You are on page 1of 24

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Katangiang Pisikal ng Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Katangiang Pisikal ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lizelda E. Antonio
Editor: Gemma F. Depositario, Ed.D.
Tagasuri: Divina May S. Medez
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
7

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Katangiang Pisikal ng Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Katangiang Pisikal ng Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “Mga Yamang Likas Ng Asya.”
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
Subukin (100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
Balikan
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
Tuklasin
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
Isaisip
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
Isagawa ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Tayahin

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
Karagdagang aralin.
Gawain

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Susi sa

Pagwawasto

iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkukunan


sa paglikha ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1.Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

2.Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.

3.Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4.Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5.Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

v
Alamin

Isa na naming bagong hamon ang susubok sa iyong kakayanan sa


pagsasagawa ng mga inihandang Gawain na nakapaloob sa modyul na ito.
Inaasahan na masasagot moa ng mga katanungang: Malaki ba ng epekto ng
katangiang pisikal ng Asya sa pamumuhay ng mga taong nakatira dito? At kung
paanong ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay nagbigay daan sa pagbuo at pag-
unlad ng kabihasnang Asyano? Sa pamamagitan ng iyong kaalaman sa araling
nakapaloob sa modyul na ito ay makatylong sa pagsagot sa mga mmahalagang
tanong na nabanggit.
Handa ka na ba sa pag-alam sa mga mahahalagang tanong na ito? Kung oo,
halika at simulan nating tuklasin ang mga kasagutan at palawakin ang iyong
kaalaman sa kontinenteng iyong kinabibilangan.
Sa modyul na ito inaasahang:

MELC
Mapahahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
Kabihasnang Asyano. AP7 HAS – Ia-1

Mga Lyunin:
K. Nailalarawan ang katangiang pisikal ng Asya.
S. Nakagagawa ng photo essay na nagpapakita ng mga hakbanging nagpapatibay ng
ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng Kabihasnang Asyano.
A. Napahahalagahan ang matibay at maayos na ugnayan ng tao at kapaligiran sa sariling
pamayanan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ilang hakbang sa pagpapanatili ng
ugnayang ito.

1
Subukin

Handa ka na ba? Simulan moa ng iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagsagot ng


paunang pagtataya na siyang susubok sa iyong paunang kaalaman sa sariling tatalakayin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot. Isulat sa kwaderno ang sagot.

1. Taglay ng rehiyon ng Hilagang Asya ang malawakna damuhan o grassland. Anong uri
ng grasslands ang may damuhang mataas at malalim ang ugat na nasa ilang bahgi ng
Russia at Manchuria?
a. Prairie b. savanna c. steppe d. tundra

2. Bakit itinuturing na pangunahin at nnapakahalagang butyl pananim ang palay sa


maraming bansa sa Asya?
a. Maaring ipalit ang palay sa mga butyl ng trigo, mais at barle
b. Pala yang pangunahing ppagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
c. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
d. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.

3. Isa sa pinakamahalagang ilog sa China ay ang Huang Ho na kilala sa tawag na;


a. River of Peace c. River of Sorrow
b. River of Joy d. River of Happiness

4. Ang Asya, Arabia, India, Indochina at Malay ay pawing mga tangway o ___________.
a. Peninsula b. lawa c. dagat d. karagatan

5. Ang mga taong naninirahan sa mga steppe, prairie, at savanna ay kadalasang nakatuon
sa pagpapastol at pag-aalaga nng mga hayop tulad ng baka at tupa na pinagkukunan nila
ng lana, karne at gatas. Samantalang, ang mga lambak, ilog at mabababang burol ay
ginagawa nilang ________________.
a. pananiman b. pastulan c. pasyalan d. pamilihan

6. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatzn, lawa, at mga ilog
na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa
Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na
gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang
gampaning ito?
a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan
sa rehiyon at sa buong daigdig.
b. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa
mga ilog na ito.
c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mg ailog
na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha.
d. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabras ng
bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.

