You are on page 1of 22

4

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 2
Linggo : 2
Mga Produkto at Kalakal sa Iba't-Ibang
Lokasyon ng Bansa

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampubliko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at unibersidad. Hinihikayat namin
ang mga guro at ibang nasa larangan ng Edukasyon na mag-
email ng kanilang puna, komento at rekomendasyon sa
Kagawaran ng Edukasyon sa region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mag puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

10
3

10
Panimula

Ang Modyul na ito ay sadyang inilaan para sa Ikaapat na Baitang.

Ang mga aralin ay ibinatay sa mga kasanayang nakapaloob sa


kompetensi ng Kagawaran ng Edukasyon. Inaasahang ang modyul na
ito ay tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng
asignaturang Araling Panlipunan. Ang mga gawain sa bawat aralin ay
naaayon sa kakayahan ng mga batang mag-aaral sa baitang na ito.
Kawili-wili at may pagka-malikhain ang mga gawain upang mapukaw
ang isip at damdamin ng mga bata sa bawat paksang tatalakayin.

Maaaring gumamit ang mga mag-aaral ng “Activity Notebook” o


papel sa pagsasagawa/pagsagot sa mga gawain at pagtataya.
Magsisilbi itong Portfolio ng mga mag-aaral na maaaring gamitin ng
guro sa pagdisenyo ng interbensyon at programa, pagbuo ng mga bago
at angkop na araling gawain, at pagbibigay ng kaukulang marka.
Madaling masusundan at mauunawaan ang modyul na ito.

Mga Tala Para sa Guro

Gabayan ang mga mag-aaral sa pag-gamit ng Modyul


sa Araling Panlipunan ng Ikaapat na baitang.

i
10
Alamin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo


nang gawin ang mga sumusunod:

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Nabibigyang-katwiran ang pang-aangkop na ginawa ng


mga tao sa kapaligiran upang matugunan ang kanilang
pangangailangan.
2. Naipapaliwanag ang iba’t-ibang pakinabang pang
ekonomiko ng mga likas yaman ng bansa.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

ii
10
Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatayang ito ay ginamit upang
masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii
10
Subukin

Panuto: Sagutin ng Tama o Mali. Isulat ang tamang kasagutan


sa nakalaan na patlang.

1. Ang bukiring bahagi sa probinsya ng Bukidnon ay mainam na


gawing palaisdaan.

2. Malawak ang karagatan at katubigang bahagi ng bansa na


angkop sa sakahan.

3. Ang mag-anak na Lopez ay nakatira sa kapatagan na may


malalagong damuhan. Sila ay nag-aalaga ng mga baka at mga
kambing.

4. Malamig ang klima sa Lungsod ng Baguio, kaya’t maraming


sariwang gulay, prutas at mga bulaklak ang galing dito.

5. Malago ang industriya ng bagoong at bangus sa lalawigan ng


Pangasinan.

6. Ang probinsya ng Palawan ay may malalagong kagubatan, kaya


nagtotroso ang mag-anak nina Mang Mario at Mang Luis.

7. Ang bulubunduking bahagi ng Surigao ay hitik sa mga


mamahaling minerales, kaya pagmimina ang ikinabubuhay ng
karamihan ng mga tao rito.

8. Nasa sentrong bahagi ng Lungsod ng Cagayan De Oro nakitira


ang mag-anak na Flores, ang pagnenegosyo ang kanilang
ikinabubuhay.

9. Ang Lungsod ng Marikina ay tanyag na pagawaan ng mga


sapatos.

10 . Ang malawak na karagatan at katubigan ng bansa ay angkop na


taniman ng mga halamang-ugat, gulay at prutas.

