You are on page 1of 2

ST. MARY’S COLLEGE OF BANSALAN, INC.

Formerly: Holy Cross of Bansalan College, Inc.


Dahlia St., Poblacion Uno
Bansalan Davao del Sur, 8005 Philippines
Telefax, No.: (082) 553-9246, (082) 272-1797
IKATLONG BUWANANG PAGSUSULIT
Filipino-6
Name:
_________________________________________Baitang/Pangkat:____________________
Guro: G. Remond A. Calamba Petsa:____________________________ Iskor____________

I. Identipikasyon

Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay o pariralang pang-abay na may
salungguhit ay pang-abay na pamaraan, PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL kung
ito ay pang-abay na panlunan.

1.______ Sina Samuel at Sofia ay nakatanggap ng imbistasyon mula kay Jessica kahapon.
2.______ Ipagdiriwang ang kaarawan ni Jessica sa darating na Sabado.
3.______ Pagkatapos nilang magpaalam sa kanilang magulang, agad nilang tinawagan si
Jessica.
4.______ Malugod na tinanggap nila ang imbitasyon ni Jessica.
5.______ Pinag-isipan nang mabuti ng magkapatid kung ano ang ibibigay nilang regalo.
6.______ Naalala nila na mahusay magguhit si Jessica.
7.______ “Madalas din siyang nagbabasa,” banggit ni Sofia.
8.______ “Oo nga. Maraming beses ko siyang nakita sa loob ng silid-aklatan,” dagdag ni
Samuel.
9.______ “Pumunta tayo sa book store sa makalawa para makabili tayo ng regalo,” mungkahi
ni Sofia.
10._____ Nagising nang maaga ang magkapatid na sina Samuel at Sofia.
11._____ Dadalo sila sa pagdiriwang ng kaarawan ni Jessica mamayang hapon.
12._____ Gaganapin ang pagdiriwang sa Jollibee.
13._____ Maayos na binalot ng magkapatid ang kanilang regalo.
14._____ Inihanda nila ang kanilang mga kasuotan bago sila naligo.
15._____ Hinihintay sila ni Mang Rudy sa tabi ng van.

Test- II Pagpili ng pang-abay na panlunan


Panuto: Isulat sa patlang ang pang-abay na panlunan na bubuo sa pangungusap. Pumili ng
sagot sa loob ng kahon.

sa loob ng garahe sa tindahan sa hardin sa ilalim ng kama sa palengke


sa tabi ng dagat sa sala sa kabukiran sa bangko sa kalsada sa ibabaw ng mesa
sa kusina sa Malaca˜nang sa labas ng gate sa ospital

16. Ang magsasaka ay nakatira_________________ .


17. Ang mga mangingisda________________ ay nagpapahinga.
18. ________________ka makakabili ng mga sariwang gulay.
19. Nagdidilig ng mga halaman_______________ si Ate Carla.
20. Ang kotse ay nakaparada___________________ .
21. Nanonood ng telebisyon_________________ ang mga bata.

BED: Ikatlong Buwanang Pagsusulit sa Filipino 6 Q-2 S.Y 2022-2023 Page 1 of 2


22. Dinala________________ si Lolo dahil may sakit siya.
23. Nagluluto ng merienda si Nanay________________ .
24. ___________________ natutulog ang pusa.
25. Pupunta si Tatay_________________ para magdeposito ng pera.
26. Bumili ka ng pancit canton_____________________ .
27. Maraming sasakyan__________________ tuwing umaga.
28. Si Kuya ang susundo sa akin at naghihintay siya________________ .
29. Ang pangulo ng Pilipinas ay nakatira___________________ .
30. Iniwan ko__________________ ang mga aklat mo.

Test-III 31-45
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap tukuyin ang mga salitang may salungguhit
kung ito ay pang-abay na pamanahon, panlunan o pamaraan uriin ang mga ito sa pamamagitan ng
pagsulat ng mga salita sa bawat hanay.
 Masipag na nagwawalis sa bakuran si tatay tuwing umaga.
 Ang mga bata ay masayang naglalaro.
 Magandang pagmasdan ang mga pinta mo.
 Tahimik na kumain sa restawran ang pamilya ko.
 Ang mga guro ay gumagawa ng materyales ng buong puso.
 Sa parke kami nagkikita ng aking mga kaibigan.
 Dahil sa pandemya, simula umaga hanggang gabi ay nasa bahay lang kami.
 Sa hapon kami nagsisimba.
 Taimtim na nagdarasal ang mga tao.
 Palaging umaawit iyan kapag naliligo sa ilog.

Pamaraan Pamanahon Panlunan

BED: Ikatlong Buwanang Pagsusulit sa Filipino 6 Q-2 S.Y 2022-2023 Page 2 of 2

You might also like