7. Ang pagkakaroon ng Asya ng mga hanay ng bundok, natutunan ng mga Asyano ang
gumawa ng mga pamamaraan upang mapakinabangan ang pisikal na kapaligirang ito.
Ilang halimbawa nito ay ang Longsheng Rice Teraaces ng China at Banaue Rice Terraces
ng Pilipinas at kinilala bilang isa sa Eight Wonders of the World. Ano ang nais patunayan
ng mga Asyano sa paggawa ng pamamaraang tulad ng hagdan-hagdang palayan?

2
a. Ang mga Asyano ay likas na mapamaraan at nagawa nilang matustusan ang
pangangailangan sa pagkain.
b. Ang mga Asyano ay may pagmamalasakit sa kalikasan,
c. Ang mga Asyano ay nahuhumaling sa pagtatanim.
d. Ang mga Asyano ay may matungin.

8. Tatlo sa mga rehiyong pisikal ang matatagpuan sa Kanlurang Asya: Northern Tier, Arabian
Peninsula, at Fertile Crescent. Sa Kanlurang bahagi ng Northern Tier ay sakop nito ang
Anatolian Plateau na may malaking populasyon ang naninirahan at sa Silangang bahagi
naman ng Northern Tier ay matatagpuan ang Iranian Plateau na may maliit na populasyon
ang naninirahan. Bakit kaya mas marami ang naninirahan sa Anatolian Plateau kaysa
Iranian Plateau?
a. Ang Anatolian Plateau ay may matabang lupa na maaaring pagtamnan.
b. Ang Iranian Plateau ay tuyo ang lupain.
c. Ang Anatolian Plateau ay maaliwalas.
d. Ang Iranian Plateau ay lubhang malamig.

9. Sa Hilagang Kanluran ng timog Asya matatagpuan ang kabundukang Hindu Kush, dito
matatagpuan ang kilalang landas na Khyber Pass. Ang mga sumusunod ay ang
magandang naidudulot sa paggamit ng landas na ito sa pamumuhay ng mga Asyano
maliban sa isa;
a. Ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga Asyano upang higit na magkakakilanlan.
b. Ito ay nagbibigay pagkakataon na makapagpalitan ng ideya ang mga Asyano.
c. Ito ay makapagbigay ng pagkakataong mapagyaman ang kultura sa isa’t isa.
d. Ito ay magdudulot ng di pagkakaunawaan ng mga Asyano.

10. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit nagging mahalagang bahagi ng buhay ng
mga Hindu ang Ganges River maliban sa isa;
a. Naniniwala ang mga Hindu na ang pagligo sa Ganges ay nakapagpapadalisay sa
kanilang kaisipan at kalooban.
b. Sa pamamagitan ng paglalakbay patungo rito, maibsan ang karma sa kanilang
buhay.
c. Maaaring makakamit nila ang kaligtasan.
d. Makapagbibigay ang ilog ng kasaganaan.

11. Ang pagkakaroon ng iba-ibang klima sa Asyaay dulot ng iba-ibang salik, tulad ng lokasyon
at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang
Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng
klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-
ulan.
b. May mainit na panahon sa ibang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na
nababalutan ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init, at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t
ibang buwan sa loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

12. Ang mga hanging nagtataglay ng ulan o monsoon ay isang mahalagang salik sa
pamumuhay ng mga Asyano, particular sa Silangan, Timog, at Timog-Silangang Asya.
Dahil sa monsoon, ang mga rehiyong ito ay sagana sa ulan. Ano ang karaniwang
ikinabubuhay ng mga tao sa rehiyong ito?
a. Pagsasaka b. industriya c. pagmimina d. pangingisda

3
13. Ang Asya ay napapalibutan ng iba’t-ibang angyong-tubig tulad ng mga ilog at karagatan.
Ano ang implikasyon nito sa kultura ng mga Asyano?
a. Ang mga unang Asyano ay nakatira sa mga siyudad.
b. Hindi magandang pook-tirahan ang mga lugar na ito dahil sa kalamidad.
c. Nakaimbento ng sasakyang panlupa ang mga Asyano.
d. Ang mga anyong tubig ang nagsisilbing daan para maging magsasaka, mangingisda
at mangangalakal ang mga Asyano.

14. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong
halaman: steppe, prairie, savanna, tundra, taiga, at rainforest. Alin sa mga sumusunod
ang malaking salik sa paghubog sa kapaligiran ng Asya?
a. Klima b. panahon c. monsoon d. average weather

15. Ang bansang China ay nagtataglay ng a na lambak-ilog na pinanggalingan ng mga ilog


Huang Ho at Yangtze. Alin sa mga sumusunod ang maaaring nakatulong sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa?
a. Agrikultura b. pagtotroso c. pagmimina d. pag-aalaga ng hayop

4
Balikan

Alam ko na marami ka ng natutunan sa nakaraang aralin dahil dito ikaw ay inaasahang


makapagsasagawa ng Gawain sa ibaba na susubok sa iyong naunang kaalaman.

Sa naunang modyul na iyong napag-aralan, natutuhan mo na ang Asya ang


pinakamalaking kontinente sa buong daigdig. Ito ay nahahati sa limang rehiyon. Sa bahaging
ito ay susubukin ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng ppagsasagawa ng gawaing
Balikan.

Panuto: Tukuyin ang limang rehiyon sa Asya sa pamamagitan ng paggamit ng mapa sa ibaba.
Isulat ang mga rehiyon at mga bansang kabilang dito.

https://www.wikiwand.com/en/Asia

5
Tuklasin

A. Panuto: Lagyan ng paglalarawan ang mga katangi-tanging lugar na matatagpuan sa


Asya gamit ang mga pagpipilian sa kabilang pahina. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa ibaba ng bawat larawan.

www.banaueterraces.com https://geography.name/fertile- https://rg21.jp//p=1957


crescent/
11. 12. 13.

https://www.google.com/url?sa=i&url=https
scitecheuropa.eu britannica.com %3A%2F%2Fwww.tripadvisor.com%2FLoc
ationPhotoDirectLink-g303998-d1008724-
i22535527

14. 15. 16.

Mga Pagpipilian:
A. Banaue Rice Terraces-Pilipinas, isa sa pitong kahanga-hangang lugar sa mundo

B. Borneo Rain Forest- isa sa mga ipinagmamalaking kagubatan ng Timog-Silangang


Asya

C. Fertile Crescent –silangang bahagi ng Mediterraneann patungo sa Tigris Euphrates


Rivers hanggang Persian Gulg / pinag-usbungan ng kauna-unahang kabihasnan.

D. Khyber Pass- kabundukan ng Hindu Kush, Timog Asya / kilalang landas na tinahak
at ginamit ng mga mangangalakal at manlalakbay sa kasaysayan upang marating
ang India.

E. Ilog Huang Ho – China / River of Sorrow

6
F. Mt. Everest – kabundukan ng Himalayas sa Timog Asya pinakamataas na bundok sa
buong daigdig.

B. Panuto: Buuin ang mga ginulong letra upang mabuo ang mga salita na
inilalarawan sa bawat bilang. Gamiting gabay o clue ang konseptong
nakapaloob sa kahon upang mabuo ang mga salita sa bawat aytem.

Mga Konsepto o Ideya

1. Ang kabihasnan ng kontinente ng Asya ay bunsod ng ugnayan ng


pisikal na kapaligiran nito at ng tao.
2. Bahagi ng heograpiya ng kontinente ng Asya ay ang pisikal na
kapaligiran nito na sa pamamagitan ng ugnayan ng tao ay nahubog
ang kabihasnan.
3. Malaki ang kinalaman ng pisikal na kapaligiran sap ag-unlad ng
katangiang kultural at ng kabihasnan sa kontinente ng Asya.

YANUGNA 1. Bigkis o pagtutulungan para sa kapwa kapakinabangan.


OAT 2. Ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kanyang
kabuhayan at pagtugon sa pangangailangan.
LIGIKAPARAN 3. Kalikasan, ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig.
BIHASKABI 4. Maunlad na yugto ng kulturang panlipunan, moral at kultural.
PIHEOGRAYA 5. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo.
UNASINA 6. Katutubo o tagapagsimula.
TURALKUL 7. Pag-unawa at paghanga sa sining, kaugalian, paniniwala, gawaing
panlipunan, edukasyon, relihiyon at siyentipiko.
TINENKONT 8. Ang malaking masa ng lupain sa mundo.
AYSA 9. Ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon.
SIPIKAL 10. Katangiang nakikita at nahahawakan.

