You are on page 1of 33

8 Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 2:
Pagbibigay Kahulugan sa Talinghaga
at Eupimistikong Pahayag

May-akda: Jenevie T. Alcazar


Galcoso C. Alburo

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo ng tatlong aralin:
 Aralin 1 – Pagbibigay Kahulugan sa Talinghaga
 Aralin 2-- Pagbibigay Kahulugan sa Eupimistiko sa Tula
 Aralin 3-- Pagbibigay Kahulugan sa Talinghaga at Eupimistiko
sa Iba’t ibang Akdang Pampanitikan

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:
A. nakikilala ang mga talinghaga at mga uri nito;
B. nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga;
C. nakikilala ang mga eupimistiko o masining na pahayag;
D. nabibigyang kahulugan ang mga eupimistiko o masining na pahayag
sa tula;
E. nakikilala ang balagtasan at epiko;
F. nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga at eupimistikong ginamit
sa balagtasan at epiko (kasing kahulugan at kasalungat); at
G. nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga at eupimistikong ginamit
sa alamat at epiko (kasing kahulugan at kasalungat).

Subukin
Bago ka magpatuloy, alamin kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa
araling ito.
A. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang
matalinghagang pahayag na makikita sa bawat pangungusap.
1. Si Anna ay maagang umuwi upang magsunog ng kilay dahil nalalapit na ang
kanilang pagsusulit.
2. Dahil sa aking pagkabalat-sibuyas, ako ay labis na umiiyak tuwing
napapagalitan ako ng aking ina.
3. Kahit bunyag na ang katotohanan pilit pa ring naglulubid ng buhangin si
Jay.
4. Tila ba suntok sa buwan ang pangarap ng ilang Pilipino na makaahon sa
hirap dahil sa epidemya.
5. Halos tatlong buwan naring nagbibilang ng poste ang karamihan sa mga
Pilipino mula nang magkaroon ng epidemya sa bansa.
6. Sumisigaw ang puso ko sa tuwa sa tuwing nakikita ka.
7. Mag-asawang sampal ang dumapo sa aking mukha nang malaman niyang
nagsinungaling ako sa kaniya.
8. Kidlat sa bilis na kinuha ni Mario ang mga supot sa mesa.

1
B. Ibigay ang kahulugan ng bawat matalinghagang pahayag na
iyong sinalungguhitan sa itaas.
1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________
6. ____________________________________________________________________
7. ____________________________________________________________________
8. ____________________________________________________________________

Aralin
Pagbibigay Kahulugan
1 sa Talinghaga

Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagbibigay ng kahulugan sa mga


talinghaga. Malilinang ito kung matapat mong maisasagawa ang mga gawain.

Balikan

Magbalik-aral tungkol sa mahahalagang kaisipang nakapaloob sa


karunungang-bayan. Isulat sa patlang ang mahalagang kaisipang nakapaloob
bawat sa karunungang-bayan.

1. Pili nang pili sa bungi nauwi.


_______________________________________________________________________
2. Ang bayaning nasusugatan nag-iibayo ang tapang.
_______________________________________________________________________
3. Ang pag-aasawa’y hindi biro hindi pagkaing mailuluwa kung mapaso.
_______________________________________________________________________
4. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.
_______________________________________________________________________
5. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay ‘di makararating sa
paroroonan.
_______________________________________________________________________

2
Tuklasin
A. Panimula

Pag-aralan ang larawan. Ano ang masasabi mo sa eksena at sa diayologo sa


ibaba? Isulat ang iyong obserbasyon.

Lalaki: (Pakanta) O, buwan sa liwanag mo, kami’y nagsumpaan


ng irog ko. Giliw ko ang sabi niya, ang puso ko’y iyong-iyo. O
buwan paki-usap ko saan man naroon ang irog ko. Siya’y aking
hinihintay sabihin mo.
Babae: Wow! May ganito pa pala sa panahon ngayon. Pero in
fairness, kilig to the bones ako. Kung ako ‘yung babae, mananaba
ang puso ko.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3
B. Pagbasa

Basahin ang talata at pagkaraan ay sagutin ang mga tanong. Isulat sa


hiwalay na papel ang iyong mga sagot.

Panibagong Kalbaryo ni Juan Dela Cruz


ni Jenevie T. Alcaraz

Tadtad na ng suliranin ang bansa. Ngayon naman ay binisita ito ng


panibagong kalbaryo, ang suliranin na sanhi ng sakit na Covid-19. Isang sakit na
sanhi ng Corona Virus na umano’y nagmula sa bansang Tsina noong taong 2019.
Ang sakit na ito ay naging ganap na pandaigdigang pandemya. Isang salot na
sumisira sa buhay ng sangkatauhan kabilang ang Pilipinas. Maraming Pilipino ang
nag-aagaw-buhay at marami ding sumakabilang-buhay. Ngunit sa kabila nito,
marami parin ang mga nadugtungan ang buhay. Kung noon ang mga tao sa
paligid ay hindi mahulugang karayom ngayon ay wala ka nang halos makikita sa
daan na gumagala dahil sa pandemyang ito. Marami na ngayon ang Juan na
nagbibilang ng poste dahil sa walang magawa sanhi ng lockdown at pagsara ng
ilang kumpanya. Kumukulo n ang tiyan ng marami dahil sa walang makain.
Magkaganun pa man, may mga tao pa rin na bukas ang palad para sa kanilang
kapwa. Bukal sa loob nila ang tumulong sa mga nangangailan. Nakangiti pa rin
ang nakararami sa gitna ng mga problema. Pilit na bumabangon sa tila madilim
na kulungan na pilit lumalamon sa katiting na kaligayahan. Ganiyan tayong
mga Pilipino, malakas ang loob, itaga mo sa bato, babangon tayo sa krisis na ito.

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Tungkol saan ang binasang talata?


