suliraning
pangkabuhayan
Ito ay bunga ng iba’t
ibang kaisipan ng mga
dalubhasang iskolar
May kaugnayan ito sa
iba pang -agham
Panlipunan
May kaugnayan ito sa
pagiging produktibo
Mahalaga ang
Ekonomiks sa isang
mag-aaral
Kailangan ng matalinong
desisyon sa pang- araw-
araw na
suliranin.

Balikan at sagutin mo ang mga tanong pagkatapos ng aralin.

1. May malaki bang pagkakaiba sa iyong pananaw at pag- unawa sa


Page | 26
paksa?Ipaliwanag.

2. Anong mga ideya o konsepto ang nabago sa pamamagitan ng pag-aral mosa


paksa?

Gawain 4: IRF

Isulat sa kahon sa kanan ng larawan ang paunang kaalaman mo sa tanong.


Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?

INITIAL NA KAALAMAN

Ikalawang Araw

II. Paglinang/Lesson Development

Ang iyong layunin sa bahaging ito ay pag-aralan at unawain ang mga pangunahing konsepto.

Ano ang Ekonomiks? Ating tuklasin ang kahulugan, saklaw, kahalagahan, mga
kasanayan, at pangunahing kaaisipan ng konseptong ito. Iyo ring aalamin mula sa mga
impormasyon at datos ang mga salik kung paano nagiging produktibo ang buhay ng tao?

Paano nakatutulong ang kaalaman sa Ekonomiks sa pang -araw-araw na pamumuhay?

Ating ipagpatuloy ang pag -aaral sa pamamagitan ng pagbisita sa mga piling


Websites o gamit ang aklat tungkol sa pag-aaral ng Ekonomiks.

Gawain 5:Alamin
 Unang pagpipilian:
Bisitahin ang sumusunod na websites:

1. http://pinoyteens.net/ang-kahulugan-ng-ekonomiks/17/
-ito ay naglalaman ng kahulugan ng ekonomiks
2. http://economicsmrfab.blogspot.com/201/06/panimulang-pag-aaral-sa-
ekonomiks.html-naglalaman ng introduksyon saekonomiks
3. http://dc380.4shared.com/doc/jnDuPM5L/preview.html-
naglalamanng kahulugan ngekonomiks
Page | 27
4. http://www.diwalearningtown.com/uploaded/admin/file/Shop/SY10-
11/PAP/IRF%20PAPTX4U1L1.pdf-online na aklat ng Diwa Learning
Systems Inc. na naglalaman ng introduksyon saekonomiks
5. http://www.youtube.com/watch?v=gsa92tiWZxQ - ito ay naglalaman ng iba’t-
ibang:kahuluganngekonomikssaIntroductiontoEconomics:BasicConcepts

 Ikalawang pagpilian.

Basahin ang aklat (Ekonomiks) mula pahina 7 hanggang 18.

EKONOMIKS
Mula sa mga websites o sa aklat na iyong binasa, punan ang Star Map/Bubble Map graphic
organizer ng mga katagang may kaugnayan sa Ekonomiks. Maaaring dagdagan ang bilog
sa Bubble map/ Star map ayon sa mabuong mga ideya na konektado sa Ekonomiks

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang dibisyon at mga sangay ngEkonomiks?

2. Mahalaga ba ang pag-aaral ng kaisipang ito?Ipaliwanag.


3. Paano ito makatutulong sa iyo upang maging isang produktibong mag-
aaralo miyembro ngpamilya?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Gawain 6: BAITANG NG PAG-UNLAD


Isulatsakahonsakanannglarawanangnalamantungkol
sakahuluganatkahalagahanngEkonomikssapang-araw-arawnapamumuhaybilang isangmag-
aaralatkasapingpamilyaatlipunan.Muli itong sasagutan sa susunod na bahagi ng aralin.
Page | 28
Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang
isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?