7
Suriin

Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon sa Asya


Hilagang Asya
Ang kabundukang Ural na nasa rehiyong ito ang humahati sa mga kontinente ng
Europe at Asya. Ang Bering Sea ang nag-uugnay sa Hilagang Asya at Alaska. Dahil ang
rehiyong ito ay may pinakamahabang panahon ng taglamig at napakaikling tag-init hindi
kayang tumubo sa kalakhang bahagi nito, ang anumang punongkahoy. Sa ilang mga bahagi
ng rehiyong ito ay may malalawak na damuhan na may iba’t ibang anyo (steppe, prairie at
savanna), at may kaunting bahagi na boreal forest o taiga na may kagubatang coniferous.
Bunsod ito ng malamig na klima sa rehiyong ito.
Kanlurang Asya
Ang Kanlurang Asya ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at sa
hilagang silangang bahagi ng Africa. Mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar dito,
maging ang pagkatuyo ng mga ilog at lawa ay madalas dahil sa sobrang init at walang
masyadong ulang nararanasan sa rehiyong ito ng Asya. Nahahati sa tatlong rehiyong pisikal
ang Kanlurang Asya: ang Northern Tier na lupain ng kabundukan at talampas, ang Arabian
Peninsula na isang malawak na tangway na pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig ngunit
ang loob na bahagi nito, at ang Fertile Crescent na nagtataglay naman ng matabang lupa at
saganang suplay ng tubig. Sa kanluran ng Northern Tier ay matatagpuan ang Anatolian
Plateau sa silangang bahagi ng Northern Tier na may lupaing tuyo.
Timog Asya
May anyong hugis tatsulok, ang Timog Asya ay may hangganang Indian Ocean sa
Timog at kabundukan ng Himalayas sa hilaga. Sa kanlurang bahagi ng rehiyon nakalatag ang
mga bansang Afghanistan, Pakistan at India, sa silangan ng Bagladesh, sa dakong hilaga ay
may mga bansang Nepal at Bhutan, at ang mga pulo ng Sri Lanka at Maldives sa Timog. Ang
topograpiya ng rehiyong ito ay mabundok. Sa hilagang bahagi nito ay makikita ang hanay ng
mga bundok ng Hindu Kush sa Afghanistan, Karakoram Range sa Pakistan at China, at ang
Himalayas sa Nepal. Sa Hindu Kush matatagpuan ang kilalang landas na Khyber Pass.
Sa katomugan ng Hindu Kush nakalatag ang Indo-Gangentic Plain na katatagpuan
naman ng Thar Desert sa kanlurang bahagi nito at ang Deccan Plateau sa bandang timog.
Sa kanluran at silangan naman ng talampas na ito ay ang kabundukan ng Ghats; ang Western
Ghats na nasa panig ng Arabian Sea, at ang Eastern Ghats na nasa panig na ng Bay of
Bengal. Ang Indus, Ganges, at Brahmaputra na ilan sa malalaking ilog sa daigdig, ay
matatagpuan sa Timog Asya. Mainit sa rehiyong ito maliban sa mga kabundukan na
nananatiling malamig dahilsa niyebe o yelo.
Silangang Asya
Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyong Silangang Asya particular
na ang China na sumasakop sa 20% sukat ng kontinente. Ang mga bansang Japan at Korea
ay halos 5% ng lupain ng Silangang Asya. Ang rehiyong ito na may mga pisikal na hangganan
tulad ng Gobi Desert, Mongolian-Tibetan Plateaus at ang Himalayas. Nasa silangan naman