2. Anong suliranin ang kinakaharap ng mga Pilipino?
3. Paano inilarawan ang mga Pilipino sa talata?
4. Ano ang napansin mo sa mga salitang nakadiin sa talata?
5. Ang mga nakadiin bang salita ay nakatulong para maging maganda ang
talata? Bakit?

4
Suriin

Ang talinghaga ay lipon ng mga salita o pahayag na may malalim na


kahulugang ipinahahayag o higit sa literal na kahulugan. Ayon kina Noceda at
de Sanlucar, ang kasing kahulugan ng talinghaga ay “tayutay” at ito ay
nangangahulugan ng “misteryo/metapora.” Batay sa pagsusuri ng may-akda sa
ilang mga sanaysay at malikhaing akda, hindi nagkakalayo ang paggamit ng
tayutay, idyomatikong pahayag at mga simbolo. Sa aklat ni Evasco, binaggit din
niya na ang simbolo ay bahagi ng tayutay o matalinghagang pahayag. Kaya
naman, sa araling ito ay hahagipin ang dalawang ito: tayutay, at idyomatikong
pahayag bilang bahagi o uri ng talinghaga dahil ang mga ito ay kapwa
nagpapahayag ng kahulugang di-literal bagamat may pagkakaiba.
A. Ang tayutay o figures of speech ay uri ng pagpapahayag na mas
malalim na kahulugan kaysa literal na kahulugan. Ang ilan sa mga uri ng
tayutay ay ang mga sumusunod: Simile, Metapora, Simbolo, personipikasyon,
Hayperbole, Ironya, Apostrope o Pagtawag at iba pa.
 Simile o Pagwawangis- ay tahasang pagtutulad ng dalawang bagay na
gumagamit ng mga salitang kagaya, katulad, parang o kapara at iba pa.
Halimbawa: “Ganda mo’y parang namumukadkad na bulaklak sa hardin.”
 Metapor-ay di tahasang pagtutulad ng dalawang bagay. Hindi ito
gumagamit ng mga salitang katulad, kapara, parang at iba pa. Halimbawa:
“Kung pag-ibig mo’y ulan, ang aking mundo sa tubig ay lulutang.”
 Personipikasyon- ibinibigay ang katangian ng tao sa mga bagay na may
buhay o walang buhay. Halimbawa: “Mag-asawang sampal ang dumapo sa
aking mukha dahil sa tindi ng kaniyang galit.”
 Ironya o Pang-uyam/Parikala- nagpapahayag ito ng salungat sa inaasahan
at nagreresulta sa himig ng pangungutya. Halimbawa: (Pang-uyam)
Napakaganda ng iyong boses, tila yerong pinupunit sa madaling araw.”
Halimbawa: (Parikala) Nilikha ng mga mason at construction workers ang
pinakmatayog na gusali sa Makati. Pagkatapos kinisin at pagandahin, ni
minsan di makaapak at ayaw papasukin ng guwardiya sa nasabing
building.”
 Hayperbole o Pagmamalabis- pagsasabi sa parang labis o lagpas sa
katotohanan upang ipahayag ang tunay na kalagayan. Halimbawa: “Namuti
na ang mata ko sa kahihintay. Lumuwa ang mgata ko sa aking nakita.
Bumaha ng dugo sa talyer. Napudpod na ang aking mga daliri sa kadadayal
ng telepono.”

5
 Apostrope o Pagtawag- ito ay pakikipag-usap sa isang tao o bagay na wala
sa harapan. Kinakausap ang isang bagay na walang buhay na tila may
buhay. Halimbawa: “O, buwan sa liwanag mo. Kami’y nagsumpaan ng irog
ko. Giliw ko ang sabi n’ya ang puso ko’y iyong-iyo. O Buwa pakiusap ko,
saan man naroon ang irog ko. Siya’y aking hinihintay sabihin mo.”
 Simbolo- tumutukoy ito sa anomang bagay, pangyayari, tao, lugar,
kalagayan at iba pa, na may panibagong abstraktong bagay na
ipinahihiwatig. Halimbawa: “Si Aling Maring ang ilaw ng tahanan ng
pamilyang Angeles.” “Itinaaas na ni kumander ang puting bandila.”
B. Ang idyoma ay mga pahayag na maaaring salita, parirala at
pangungusap na may mas malalim na kahulugan kaysa literal. Mas madalas
itong gamitin kumpara sa tayutay dahil ang mga idyoma ay naging bahagi na
ng ekpresyon sa pang-araw-araw. Mga halimbawa ng idyoma: halang ang
bituka, naglulibid ng buhangin, butas ang bulsa, di mahulugang karayum,
parang pinagbiyak na bunga, buto’t balat, may gintong pilak sa bibig, nagdilang
angel at marami pang iba.

Pagyamanin

Sa bahaging ito ay palawakin mo ang iyong kakayahan sa pagtukoy at


pagbibigay ng kahulugan sa mga talinghaga. Isagawa ang sumusunod:

A. Balikan ang talata sa bahaging “Pagbasa” sa itaas. Sipiin ang mga


salitang nakalimbag. Sagutin ang mga tanong. Iisulat sa hiwalay na papel ang
iyong mga sagot.
Mga Tanong:
1. Alin sa matatalinghagang salita o pahayag sa akda ang halimbawa ng
tayutay?
2. Ano-ano ang kahulugan ng bawat tayutay sa akda?
3. Alin sa matatalinghagang salita o pahayag sa akda ang halimbawa ng
idyoma?
4. Ano-ano ang kahulugan ng bawat idyoma sa akda?

6
B. Puntahan ang link na ito
https://www.wikakids.com/filipino/alamat/ang-pinagmulan-ng-marinduque/
upang basahin ang akdang “Ang Pinagmulan ng Marinduque” ng wikakids,
pagkaraan ay sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa hiwalay na
papel.

