You are on page 1of 24

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Kalagayan ng mga Sinaunang
Kababaihan sa Asya

1
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikawalang Markahan – Module 5: Kalagayan ng mga Sinaunang Kababaihan sa Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria Cecilia S. Santos


Tagasuri ng Nilalaman: Joseph A. Eligio
Tagasuri ng Wika: Delia S. Bautista
Tagasuri ng Paglapat: Rachalle Ann F. Manaloto
Tagasuri ng ADM: Irna D. Mejia
Tagaguhit: Rogerson S. Peña, Jose B. Hizon, Nesie P. Dotado
Tagalapat: Maria Cecilia S. Santos
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Elizabeth M. Perfecto EdD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Merlina P. Cruz PhD, CESO VI
Ericson S. Sabacan EdD, CESO VI
Rolando T. Sotelo DEM
Annalyn L. German EdD
Emmanuel V. De Mesa

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

1
7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Module 5:
Kalagayan ng mga Sinaunang
Kababaihan sa Asya

2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Kalagayan ng mga Sinaunang Kababaihan sa Asya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Kalagayan ng mga Sinaunang Kababaihan sa Asya!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng
gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may
angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

3
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.

Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
Subukin maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Balikan

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
Tuklasin sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
Suriin kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
Pagyamanin iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isaisip

4
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Isagawa

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Tayahin

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Karagdagang Gawain

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Susi sa Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

5
Alamin

Ang modyul na ito ay binuo alinsunod sa Most Essential Learning Competencies


(MELCs) na itinakda ng Department of Education (DepEd). Layunin nito na matugunan
ang pangangailangan ng mga mag-aaral na tulad mo partikular sa Baitang 7 na may
asignaturang Araling Panlipunan.

Ang araling ito ay nakabatay sa MELCs ng Araling Panlipunan 7 Kasaysayan ng


Asya para sa ika-anim at ikapitong Linggo (Week 6-7) na:

Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa


sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na:

1. Nailalarawan ang gampanin ng mga kababaihan sa pagtaguyod at


pagpapanatili ng mga pagpapahalagang Asyano
2. Nasusuri ang kalagayan ng mga kababaihan sa sinaunang panahon sa Asya
sa aspeto ng relihiyon, tradisyon at ekonomiya.
3. Naipapahayag ang pansariling pananaw hinggil sa tungkulin ng mga
kababaihan sa lipunan

Subukin
.

Panuto: Basahin at unawain ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat sa kwaderno ang letra ng iyong
sagot.

1. Ano ang tawag sa maluwang na damit na may kasamang belo na sinusuot ng mga babaeng
Muslim?
A. Bestida C. Kamiseta
B. Burka D. Malong

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga diyosang sinasamba ng mga ninunong
Asyano?
A. Amaterasu O-mi-Kami C. Nammu
B. Inanna D. Sita

3. Ano ang tawag sa simbolong ginagamit ng pilosopiyang Taoismo na sumisimbolo sa balanse


ng kalikasan?
A. Dharmachakra C. Torii

5
B. Star of David D. Yin-yang

4. Alin sa mga sumusunod na epiko ang naglalaman ng paglalarawan sa katangian ng isang


huwarang asawang babae?
A. Epiko ni Lam-Ang C. Epiko ng Ramayana
B. Epiko ng Gilgamesh D. Indarapatra at Sulayman

5. Ano ang pamantayan ng kagandahan sa panahon ng dinastiyang Sung sa Tsina?


A. pagkakaroon ng mahabang buhok
B. pagkakaroon ng makinis na balat
C. pagkakaroon ng maliit na paa
D. pagkakaroon ng mapulang labi

6. Ano ang kaparusahang ipinagkakaloob sa mga kakabaihang hindi tapat sa kanyang asawa
sa lipunan ng Babylonia?
A. habang buhay na pagkabilanggo
B. kamatayan
C. pagpapatapon sa malayong lugar
D. pagputol ng bahagi ng katawan

7. Paano itinuturing ang mga kababaihan sa panahon ni Hammurabi?


A. Ang mga kababaihan ay inihahalintulad sa isang bagay na maaaring ikalakal.
B. Ang mga kababaihan ay nagsisilbing tagapagkalinga ng pamilya.
C. Ang mga kababaihan ay itinuturing na tagapagsalaysay ng kaganapan sa lipunan.
D. Ang mga kababaihan ay inaasahang tagapagturo ng kagandahang-asal.