8
nito ang Pacific Ocean. Sa pangkalahatan, matataba ang mga kapatagan dito, malalim ang
mga lambak at matataas ang mga bundok. Bagamat malawak ang China, ang mga
naninirahan dito ay nagsisiksikan sa silangang bahagi ng bansa na isang kapatagan hindi
tulad ng kanlurang bahagi nito na binubuo ng mga kabundukan at talampas. Ang mga ilog ng
Huang Ho, Yangtze at Xi Jiang ay ang tatlong pinakamahalagang ilog sa pamumuhay ng mga
Tsino dahil sa nagpapataba ito ng lupain at ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.
Samantala, sa pamamagitan ng Sea of Japan at Korean Strait, ang bansang Japan ay
nahihiwalay sa mismong lupain ng Silangang Asya. Binubuo ito ng apat na malalaking isla;
ang Kyushu, Shikoku, Honshu, at Hokkaido. Nasa maliit na bahagi lamang ng bansa ang
malaking bahagi ng populasyon sapagkat mahigit sa 80% ng lupain ng Japan ay kabundukan.
Ang kahabaan ng Timog Silangang Asya ay makikita sa Timog ng China at Japan.
Ang India ang nasa Hilagang-Kanluran nito at Pacific Ocean naman sa Silangang bahagi.
Dahil sa kaaya-ayang klima dito, magubat na kabundukan ang matatagpuan sa hilaga ng
rehiyon samantalang mga lambak-ilog naman sa timog. May matabang lupa ang mga
kapatagan dito habang ang ibang lugar naman ay karaniwang latian at matubig.
Timog Silangang Asya
Nauuri sa dalawa ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya: Ang Pangkontinenteng
Timog Silangang Asya o Mainland Southeast Asia, isang tangway na nasa pagitan ng South
China Sea at Indian Ocean. Ang malaking bahagi ng lupaing ito ay kabundukan at manaka-
nakang mga nagtataasang talampas mula sa Himalayas hanggang katimugang bahagi ng
China. Ang mga kabundukan at talampas na ito ay ang siyang naghihiwalay sa bahaging ito
ng Timog Silangang Asya sa iba pang rehiyon. Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng mga ilog ng
Irrawaddy, Salween, Chao Phraya, Mekong, at Red River. Ang Pangkapuluang Timog
Silangang Asya o Insular Southeast Asia naman ay binubuo ng mgakapuluang nakalatag sa
karagatan kabilang ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia, at East Timor. Ang ilan sa mga
kapuluang ito (kasama ang Japan) ay kabilang sa rehiyong Pacific Ring of Fire dahil hitik sa
mga bulkan ang lugar na ito at maaaring magdulot ng paglindol dulot ng kanilang pagsabog.

Pagyamanin

Gawain A:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang iyong mga sagot sa kwaderno.

1. Ilahad ang mga katangiang pisikal na bawat rehiyon ng Asya.

2. Ano-ano ang bahaging ginagampanan sa pamumuhay ng mga Asyano ng mga


kabundukan at ilog sa Asya?

3. Paano naaapektuhan ng mga monsoon, mga bagyo, at mga lindol ang pisikal na katangian
ng iba’t ibang rehiyon ng Asya? Ikaw bilang isang Pilipino at Asyano, ano magiging
kapakinabangan mo sa pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa katangian ng mga natural
na kalamidad na dinaranas ng ating bansa?

9
Gawain B:

Panuto: Tunghayan ang mga larawan sa ibaba at basahin ang paglalarawan nito. Sagutin
ang tanong sa ibaba ng mga larawan.

Unang Larawan: Ancient Silk Road ang kasalukuyang Yecheng Burang na kilala bilang
pinakamataas at pinamahalagang lansangang bayan ng sinaunang
panahon. Saksi ang Silk Road sa naganap na pagpapalitan ng kalakal at
ideya ng Silangan at mga bansang Kanluranin.

Ikalawang Larawan: Sri Pada o “Sacred Footprint”. Tradisyonal na sambahan ng mga


Buddhist, Hindu, Muslim at Kristiyano.

Ikatlong Larawan: Banaue Rice Terraces. Nagsisilbing taniman ng mga pagkaing


ikinabubuhay ng mga tagarito.

Ika-apat na Larawan: Fertile Crescent. Ang lugar na ito ay nagtataglay ng matabang lupa at
saganang suplay ng tubig. Pinag-usbungan ng kauna-unahang kabihasnan
sa daigdig.

