You are on page 1of 7

ST. MARY’S COLLEGE OF BANSALAN, INC.

Formerly: Holy Cross of Bansalan College, Inc.

Dahlia St., Bansalan, Davao del Sur
AY: 2020-2021
Filipino 3

Name:______________________________________Week 3-4 Date:_________

Lesson 2:Isang Panayam at Sino ang Mahalaga? Section:________________ Quarter: First
Objectives:
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento; usapan; teksto/ balita/ tula
 Nababasa ang mga salitang may tatlong pantig pataas; klaster; salitang iisa ang
baybay ngunit magkaiba ang bigkas; salitang hiram
 Pahalagahan ang at seryosuhin ang balita na natatanggap
I. Preliminaries

Activity 1:
 Ngayon, handa na ba kayong maglaro?
 Ang tawag sa ating laro ay “dugtuungan.”
 Bubuo kayo ng dalawang pangkat at pwedeng samahin ang magulang o kapatid.
 Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng isang pag-uulat tungkol sa nangyayari,
nakikita, o nararanasan sa ating kapaligiran o kalikasan.
 Mauunang mag-uulat sa isa o dalawang pangungusap ang lider ng pangkat.
Susundan ito o durugtungan ng mga kasamahan sa pangkat na nasa kanyang
kaliwa hanggang sa lahat ng membro na nasa bilog ay makapag- ulat at
makapagbigay ng mahalagang impormasyon.
 Narito ang rubric na magiging pamantayan ninyo sa paggawa ng pag- uulat.
Rubric sa Pag- uulat Puntos
1. Malnaw ang pagbibigay ng ulat 5
2. Magkakaugnay ang mga pahayag na 5
naayon sa paksa
3. May mahalahagang impormasyong 5
inilahad

II. Lesson Development

 Ang panayam ay tuwirang pagtatanong sa isang
tao o pangkat na may malawak na kaalaman
tungkol sa paksang pinag-usapan bilang
karagdagang kaalaman.
Activity 2: Isaayos ang mga titik na nasa pangalawang gitna upang makabuo ng salitang
kasingkahulugan ng ibinigay na salita. Isulat sa linya ang nabuong salita. Ibinigay na ang
una at huling titik para maging gabay mo.
1. ulat abtlIa b ______________________ a
2. buhawi opioip i _______________________o
3. permiso huapIntlot p ______________________t
4. isinisulong i n t a u g t I y o d a i ____________________d

1|Page
5. nagmamasid iuntmiting t ____________________n
Activity 3: Magbigay ng mga paraan ng pangangalaga sa mga likas na yaman. Isulat ang
mga ito sa puno.

 Klaster- ay mga salitang binubuo ng dalawang katinig na magkasunod sa isang pantig

tulad ng tr, pr, at kl.

HALIMBAWA:

Activity 4: Iguhit sa linya ang pangalan na ibigay sa bawat bilang at bilugan ang klaster sa
loob ng salita.

1. Trumpo _____________________________

2. Plato ___________________________________

3. Gripo __________________________________

2|Page
4. Braso __________________________________

5. Krayola__________________________________

 Maikling Kwento- ay isang pampanitikang kathang nagtataglay ng mga elementong

tulad ng tauhan, tagpuan, banghay, at iba pang uri ng pangyayari.
“Ang Bahaghari”
Sa simula pa lamang, mayroon ng pitong kulay dito sa mundo. Sila ay sina Pula, Kahel,
Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo at Lila.

Inatasan sila ni Bathala na magbigay ng kulay dito sa mundo ngunit sa hindi inaasahang
pagkakataon, hindi silamagkasundo-sundo. Sinabi ni Bathala, na magtulong-tulong at
magbigayan sa lahat ng oras sa isa't-isa ngunit hindi nila ito ginagawa. Patuloy silang hindi
nagkakasundo sa iba't ibang bagay. Palagi silang nagkakaroon ng kumpitensya sa isa't-isa
lalo na sa oras ng kanilang trabaho. Sabi ni Luntian, "Ako ang pinakamaraming nagawa dito
kaya nararapat lamang na ako ang mabigyan ni Bathala ng gantimpala." Ngunit sumagot si
Bughaw, "Anong sinasabi mo dyan na ikaw ang maraming nagawa? Hindi hamak na mas
marami ang ambag ko kaysa iyo. Tingnan mo na lamang ang karagatan at ang kalangitan, at
iyong makikita ang aking pinaghirapan kung kaya ako ang nararapat na mabigyan na sinasabi
mong gantimpala." Ngunit hindi pa natapos ang alitan, bagkus ay lalo pa itong lumala dahil
nakisali sa usapan ang iba pang mga kulay. Nagpapagalingan sila ng nagpapagalingan.
Pasikatan ng pasikatan at walang nagpapatalo. Gusto nilang lahat na mabigyan ng
gantimpala, kaya lalong tumindi ang kanilang kumpitensya. Nagkagulo sila dahil sa kanilang
pagtatalo.