10iv
Aralin Mga Produkto at
Kalakal sa Iba’t- ibang
2 Lokasyon ng Bansa
Ang bansang Pilipinas ay biniyayaan ng iba’t-ibang anyong lupa
kung saan nagmumula ang iba’t-ibang mga likas na yaman na
ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Maraming uri ng
halaman at puno ang tumutubo rito. Dito nanggagaling ang ating
pagkain. Samo’t - saring gulay at prutas ang matatagpuan sa mga
lupang taniman sa ating bansa. Ang mga halimbawa ng likas na yaman
ay ang kagubatan, anyong lupa, anyong tubig, minerales, mga isda at
mga hayop. Mahalaga ang mga likas na yamang ito sa kaunlaran ng
ating bansa. Mayaman ang lupang taniman ang ating bansa.

Balikan

Sa nakaraang mga aralin, ay natukoy mo ang mga uri ng


hanapbuhay na naaangkop sa iba’t - ibang kapaligiran. Natalakay rin
ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng hanapbuhay ng karamihan ng
tao sa isang lugar. Iba-ibang produkto o kalakal ang makukuha mula sa
iba-ibang uri ng hanapbuhay na ito tulad ng pangingisda, paghahabi,
pagpapastol, pagmimina, pagnenegosyo at pagsasaka.

10 1
Tuklasin

Anu-ano kaya ang mga


produkto at kalakal na
matatagpuan sa iba’t-ibang
lokasyon ng bansa?
Paano kaya maiaangkop ng tao
ang kaniyang kapaligiran sa
kaniyang pangangailangan?

Ano ang mga


Ppakinabang
n pang-ekonomiko
ng mga likas na yaman ng
bansa?

https://en.wikipedia.org/wiki/Batang_Pinoy

Sa araling ito ay matutukoy at maihahambing mo ang mga


produkto at kalakal na matatagpuan sa iba’t-ibang lokasyon ng ating
bansa. Ikaw rin ay makapagbibigay- katwiran sa pag-aangkop ng mga
tao sa kapaligiran upang matugunan ang kanilang mga
pangangailangan at inaasahang mauunawaan ang iba-ibang
pakinabang na pang-ekonomiko ng mga likas na yaman ng bansa.

10 2
Suriin

Ang Pagsasaka at ang mga Produkto nito

May iba’t-ibang uri ng yamang lupa ang matatagpuan sa Pilipinas.


Ang mga produktong ito gaya ng palay, mais, niyog, pinya, abaka,
saging, manga, kape, tabako, bulak, halamang ugat, gulay at iba’t-
ibang uri ng mga bulaklak.
Ang malawak na taniman ng palay ay matatagpuan sa Gitnang
Luzon. Malawak na niyogan naman ang makikita sa Probinsya ng
Quezon at taniman ng abaka naman ang sa Bikol.
Nangunguna sa pagtatanim ng mais ang Cebu. Matatamis na
mangga ang sa Guimaras. Ang Tagaytay at lalawigang bulubundukin
tulad ng Baguio naman ang kilala sa taniman ng mga gulay, mga prutas
at mga bulaklak. Malalawak na taniman ng tubo, saging at kahil ang
makikita sa Negros Occidental. Kape naman ang pangunahing
produkto ng Batangas at Mindoro. Ang Bukidnon at Cotabato ang may
pinakamalawak na taniman ng pinya. Kilala naman ang Davao sa
masarap na durian.

https://www.thefreedictionary.com/Agricultural+produce

10 3
Ang Pangingisda at ang mga Produktong galing dito

Malawak ang palaisdaan sa bansa. Sariwa at masarap ang mga


isdang nahuhuli sa karagatan, dagat, look at ilog ng Pilipinas. Ilan sa
mga isdang ito ay tuna, bangus, tilapia, alumahan, lapu-lapu, tambakol,
galunggong at karpa. Marami rin ditong posit, hipon, sugpo, alimasag
at alimango.
May mga produktong dagat din na ginagawa ng maliliit na
industriya tulad ng bagoong, patis, tinapa at daing. Nakikilala ang mga
industriyang gumagawa nito dahil sa tamang lasa at timpla ng mga
produkto.
May mga produkto ring nakukuha sa ilalim ng dagat tulad ng
perlas at mga kabibe na ginagawang palamuti. Isa pang produkto na
maaring gawin buhat sa tubig-alat ay asin. Kilala sa mayaman at
malaking pangisdaan sa Pilipinas ang Look ng Saranggani, Dagat
Visayas, Dagat Samar, Dagat Sulu, Golpo ng Davao, Look ng Naujan
sa Oriental Mindoro, Look ng San Miguel sa Camarines Norte, Look ng
Coron sa Palawan, Golpo ng Lingayen, Look ng Butuan sa Agusan at
Look ng Estancia sa Iloilo.

