You are on page 1of 21

7

Araling Panlipunan
Pansuplementong Modyul sa Araling Panlipunan 7
Unang Markahan – Modyul 2:
Para saHeograpikal
Paghahating Unang Markahan sa mga
Rehiyon ng Asya
Paghahating Heograpikal sa
Asya at Mga Rehiyon ng Asya

1
Araling Panlipunan – Ikapitong Taon
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Paghahating Heograpikal sa mga Rehiyon ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Jesila D. Cancio


Editor: Gemma F. Depositario
Tagasuri: Nieves S. Asonio
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel
#: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

iii
7

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Paghahating Heograpikal sa mga
Rehiyon ng Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Paghahating Heograpikal ng Asya at Mga Rehiyon ng Asya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan
.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag- aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya at Mga Rehiyon ng Asya. Ang modyul na
ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Alamin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
Subukin laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
Balikan
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Suriin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
Pagyamanin ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isaisip

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Isagawa

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Tayahin

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Karagdagang
kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.
Susi sa
Pagwawasto

v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ngpagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin

Sa araling ito ay mahalagang pag-aralan ang tungkol sa paghahating-heograpiko ng kontinente ng


Asya at mga rehiyon nito sa pamamagitan ng pagbabasa sa teksto at pagsagot sa mga iba’t ibang
gawain sa mga sumusunod na pahina ng modyul na ito.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, dapat mong malaman ang mga sumusunod:

MELC: Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating- heograpiko: Silangang


Asya, Timog – Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya at Hilagang Asya
(AP7HAS-1a-1.1)

1. Nasusuri ang mga pamamaraan at batayang isinasagawa sa paghahating-


heograpikal ng Asya at mga rehiyon nito tulad ng : Silangang Asya, Kanlurang
Asya, Timog Silangang Asya, Timog Asya at Hilagang Asya;

2. Nailalahad at naililista ang mga bansa na sakop ng bawat rehiyon sa Asya;

3. Napahahalagahan ang paghahating- heograpikal ng mga rehiyon ng Asya;

1
Subukin

Panuto: Suriin ng mabuti ang mga tanong o pahayag at ibigay ang tamang kasagutan sa bawat
bilang. Piliin lamang ang titik ng iyong sagot at isulat ito sa kwaderno.

1. Ang pinakamalaking kontinente ng daigdig.


a. Aprika b. Asya
c. Europa d. Hilagang Amerika

2. Binubuo ang Hilagang Asya ng mga bansang dating


a. Soviet East Asia b. Soviet West Asia
c. Soviet Central Asia d. Soviet South Asia

3. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa .


a. Timog Asya b. Timog Silangang Pilipinas
c. Kanlurang Asya d. Silangang Asya

4. Matatagpuan ang sumusunod na mga bansa sa Silangang Asya maliban sa isa


.
a. China b. Japan
c. Malaysia d. South Korea

5. Anong bundok ang naghihiwalay sa Europa at Asya?


a. Bundok Apo b. Ural Mountains
c. Bundok Everest d. Mt. Kanchenjunga

6. Ang mga sumusunod na bansa ay napabilang sa Timog Silangang Asya. Alin


dito ang hindi kabilang?
a. Pilipinas b. Vietnam
c. Bhutan d. Thailand

7. May limang rehiyon ang kontinenteng Asya tulad ng Timog Silangang Asya,
Silangang Asya,Timog Asya, Kanlurang Asya, at .
a. Europa b. Hilagang Amerika
c. Aprika d. Hilagang Asya

8. Ang mga sumusunod na mga bansa ay kabilang sa rehiyon ng Timog Asya


maliban sa isa,
a. Bharain b. Nepal
c. India d. Pakistan
9. Anong rehiyon sa Asya ang binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia
a. Timog Asya b. Hilagang Asya
c. Silangang Asya d. Kanlurang Asya

10. Ang mga rehiyon sa Asya ay tinatawag na heograpikal at kultural na mga sona,
ano ang aspeto o salik ang pinagbabatayan nito?
a. Pisikal b. historikal
c. kultural d. lahat ng nabanggit

11. Ang Timog Silangang Asya ay nahahati sa dalawang subregion ang pang – Kontinenteng
Timog Silangang Asya o mainland Southeast Asia at .
a. Muslim World
b. Arid Asia
c. Insular Southeast Asia
d. Soviet Asia

12. Ano ang kadalasang tawag ng Timog Asya?


a. Muslim World b. Soviet Central Asia
c. Land of Mysticism d. Arid Asia

13. Ang mga sumusunod ay mga bansang napabilang sa pangkapuluang Timog


Silangang Asya o insular Southeast Asia, maliban sa isa;
a. Pilipinas b. Indonesia
c. Malaysia d. Armenia

14. Ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahalagang kontinente sa daigdig


– ang Africa,Asya, at Europa.
a. Timog Asya b. Kanlurang Asya
c. Timog Silangang Asya d. Silangang Asya

15. Ang Timog Silangang Asya ay kilala bilang Farther India at .


a. Muslim World b. Arid Asia
c. Insular Southeast Asia d. Little China
Balikan

Ang Asya ang pinakamalaki sa lahat ng kontinente sa daigdig. Saklaw nito ang
pinakamalawak na lupain at katubigan sa buong mudo. Ang lawak ng Asya ay umaabot ng
hanggang 164 degree longitude at hanggang 85 degree latitude. Ngayon ay balikan mo ang
iyong natutunan noong nakaraang aralin. Napag- aralan mo na kung paano tukuyin ang
tiyak na lokasyon ng isang bansa o lugar gamit ang mapa o globo.

Punan ng tamang sagot ang Cloud Callout na nasa ibaba upang maibigay ang tiyak na
lokasyon ng kontinenteng Asya . Isulat ito sa iyong kwaderno.

Ang tiyak na lokasyon ng kontinenteng Asya


aynasahumigitkumulang10 degree
1)hanggang90degree North
2)_ latitude at mula naman 3)
degree hanggang 175 degree east longitude.
Tuklasin

Bago mo pag-aralan ang sunod na teksto ay isagawa muna ang isang gawain sa ibaba.
Sundin lamang ang panuto sa pagsagot nito.

Panuto: Ayusin ang mga ginulong titik sa loob ng kahon sa bawat aytem upang
makabuo ng salita o mga salita na may kaugnayan sa aralin na pag-aralan mo ngayon. Isulat
ang inyong sagot sa kwaderno.

larutluk
1.

2. lakisip

lakirotsih
3.

lakipargoeh
4.

AYSA GNAGNALIS GOMIT


5.

AYSA GOMIT
6.

7. ASYA GNAGALIH

8. AYSA GNARULNAK

9. AYSA GNAGNALIS

10. NOYIHER
Suriin

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang teksto.

Paghahating Heograpikal sa Asya at Mga Rehiyon ng Asya

Ang mga rehiyon sa Asya ay tinatawag na heograpikal at kultural ng mga sona. Ibig
sabihin, isina-saalang –alang sa paghahati ang mga sumusunod na aspeto o mga salik: pisikal,
historikal, at kultural. Batay sa mga salik na ito, nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilagang
Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya, Timog Silangang Asya, at Silangang Asya.
Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia, mga bansang
napabilang dito: Kazakhstan, Kyrgyztan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan,
Georgia, at Armenia. Kilala rin ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia (Gitnang Asya) o
Inner Asia. Kabilang dito ang Mongolia at ang Siberia o ang lupaing bahagi ng Russia na nasa
Asya. Ikinakategorya naman ito bilang Arctic Asia na kakikitaan ng mga tundra (o lugar na hindi
katatagpuan ng mga puno kundi ng mga lichen,moss, damo, at woody plant) at taiga ( o coniferous
).
Ang Kanlurang Asya ay ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong
mahalagang kontinente sa daigdig ang Aprika, Asya, at Europa.Itinuturing din itong Muslim
World at kinakategorya na Arid Asia o bahagi ng Asya kung saan may malawak na disyerto at
tuyong lugar. Mga bansang napabilang dito ay ang mga sumusunod: Bahrain, Cyprus,Iran, Iraq,
Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Turkey, United Arab
Emirates, at Yemen. Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Nanggaling din dito
ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig gaya ng Judaism, Kristiyanismo, at Islam.
Ang Timog Asya ay kadalasang tinatatawag na “Land of Mysticism” dahil sa mga
paniniwalang nagtataglay ng mga pilosopiya at rehiyong umusbong dito gaya ng Hinduism,
Buddhism, Jainism at Sikhism. Mga bansang napabilang dito ay ang mga sumusunod:
Afghanistan, Bangladesh, Bhutan, India, Maldives, Nepal, Pakistan, Sri Lanka. Ang bansang India
ang pinakamalaking bansa sa rehiyong ito sa usapi ng sukat at teritoryo at populasyon.
Ang Timog Silangang Asya naman ay nakilala bilang Farther India at Little China dahil sa
impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura ng nasabing rehiyon. Nahahati ito sa
dalawang subregion: ang una ay ang pang- kontinenteng Timog Silangang Asya o mainland
Southeast Asia na binubuo ng mga bansang : Myanmar, Thailand, Vietnam, , Laos, at Cambodia,
at ang pangalawa ay ang insular Southeast Asia o pangkapuluang Timog Silangang Asya na
binubuo ng Pilipinas, Brunei, Indonesia, Malaysia, Singapore, at East Timor. Bunga ng
pagkakaiba sa katangiang heograpikal, dalawang magkaibang tradisyon ang umunlad sa rehiyon :
ang tradisyong agrikultural gaya ng naging kaharian ng Angkor sa Cambodia at tradisyong
pandagat tulad ng kaharian ng Srivijaya sa Sumatra. Samantalang ang Silangang Asya naman ay
binubuo ng mga sumusunod na bansa : China, Japan, South Korea, North Korea at Taiwan.
Ang Timog Asya, Timog Silangang Asya, Silangang Asya ay tinatawag na
Monsoon Asia dahil ito ay kakikitaan ng mataba at mayamang lupa gayundin ng
malaking populasyon.
Pagyamanin