Pagpapalawig ng Konsepto:
Gawain 7: TAYO NA SA CANTEEN

Sitwasyon:SiNicoleaypumapasoksaisangpampublikongpaaralannamalapit sa kanilang
bahay. Naglalakad lamang siya sa tuwing papasok at uuwi. Sa loob ng isang linggo, binibigyan
siya ng kanyang mga magulang ng Php150 na baon pambili ng kanyang pagkain at iba pang
pangangailangan. Suriin ang talahanayan ng mgaproduktong maaaring bilhin ni Nicole sa
canteen at sagutin ang pamprosesong tanong sa ibaba.

Produkto Presyo bawat Piraso


Tubig na inumin Php10.00
Tinapay Php8.00
Kanin Php10.00
Ulam Php20.00
Juice Php10.00

Pamprosesong Tanong:

1. Kung ikaw si Nicole, ano ang mga produktong handa mong ipagpalit upang
makabili ng inuming tubig?Bakit?

2. Nagkaroonngpromosamgakaninatulam(combomeals)atbumabasa
Php25.00anghalaganito.KungikawsiNicole,paanomopamamahalaan ang iyong
badyet?

Gawain 8: Isabuhay

Sagutin ang mga tanong mula sa iyong aklat sa pahina 22 (Isabuhay). Isulat ang iyong sagot sa ibaba.

a. __________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

b. __________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

Ikatlong Araw

III. INTEGRATION/ Pag-uugnay

Gawain 9: Biblical passage

Marcos 6:35-36, 38,41-44


Page | 29
At sinabi niya sa kanila: Ilang tinapay mayroon tayo? Lumakad kayo at tingnan ninyo. Nang kanilang
malaman sinabi nila. Limang tinapay at dalawang isda. Nang kunin niya ang limang tinapay at
dalawang isda. Tumingin siya sa langit at pinagpala niya ito. Pinagputol-putol niya ang tinapay at
ibinigay sa kaniyang mga alagad upang idulot nila sa mga tao. Gayundin, ipinamahagi niya sa kanilang
lahat ang dalawang isda. Nakakain silang lahat at nabusog. Kanilang kinuha ang mga lumabis na pira-
pirasong tinapay at isda at nakapuno sila ng labindalawang bakol. Ang mga nakakain ng tinapay ay
halos limang libong lalaki

Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.

1. Ano ang gustong iparating ng bible verse?

2. Paano ito naaangkop sa ating aralin tungkol sa kahulugan ng ekonomiks?

3. Magbigay ng mga pangyayari kung saan laganap sa ating panahon ngayon tungkol sa ating
ekonomiya. Ano ang iyong tungkulin sa pangyayaring ito?

Balikan ang Gawain 3 bago mo simulan ang Pagtataya.

IV. PAGTATAYA/QUIZ: Article analysis Iskor: ______/25

Basahin ang artikulo at sagutin ang mga tanong nito mula sa iyong aklat (Ekonomiks) pahina 18-
19(Saksihan).

Isulat ang sagot sa ibaba. 5 puntos bawat isa.

Paglalagom/Aksyon

Gawain 10: BAITANG NG PAG-UNLAD


Ngayong natapos na ang lahat ng mga gawain sa araling ito aymuling magmuni-
muniatpag-isipanangnalamanatnaunawaan sa aralin.
Ano ang kahalagahan ng Ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang
isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?

Page | 30
FINAL NA KAALAMAN

St. Mary’s College of Bansalan, Inc.


(Formerly: Holy Cross of Bansalan College, Inc.)
8005 Dahlia St. Poblacion Uno, Bansalan, Davao del Sur
Basic Education Department

Iskor:__
Kontemporaryong Isyu
nd
2 Semester-Unang Kwarter: Week 1

Week 7
Pamantayan ng Pagkatuto:
 Naipaliliwanag ang konsepto ng Konteporaryong Isyu
 Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu

Page | 31
______________________________
Pangalan ng Estudyante/ Seksyon

____MRS. LENIE JEAN C. GAJERA, LPT___


Guro

A. Vision Statement

We, the Christ-centered community of St. Mary’s College of Bansalan Inc., faithful to
Ignacian Marian Education, continue to create a dynamic learning community towards
holistic transformation for the common good.