8. Ano ang ideyal na gulang ng mag-asawa ayon sa Batas ni Manu?


A. Ang edad ng babae ay dapat na dalawang beses na mas matanda sa kanyang
asawang lalaki.
B. Ang edad ng babae ay dapat na tatlong beses na mas matanda sa kanyang asawang
lalaki.
C. Ang edad ng lalaki ay dapat na dalawang beses na mas matanda sa kanyang asawang
babae.
D. Ang edad ng lalaki ay dapat na tatlong beses na mas matanda sa kanyang asawang
babae.

9. Ano ang mahalagang gampanin ng mga kababaihan sa lipunang Asyano?


A. Pagtataguyod at pagpapanatili ng mga pagpapahalagang Asyano.
B. Pagsasawalang bahala sa di-wastong pagturing ng kapwa.
C. Pagtalikod sa kinakaharap na pagsubok sa buhay.
D. Pananatiling tahimik sa tunay na kaganapan ng lipunan.

10. Bakit isinasagawa ng mga kababaihang Hindu ang pagtalon sa nasusunog na bangkay ng
kanyang asawa?
A. bilang pagpapatunay ng kanilang pagsasama sa hirap at ginhawa
B. bilang tanda ng kanyang katapatan at pagmamahal
C. upang maalis ang kanyang pagdadalamhati

6
D. upang magkasama sila sa kabilang buhay

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto sa paniniwala ng Confucianismo?
A. Ang ama ay nakatataas sa kanyang mga anak na lalaki.
B. Ang asawang babae ay mas nakaaangat sa kanyang asawang lalaki.
C. Ang emperador ay mas makapangyarihan sa kanyang mga mamamayan.
D. Ang ugnayan ng magkaibigan ang tanging pantay sa lahat.

12. Bakit mas mahalaga sa Confucianismo ang pagkakaroon ng anak na lalaki?


A. dahil ang mga kalalakihan ang siyang magpapatuloy ng pangalan ng pamilya
B. dahil ang mga kalalakihan ang magsisilbing tagapagtanggol ng pamilya
C. dahil ang mga kalalakihan ang nagkakapagkumpuni ng mga sirang kagamitan
D. dahil ang mga kalalakihan ang tagapagtaguyod ng pamumuhay

13. Ano ang ipinahihiwatig ng pagpapatigil sa kaugaliang Tsino na footbinding?


A. Ito ay tanda ng pagkamulat sa pantay na pagtingin sa mga kababaihan.
B. Ito ay tanda ng pagmahal ng presyo ng bendang pambalot sa paa ng mga babae.
C. Ito ay tanda ng pagpaparating ng saloobin ng mga kababaihan.
D. Ito ay tanda ng pagtanggap ng mga kalalakihan sa malaking paa ng mga babae.

14. Paano maaabot ng mga kababaihan ang kaliwanagan o Nirvana ayon sa Budismo?
A. maipanganak na lalaki sa susunod na buhay
B. maging mabuting tao sa kapwa
C. maging masunuring mamamayan sa komunidad
D. maging ulirang asawa at ina sa pamilya

15. Alin sa mga sumusunod ang nakapaloob sa Batas ni Hammurabi?


A. Ang mga kababaihan ay hindi maaaring ikalakal.
B. Ipinagbabawal ang pagbibigay ng pera o dote kapalit ng kasunduan ng kasal.
C. Maaring ipagbili ng asawang lalaki ang kanyang asawa at mga anak.
D. Maaaring makilahok sa kalakalan ang mga kababaihan.

7
Kalagayan ng mga Sinaunang
6 Kababaihan sa Asya

Sa araling ito masusuri ang kalagayan ng mga kababaihan sa sinaunang panahon


sa Asya at kanilang ginampanan upang maitaguyod ang at mapanatili ang mga
pagpapahalagang Asyano.

Balikan
Halina’t Mag-Crossword!

Panuto: Sa pamamagitan ng crossword puzzle, hanapin ang mga salitang tinutukoy sa


bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

2
3

4
5
6
7
8
9

10

Pababa Pahalang

8
1. Ito ang paniniwala ng mga Tsino na ang 3. _______ of Prowess ang taguri ng mga
ang kanilang kultura ang superyor sa tao sa Timog-Silangang Asya sa
lahat. kanilang mga pinuno.