Mga Tanong:
1. Ano ang mensahe na nais iparating ng akda?
2. Ano-ano ang mga matalinghagang salita o pahayag ang nakita mo
sa akdang binasa (Magbigay ng 3-5 o mahigit pa)?
3. Ano ang kahulugan ng bawat matalinghagang pahayag na nakita
sa akda?
4. Paano nakatutulong ang paggmit ng matalinghagang pahayag sa
pakikipagtalastasan?

Isaisip
TANDAAN!
Ang talinghaga ay isang
mahalagang sangkap upang
mas mapaganda ang
pagpapahayag pasalita man o
pasulat upang hindi lantad ang
kahulugan nito. Maituturing ito
na isang misteryo.

Ang talinghaga ay lipon ng mga salita o pahayag na may malalim na


kahulugang ipinahahayag o higit sa literal na kahulugan. Ayon kina Noceda at de
Sanlucar, ang kasing kahulugan ng talinghaga ay “tayutay” at ito ay
nangangahulugan ng “misteryo/metapora.”

7
Isagawa
Ilapat mo naman sa tunay na buhay ang iyong mga natutuhan sa aralin.
Pumili ng isa sa sumusunod at gamitin ang pamantayan sa ibaba.

Gumuhit ka ng isang bagay na sumisimbolo sa


napapanahong pangyayari sa Pilipinas sa kasalukuyan.
Ipaliwanag ang ang iyong ginuhit gamit ang
matatalinghagang salita o pahayag. Kuhanan ng bidyo
habang gumuguhit at nagpapaliwanag. Ipadala ito o i-
upload sa ating google classroom/elearning platform.
Ipaliwanag din ang kahulugan ng matatalinghagang
pahayag na ginamit.

Bumuo ka ng isang awit o liriko na nagpapahayag ng


pasasalamat sa mga Frontliner na naglalaman ng mga
matatalinghagang salita o pahayag. Awitin ito habang
kinukuhanan ng bidyo at ipadala o i-upload sa ating
google classroom/elearning platform. Ipaliwanag din ang
kahulugan ng matatalinghagang pahayag na ginamit.

Pumili ka ng isang napapanahong pangyayari sa ating


bansa, isadula o gumawa ng sariling monologo kaugnay
nito. Gumamit ng mga matatalinghagang salita o
pahayag.Kuhaan ito ng bidyo at ipadala/ i-upload sa
ating google classroom/elearning platform. Ipaliwanag
din ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na
ginamit

Mag-ulat ng isang napapanahong pangyayari sa


kasalukuyan sa ating bansa gamit ang matatalinghagang
salita o pahayag. Iulat ito habang kinukuhanan ng bidyo
at ipadala o i-upload sa ating google classroom/elearning
platform. Ipaliwanag din ang kahulugan ng
matatalinghagang pahayag na ginamit.

8
Pagkamalikhain 25
Presentasyon 25
Paggamit ng matalinhagang salita/pahayag at pagpapaliwanag 50
Kabuuan 100

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, panahaon na para sukatin ang
iyong natutuhan tungkol sa pagtukoy at pagbibigay ng kahulugan sa mga
talinghaga. Bilugan ang matalinghagang salita o pahayag na ginamit sa
pangungusap. Isulat sa patlang ang kahulugan nito. Dalawang puntos (2) sa
bawat bilang.
1. Gamundo man ang suliranin ay aking kakayahin basta’t ika’y aking
kapiling. ______________________________________________________________
2. Nagsimula nang humimlay ang aking kaisipan sa mapayapang
kagubatan. ____________________________________________________________
3. Patuloy kong pakakainin ang tatlong bibig kahit sa panahon pa ng
pandemya. _____________________________________________________________
4. Nagsimulang umihip ang malakas na hangin sa apat na sulok ng
daigdig. ________________________________________________________________
5. Huwag na huwag mong sasalingin ang mga batang ipinanganak
na may gintong pilak sa bibig. __________________________________________
6. Kilala ko ang likaw ng iyong bituka kaya huwag kang magmalinis.
________________________________________________________________________
7. Mabilis pa sa alas kuwatro na umalis ang mga salarin.
________________________________________________________________________
8. Sagipin natin ang Inang Kalikasan sa kaniyang pagkasira dala ng
patuloy na lumalalang problema sa polusyon ng mundo.
_______________________________________________________________________

9
Karagdagang Gawain

Lalong palawakin ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng pagsagawa


ng isa sa mga sumusunod. Gamitin ang rubrik sa ibaba.

A. Sumulat ng isang tula tungkol sa kalikasan. Gumamit ng mga


matatalinghagang pahayag. Maglagay ng paliwanag ng kahulugan ng mga
ginamit na matatalinghagang pahayag.

B. Sumulat ng isang liham sa isa sa iyong kapamilya gamit ang


matatalinghagang pahayag. Ipabasa ito nang malakas. Kunin ang kaniyang
reaksyon sa paggamit mo ng matatalinghagang pahayag. Ipaliwanag sa kaniya
ang tunay na kahulugan ng mga talinghagang ginamit mo sa liham.

C. Maghanap ng limang matatalinghagang pahayag. Itanong sa mga


kapamilya/kaibigan mo kung ano ang kahulugan ng bawat matalinghagang
pahayag. Pagkaraan ay sabihin sa kanila ang tunay na kahulugan. Kuhanan ng
bidyo ang nasabing gawain at ipadala sa guro sa Filipino.

Rubrik para sa Gawain:

Naisagawa nang tama ang gawain 20


Paggamit ng matatalinghagang 40
salita/pahayag
Pagpapaliwanag sa kahulugan ng 40
talinghaga
Kabuuan 100

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati


kita! Sige, hanggang sa muli!