B. Mission Statement

St. Mary’s College of Bansalan Inc. commits to:


1. Grow in prayer and discernment to be witnesses of faith, hope and love in
today’s world.
2. Continuously form Ignacian Marian Christian leaders who witness to faith,
excellence and service in varied socio-cultural settings.
3. Constantly pursue quality management systems and educational innovations to
develop globally-competitive citizens.
4. Build up resources to contribute to the enhancement of the quality of life.
5. Expand educational programs for the disadvantaged.

Sa modyul na ito, malalaman mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kamalayan sa mga


isyu para mpabuti ang pamumuhay ng bawat isa . Malalaman mo rin ang mga pagsusuri ng mga
sanggunian at mga uri ng pahayag upang matiyak na ito ay hindi gawa-gawa o kathang isip
lamang. Bago mo gawin ang unang Gawain, magdasal muna para magabayan ka ng ating
Panginoon sa pagsagot sa mga tanong.

Manalangin Tayo!

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.


Ama sa Langit, bigyan kami ngayong araw upang matupad ang aming mga tungkulin bilang responsable at
mabait na mag-aaral Bigyan kami ng gabay at pangangalaga sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo
kami ng tulong sa mga desisyon na aming ginagawa. Maraming salamat, Lord sa lahat ng mga biyayang
ibinibigay mo sa aming lahat. Ikaw ang aming suporta at lakas. Amen.
Venerable Ignacia Del Espiritu Santo, Pray for Us.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Page | 32
Aralin : Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu

Layunin:

 Naipaliliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu


 Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu na nagaganap sa lipunan.
 Makikilala ang mga primary at sekondaryang sanggunian pati ang uri ng pahayag at kongklusyon na
kaugnay ng mga kontemporaryong isyu.
 Napapahalagahan ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu upang mapabuti ang pamumuhay ng bawat
isa.

III. Panimulang Gawain:

Gawain 1:

Bilang pagsisimula sa araling ito ay mag-isip ng mga kaganapan o pangyayari na sa kasalukuyan


na nakakatawag ng iyong pansin at nakagagambala sa iyo. Isulat mo sa angkop na kahon sa
AlphaBlocks ang isyu ayon sa unang letrang nito. Sundan ang halimbawa na nasa unang kahon.

Paksa: Mga Isyu ng Lipunan

ABCD EFGH IJKL


Hal.
A
B
Corruption
D

MNOP QRSTU VWXYZ

Gawain 2: Pagganyak
Makipag chat sa mga ka-klase at magtanong tungkol sa kanilang naisagot, gamitin ang
messenger o text messages at ipahayag ang iyong katanungan o sagot. Suriin at ikumpara ang mga
naisagot mo at ng iyong kaklase sa AphaBoxes.

MGA NAPANSIN KO..

Kalimitan sa mga Ayon sa sinabi ng mga Nakakabahala raw ang


isyu ay tungkol kaklase ko, ito ang mga mga kontemporaryo isyu
sa……. napili at naisulat na mga na naisulat dahil…..
isyu dahil….

Page | 33
Gawain 3:
Sagutin ang pamprosesong tanong mula sa naunang gawain. Ilagay ang sagot
pagkatapos ng tanong.

1. Tungkol sa anong isyu ang mga naisagot ninyo sa AlphaBoxes?


______________________________________________________________

2. Bakit ito tinatawag na mga isyu o problema ng lipunan?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Nakakabahala ba ang mga sitwasyong ito? Bakit?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

Naibahagi mo kanina ang iyong inisyal o paunang ideya sa mga isyung may kinalaman sa mga
isyung kontemporaryo o mga problema sa kasalukuyan. Aalamin mo ngayon ang naisagot ng mga
kaklase sa AlphaBoxes at ang pagkakaiba nito sa sagot mo. Inaasahan na sa susunod na gawain ay
matutunan mo rin ang iba pang konsepto na tutulong sa iyo sa pagbuo ng inaasahang proyekto sa
hulihan.