2. Ito ay katawagan sa hari at/o diyos ng 4. Ito ay titulo na ibinibigay sa pinunong


mga sinaunang tao sa India Muslim na nangangahulugang kinatawan
ni Allah.
5. ________ of Heaven ang paniniwala ng
mga Tsino sa kanilang mga emperador na 6. Si ________ ay diyosa ng araw sa na
siya ay itinalaga ng kalangitan. sinasamba sa Japan.

7. Ang lugar na ito ay pinaniniwalaang 9. Siya ay anak ng diyos ng kalangitan na


mahiwaga at sagrado ng mga nakatira sa pinaniniwalaang pinagmulan ng lahi ng
Timog-Silangang Asya. mga unang pinuno sa Korea.

8. Ang mga _______ sinasamba ng mga 10. Ito ay pagyuko ng tatlong beses sa
sinaunang tao sa Timog-Silangang Asya. emperador bilang tanda ng pagbibigay
pugay

Tuklasin
Manalamin Tayo!
Panuto: Itala ang gampanin ng mga kababaihan sa larangan ng relihiyon, tradisyon at
ekonomiya gamit ang mga larawan.

9
______________________

____________________________

____________________________

_____________________

__________________

Suriin

Ang mga Babae sa Relihiyon at Pilosopiya sa Asya

Sa sinaunang panahon sa Asya masasalamin ang kalagayan ng mga kababaihan


sa relihiyon kung saan sinasamba ng mga ninunong Asyano ang mga diyosa. Sa
Babylonia na matatagpuan sa Kanlurang Asya, pinaniniwalaan na ang diyos na si Marduk
ay nagmula sa isang diyosa na nagngangalang Tiamat.

Samantalang sa mga taga-Mesopotamia, si Nammu na kilala rin bilang si Ishtar sa


tribong Semitic ay diyosa ng tubig na pininiwalaang mahalaga sa paglikha ng katauhan.
Gayundin, sinasamba nila si Inanna na tinaguriang diyosa ng pag-ibig at digmaan.
Mayroon siyang iba’t ibang anyo ngunit ang pinakamahalaga nito ay ang kanyang
pagiging diyosa ng lupa kung saan nagmula ang lahat.
Sa grupo ng mga Dravidian sa Timog Asya sinasamba ang diyosa ng buwan
ngunit nang dumating ang mga Indo-Aryan, napalitan ng lalaki ang kanilang sinasamba
at naging pangunahing diyos si Indra.

10
Sa Silangang Asya naman, pinahahalagahan ng mga Hapones si Amaterasu O-
mi-kami na diyosa ng araw at pinaniniwalaang pinagmulan ng unang emperador ng
Japan.

Sa Budismo, pinaniniwalaan na isang disipulo ni Buddha ang naghikayat sa kanya


na payagan maging mongha ang mga kababaihan, limang taon matapos nito makamit
ang kaliwanagan o Nirvana. Ito ang nagbigay-daan upang maipaliwanag sa mga
kababaihan ang mga aral ni Buddha. Subalit, hindi pa rin naging pantay ang pagkilala sa
mga kababaihan at kalalakihan sa relihiyong ito.

● Una, ang mga mongha ay nakapailalaim pa rin sa mga monghe.


● Ikalawa, tanging mga kalalakihan lamang ang maaaring makakamit ng Nirvana
kung kaya’t ang tanging paraan upang makamit ito ng mga babae ay ang
maipanganak na lalaki sa susunod na buhay.

Sinang-ayunan din ng pilosopiyang Confucianismo ang pagsasailalim ng mga


kababaihan sa mga kalalakihan. Tinitingnan na mas mahalaga ang anak na lalaki kaysa
sa mga anak na babae dahil sa itinuturing na ang mga kalalakihan ang siyang
magpapatuloy ng pangalan ng pamilya. Ang kahalagahan ng kababaihan ay nakabatay
sa kanyang kakayanang magkaroon ng anak at kung hindi ito mangyari, pinapayagan
ang asawang lalaki na hiwalayan ang kanyang asawang babae.