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fw https://www.shutterstock.com/image-photo/sacred-
1 ww.quora.com%2FWhat-all-countries-did-the-ancient-silk- 2 footprints-on-hill-chandragiri-above-781333087
route-touch&psig=AOvVaw2M-
O5qpDWcbBQ4Rh0FT0X9&ust=1596074587701000&source
=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCODm0aiv8eoCFQA
AAAAdAAAAABAN

www.pixshatk.com- images galleries with abite


3 www.banaueterraces.com
4
1. Magtala ng tatlong bagay na naglalarawan ng ugnayan ng kapaligirang
pisikal at mga Asyano. Isulat ang sagot sa kwaderno.

10
Napakahalaga ng bahaging ginampanan ng pisikal na kapaligiran sa pamumuhay ng
mga tao. Ang mga kapakinabangang dulot ng kapaligiran ay nakatulong ng Malaki upang
matustusan ang halos lahat ng pangangailangan ng tao. Ang patuloy na interaksyon ng tao
at kapaligiran ay ang siyang nagbubunsod sa kabihasnang patuloy na pinauunlad ng tao sa
kasalukuyan.

Panuto: Bumuo ng Photo Essay na nagpapakita ng mga hakbanging magpapatibay sa


maayos na ugnayan ng tao at kapaligiran. Mamarkahan ang iyong photo essay batas sa
RUBRIC sa ibaba.

Pamantayan Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula


10 7 5 3
Nilalaman Komprehensibo, Tumpak at Tumpak ang mga Kulang ang mga
tama at dekalidad dekalidad ang impormasyon impormasyon
ang mga
impormasyon impormasyon
Organisasyon Maayos, May wastong Lohikal ang Hindi maayos at
detalyado at daloy ng kaisipan pagkalahad ng hindi maunawaan
madaling at madaling impormasyon ang mga
maunawaan ang maunawaan ngunit hindi sapat impormasyon
mga
impormasyon
Mensahe Malinaw at Malinaw ang Limitado ang Limitado at
malawak ang mensahe mga Malabo ang mga
mensahe impormasyon impormasyon

11
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot. Isulat sa kwaderno ang sagot.

1. Ang ilang mga bundok sa Asya ay gumaganap din ng mahalagang gampanin sa mga
Asyano hindi lamang sa larangan ng kabuhayan. Ang Mt. Fuji na kinikilalang
pinakabanal na bundok ng Japan ay katatagpuan ng mga templo ng Shinto. Ang Mt.
Emei sa China na tinaguriang “eyebrow of Buddha” na may mga monsaterio, templo at
mga kuweba ay dinarayo rin ng mga turista. Ano ang nais ipahiwatig ng pangyayaring
ito?
a. Naiimpluwensiyahan din ng kapaligiran ang ispiritwal o paniniwala ng mga Asyano.
b. Ang mga Asyano ay sobrang nahuhumaling sa mga kabundukan,
c. Ang mga kabundukan ay nagtataglay ng kapangyarihan.
d. Ang mga kabundukan ay pinaniniwalaang tahanan ng kanilang mga Diyos.

2. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit nagging mahalagang bahagi ng buhay ng
mga Hindu ang Ganges River maliban sa isa.
a. Naniniwala ang mga Hindu na ang pagligo sa Ganges ay nakapagpapadalisay sa
kanilang kaisipan at kalooban.
b. Sa pamamagitan ng paglalakbay patungo rito, maibsan ang karma sa kanilang
buhay.
c. Maaaring makakamit nila ang kaligtasan.
d. Makapagbibigay ang ilog ng kasaganaan.