IV. Paglalahad ng Konsepto


Basahing mabuti at sagutin ang mga Gawain na nasa ibaba.

Maraming pangyayari sa ating paligid araw-araw. May mga isyung kinakaharap ang ating mga
pamayanan o komunidad.Mayroon din namang mga isyung pambansa o hindi kayay pandaigdig.

Aralin 1: Konsepto ng Kontemporaryong Isyu

-Dalawang mahahalagang salita ang pinanggalingan ng Konsepto: kontemporaryo at isyu.

-Upang mas maunawaan nang mabuti ang konsepto, tingnan natin ang kahulugan ng mga salitang
pinanggalingan nito.

Ang salitang kontemporaryo ay ginagamit sa iba't ibang konteksto.

-Isang halimbawa nito ay ang paggamit ng kontemporaryong daigdig na naglalarawan


sa panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. Ang mga pangyayari sa panahong ito ay
sinasabing naaalala pa ng mga tao sa ngayon.

-Isa pang halimbawa nito ay ang paggamit ng kontemporaryong kasaysayan na tumutukoy naman sa panahon
mula sa pagitan ng ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. Samakatuwid, ang mga pangyayaring naganap
sa nakalipas na mga dekada na nakaapekto sa kasalukuyang henerasyon ay bahagi ng Kontemporayong
panahon. Gayundin, ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan ay sadyang maituturing na
kontemporaryo.

-Ang salitang “ Isyu”ay nangangahulugan ng mga paksa, tema, o suliraning nakaaapekto sa lipunan.

-Ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate, at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa
lipunan. Hindi lahat ng isyu ay negatibo at nagiging suliranin; may ilang isyu rin na may positibong epekto at
nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

Kontemporaryong isyu ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at


nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga isyung
ito ay maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao, relihiyon, ekonomiya,
politika, kapaligiran, edukasyon, o pananagutang pansibiko at pagkamamamayan.

Page | 34
-Para maituring ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu, ito ay:
1. mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
2. may malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mga mamamayan;
3. nagaganap sa kasalukuyang panahon may matinding epekto o impluwensiya sa takbo 0 ng kasalukuyang
panahon; at
4. mga temang napag-uusapan at maaaring may maganda o positibong impluwensiya epekto sa lipunan.

Gawain 4: Nalaman mo ngayon na mayroong epekto sa ilang grupo ng tao ang mga
kontemporaryong isyu. Upang mabuo ang mga impormasyon na natutunan mo ngayon ay buuin
mo ang Frayer Model sa ibaba. Punan mo ito ng mga angkop na kasagutan batay sa mga binasa.

Frayers Model
Kahulugan Larawan/ Drawing

KONTEMPORARYONG

Katangian ISYU Halimbawa

Aralin 2: Mga Kasanayang kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Basahin muna ng mabuti ang mga impormasyon tungkol sa ating aralin bago sagutin ang
mga Gawain sa ibaba.

-Sa pagsusuri ng isang isyu kailangang malaman kung kalian at paano nagsimula at saan galling ang isyung
sinusuri upang matiyak na ito ay hindi gawa-gawa o kathang isip lamang.

Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, kailangan ang mga kasanayan sa:

1. Pagkilala sa primarya at Sekundaryang sanggunian


Primaryang Sanggunian o pinagkukunan ng impormasyon ay mga orihinal na tala ng mga
pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas nito. Halimbawa ng mga ito ay mga sulat,
journal, legal na dokumento, guhit, at larawan.

Ang mga sekundaryang sanggunian ay mga impormasyon o interpretasyon


batay sa primaryang pinagkunan o ibang sekundaryang sanggunian na inihanda o isinulat ng mga
taong walang kinalaman sa mga pangyayaring itinala. Kadalasang ginagamit ng mga mananaliksik ang
mga primaryang sanggunian upang maunawaan ang nakaraang mga pangyayari, subalit sila mismo
ang gagawa ng mga sekundaryang
sanggunian. Ang ilang mga sekundaryang sanggunian ay mga ulat, teksto, guhit, at kahit anong nabuo
batay sa primaryang pinagkunan tungkol sa pangyayari.