Gayundin, ang pagpapahalaga sa mga kalalakihan ay malinaw na makikita sa Limang


Ugnayan o Relasyon ng Confucianismo na naglalaman ng mga sumusunod:

● ang emperador ay mas makapangyarihan sa kanyang mga mamamayan


● ang ama ay nakatataas sa kanyang mga anak na lalaki
● ang asawang lalaki ay mas lamang sa kanyang asawang babae, sa mga
magkakapatid na lalaki
● ang nakakatatanda ang mas nakakatataas,
at ang ugnayan ng magkaibigan ang tanging
pantay sa lahat.

Ang mga tagasunod naman ng Hinduismo ay


may kaugalian na tinawag na sati o suttee kung saan
ang asawang babae ay inaasahang tumalon sa
funeral pyre o apoy na sumusunog sa labi ng kanyang
asawa bilang tanda ng knyang katapatan at
pagmamahal.

Halimbawa ng pagsasagawa
ng Suttee ng mga Hindu

Ang Tradisyunal na Papel ng mga Babae

11
Ang pagiging isang asawa
at ina ang tanging tunguhin ng
mga kababaihan. Noong
panahon ng mga Babylonian,
lumikha ng mga batas si Haring
Hammurabi upang itaguyod ang
kaayusan at kaugaliang umiiral
sa kanilang lugar na kinilala
bilang Batas ni Hammurabi. Ilang
Larawan ng Kodigo ni Hammurabi probisyon sa mga batas nito ay
tumatalakay sa kalagayan ng
mga kababaihan sa lipunan. Sa
panahong ito, ang mga
kababaihan ay itinuturing na
bagay na maaaring ikalakal. Ipinakakasundo ang mga kababaihan sa ibang kalalakihan
kapalit ng pera o dote. Ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay bibigyan ng
kaparusahang kamatayan. At ang mga lalake ay may lubos na karapatan sa kanyang
pamilya kung kaya’t maaari nito ipagbili ang kanyang asawa at mga anak. Ngunit sa
kabila ng pagkakaroon ng batas na ipinagbabawal ang pakikilahok ng mga kababaihan
sa kalakalan, may mga katibayan na malayang nangangalakal ang mga babae sa
panahon na ito.

Ang Batas ni Hammurabi sa Kanlurang Asya ay may katumbas rin batas sa Timog
Asya, ang Batas ni Manu na nabuo noong huling bahagi ng unang siglo BCE. Nakapaloob
sa batas nito ang pagtutol sa pagbibigay ng dote sa mga kababaihan. Ang ama ng babae
na tumatanggap ng dote ay maihahalintulad sa isang taong nag-aalok ng babae sa isang
lalaki. Hindi rin dapat na tumanggi ang ama ng nagdadalagang anak sa pagpapakasal
nito dahil ito katumbas ng pagpapalaglag ng bata o pagpigil sa pagluluwal ng sanggol ng
anak na babae. Ayon pa sa kodigo, ang edad ng isang lalaki ay dapat na tatlong beses
na mas matanda sa kanyang asawang babae.

Sa Timog Asya rin nagmula ang kilalang Epiko ng Ramayana kung saan si Sita na
asawa ni Prinsipe Rama ay naglalarawan ng pagiging isang huwarang asawa. Siya ay
nagtataglay ng mga dapat na maging katangian ng isang babae tulad ng maging tapat
na kabiyak at magsilbi sa kanyang asawa.

Sa lipunang Muslim, isinasagawa ang kaugaliang purdah na ang ibig sabihin ay


belo sa salitang Persian, kung saan ang mga asawang babae ay nagsusuot ng burka o
maluwang na damit na may kasamang belo. Layunin nito na ipaalala sa mga asawang

12
babae na tanging ang kanilang asawang lalaki lamang
ang may karapatang makakita sa kanya.

Halimbawa ng kaugaliang Muslim


na Purdah

Sa Silangang Asya, partikular sa


bansang Tsina, ipinatupad noong
panahon ng dinastiyang Sung (960-
Paa na hindi sumailalaim sa footbinding (kaliwa)
at paa ng mga kababaihan sa panahon ng 1278) ang kaugalian ng footbinding kung
dinastiyang Sung (kanan) saan ang paa ng mga batang babae ay
Normal foot Lotus foot
mahigpit na binabalutan ng bendang
seda upang mapigilan ang paglaki nito.
Ang ganitong uri ng paa ay kilala bilang lotus feet o lily feet. Ang pagpapanatiling maliit
ng mga paa ay pinaniniwalaan ng mga sinaunang Tsino na pamatayan ng kagandahan
ng mga kababaihan. Ito rin ay isang patunay na ang isang babae ay hindi nagtatrabaho
at kayang suporthan ng kaniyang asawang lalaki. Subalit sa pagpasok ng ika-20 siglo,
mariing ipinagbawal ang ganitong kaugalian sa Tsina na naging tanda ng pagkamulat nila
sa pantay na pagtingin sa mga kababaihan.