3. Ang mga disyerto ay rehiyong may malawak na tuyong lupa at buhangin. Ang ganitong
uring anyong lupa ay nakararanas lamang ng mga sampung pulgadang ulan sa loob ng
isang taon. Ang mga nomadikong populasyon sa disyerto ng kontinente ay karaniwang
nagpapastol sa madamong bahagi ng steppe at nagsasaka ng mga matitibay na butyl na
nakatatagal sa temperature ng disyerto. Dahil sa kakulangan ng tubig saan karaniwang
namumuhay ang mga nomadikong Asyano?
a. Sa tabi ng mga oasis c. sa buhangin
b. Sa tabi ng mga bundok d. sa sakahan

4. Tatlo sa mga rehiyong pisikal ang matatagpuan sa Kanlurang Asya: Northern Tier, Arabian
Peninsula, at Fertile Crescent. Sa Kanlurang bahagi ng Northern Tier ay sakop nito ang
Anatolian Plateau na may malaking populasyon ang naninirahan at sa Silangang bahagi
naman ng Northern Tier ay matatagpuan ang Iranian Plateau na may maliit na populasyon
ang naninirahan. Bakit kaya mas marami ang naninirahan sa Anatolian Plateau kaysa
Iranian Plateau?
a. Ang Anatolian Plateau ay may matabang lupa na maaaring pagtamnan.
b. Ang Iranian Plateau ay tuyo ang lupain.
c. Ang Anatolian Plateau ay maaliwalas.
d. Ang Iranian Plateau ay lubhang malamig.

5. Bakit itinuturing na pangunahin at nnapakahalagang butyl pananim ang palay sa


maraming bansa sa Asya?
a. Maaring ipalit ang palay sa mga butyl ng trigo, mais at barle
b. Pala yang pangunahing ppagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
c. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
d. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.

12
6. Isa sa pinakamahalagang ilog sa China ay ang Huang Ho na kilala sa tawag na;
b. River of Peace c. River of Sorrow
c. River of Joy d. River of Happiness

7. Sa Hilagang Kanluran ng timog Asya matatagpuan ang kabundukang Hindu Kush, dito
matatagpuan ang kilalang landas na Khyber Pass. Ang mga sumusunod ay ang
magandang naidudulot sa paggamit ng landas na ito sa pamumuhay ng mga Asyano
maliban sa isa;
a. Ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga Asyano upang higit na magkakakilanlan.
b. Ito ay nagbibigay pagkakataon na makapagpalitan ng ideya ang mga Asyano.
c. Ito ay makapagbigay ng pagkakataong mapagyaman ang kultura sa isa’t isa.
d. Ito ay magdudulot ng di pagkakaunawaan ng mga Asyano.

8. Ang mga taong naninirahan sa mga steppe, prairie, at savanna ay kadalasang nakatuon
sa pagpapastol at pag-aalaga nng mga hayop tulad ng baka at tupa na pinagkukunan
nila ng lana, karne at gatas. Samantalang, ang mga lambak, ilog at mabababang burol
ay ginagawa nilang ________________.
a. pananiman b. pastulan c. pasyalan d. pamilihan

9. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatzn, lawa, at mga ilog
na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa
Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na
gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang
gampaning ito?
a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan
sa rehiyon at sa buong daigdig.
b. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa
mga ilog na ito.
c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mg ailog
na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha.
d. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabras ng
bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.

10. Ang pagkakaroon ng Asya ng mga hanay ng bundok, natutunan ng mga Asyano ang
gumawa ng mga pamamaraan upang mapakinabangan ang pisikal na kapaligirang ito.
Ilang halimbawa nito ay ang Longsheng Rice Teraaces ng China at Banaue Rice Terraces
ng Pilipinas at kinilala bilang isa sa Eight Wonders of the World. Ano ang nais patunayan
ng mga Asyano sa paggawa ng pamamaraang tulad ng hagdan-hagdang palayan?
a. Ang mga Asyano ay likas na mapamaraan at nagawa nilang matustusan ang
pangangailangan sa pagkain.
b. Ang mga Asyano ay may pagmamalasakit sa kalikasan,
c. Ang mga Asyano ay nahuhumaling sa pagtatanim.
d. Ang mga Asyano ay may matungin.