Narinig ni Bathala ang nangyayari, ang pagtatalo ng mga kulay. Dahil dito, nagalit si Bathala.
Pinarusahan sila nito. Sinabi niya, "dahil hindi kayo magkasundo, paparusahan ko kayo ng
ayon sa inyong kagustuhan.Dahil palagi kayong magkakakumpitensya, gusto kong malaman
ninyo ang kahalagahan ng kooperasyon sa isa't-isa. Ang kahalagahan ng bawat isa sa inyo.
Mula ngayon hanggang sa habang buhay. Gagawin ko kayong isa upang nang sa gayon ay
maramdaman ninyo ang inyong kahalagahan at kagandahan ng bawat isa sa inyo."

Kung kaya, pinagsama ni Bathala ang pitong kulay. Pinagdikit dikit niya ang mga ito. At
dahil sa sobrang nagalit si Bathala kung kaya siya ay nahabag sa pagiyak. At nagtago ang
mga kulay sa takot kay Bathala. Lumabas na lamang sila pagkatapos umiyak ni Bathala.
Ngunit laking gulat nila nang sila'y lumabas ay dikit-dikit na sila. Hindi na nila
mapaghiwalay ang kanilang mga sarili kahit anong pilit nila. At nalaman nila na mula sa pito,
sila'y naging isa.

Sa pangyayaring iyon, sinasabing si Bathala na kanilang hari ay nahabag. Kung kaya ngayon,
ang habag na hari na pinagmulan ng mga ito ay sa paglaoy naging bahaghari.Ang pitong
kulay ay tinawag na bahaghari. Mapupuna natin ngayon na ang bahaghari ay lumalabas na
lamang pagkatapos ng ulan na nangangahulugang pagiyak ni Bathala. At makikita natin dito
ang pitong kulay na naging isa na hanggang sa ngayon ay tinatatawag nating BAHAGHARI.

Activity 5: Kulayan ito upang maging kaakit- akit.

3|Page
 Mahalagang maunawaan ang tekstong binabasa. Isang patunay ng pag-unawaan rito ay
kung nasasagot ang mga tanong na sino, alin, at kalian.
 Diptonggo- ay ang pinagsamang tunog ng patinig na a,e,i,o,u at katinig na w o y , tulad
ng aw, iw, ay, at oy.

Halimbawa:

Activity 10: Lagyan ng tsek (_/) ang salitang may diptonggo sa bawat hanay. at

1. baboy daga pusa kambing

2. iyak sigaw takot saya
3. himig sariwa bilasa hilaw
4. kalabasa okra sitaw luya
5. ulan simoy hangin bituin
6. daloy takbo agos lakad
7. kasama inis galit hiwalay
8. langhap ilong amoy mabaho
9. puso buhay busilak dibdib
10. langaw lamok ipis butiki

III. Integration

A. Bakit mahalaga ang balita?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

B. Ano ang mangyayari sa ating lahat kapag wala ang mga tagapag balita lalo na sa panahon
ngayon?

4|Page
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

C. Dapat ba nating paniwalaan agad ang balita kahit walang ebidensya? Bakit?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

D. Sa basahing ito na makikita sa Mateo 6, paano mo maihahalintulad ang mensahing ito sa

iyong sarili?

Mateo 6 “Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao ang pagtupad ninyo sa inyong mga tungkulin sa Diyos.
Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa
langit.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

IV. Evaluation:

Name:_______________________________ Score: ____/30

Test I: Magbigay ng mga salitang nagtataglay ng ibinigay na mga diptonggo. Gamitin ang
mga salita sa pangungusap.

ay

1.__________________ ________________________________________________

________________________________________________

2.__________________ ________________________________________________

________________________________________________

oy

1._________________ ________________________________________________

________________________________________________

2. _________________ ________________________________________________

________________________________________________

5|Page
aw

1._________________ ________________________________________________

________________________________________________

2._________________ ________________________________________________

________________________________________________

iw

Test II. Gumugit ng limang bagay na ang mga pangalan ay may klaster. Isulat ang
pangalan nito sa ilalim ng bawat larawan. (10pts.)

Summary/Action:

Bumuo ng islogan tungkol sa kahalagan ng pagtutulungan at pag- uunawaan. Kulayan ito

pagkatapos.

6|Page
Reference:

Pintig ng Lahing Pilipino Ikalawang Edisyon 3 (SIBS Publishing House)

Mga May- akda
Conception D. Javier, PhD
Jovita C. Jose
Servillano T. Marquez Jr., PhD

7|Page

You might also like