Susi ng Pagwawasto

Subukin A:
1. Magsunog ng kilay
2. Pagkabalat-sibuyas
3. Nagbubulid ng buhangin
4. Suntok sa buwan
5. Nagbibilang ng poste
6. Sumisigaw ang puso

10
7. Mag-asawang sampal ang dumapo sa aking mukha
8. Kidlat sa bilis

Subukin B:
1. Mag-aral nang mabuti
2. Sensitibo
3. Nagsisinungaling
4. Malabong mangyari/imposible
5. Walang magawa/trabaho
6. Tuwang-tuwa/malakas ang tibok
7. Dalawang sampal ang tinanggap
8. Napakabilis

Balikan:
1. Sobrang mapili, pangit ang napili
2. Habang nasasaktan, lalong lumalaban
3. Hindi madali ang pag-aasawa
4. Hindi lahat na maganda sa paningin ay talagang maganda
5. Walang silbi ang mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob

Pag-unawa sa Binasa:
1. Suliranin ng mga Pilipino/bansa
2. Epekto ng pandemya
3. Matatag, bumabangon sa gitna ng suliranin
4. Depende sa mag-aaral
5. Depende sa mag-aaral

Tayahin:
1. Gamundo man ang suliranin
2. Humihimlay ang aking kaisipan
3. Pakakainin ang tatlong bibig

11
4. Apat na sulok ng daigdig
5. Ipinanganak na may gintong pilak sa bibig
6. Likaw ng bituka
7. Mabilis pa sa alas kuwatro
8. Sagipin ang Inang Kalikasan

Subukin
Bago ka magpatuloy sa aralin 2, isagawa ang gawaing ito. Lagyan ng
tsek (/) kung eupimistiko o masining na pahayag ang pangungusap at ekis
(X) kung hindi.
_____ 1. Ang baho ng hininga mo.
_____ 2. Huwag kang mamangka sa dalawang ilog.
_____ 3. Sumakabilang bahay ang tatay ko.
_____ 4. Masyadong malikot ang isip mo bata.
_____ 5. Ayokong makisama sa mga taong butangero at butangera
_____ 6. Masyado kang maarte gurl.
_____ 7. Ano? Basta-basta mo na lang ba ibabaon sa limot ang utang mo?
_____ 8. Pigilan mo ‘yang kakatihan ng dila mo.
_____ 9. Masama ang epekto ng masyadong sensitibo.
____10. Namatay na ang kaniyang pinakamamahal na asawa.

Aralin Pagbibigay Kahulugan

2 sa Eupimistiko o Masining
na Pahayag sa Tula

Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagbibigay ng kahulugan sa


eupimistiko o masining na pahayag sa tula. Malilinang ang iyong kakayahan
kung maisasagawa mo ang sumusunod:
A. nakikilala ang mga eupimistiko o masining na pahayag; at
B. nabibigyang kahulugan ang mga eupimistiko o masining na pahayag
sa tula;

12
Balikan
Balik-aralan mo ang tungkol sa matatalinghagang pahayag. Ibigay ang
kahulugan ng mga sumusunod na talinghaga. Isulat sa patlang ang sagot.
1.Nagbibilang ng poste sagot: __________________
2. Nakabingwit ng malaking isda sagot: __________________
3. Itaga mo sa bato sagot: __________________
4. Matamis ang bunga sagot: __________________
5. Hinipang lobo sagot: __________________

Tuklasin
A. Panimula

Pag-aralan ang diyalogo. Ano ang masasabi mo sa diyalogo ng


bawat isa? Isulat sa ibaba ang iyong obserbasyon.

Tao 1: Alam mo ‘iyang kumare mo, ubod ng kati ang dila.


Tao 2: Naku! Sinabi mo pa nakakabuwisit! Bungangera na, tsismosa
pa!
Tao 3: Sige, total kaibigan ko naman siya, sasabihin ko sa kaniya na
bawas-bawasan ang masyadong maraming sinasabi.

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

B. Pagbasa

Basahin ang tula nang may damdamin. Pansinin ang mga ginamit na
pahayag. Sagutin ang mga nakahandang tanong.

13
Ako’y Sa’yo, Ikaw ay Akin
ni G. C. Alburo

1
Matagal nagtitimpi sa ugali mong ipinakita,
Pinabigat pang lalo ng makati mong dila.
Itinapon ang salop nang pasensya ko’y naupos,
‘Wag naman sanang hininga ko’y malagot.
2
Kulang ang tatlong nowtbuk para isulat aking himutok.
Ibabalik ba kita sa nanay mong mahilig mangurot?
O ibaon sa limot gawa mong mabantot?
Makasama ka lamang hanggang ikapitong bundok.
3
Ups! Muntik akong nakalimot, sa buhay mo ako’y asungot.
Pinulot sa tambakan, hinango sa drogang kulungan.
Wagas na inibig, pinaliguan, binihisan.
Niyakap mong buo kadiri kong kalagayan.
4
Amanos lang tayo mahal, kapwa may dalahin,
Pasasaan ba’t masasanay din sa ‘ting tandem.
“Ako’y sa’yo, ikaw ay akin, ganda mo sa paningin,”
Walang sinabi tambalang JK at Maureen.

C. Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang kahulugan ng pamagat?
2. Tungkol saan ang tula?
3. Anong uri ng persona mayroon ang tula?
4. Ipaliwanag ang bawat saknong ng tula?
5. Aling linya sa tula ang bulgar ang pagkakasabi ng mensahe
at gamit ng salita?
6. Aling linya sa tula ang hindi bulgar ang pagkakasabi ng
mensahe at gamit ng salita? Bakit?

14
Suriin

Pagyamanin

Sa bahaging ito ay palalawakin mo ang iyong kaalaman sa pagbibigay ng


kahulugan sa eupimistiko o masining na pagpapahayag sa tula.

A. Humanap ng isang tula. Tukuyin ang mga eupimistikong payag sa


tula at ibigay ang mga kahulugan nito. Isulat sa hiwalay na papel
ang sagot.

B. Basahin ang taludturan sa ibaba. Tukuyin ang eupimistiko o


masining na pahayag at ibigay ang kahulugan. Isulat sa hiwalay na
papel ang sagot.