Primaryang Pinagkunan Sekundaryang Pinagkunan


sariling talaarawan talumpati aklat encyclopedias
talambuhay guhit komentaryo articles
dokumento accounts biography Page | 35
ulat ng gobyerno o pahayagan political cartoons
2. Pagtukoy sa Katotohanan at Opinyon

-Ang katotohanan ay mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal
na datos. May mga ebidensiyang magpapatunay na totoo ang mga pangyayari.
-Halimbawa, tinatayang umabot sa milyon-milyon ang halaga ng
pinsalang dulot ng bagyong Yolanda sa Tacloban.

-Ang opinyon (kuro-kuro, palagay, impresyon, o haka-haka) ay nagpapahiwatig ng saloobin at


kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan. Ang opinyon ay hindi kailangang patunayan.
-Halimbawa, dapat ipaubaya sa lokal na pamahalaan ang pangangasiwa sa mga biktima ng
Bagyong Yolanda.

Malinaw na ang isang katotohanan ay mas matimbang kaysa sa isang opinyon


lamang. Ang isang katotohanan ay hindi nagbabago. Ang opinyon, sa kabilang dako,
ay maaaring magbago.

3. Pagtukoy sa Pagkiling ( Bias)

-Sa pagsusuri ng mga impormasyong may kaugnayan sa agham panlipunan,


kailangang malaman kung ito ay walang kinikilingan. Ang mga paglalahad ay dapat balanse.
Kailangang ilahad ang kabutihan at ang hindi kabutihan ng isang bagay.

-Halimbawa, naipagawang maraming ospital, heath center, daan, at bahay para sa


mga maralita ang Administrasyong Marcos, ngunit utang ang ipinangpagawa rito, kaban ng bayan ay
ibinulsa, at marami rin ang taong nagdusa noong ipatupad niya ang Batas Militar dahil may mga
proyektong isinulong sa rehimeng Marcos na nakaapekto nang negatibo sa mga karapatang pantao
ng mga Pilipino.

-Halimbawa ng pahayag na pagkiling:

a. Maraming nagaganap na paglabag sa karapatang pang-aabuso, at pagpatay. Ang


Administrasyong Aquino ay walang nagagawa para mapigilan it

b. Maraming Pilipino ang nagpupunta sa United States; ito ay dahil sa mas maginhawa ang
pamumuhay roon kaysa sa ibang bansa.

4. Pagbuo ng Paghihinuha( Interferences), Paglalahat (Generalization), at Kongklusyon

-Ang hinuha ay isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang


bagay. Ang pagbuo ng hinuha o inference ay kahalintulad ng pagbuo ng hypothesis. Upang
makapaghinuha, kailangang gamitin ang kaalaman at mga karanasan tungkol sa
paksa o babasahin upang matuklasan ang mga nakatago nitong mensahe o kaisipan.

-Halimbawa, maraming napahamak sa bagyong Yolanda dahil hindi nila pinansin ang mga babala tungkol
dito.

-Ang paglalahat (generalization) ay ang hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi
magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng kongklusyon.

Page | 36
-Halimbawa, tuwing buwan ng Hulyo hanggang Oktubre, nagaganap ang matitinding bagyo sa bansa. (Batay
ito sa mga talaan ng PAGASA noOng mga nakaraang 10 taon.)

-Ang kongklusyon ay ang desisyon, kaalaman, o ideyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon, at
pagsusuri ng pagkakaugnay ng mahalagang ebidensiya o kaalaman.

-Sa pag-aaral ng mga mahahalagang pangyayari, nagbibigay ng generalization ang mga manunulat o
mananaliksik. Ibinabatay ito sa mga impormasyon na sinusuri at pinag-aaralan.