https://www.seafoods.com/

10
4
Mga Produkto sa Pagmimina

Mayaman din ang bansa sa mga minerales kaya maraming mga


Pilipino ang nagtatrabaho o naghahanapbuhay sa minahan. Isa ang
Pilipinas sa mga nangunguna sa produksiyon ng tanso, ginto at
chromite. May matatagpuan ding minahan ng pilak, petrolyo, apog at
platinum sa bansa. Ang mga lugar ng Baguio, Camarines Norte at
Davao ay kilala sa mina ng ginto. Ang malalaking minahan ng tanso
naman ay matatagpuan sa bulubunduking lalawigan ng Surigao, sa
Cebu, Pangasinan, Isabela at Zamboanga Del Zur. Minahan ng pilak
naman ang nasa Batangas, chromite sa Misamis Oriental at karbon sa
Quezon at pulo ng Batanes. Marmol ang sa Romblon at matatagpuan
din sa Palawan at Cebu ang minahan ng petrolyo. May nakukuha ring
platinum sa Bulacan at Rehiyon ng Caraga, apog sa Rizal, Abra at Pulo
ng Guimaras, bakal sa Samar, uling o karbon sa Antique, Surigao Del
Sur, Isabela at asin sa Pangasinan.
Bukod sa pagsasaka, pagtatanim, pangingisda at pagmimina,
ang mga tao ay nabubuhay rin sa pag-aalaga ng mga hayop,
pagpapastol at pagtitinda ng mga produktong yari o gawa sa
komunidad.

http://www.mgb.gov.ph/

10
5
Iba pang mga Pangkabuhayan, Produkto at Kalakal

Maliban sa nabanggit na mga produkto mula sa mga yamang


lupa, yamang tubig at yamang mineral, marami pang ibang produktong
nakatutulong din sa pamumuhay. Ilan sa mga ito ang hinabing banig ng
mga taga-Bisaya at nilalang sumbrerong buntal na gawa sa Lucban,
Quezon.

https://ph.asiatatler.com/life/weaving-the-threads-of-filipino-heritage
Kilala rin sa masarap na biskotso ang Iloilo at matamis na
kalamay ang sa Bohol. Gayundin ang piyaya ng Bacolod at pinatuyong
manga at matamis na mani ng Cebu.
Ang taga- Mindanao ay hindi rin pahuhuli sa mga produktong kilala sa
iba’t-ibang lugar dito. Isa na rito ang mga kagamitang yari sa kabibe.
Kilala rin sila sa paggawa ng alahas mula sa perlas at sa paghahabi ng
tela.

https://en.wikipedia.org/wiki/Zamboanga_City

10

6
https://www.deztreks.com/paete-laguna/

Bukod dito, mayroon ding maliliit na negosyo ng mga produkto at


kalakal. Ilan sa mga ito ay ang mga gawang lilok ng mahuhusay na
manlililok ng Paete, Laguna at Mountain Province at matitibay na bag
at sapatos na kilalang gawa sa Marikina. Alak tulad ng tuba at
lambanog naman ang kilalang produkto ng Quezon at Laguna.

https://en.wikivoyage.org/wiki/Marikina

Kung susuriin, ang pagkakahawig at pagkakaiba ng mga


produkto at kalakal sa iba-ibang bahagi ng bansa ay naaayon sa
kapaligiran. Mula sa kaniyang kapaligiran, pinauunlad ng tao ang mga
hilaw na material batay sa kanyang kakayahan at pangangailangan.
Kung kaya, hindi lahat ng tao ay nagsasaka, nangingisda o nagmimina.
Ang iba ay gumagawa ng iba pang mga produkto gaya ng kape buhat
sa pagsasaka at daing buhat sa pangingisda. Sa gayon, natutugunan
ng tao ang kaniyang pangangailangan.