15
KONSENSYA
ni G.C. Alburo (inspirasyon sa “Tulaan sa Tren”)

Amoy nangangasim ‘di pa man kumakagat ang dilim.


Masarap sanang maligo at tumalon sa tubig,
Nang biglang sumagot ang ilog.
“Bawal magtapon ng basura dito.”

Dali-daling umalis baka magalit si Marikit.


Akmang uupo sa ilalim ng puno kahit saglit,
Nang biglang sumitsit si punong aratiles.
“Bawal ang plastik sa Marikina.”

Pumara ng dyip, sumakay saka pumikit,


Biglang preno ang drayber, nagising bigla.
Bumalandra sa mukha ang karatula.
“God knows Judas not pay.”

Eupimistikong Pahayag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Kahulugan ng eupimistikong pahayag:


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Isaisip

16
Isagawa
Sa puntong ito, ilalapat mo sa tunay na buhay ang iyong mga
natutuhan sa aralin. Isagawa ang gawain sa ibaba. Gumamit ng eupimistiko
o masining na pahayag.

1. Paano mo sasabihin sa iyong kaibigan sa paraang hindi siya


masasaktan, na pinag-uusapan siya ng buong bayan dahil sa
masama niyang pag-uugali? Gumamit ng eupimistikong pahayag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Manood ng isang programa sa telebisyon. Ilista sa ibaba ang mga


eupimistikong pahayag na ginamit.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Ibigay ang bulgar na kahulugan o paraan ng pagpapahayag ng mga


eupimistikong nakuha mula sa isang programa sa telebisyon.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Tayahin
Dahil naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan sa pagtukoy at pagbibigay kahulugan sa eupimistiko o masining
na pahayag.

A. Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap, bilugan


ang eupimistikong pahayag na ginamit at isulat sa patlang
ang kahulugan nito ( 2 puntos bawat bilang).

1. Madam Fely, mukhang malusog tayo ngayon ah. Iba talaga ang
napapabayaan sa kusina.
_______________________________________________________________________

2. Kulang sa lambing si Jen ng kaniyang asawa kaya sila ay palaging


nag-aaway. ___________________________________________________________

3. Madalas tinatawag ng kalikasan ang batang si Pia dahil sa kabusugan.


_______________________________________________________________________

4. Misis, kulang sa timbang ang iyong anak.


_______________________________________________________________________
5. Sa panahon ngayon kailangan nating mag-ingat sa masasamang
loob. Hindi mo alam may katabi ka na palang mabilis ang kamay.
____________________________________________________________________

17
B. Hanapin sa taludturan ang eupimistiko o masining na pahayag
at ibigay ang kahulugan nito.

ANINO
ni G.C. Alburo

Hindi ko sinasabing ‘di ka mahalaga.


Pero ano nga bang silbi mayroon ka?
Di kita madama kahit ika’y nakikita.
Sapat na bang laging nakabuntot ka?

Kung sabagay ‘di ka naman pabigat,


‘Di ka rin naman pagaan.
Pero ngayon isa kang palaisipan,
Sa tula kong walang kalaman-laman.

1. Eupimistiko:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Kahulugan ng natukoy na eupimistiko sa taludturan:


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito ay lalo mo pang mahahasa ang iyong kasanayan sa
tinalakay na aralin sa pamamagitan ng pagsagawa ng isa sa sumusunod:

A. Humanap ng halimbawa ng balagtasan. Tukuyin sa Balagtasan ang

eupimistikong pahayag. Ibigay ang lantad na kahulugan ng mga


eupimistikong pahayag. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

B. Makinig ng isang paligsahan sa Rap. Ilista ang mga eupimistikong


pahayag na ginamit at ibigay ang mga kahulugan nito. Isulat sa
hiwalay na papel ang sagot.

C. Saan higit na makikita ang eupimistikong pahayag, sa tula, rap o


balagtasan? Bakit?

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati


kita! Sige, hanggang sa muli!

18
Susi ng Pagwawasto

Subukin:
1. X 6. x
2. / 7. /
3. / 8. /
4. / 9./
5. X 10. x
Balikan:
1. Walang trabaho/magawa
2. Nakapangasawa ng mayaman
3. Tandaan mo
4. Maganda ang resulta
5. Tumaba/mataba

Pag-unawa sa Binasa:
1. Pagmamahalan ng dalawang tao
2. Ekspresyon ng pag-unawa at pagmamahal
3. Taong namulat sa katotoohanan ng kanilang katayuan at pagmamahalan
4. Depende sa mag-aaral
5. Depende sa mag-aaral
6. Depende sa mag-aaral

Tayahin A:
1. Mukhang malusog
2. Kulang sa lambing
3. Tinatawag ng kalikasan
4. Kulang sa timbang
5. Mabilis ang kamay, masasamang loob

19
Aralin Pagbibigay Kahulugan

3 sa Talinghaga at Eupimistiko
sa Iba’t ibang Akda

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagbibigay ng kahulugan sa


mga talinghaga at eupimistiko o masining na pahayag sa iba’t ibang akda.
Matututuhan mo ang aralin kung maisasakatuparan mo ang sumusunod:

A. nakikilala ang katangian ng balagtasan at epiko;


B. nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga at eupimistikong ginamit
sa balagtasan at epiko (kasing kahulugan at kasalungat); at
C. nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga at eupimistikong ginamit
sa alamat at epiko (kasing kahulugan at kasalungat).

Balikan
Balik-aralan mo ang tungkol sa eupimistiko o masining na pahayag.
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na eupimistiko. Isulat sa patlang
ang sagot.
1. Madalas ang tawag ng kalikasan kay Ben.
sagot: __________________________________________________________
2. Nag-aalburuto na naman ang aking tiyan.
sagot: __________________________________________________________
3. Malaking isda ang nasa likod ng mga pangyayari.
sagot: __________________________________________________________

20
Tuklasin
A. Panimula

Batay sa naunang pag-aaral sa talinghaga at eupimistikong


pahayag, ano ang napansin mong pagkakaiba at pagkakapareho ng
dalawa? Gamitin ang Venn Diagram sa ibaba.