Sa simbolong yin at yang ng Taoismo, sinasalamin ng


sagisag na yin ang mga elementong babae samantalang ang
yang ang elementong lalaki. Ang yin ay kumakatawan sa
hindi aktibong elemento tulad ng lupa, dilim, at ang bilang na
may pares at putol-putol na linya. Habang ang yang naman
ay sumasagisag sa aktibong elemento tulad langit, liwanag,
mga bilang na walang pares at tuwid na linya. Ipinahihiwatig
nito na ang dalawang elemento ay makakapagbalanse sa
bawat sitwasyon. Sa kabila ng mga hindi pantay na pagtingin
Simbolo ng yin at yang
at balakid na kinaharap ng mga kababaihan ay may pagkilala pa
rin sa kanilang mga kahalagahan sa lipunang Asyano.

Pagyamanin

Magtapatan Tayo!
Panuto: Pagtambalin ang mga konsepto sa hanay A sa paglalarawan nito sa hanay B.
Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.

13
A B

______ 1. Nirvana A. Pagbabalot ng bendang


seda sa paa ng mga batang
babae sa Tsina

______ 2. Footbinding B. Diyosa ng araw ng mga


Hapones

______ 3. Suttee C. Damit na maluwag na may


belo

______ 4. Burka D. Kalikuman ng batas na


ipinatupad sa Kanlurang
Asya

______ 5. Nammu E. Nagtataglay ng katangian ng


isang huwarang asawa ayon
sa Epiko ng Ramayana

______ 6. Sita F. Simbolong nagpapahiwatig


ng balanse ng kalikasan

______ 7. Yin at Yang G. Pagsama ng asawang


babae sa sinusunog na labi
nag kanyang asawa

______ 8. Amatersu O-mi-Kami H. Diyosa ng tubig sa


Mesopotamia

______ 9. Batas ni Hammurabi I. Kalikuman ng mga batas na


ipinatupad sa Timog Asya

14
______ 10. Batas ni Manu J. Ang ibig sabihin nito ay
kaliwanagan

Isaisip

Ang pagiging mabuting asawa at ina ang pangunahing tungkulin


ng mga babae noong sinaunang panahon sa Asya.

Mahalaga ang ginampanang papel ng mga kababaihan sa sa


mga ninunong Asyano sapagkat sila ay sinasamba bilang
diyosa.

Sa relihiyon at pilosopiya ng sinaunang Asya makikita ang


mababang pagtingin sa mga kababaihan.

Maraming kaugalian ang nagpapahayag ng mababang antas ng


mga kababaihan sa lipunan.

Kadalasan ang mga babae ay hindi binibigyang pagkakataong


makilahok sa kalakalan at gawaing pang-ekonomiya.

May mga probisyon sa ilang mga ipinatupad na batas na


naglilimita sa maaaring gawin ng mga kababaihan sa pulitika at
ekonomiya.

Sa kabila nang di pantay na pagkilala sa mga kababaihan at


kalalakihan, naging mahalaga ang ginampanang tungkulin ng
mga kababaihan sa pagtataguyod at pagpapanatili ng mga
pagpapahalagang Asyano.

15
Isagawa

Ilarawan Mo Ko!

Panuto: Gamit ang tree diagram ilarawan ang kalagayan ng mga kababaihan sa
sinaunang panahon sa Asya sa aspeto ng relihiyon, tradisyon at ekonomiya .

Kalagayan ng mga Kababaihan sa Sinaunang Panahon sa Asya

Relihiyon Tradisyon Ekonomiya

* relihiyon * kaugalian * Ikinabubuhay


* pilosopiya * pamumuhay
* paniniwala

Tayahin

16
Saan ako nagkamali?

Panuto: Modified Tama o Mali. Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama kung wasto ang
diwang ipinapahayag ng pangungusap at kung hindi, palitan ang salita o mga salitang may
salungguhit.