Gawain 5

Panuto: Tukuyin ang uri ng pahayag na ipinakikita sa bawat sitwasyon. Pilin ang letra ng sagot sa
Ioob ng kahon at isulat sa patlang.

_______1. Malaki ang pinsalang naidulot ng bagyong Sendong sa mga kababayan


natin sa Leyte. a.Bias
b.Hinuha
_______2. Hindi sana marami ang nasawi sa bagyong Sendong kung c.Opinion lumikas at
pumunta kaagad ang mga tao sa evacuation center. d.Kongklusyon
e.katotohanan

_______3. Malaking pinsala sa mga ari-arian ang idinulot ng mga bagyo at


pagbaha.

_______4. Ang Pamahalaang Duterte ay matapat na nagpapatupad ng mabisang


programa para mapigil ang problemang pangkalikasan.

Aralin 3: Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong isyu

Nililinang nito ang ating mga pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip.
Narito ang iilan:

1. Paggamit ng malinaw at makabuluhan na kaalaman tungkol sa mahahalagang kaganapan na


nakaiimpluwensya sa mga tao, pamayanan, bansa at mundo.

2. Pagsusuri at pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari

3. paggamit ng mga kagamitang teknolohikal at iba’t ibang sanggunian para makakalap ng mga
impormasyon

4. paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuri ng kwantitatibong datos tungkol sa mga


pangyayari sa lipunan

5. Pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian at pagsasaliksik

6. Mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, mabisang komunikasyon, pagkamalikhain, at


pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw

7. malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga


pandaigdigan suliranin

8. paggalang sa iba’t ibang paniniwala, pananaw, o punto de bista kahit ito ay naiiba o salungat sa
sariling paniniwala o pananaw

9. Pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng mga tao sa kanilang kultura, paniniwala at paggalang sa


kanilang dignidad, at karapatang pantao

10. Pag-iingat sa sariling kagustuhan at pagsasaalang-alang sa kagustuhan ng iba

Nililinang tayo bilang mabuting mamamayan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu

1. kaalaman sa sariling mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan upang makalahok sa mga
makabuluhang Gawain para sa ikabubuti ng pamumuhay ng pamayanan, bansa at daigdig.

Page | 37
2. Pag-unawa at paggalang sa mga batas at alituntunin upang maitaguyod ang pagkakaisa, pag-unlad,
at pagkakaroon ng kapayapaan sa ating bansa at sa buong daigdig.

3. Pang-unawa sa iba’t ibang aspekto ng mga suliranin at isyu ng lipunan: heograpiya, ekonomiya,
kultura, pamamahalan, at pansibiko gamit ang mga kasanayang nilinang sa pag-aaral ng iba’t ibang
disiplina.

4. Pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos bilang isang bansa at pagtugon sa mga pambansa at


pandaigdigang suliranin

5. masidhing damdaming makabayan, makatao, makakalikasan at makasandaigdigan na mag-uudyok


upang maging produktibo at makatulong sa paglutas ng mga suliranin sa kasalukuyan at pagpapanday
ng maunlad at mapayapang pamayanan, bansa at mundo.

6.Aktibong pagganap sa mga Gawain at tungkuling dapat gampanan sa tahanan, paaralan, at


pamayanan.

Gawain 6: Buuin ang Graphic organizer na nasa ibaba.

Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu

Mga Sanggunian Uri ng Pahayag Mga Benepisyo/ kahalagahan

V. Pagpapalawak ng Konsepto

Gawain 7: Basahin ang bawat pangyayari. Lagyan ng Tsek (/) kung maituturing itong
kontemporaryong isyu. Lagyan ng ekis (x) kung hindi.