B. Pagkakapareho

A. Talinghaga C.. C. Eupimistiko

A. Katangian ng Talinghaga:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
B. Pagkakapareho ng Talinghaga at Eupimistiko:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
C. Katangian ng Eupimistiko:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

B. Pagbasa 1

Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan

Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito


noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang
tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo.
Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa
tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na
patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng
lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang
pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday
ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa

21
inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay
pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa,
ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang.
Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay
gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala
ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, isang
akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran
sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat
ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-
aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na
may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga
manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspektong politika at
napapanahong mga pangyayari at usapan. Nabuo ang konseptong ito sa isang
pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924,
sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo,
Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng
dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2.
Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang “an” ang
pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito.
Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng
makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga
nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at Florentino Collantes, kaya
naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang
kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18,
1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi
bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si
"Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong
1920.
Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig,
naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang
mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano
(mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng
mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo
Soto). Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang
pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong
mapabilang sa mga samahang pampanitikan. Ang Balagtasan ay karaniwang may
mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang
magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating
(con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng
bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa
kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang pangangatuwiran.

https://www.scribd.com/doc/239773938/Kaligirang-Pangkasaysayan-Ng-
Balagtasan

C. Pag-unawa sa Binasa 1

1.Ano ang Balagtasan?


2. Anong panahon nakilala ang Balagtasan?
3. Sino ang tinaguriang unang hari ng Balagtasan? Patunayan.
4. Kailan nangyari ang unang Balagtasan?
5. Sino ang nagmungkahing tawagin itong Balagtasan? Ipaliwanag.
6. Sino-sino ang mga gumaganap sa balagtasan? Anong papel ang
kanilang ginagampanan?

22
7. Anong katangian ang taglay ng mga mambabalagtas? Ipliwanag.
8.Paano naiiba ang balagtasan sa ibang tulang patnigan?
9. Bakit ito kinagigiliwan o kinaaaliwan ng Pilipino?
10. Mayroon pa bang balagtasan sa kasalukuyang panahon?
Magbigay ng ilang halimbawa.

D. Pagbasa 2

Basahin ang halimbawa ng napapanahong Balagtasan. Pansinin ang


mga ginamit na pahayag. Sagutin ang mga tanong sa isang hiwalay na
papel.

Online Balagtasan: Dapat o Hindi Dapat Ituloy


ang Pagbubukas ng Klase sa Agosto 24, 2020?
ni G. C. Alburo

Lakandiwa: Edukasyong mapagpalaya sa lahat!


Mainit na pagbati sa akin nagbuhat.
Gamit ang Google Meet na aandap-andap,
Sa tagisan ng katwiran ngayo’y magbubukas.

Batid kong lahat kayo’y nananabik,


Pakinggan ang magkabilang panig.
Ngunit bago iyan, ibigay malakas na tinig,
Ipaabot palakpak sa kanilang pandinig.

Sa paksang inihain kapwa sila alumpihit,


Tila pati bagang nila’y nangangalit.
Dapat ba o hindi dapat ituloy.
Pagbubukas ng klase sa Agosto’y nakaluluoy?

23
Ngayo’y tinatawagan ko dalagang mandirigma,
Sa anomang katuwirana’y di n’yo madadakma.
Sa panig ng dapat siya’y nanghahawak,
Salubungin ninyo siya ng masigabong palakpak.

Sang-ayon: Maraming salamat lakandiwang makisig,


Tunay ang tinuran mo di ako padadaig.
Kung tama din lang ipaglalaban kung lubos,
Payapa mong lingkod, Bb. ______ kayang mamulbos.

Lakandiwa: Ngayon nama’y aking tinatawagan ,


Makisig na binata sa Marikinang kapatagan.
Di dapat ituloy, panig niyang titindigan,
Humanda kayo’t salubungin siya ng hiyawan.

Hindi Sang-ayon: Salamat po aming Lakandiwang mahal,


Simulan na po ang laban at ayokong magtagal.
Tunay na kat’wiran sa kalaba’y ipaaalmusal,
Ng Prinsipe ______________ pogi’t mapagmahal.

Lakandiwa: Yamang kayo’y tapos nang magpakilala,


Tagisan ng katwiran, narito’t papalaot na!
Simulan Binibini katwiran mo’y paalpasin,
Nang buong sambayanan ika’y pupurihin.

Sang-ayon: Tunay na edukasyon ubod na mahalaga,


Di dapat mapigilan ng lintek na pandemya.
Kaya’t DepEd, stakeholders laging nakahanda,
Plantsado na lahat , lahat para sa bata.

Maraming modality ang pagpipilian,


Online, distance learning, modular man.
Oriented na lahat, ano pa ang kulang?
Tanggapin mo katuto, ika’y walang alam!

Dapat ituloy pagbubukas ng klase,


Pagkatuto, kaalaman dapat ibalanse.
‘Yan ang aming ipinagmamalaki,
Kahit nasa bahay sa kaalaman di ka lugi.

Di-sang-ayon: Madaling sabihin na kayo ay ready,


Iba ang sinasabi sa nakikita ko baby.
Ang kahandaan nagsisimula sa isip,
Resulta ‘yon ng stimuli aking nahagip.

Handa bang matatawag kung guro’y hirap na hirap?


Handa bang matatawag kung bisor ‘di makakurap?
Paghahanda sa modyul lahat nai-stress!
Magbubukas na ang klase wala pa sa printing press!