10
7
Mga Pakinabang sa Kalakal at Produkto

Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman, dahilan na ang mga


Pilipino ay karaniwan ng umaasa rito sa pagtugon ng kaniyang
pangangailangan. Pangunahin nang kapakinabangan sa ating likas na
yaman ang nakukuha rito gaya ng isda, mga lamang dagat at tubig,
mga prutas, gulay, pang-agrikulturang produkto, mga torso, minerales,
ginto,pilak, tanso at marami pang iba na napagkakakitaan natin ng
malaking halaga. Ang mga produktong ito ay iniluluwas din s ibang
bansa. Nangangahulugan ng karagdagang kita ito sa ating kabang-
yaman at ito rin ang nagdudulot ng pag-angat ng antas ng ekonomiya
ng bansa.

Pakinabang sa Turismo

Bukod sa mga kalakal at mga produkto, likas na yaman ding


maituturing ang magagandang lugar at tanawin sa ating bansa.
Malakas itong atraksiyon sa mga turista buhat sa mga karatig-lalawigan
at maging sa labas ng bansa. Ilan sa mga atraksiyong ito ang mga
dalampasigan, talon, ilog, kabundukan, bulkan, kagubatan at maging
ang ilalim ng dagat. Dinarayo rin ng mga turista ang mga
makasaysayang lugar, dahilan na nagbunga ng malaking ambag sa
turismo at sa pag-unlad ng ekonomiya.

https://www.globalnation.inquirer.net https://www.windsandwaves.org.uk

https://google.com.au https://www.localtravel.net

10
8
Pakinabang sa Enerhiya

Pinagkukunan din ng enerhiya ang likas na yaman ng bansa na


malaking tulong sa ating ekonomiya dahilan sa hindi na natin
kakailanganin ang pag-angkat ng maraming krudo o langis. Ilan sa ating
mga planta ay pinatatakbo ng kuryente sa pamamagitan ngpwersa
ng tubig mula sa talon ng Maria Cristina, Lawa ng Caliraya at lakas ng
hangin ng Bangui sa Ilokos Norte sa pamamagitan ng windmill.

Maria Cristina Falls, Iligan City Bangui Windmill, Ilokos Norte


https://osmiva.com/visiting-maria-cristina-falls/ https://en.wikipedia.org/wiki/Bangui_Wind_Farm

10
9
Pagyamanin

Panuto: Iugnay ang produkto sa hanay A sa lalawigang matatagpuan


nito sa hanay B. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat patlang.

A B

1. bag at sapatos A. Baguio


2. isda at bagoong B. Quezon
3. banig at sombrero C. Palawan
4. matitibay na muebles D. Marikina
5. nililok ng kagamitan at gulay E. Pangasinan

10
Isaisip

Panuto: Tukuyin ang mga produkto na matatagpuan sa mga lugar na


nakatala sa ibaba. Isulat ang titik ng katumbas na kasagutan namakikita
sa kahon.

a. tuna d. mangga
b. pinya e. Kalamay
c. durian

Lokasyon Produkto at Kalakal


1. Bohol
2. Davao
3. Bukidnon
4. Guimaras
5. General Santos City

1011
Isagawa

Panuto: Tukuyin ang mga pakinabang na pang-ekonomiko. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa patlang.

A. turismo D. minerales na pangkalakal


B. pang-export E. kinukuhanan ng enerhiya
C. pangunahing pagkain

1.palay at mais
2.pinya at saging
3.ginto, pilak at tanso
4.talon ng Maria Cristina
5.tarsier at chocolate hills

1012
Tayahin

Gawain I. Piliin ang ankop na katwiran na makikita sa kahon na


ginagawa ng tao sa pag-aangkop nito sa kaniyang kapaligiran sa
pagtugon ng kaniyang mga pangangailangan.

