You are on page 1of 3

Gardenersfield School Inc.

Purok Sta. Lucia, Pinagbarilan, Baliuag, Bulacan


Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Ikalawang Markahan
Filipino 4

Pangalan: _______________________________________ Marka: ___________


Guro: Joycyrill S.J Villafuerte _____ Petsa: ___________
Lagda ng Magulang: _______________________________

I. Isulat sa patlang ang salitang may wastong baybay sa bawat hanay.

______________1. telipone, tellypone, telephone


______________2. mesenger, messenger, massager
______________3. computer, computir, kompyuter
______________4. reprigerator, refreegerator, refrigerator
______________5. websit, webcite, website

II. Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin ang nakasalungguhit na salita kung ito ay
lantay, pahambing o pasukdol.

______________6. Masipag na bata si Jacob lalo na sa kaniyang pag-aaral.


______________7. Napakalamig sa bansang Japan ngayong buwan.
______________8. Mas mataas ang nakuhang mark ani Lea kaysa kay Jen.
______________9. Matapang ang batang nagligtas kay Mario kanina.
______________10. Mas malinis na ang kwarto ni Jamie ngayon kaysa sa kapatid niya.

III. Basahin at unawain ang kwento. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?

Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban
ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat.

Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay
Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasing-ganda ang kalooban
nito.

Galit na galit si Buwan. Dahil dito, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya ng
isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa, natuklasan niya na ang kanyang
brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas lalong nagalit si Buwan.

Nang nalaman ng Diyos ang tungkol sa pangyayari, inutusan niya ang dalawang
anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuso ang dalawang anghel
at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang
dalawang brilyante sa langit.

Nagdikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwang ay tinatawag na
Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

11. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? _____________________________________________


12. Saan naganap ang kwento? _____________________________________________________
13. Anong katangian mayroon sina Araw at Buwan? _____________________________________
_______________________________________________________________________________
14. Ano ang masasabi mo sa binasa mong kwento? ______________________________________
15. Ano ang aral sa binasa mog kwento? ______________________________________________
IV. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Tukuyin kung ano ang salitang
inilalarawan dito. Piliin sa loob ng kahon ang sagot.
mayabang matulungin mapangutya
magalang mapagbigay

________16. “Manong, dito lang po ako sa may parke bababa.”


________17. “Jason, saan ka ba nahihirapan sa ating asignatura?”
________18. “Masaya akong makatulong sa ibang tao.”
________19. “Para kang batang tagaprobinsiya, ang pangit mo manamit!”
________20. “Umalis ka nga diyan! Hindi ka naman nakakatulong sa proyekto natin!”

V. Basahin ang mga sumusunod na panutong nakasulat at maayos na sundin. Isulat ang
sagot sa loob ng kahon.

21. Gumuhit ng bilog sa gitna ng kahon.


22. Isulat ang iyong pangalan sa bandang itaas ng bilog.
23. Sa gitna ng bilog, isulat ang iyong pangarap.
24. Sa ibabang bahagi ng bilog, isulat ang iyong edad.
25. Kulayan ang bilog ng asul na krayola.

VI. Basahin ang maikling talata sa ibaba. Isulat sa kahon ang maaaring wakas nito.

26. Mabilis na gumayak si Gino dahil ginabi siya sa paglalaro ng online games. Dahil dito,
nagmamadaling nagbisikleta siya papasok sa kaniyang eskwelahan dahil mahuhuli na siya sa
kaniyang klase.

27. Madaming nakatambak na gawain si Dona dahil inuna niya ang paglalaro kaysa gawin ang
kaniyang mga takdang aralin.
28. Tinanghali ng gising si Mica. Inutusan siya na bantayan ang niluluto ngunit naging abala ito sa
panonood sa kaniyang cellphone.

29. Hindi mahilig kumain ng gulay si Rona kaya palagi siyang napagsasabihan ng kaniyang ina.
Nagagalit siya kaya minsan ay hindi na lang siya kumakain lalo na kapag gulay ang kanilang ulam.

30. Inutusan si Jessy na maglinis ng bahay dahil aalis ang kaniyang magulang. Inuna niyang ginawa
ay manood ng telebisyon at kumain sa sala.

VII. Basahin ang bawat pangungusap pagsunud- sunurin ang mga pangyayari. Isulat sa
patlang ang 1-5.

________31. Tinulungan niya ito at ginamot.


________32. Binigyan ng gantimpala si Sarah ng matandang babae.
________33. Nakita niya ang matandang babaeng sugatan.
________34. Bumalik ang lakas ng matandang babae at gumaling.
________35. Pumunta sa kabundukan si Sarah.

VIII. Salungguhitan ang pang-abay sa pangungusap at bilugan ang pandiwa na inilalarawan ng


pang-abay.

36. Mahimbing na natutulog ang sanggol sa duyan.


37. Dahan-dahan siyang naglakad pababa ng bahay.
38. Masipag na nag-aaral ang mga bata.
39. Mabilis na lumipad ang ibon.
40. Ang mga damit ay maayos na tiniklop ng nanay.

You might also like