You are on page 1of 2

ST. MARY’S COLLEGE OF BANSALAN, INC.

Formerly: Holy Cross of Bansalan College, Inc.


Dahlia St., Poblacion Uno, Bansalan, Davao Del Sur
S.Y. 2022-2023
PRIN-LP-003

LEARNING PLAN
FILIPINO 7

UNIT TOPIC: Akdang Pampanitikan ng Mindanao Day: 2

TRANSFER GOAL:
Sa kalaunan ang mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay malayang magagamit ang
natutuhan sa pag-aaral ng mga akdang nagmula sa Mindanao sa pamamagitan ng pagbuo ng
makatotohanang proyektong panturismo bilang isang paraan kung paano natin napapanatili ang
kagandahan ng ating kapaligiran na siyang nilikha ng Diyos.

ESSENTIAL UNDERSTANDING :
Ang mga mag-aaral ay nakauunawa ng mga akdang pampanitikan ng Mindanao na
sumasalamin sa paniniwala, kultura, tradisyon bilang pagkakakilanlan at pagpapahalaga ng
mga Pilipino sa kulturang kinabibilangan nito.

ESSENTIAL QUESTIONS:
1. Bakit kailangan alamin ang mga akdang pampanitikang sumasalamin sa mayamang
kultura ng Mindanao?
2. Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa mga tradisyon, paniniwala o kultura ng iyong
lugar na kinalakihan?
I. Preliminaries
 Greetings
 COPAH (Cleanliness, Orderliness, Prayer, Attendance and Health)

Review: Ano ang tinalakay natin kahapon/noong nakaraang araw?


Motivation: Pagbabasa ng Balita
APK: Kailan mo masasabi na ang balitang narinig o nabasa ay totoo o hindi?
Focus: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
II. Lesson Development

Mga Layunin:
 Nakikilala kung ang pahayag ay nagbibigay patunay o hindi
 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay
 Pahalagahan ang pakikinig at pagbabasa ng mga balita upang tayo ay magkaroon ng
kaalaman at handa palagi

A. Presentation of Concepts
 Magbabasa ng balita at sagutin ang mga sumusunod na tanong pagkatapos isagawa
ang pangkatang gawain kung saan may iba’t ibang gagawin ang bawat grupo base sa
kanilang mabubunot o mapipili. /2
 Ipoproseso ng guro ang mga ginawa ng bawat pangkat sa pamamagitan ng mga tanong
at paglalahad ng karagdagang inpormasyon.

| Filipino 7; Quarter 1; Day 2


B. Broadening of Concepts
1. Ano-ano ang mga pahayag na nagbibigay patunay na iyong nabasa o narinig ay
totoo o hindi?
2. Bakit kailangan natin malaman kung ang pahayag ay totoo o hindi?
3. Paano maiiwasan na maloko at magbigay ng maling impormasyon?
4. Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa mga tradisyon, paniniwala o kultura ng
iyong lugar na kinalakihan?

C. Integration
A. ICV: Excellence Related Value: Integrity
 Sa pagbabahagi ng impormasyon sa ibang tao, ano ang kailangan nating isa
alang-alang upang matiyak na ito ay totoo at kapani-paniwala?
B. Social Orientation: Fake News
 Ano ang iyong maipapayo sa mga taong nagkakalat ng fake news?
C. Lesson Across Discipline: English
 Anong kasanayan ang kailangan linangin sa paghahatid ng balita?
D. Biblical Passage:
Genesis 2:15 “Ginawa ng Diyos ang tao at inilagay sa harden ng Eden bilang
tagabantay at tagapangalaga nito.”
 Sa paanong paraan mo maipahiwatig ang mga salita ng Diyos?
D. Evaluation / Assessment:

A. Panuto: Basahin ang maikling teksto tungkol sa isa pang lugar sa Mindanao, ang Lanao del
Sur sa pahina 23-24. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong gamit ang mga pahayag na
nagpapatunay.
Mga tanong:
1. Batay sa binasa, ano-ano ang magpapatunay na mahalaga ang Lawa ng Lanao sa
buhay ng mga Meranao?
2. Anong ebidensiya mula sa binasa ang magpapatunay na malikhain at may katutubong
sining ang mga Meranao?
3. Ano-ano ang mga patunay na maganda ang uri ng klimang umiiral sa Lanao del Sur?
A. Makinig o magbasa ng balita pagkatapos isulat ang iyong opinyon ukol dito kung sumang-
ayon o sumasalungat ka ba. Gumamit ka ng mga salita o pahayag na magbibigay-patunay
sa panig na iyong pinaniniwalaan.
E. Summary / Action

Kailan mo masasabi na ang iyong narinig o nabasa ay totoo o hindi? Paano ka makakatulong
sa pagbabahagi ng tamang inpormasyon o balita sa iba?
References:
Ailene G. Baisa-Julian Pinagyamang Pluma 7 (Ikatlong Edisyon)
para sa hayskul. Phoneix Publishing House, Inc
Instructional Materials:
Manila paper, mga larawan, strips, chalk at eraser, laptop, TV
Inihanda ni: Iniwasto ni:

RIO EDEN A. CUMALING S. MA. LOURDES B. CAO, RVM


Guro sa Filipino 7 Principal /2

| Filipino 7; Quarter 1; Day 2

You might also like