____1. Pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ____11. Korupsiyon sa pamahalaan Plipinas


____2. Pagbabago ng klima sa buong mundo ____12. Prostitusyon
____3. Katiwalian sa pamahalaan ____ 13. Pandaraya sa pamilihan
____4. Suliranin ng isang mag-anak ____14. Paglaganap ng sakit
____5. Pagtatapos sa pag-aaral ng isang bata ____15. Pag-kidnap sa mga dayuhan
____6. Pagkakalbo ng kagubatan ____16. Pagtanggal sa mga tiwaling kawani
____7, Pagkatuklas ng Taong labon ____17. Pagbabayad ng malaking buwis
____8. Pagiging isang arkipelago ng Pilipinas ____18. Paggamit ng pondo ng pamahalaan

____9. Pagdami ng mga Overseas Filipino Workers ____19. Paglaki ng populasyon


____10. Kahirapan ng maraming Pilipino ____ 20. Pagkasira ng mga likas na yaman

VI. INTEGRATION/ Pag-uugnay

Gawain 8.1: Panlipunang oryentasyon

1. Anong kontemporaryong isyu ang kasalukuyang naganap sa ating bansa? Ano ang iyong
magagawa o tungkulin bilang isang mamamayan sa paglutas sa isyung kinakaharap natin?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________

Page | 38
Gawain 8.2: Leksyon sa Ibayong Disiplina

Ayon sa English na asignatura, gaano kahalaga ang komunikasyon sa bawat isa?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
___________________________________________________

Gawain 8.3: Biblikal na pahayag

[Filipos 4:6]
‘Kaya huwag kayong mabalisa; sa halip, ipakita ninyo sa Diyos ang lahat ninyong mga hinihingi sa
panalangin at dasal na taglay ang pagpapasalamat.’

1. Ano ang nais ipahiwatig ng ating Poong Maykapal kung tayo ay may suliranin o biyaya na
natanggap ayon sa talata ng bibliya?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________________________________________

2. Ano ang dapat taglayin ng bawat isa kung may suliranin na kinakaharap bilang
isang responsableng Marian? Ipaliwanag.

a. Ignacian Core Value-

Page | 39
____________________________________________________
b. Related Value
____________________________________________________

V. PAGTATAYA/QUIZ:

Humanap ng isang kontemporaryong nagaganap sa iyong pamayanan o pangyayaring iyong


nabalitaan sa mga Pahayagan, peryodiko o sa internet. Gamitin ang graphic organizer sa paglalahad ng iyong
pag-aaral tungkol dito.

Isyu:
Ano ang nabuo mong pananaw tungkol
dito? Isulat ang nabuong pananaw sa ibaba.

Primarya Sekundarya _________________________________________


_________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

VI. Paglalagom/Aksyon

Sa panahon natin ngayon, tayo ay nakaranas ng pandemya na tinatawag na COVID-19. Bilang isang
responsableng mamamayan paano ka makatutulong sa ating pamayanan at bansa?

1.

2.

3.

4.

VII. Makabuluhang Takdang Aralin

Ipaliwanag ang mensahe ng graphic organizer sa ibaba.

Kaalaman sa Pagiging Responsableng


Kontemporaryong Isyu Mamamayan

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________

Closing Prayer
Page | 40
In the Name of the Father,
and of the Son,
and of the Holy Spirit.
Amen.

We are so grateful for all the things we have learnt today.


Thank you Lord that you have been with us throughout this lesson
And that you are with us right now.
As we go on our way, we hope that you will continue to guide us and help us to be a better student.

Venerable Ignacia Del Espiritu Santo, Pray for Us.

In the Name of the Father,


and of the Son,
and of the Holy Spirit. Amen.

Lubos kitang binabati dahil napagtagumpayan mo ang lahat ng mga


gawaing naihanda at naipamalas mo lahat ng mga kakayahang inaasahan
mula sa isang mag-aaral na kagaya mo.

Mga Sanggunian:

Antonio, Eleanor D. et. al (2017). (Kayamanan) Mga Kontemporaryong Isyu.Batayan at

Sanayang aklat sa Araling Panlipunan (03-SS-00154-0). Rex bookstore.

https://peac.org.ph/learning-module-repository/

https://www.depedtambayanph.org/2020/05/most-essential-learning-competencies.html

Page | 41

You might also like