You are on page 1of 3

1/2

ST. MARY’S COLLEGE OF BANSALAN, INC.


Formerly: Holy Cross of Bansalan College, Inc.
Dahlia St., Poblacion Uno, Bansalan, Davao Del Sur
S.Y. 2022-2023 PRIN-LP-003

LEARNING PLAN
FILIPINO 7

UNIT TOPIC: Akdang Pampanitikan ng Mindanao Day: 1

TRANSFER GOAL:
Sa kalaunan ang mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay malayang magagamit ang
natutuhan sa pag-aaral ng mga akdang nagmula sa Mindanao sa pamamagitan ng pagbuo ng
makatotohanang proyektong panturismo bilang isang paraan kung paano natin napapanatili ang
kagandahan ng ating kapaligiran na siyang nilikha ng Diyos.

ESSENTIAL UNDERSTANDING :
Ang mga mag-aaral ay nakauunawa ng mga akdang pampanitikan ng Mindanao na
sumasalamin sa paniniwala, kultura, tradisyon bilang pagkakakilanlan at pagpapahalaga ng
mga Pilipino sa kulturang kinabibilangan nito.

ESSENTIAL QUESTIONS:
1. Bakit kailangan alamin ang mga akdang pampanitikang sumasalamin sa mayamang
kultura ng Mindanao?
2. Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa mga tradisyon, paniniwala o kultura ng iyong
lugar na kinalakihan?
I. Preliminaries
 Greetings
 COPAH (Cleanliness, Orderliness, Prayer, Attendance and Health)

Review: Ano-ano ang iyong napapansin sa Mindanao?


Motivation: Magbahagi ng kwento tungkol sa bayan na iyong pinagmulan.
APK: Ano ang tawag sa kuwento na inyong ibinahagi sa klase?
Focus: Kwentong-bayan: Si Usman ang Alipin
II. Lesson Development

Mga Layunin:
 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan
 Naipapahayag ang sariling pananaw sa mga pangyayaring kaugnay o kahawig ng mga
pangyayari sa akda
 Napapahalagahan ang mga kwentong-bayan na pinagmulan nila sa pamamagitan ng
patuloy na pagbabahagi nito sa iba

A. Presentation of Concepts
 Ilalahad ng guro ang paksang tatalakayin at ibahagi ang kuwento ni Usman (Interactive
Story Telling) pagkatapos isagawa ang pangkatang gawain kung saan may iba’t ibang
gagawin ang bawat grupo base sa kanilang mabubunot o mapipili.
 Ipoproseso ng guro ang mga ginawa ng bawat pangkat sa pamamagitan ng mga
tanong.

| Filipino 7; Quarter 1; Day 1


1/2

B. Broadening of Concepts
1. Paano mo nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng pinagmulan ng
kuwentong-bayan? Maiuugnay mo ba ito sa sarili? Bakit?
2. Ano-ano ang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o
kaugalian ng lugar na pinagmulan nito? Ipaliwanag ang iyong sagot
3. Kung ihahambing sa mga panoorin o babasahin sa kasalukuyang panahon, saan
pinakamalapit ang paksa at ang mga katangian ng kuwentong-bayan? Magbigay ng
patunay.
4. Bakit kailangan alamin ang mga akdang pampanitikang sumasalamin sa mayamang
kultura ng Mindanao?
C. Integration
A. ICV: Service Related Value: Humility/Courage
 Sa binasa nating akda ay nabanggit kung paano minahal at iginalang si Usman
bilang bagong sultan kahit ito ay isang alipin lamang. Sa iyong palagay, bakit
kaya ganoon na lamang ang trato ng mga mamamayan sa kanya?
B. Social Orientation: Diskriminasyon
 Nabanggit din sa kwento kung gaano kalupit ang unang sultan sa mga taong
mas nakakaangat sa kanya o hindi niya kauri at ito’y kanyang ipinakulong. Sa
panahon ngayon, paano mo maihikayat ang iba na tigilan na ang diskriminasyo
sa halip magmahalan at tanggapin kung ano at sino ang isang tao?
C. Lesson Across Discipline: A.P
 Anong rehiyon napabilang ang iyong bayan?
D. Biblical Passage:
Genesis 2:15 “Ginawa ng Diyos ang tao at inilagay sa harden ng Eden bilang
tagabantay at tagapangalaga nito.”
 Paano ka makakatulong na mapanatiling malinis at ligtas ang inyong bayan?
III. Evaluation / Assessment:
A. Isluat Natin: Pumili ka ng isa sa mga kuwentong-bayang nakatala sa Alamin Natin sa pahina
17-18 at saka sundin ang mga sumusunod na mga panuto:
1. Maghanap ka sa aklatan o sa Internet ng sipi o kopya ng napili mong kuwentong-bayan.
2. Basahin at unawain mo ito ng mabuti.
3. Mula sa iyong binasa ay magbigay ka ng mga patunay na ang kuwentong-bayan ay
sumasalamin sa mga tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito.
4. Pagkatapos mong maisulat ang mga patunay ay maaaring naiisip mo na ang
kahalagahan ng pagpapanatiling buhay sa mga kuwentong-bayan. Maglahad ka ng
limang paraang makatutulong upang mapaganap at mapanatiling buhay ang mga
kuwentong-bayan lalo sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
5. Isulat ang lahat ng iyong sagot sa isang pirasong papel.
IV. Summary / Action
Ano-ano ang katangian ng isang kuwentong-bayan? Paano ka makakatulong na mapanatiling
buhay ang kuwentong-bayan lalo na sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon?
References:
Ailene G. Baisa-Julian Pinagyamang Pluma 7 (Ikatlong Edisyon)
para sa hayskul. Phoneix Publishing House, Inc
Instructional Materials:
Manila paper, mga larawan, strips, chalk at eraser, laptop, TV
Inihanda ni: Iniwasto ni:

RIO EDEN A. CUMALING S. MA. LOURDES B. CAO, RVM


Guro sa Filipino 7 Principal

| Filipino 7; Quarter 1; Day 1


1/2

| Filipino 7; Quarter 1; Day 1

You might also like