1. Ang maluwang na damit na may kasamang belo na sinusuot ng mga babaeng Muslim
ay tinatawag na Purdah.
2. Si Tiamat ay diyosa ng tubig na pininiwalaang mahalaga sa paglikha ng katauhan sa
Mesopotamia.
3. Yin-yang tawag sa simbolong ginagamit ng relihiyong Taoismo na sumisimbolo sa
balanse ng kalikasan.
4. Ang Epiko ng Ramayana ay naglalaman ng paglalarawan sa katangian ng isang
huwarang asawa babae.
5. Pamantayan ng kagandahan ang pagkakaroon ng maliit na paa ng mga kababaihan
sa Dinastiyang Sung.
6. Sa lipunan ng Babylonia ang babaeng di tapat sa kanyang asawa ay pinapatawan
ng kaparusahang kamatayan.
7. Ang mga kababaihan ay inihahalintulad sa isang bagay na maaaring ikalakal ayon
sa Batas ni Hammurabi.
8. Ang edad ng lalaki ay dapat na dalawang beses na mas matanda sa kanyang
asawang babae ayon sa mga tagasunod ng Batas ni Manu.
9. Ang pagtataguyod at pagpapanatili ng mga pagpapahalagang Asyano ang
mahalagang gampanin ng mga kalalakihan.
10. Ang pagtalon ng babaeng Hindu sa nasusunog na bangkay ng kanyang asawa tanda
ng kanyang katapatan at pagmamahal.
11. Sa pilosopiyang Taoismo pinaniniwalaan na asawang babae ay mas nakaaangat sa
kanyang asawang lalaki.
12. Ang anak na babae ay mahalaga ayon sa Confucianismo dahil sa siya ang
inaasahang magpapatuloy ng pangalan ng pamilya.
13. Ang pagpapatigil sa kaugaliang Koreano na footbinding ay tanda ng kanilang
pagkamulat sa pantay na pagtingin sa mga kababaihan.
14. Maipanganak na lalaki sa susunod na buhay ang tanging paraan upang maabot ng
mga kababaihan ang Nirvana ayon sa Budismo.
15. Maaaring makilahok sa kalakalan ang mga kababaihan ayon kay Hammurabi.

Karagdagang Gawain

17
Tumula Naman Tayo!
Panuto: Basahin ang tula sa ibaba at ibigay ang iyong reaksyon o pananaw sa mga katanungan
sa susunod na pahina.

Babae
Edmar G. Panuelos at Maria Cecilia S. Santos

Babae ka
Marangal, kahali-halina, sinasamba
Bagamat nakagapos sa tanikala
Patuloy ang pagsigaw ng paglaya
Nakakahon sa tahanang ginagalawan
Di malinaw ang kapakinabangan
Naghahanap ng pagbabago
Nais iangat ang estado

Babae ka
Inaakalang mahina
Sa matang mapanghusga
Halaga ay di makita
Lumaban at tumindig
Tinig mo ay iparinig
Pagpapagal at pagsisikap
Makukuha rin sa hinaharap

Babae ka
Huwag hayaang diktahan
Mundong iyong ginagalawan
Pagkatao ay ibangon
Taas noong harapin ang hamon
Tungkulin mong gampanan
Paglaban sa karapatan
Upang kalayaan ay makakamtan

18
Pamprosesong katanungan:

Ayon sa tula, ano ang tungkulin o gampanin ng mga babae?


___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_______________________________________
Mayroon bang pagpakahalintulad ang kalagayan ng mga mga
kababaihan na inilarawan sa tula sa kasalukuyang panahon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_______________________________________

Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa gampanin ng mga


kababaihan sa lipunan?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_______________________________________

19
20
Subukin
B
Balikan Pagyamanin
D
Sinocentrism J
D Devarajah B
C Men G
Caliph C
C Mandate H
Amaterasu E
B Bundok F
Anito B
A Hwanung D
C Kowtow I
A
B
B
A
Tayahin
Burka
Nammu
Tama
Tama
Tama
Tama
Tama
Tama
Kababaihan
Tama
Confucianismo
Lalaki
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa Sa Gitna Ng
Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education Bureau of Learning
Resources.

Mateo, Grace Estela C. et. al., 2008. Asya Pag-usbong ng Kabihasnan: Batayang Aklat
sa Araling Panlipunan Ikalawang Taon. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.

"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource Management


and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/ download/18275.

21

You might also like