A. Nagkakaroon ng pagmimina ang mga taong nakatira rito.


B. Dahil mayroon itong matataba at malalawak na kapatagan.
C. Sila ay tanyag sa paggawa ng matitibay na bag at sapatos.
D. Sinasamantala ito ng karamihan sa mga tao ang pagtatanim ng
mga prutas, mahahalagang gulay at mamahaling mga bulaklak.
E. Pangingisda ang ikinabubuhay ng ng mga nakakarami. Bukod sa
pagkakaroon ng palaisdaan, pinoproseso nila ang mga ito upang
mapagkakitaan at maibenta sa mga palengke sa loob at labas ng
bansa.

1. Saang larangan nakilala ang mga taga Lungsod ng Marikina?

2. Ano ang silbi ng malamig na klima ng Baguio at bulubunduking


bahagi ng Bukidnon?

3. Bakit matatagpuan sa Lalawigan ng Bukidnon at Cotabato ang


malalawak na taniman ng pinya?

4. Paano mapapakinabangan ng mga nakatira sa mga


bulubunduking sakop ng bansa na hitik sa mga mahahalagang
minerales?

5. Ano ang mainam gawin sa mga naglalakihang tuna at


mamahaling uri ng mga isda na matatagpuan sa dagat, karagatan
at katubigang sakop ng Pilipinas?

1013
Gawain II. Piliin ang ankop na paliwanag sa iba’t-ibang pakinabang
pang-ekonomiko hinggil sa mga likas yaman ng ating bansa.

A. Nagkaroon ng pagmimina, pinoproseso at ibenibenta sa mga


kalapit bayan at maging sa labas ng ating bansa.
B. Ginagawa nila itong atraksiyon ng turismo, upang
makapanghikayat ng mga turista ng sa ganon ay makapagbigay
ng maraming trabaho, karagdagang kita at desenting
pangkabuhayan.
C. Bukod sa angking kalinisan at kapayapaan ng lugar na ito,
nagtataglay rin ito ng makapigil hiningang mga tanawin, kagaya
ng hot spring, talon, sunken cemetery,maputing dalampasigan na
may pinung-pinong buhangin.
D. Ang mga produktong mula sa likas na yaman ay ating
ikinabubuhay, napagkakitaan ng malaking halaga, ang iba ay
iniluluwas ng bansa, nagiging panghatak ng turista na
nangangahulugan ng karagdagang kita na nag-aangat ng ating
ekonomiya.
E. Ang Pilipinas ay sagana sa mga lamang dagat, pang-
agrikulturang produkto, mga troso, marmol, minerales, ginto,
pilak, tanso at mga magagandang anyong lupa at anyong tubig
kung saan ito ay nagiging atraksiyon sa turismo at ang iba ay
pinagkukunan ng enerhiya.

Mga tanong :

1. Bakit dinarayo ang Isla ng Camiguin ng mga turista?


2. Sa anong mga likas na yaman sagana ang ating bansa?
3. Paano napapakinabangan ang mga mahahalagang minerales ng
bansa?
4. Paano nakakatulong ang mga likas na yaman sa pag-angat ng
ating kabuhayan?
5. Paano nabubuhay ang mga taga Malay, Aklan at taga Coron sa
Palawan na may malawak na malaparaisong dalampasigan na
may malapulbos na buhangin?

1014
Karagdagang Gawain

Panuto: Buuin ang palaisipan na nasa ibaba.

2 3 4

Pababa Pahalang

1. Pangunahing produktong 2. Magandang uri ng bato na


pang-agrikultura sa Gitnang namimina sa Romblon
Luzon
3. Produktong magagawa 6. Pangunahing produkto ng
mula sa niyog Quezon na maaaring gawing
langis
4. Ipinagmamalaking produkto 7. Produktong nahuhuli sa
ng Davao, may kakaibang dagat, ilog o lawa
amoy ngunit masarap ang
lasa

5. Yamang namimina at 8. Napakahalagang yaman na


karaniwang ginagawang nakukuha sa mga punongkahoy
alahas sa kagubatan
1016

You might also like