24
Anong kaalaman iyong ibabahagi?
Gayong hinog sa pilit modyul na minadali.
Kahandaan n’yo’y tunay na kuwestyonable,
Huwag nang ituloy pagbubukas ng klase.

Lakandiwa: Kapwa narinig katuwiran sa unang tindig,


Makisig na binata ipinagtanggol ang ibig.
Magandang binibini inilatag ang panig,
Pagmamatuwid nila’y inyong narinig.

Muling pakinggang kanilang salpukan,


Kumapit nang maigi sa kinauupuan.
Tayahin ang katuwiran, ika’y manindigan,
Nang ating mahusgahan sino ang may katuwiran.

Sang-ayon: Paratang ng kalaban ko’y walang katotohanan,


Modyul mula Central Office ganap ang kahandaan.
Kung iba’y naghahanda ‘yon ay supplemental,
Kung may napag-iwanan iyon ay ilan lamang.

Sagana ang lahat sa iba’t ibang webinar,


Isyu ng copyright, mental health umaandar.
Preparasyon sa new normal ‘di matatawaran,
Video lessons, TV at RBI tunay nakalaan.

Idagdag mo pa iba’t ibang simulation,


Sorting ng modyul pati distribusyon.
Ayon sa health protocols kaya lahat ligtas,
Puwera na lamang tulad mong may mukhang matigas!

Tuloy ang pagbubukas ng klase, kahit anong mangyari!

Di-sang-ayon: Binibini nagpapatawa ka! Hahaha!


Daig mo pang sosyalerang palaka.
Di ako nagpaparatang, ‘yan ay maling akala!
Dami n’yong inihanda, sang-ayon ba ang madla?

Problema sa gadyets at internet connection,


Hanggang kailan tatagal? Anong solusyon?
Tatlong anak iba-ibang grado magiging magkasalo?
Parents mal-edukado, nagtatrabaho, sinong magtuturo?

Sa klase nga harapan, mga bata di matuto.


Sa online, distance learning, modular ba kamo?
Susmaryosep sayang lang ang effort ninyo.
Kaban ng bayan ngayo’y naghihingalo, alam mo?

Mabuti pa ang self learning walang stress kaya panalo!


Kaysa inyong estilo, kulang sa plano.

25
Sang-ayon: Hindi ‘yan totoo! Sapat ang aming plano!

Di-sang-ayon: Tanungin natin ang madala nang ika’y mapahiya!

Sang-ayon: Di ako mapapahiya! Ikaw ang walang hiya!

Di-sang-ayon: Hindi kayo handa!

Sang-ayon: Handa kami!

Lakandiwa: Magsitigil kayo! Puso n’yo puso n’yo,


Sapat na ang pagtatalong ito.
Narinig na ng madla kapwa katuwiran n’yo,
Bumabaon sa puso tagos hanggang buto.

Hayaan na nating taumbayan ang maghusga,


Sa kanilang paghayo, lilimiin nila.
Sino ang tama? Sino ang tama?
Magbukas ng isip sana at gawin ang tama.

At kayong dalawa na magiting kapwa,


‘Di maaaring magkamay flying beso na muna.
Physical distancing ating panghawakan,
Wakasan na itong online Balagtasan.

E. Pag-unawa sa Binasa 2
1. Ano-ano ang mga salitang mahirap unawain sa binasa? Ibigay ang
kasing kahulugan at kasalungat ng mga salita.
2. Ano ang Balagtasan?
3. Ano ang ipinagkaiba ng online Balagtasan sa tradisyunal na
Balagtasan?
4. Ano ang panig mo sa kanilang proposisyon? Bakit?
5. Ano-anong matalinghagang salita ang ginamit sa akda?
6. Ibigay ang kahulugan ng bawat talinghanga.
7. Ano-anong eupimistikong pahayag ang makikita sa akda?
8. Ibigay ang kahulugan ng bawat eupimistikong pahayag

F. Pagbasa 3
Bumasa ng isa sa alinmang alamat sa Pilipinas. Maglista ng limang (5)
matalinghagang pahayag at limang (5) eupimistikong pahayag na ginamit at
ibigay ang kahulugan ng mga ito. Hanapin din sa nasabing akda ang mga
salitang mahirap unawain, bigyan ito ng kahulugan at kasalungat na
kahulugan. Isulat sa hiwalay na papel ang inyong sagot.

G. Pagbasa 4
Basahin ang epikong Biag ni Lam-ang, magtala ng limang (5)
matalinghagang pahayag at limang (5) eupemistikong pahayag at ibigay ang
kahulugan ng mga ito. Hanapin din sa nasabing akda ang mga salitang
mahirap unawain, bigyan ito ng kahulugan at kasalungat na kahulugan.
Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

26
Suriin

Ang iba’t ibang mga akda piksyon man o batay sa katotohanan ay


maaaring magtaglay ng mga matalinghagang pahayag at eupimistiko.
Nagsisilbi itong kaluluwa ng mga akda na may nais ipahiwatig ngunit
hindi lantaran. Sa pag-aaral sa modyul na ito ay kailangang matukoy
mula sa balagtasan, epiko at alamat ang matatalinghaga at eupimistikong
pahayag upang mabigyan ng kahulugan at maipaliwanag.

Ang Balagtasan, Alamat at Epiko ay gumagamit ng mga salitang


talinghaga at Eupimistikong pahayag upang itago ang di tuwirang pahayag
na nakatutulong na makapag-isip ang nagsasalita at kaniyang
kinakausap.
Ang talinghaga ay lipon ng mga salita o pahayag na may malalim
na kahulugang ipinahahayag o higit sa literal na kahulugan.

Sa aralin din ito ay malilinang ang pagbibigay ng kasingkahulugan


ng mga salita at maging kasalungat ng mga ito.

27
Pagyamanin

Sa bahaging ito ay palalawakin mo ang iyong kaalaman sa pagbibigay ng


kahulugan sa mga talinghaga at eupimistiko o masining na pagpapahayag sa
iba’t ibang mga akda..