11. Ang pagkakaroon ng iba-ibang klima sa Asyaay dulot ng iba-ibang salik, tulad ng lokasyon
at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang
Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng
klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-
ulan.
b. May mainit na panahon sa ibang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na
nababalutan ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init, at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t
ibang buwan sa loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

13
12. Ang mga hanging nagtataglay ng ulan o monsoon ay isang mahalagang salik sa
pamumuhay ng mga Asyano, particular sa Silangan, Timog, at Timog-Silangang Asya.
Dahil sa monsoon, ang mga rehiyong ito ay sagana sa ulan. Ano ang karaniwang
ikinabubuhay ng mga tao sa rehiyong ito?
b. Pagsasaka b. industriya c. pagmimina d. pangingisda

13. Ang Asya ay napapalibutan ng iba’t-ibang angyong-tubig tulad ng mga ilog at karagatan.
Ano ang implikasyon nito sa kultura ng mga Asyano?
a. Ang mga unang Asyano ay nakatira sa mga siyudad.
b. Hindi magandang pook-tirahan ang mga lugar na ito dahil sa kalamidad.
c. Nakaimbento ng sasakyang panlupa ang mga Asyano.
d. Ang mga anyong tubig ang nagsisilbing daan para maging magsasaka, mangingisda
at mangangalakal ang mga Asyano.

14. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong
halaman: steppe, prairie, savanna, tundra, taiga, at rainforest. Alin sa mga sumusunod
ang malaking salik sa paghubog sa kapaligiran ng Asya?
b. Klima b. panahon c. monsoon d. average weather

15. Ang bansang China ay nagtataglay ng malalawak na lambak-ilog na pinanggalingan ng


mga ilog Huang Ho at Yangtze. Alin sa mga sumusunod ang maaaring nakatulong sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa?
a. Agrikultura b. pagtotroso c. pagmimina d. pag-aalaga ng hayop

Karagdagang
Gawain

Panuto: Sumulat ng isang panata para sa inang kalikasan. Ang


panata ay naglalaman ng pangako na ikaw ay maging isang
mabuting tagapangalaga ng kalikasan. Gawin ito sa iyong
kwaderno.

Ako si (isulat ang buong pangalan)___________________taos-


pusong nangangako na _______________________________
__________________________________________________
____________________________________.

___________________________________________________
___________________________________________________
______________________.

____________________
Buong pangalan at Lagda

14
15
Subukin Tayahin
1. A 6. A 11. C 1. A
2. B 7. A 12. A 2. A
3. C 8. A 13. D 3. A
4. A 9. D 14. A 4. A
5. A 10. A 15. A 5. B
6.C
Balikan 7. D
1. Silangang Asya 2. Hilagang Asya 8. A
China Kazakhstan 9. A
Japan Kyrgyzstan 10. A
North Korea Tajikistan 11. C
South Korea Turkmenistan 12. A
Taiwan Uzbekistan 13. D
Georgia 14. A
4. Timog Asya Armenia 15. A
Afghanistan Mongolia
Bangladesh Siberia
Nepal
Bhutan 3. Kanlurang Asya
Sri Lanka Saudi Arabia
Maldives Lebanon
Jordan
5.Timog Silangang Asya Syria
Myanmar Iraq
Vietnam Kuwait
Cambodia Yemen
Indonesia Oman
Brunei United Arab Emirates
East Timor Qatar
Thailand Bahrain
Laos Iran
Philippines Israel
Malaysia Cyprus
Singapore Turke
Tuklasin
A. B
1. A 1. UGNAYAN 6. SINAUNA
2. C 2. TAO 7. KULTURAL
3. E 3. KAPALIGIRAN 8. KONTINENTE
4. D 4. KABIHASNAN 9. ASYA
5. F 5. HEOGRAPIYA 10. PISIKAL
6. B
Pagwawasto
Susi sa
Sanggunian
Aklat
Mateo Ph.D, Grace Estela C., et. al., Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Vibal Publishing House
Quezon City, 2008
Maria Carmelita B. Samson, et.al., Binagong Edisyon: Kayamanan Araling Asyano, Batayan at
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan
Blando, Rosemarie C., et.al., Modyul Para sa Mag-aaral, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba, Eduresources Publishing, Inc.

Website

www.britannica.com

Google images

https://geography.name/fertile-Crescent/Asya-wikiwand.com

https://rg21.jp//p=1957

https://pinterest.com

Ifpnews.com

scitecheuropa.eu

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like