A. Pagbasa ng isang Epiko.

1. Tukuyin ang mga matalinghagang pahayag at eupimistikong payag


sa binasang epiko at ibigay ang kahulugan ng mga ito. Isulat sa
hiwalay na papel ang sagot.

2. Tukuyin ang mga salitang di-pamilyar, ibigay ang kahulugan at


kasalungat na kahulugan ng mga salita.

B. Pagbasa ng Maikling Kuwento.

1. Basahin ang maikling kuwentong Kuwento ni Mabuti. Tukuyin ang


matatalinghagang pahayag at eupimistiko o masining na pahayag sa
nasabing akda at ibigay ang mga kahulugan. Isulat sa hiwalay na
papel ang sagot.

2. Tukuyin ang mga salitang mahirap unawain, ibigay ang


kahulugan at kasalungat ng mga ito.

Isaisip
Dugtungan ang mga pahayag sa ibaba nang mabilisan upang
mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Ang matalinghagang pahayag ay __________________________________


2. Ang gusto ko sa matalinghang pahayag ay ________________________
3. Ang ayaw ko sa matalinghagang pahayag ay ______________________
4. Ang eupimistikong pahayag ay ___________________________________
5. Ang gusto ko sa eupimistikong pahayag ay _______________________
6. Ang ayaw ko sa eupimistikong payahag ay _______________________

28
Isagawa
Sa puntong ito, ilalapat mo sa tunay na buhay ang iyong mga
natutuhan sa aralin. Isagawa ang mga gawain sa ibaba.

1. Humanap ng anomang akdang mababasa online. Magtala ng


limang (5) matalinghangang pahayag at limang eupimistikong
pahayag. Ibigay ang kahulugan ng mga ito at i-share sa iyong FB wall.

2. Manood ng isang episode ng Engkantadya. Itala ang mga


matatalinghagang pahayag at eupimistikong pahayag na ginamit.
Ibigay ang kahulugan ng mga ito. Isulat sa isang hiwalay na papel.

Tayahin
Dahil naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan sa pagbibigay kahulugan sa matatalinghagang pahayag at
eupimistiko o masining na pahayag.

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang alamat?


2. Ano ang epiko?
3. Ano ang balagtasan?
4. Paano ginamit ang matatalinghagang pahayag sa epiko,
balagtasan at alamat?
5. Paano ginamit ang mga eupimistikong pahayag sa balagtasan,
alamat at epiko?

B. Puntahan ang link na ito sa Youtube.


https://www.youtube.com/watch?v=rb26jgkq2gI&feature=share&fbclid=IwA
R0GfCH8MxoFiiC9i1FOJMsHykMD0zRveymSFu2Y-L7OZ4GeiB70krQbiSc
Pakinggang mabuti. Itala ang matatalinghagang pahayag at
eupimistikong pahayag. Ibigay ang mga kahulugan. Isulat sa hiwalay na
papel ang iyong sagot.

29
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito ay lalo mo pang mamahasa ang iyong kakayahan sa
tinalakay na aralin sa pamamagitan ng pagsagawa ng isa sa sumusunod:

A. Manood sa Youtube ng anomang akdang pampanitikan na ibig mo.


Magtala ng tatlong (3) matalinghagang pahayag, tatlong (3)
eupimistikong pahayag at ibigay ang kahulugan ng mga ito.
B. Makinig ng ilang “spoken word poetry” at suriin kung gumagamit ba
ito ng matalinghaga at eupimistikong pahayag. Kung mayroon itala ang
mga ito. Kung wala, ipaliwanag kung bakit hindi ito gumamit ng
matalianghaga at eupimistikong pahayag.

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati


kita! Sige, hanggang sa muli!

Susi ng Pagwawasto

Balikan:
1. Madalas dumumi/tumae
2. Masakit ang tiyan/kumukulo
3. Pulitiko o taong nasa mataas na posisyon

Pag-unawa sa Binasa 1:
1. Pagtatalong patula tungkol sa napapanahong paksa
2. Panahon ng mga Amerikano
3. Jose Corazon de Jesus
4. Abril 6, 1924
5. Jose Villa, Parangal kay Francisco “Balagtas” Baltazar
6. Lakandiwa, sang-ayon at di-sang-ayon
7. Magaling humabi ng tula at mangatuwiran
8. Tumatalakay ito sa napapanahong paksa
9. Depende sa mag-aaral
10. Depende sa mag-aaral

30
Pag-unawa sa Binasa 2:
1. Depende sa mag-aaral
2. Pagtatalong patula sa mga napapanahong paksa
3. Hindi aktuwal na magkaharap at gumagamit ng online application app tulad ng
Google Meet at Zoom
4. -8. Dpende sa mag-aaral

 Pinagyamang Wika at Panitikan (Batayang Aklat sa Filipino) ni Aida M.


Guimarie
 Ang Pitak ( Pandayan ng Isip, Talino, at Angking Kasanayan) Bolyum 1 Blg.
1 nina Celeste D. Blanca, Jenneth A. Garado, Rosel L. Gemeniano, Tiburcia
T. Maggay, Bernardita T. Moron, Nerisa M. Roxas, Cheryl P. Ugalde

Internet:
https://www.scribd.com/doc/239773938/Kaligirang-Pangkasaysayan-Ng-Balagtasan
https://www.youtube.com/watch?v=rb26jgkq2gI&feature=share&fbclid=IwAR0GfCH8MxoFi
iC9i1FOJMsHykMD0zRveymSFu2Y-L7OZ4GeiB70krQbiSc

31
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jenevie T. Alcazar (Guro, BNHS)


Galcoso C. Alburo (EPS-Filipino)
Mga Editor:
Perlita Ponsal (BNHS)
Daniel De Guzman (SRNHS)
Wilfredo Padua (School Head)
Tagasuri Panloob:
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

32
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like