Gawain A

Panuto: Ibigay ang mga salik o aspeto sa paghahating heograpikal ng Asya gamit ang
organizer na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa inyong kwaderno.

Mga Salik o aspeto sa paghahating heograpikal ng Asya

1. 2. 3.

Gawain B.

Panuto: Iguhit ang graphic organizer sa iyong kwaderno at isulat sa bawat oval ang mga
rehiyon na napabilang sa kontinente ng Asya. Pagkatapos ilista ang mga bansang
napabilang sa bawat rehiyon. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.

Mga rehiyon ng Asya


Isaisip

Panuto: Punan ng wastong sagot ang mga patlang na nasa cloud callout upang mabuo ang
pahayag tungkol sa rehiyon ng kontinenteng Asya. Isulat ang inyong sagot sa
inyong kwaderno.

Ang mga rehiyon sa Asya tinatawag na heograpikal at kultural na mga sona sapagkat
isinaalang –alang sa paghahating ito ang tatlong aspeto o mga salik tulad 1) , 2) ,
at 3) .

Kung kaya’t ito ay binubuo ng limang rehiyon tulad ng, 4)


, 5) , 6) , 7) ,
at 8) .

Isagawa

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa inyong kwaderno.

1. Sa anong rehiyon napabilang ang bansang Pilipinas?

2. Bakit hinahati sa limang rehiyon ang kontinenteng Asya?

3. Bakit tinatawag na heograpikal at kultural na mga sona ang mga rehiyon sa


Asya?

4. Sa iyong palagay, dapat ba nating pangalagaan ang kontinenteng Asya?


Pangatwiranan ang sagot.

5. Paano nakatulong ang paghahating heograpikal sa mga rehiyon ng Asya lalo na


ngayon na nakakaranas ng pandemic ang halos buong mundo?
Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa bawat aytem. Piliin lamang ang titik ng iyong
sagot at isulat ito sa inyong kwaderno.

1. Bakit kadalasang tinatawag na “Land of Mysticism ang Timog Asya?


a. Dahil sa mga paniniwalang taglay ng mga pilosopiya at relihiyong umusbong dito.
b. Dahil bahagi ito ng Asya kung saa matatagpuan ang malawak na disyerto at
tuyong lugar.
c. Dahil kakitaan ito ng mataba at mayamang lupa gayundin ng malaking
populasyon
d. Dahil sa malamig na klima.

2. Bakit tinatawag ding Soviet Asia ang Hilagang Asya?


a. Dahil sa mga paniniwalang taglay ng mga pilosopiya at relihiyong
umusbong dito.
b. Dahil bahagi ito ng Asya kung saan matatagpuan ang malawak na disyerto at tuyong
lugar.
c. Dahil kakitaan ito ng mataba at mayamang lupa gayundin ng malaking
populasyon
d. Dahil ang mga bansa ay dating kabilang sa Soviet Union.

3. Ang mga sumusunod na bansa ay napabilang sa Timog Silangang Asya, maliban


sa
a. Pilipinas b. Vietnam c. Bhutan d. Thailand

4. Ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahalagang kontinente sa daigdig


ang Afrika, Asya, at Europa.
a.Timog Asya b. Kanlurang Asya
c. Timog Silangang Asya d. Silangang Asya

5. Ang mga sumusunod ay mga bansang napabilang sa pangkapuluang Timog Silangang Asya o
insular Southeast Asia, maliban sa isa;
a.Pilipinas b. Indonesia c. Malaysia d. Armenia

6. May limang rehiyon ang kontinenteng Asya tulad ng Timog Silangang Asya, Silangang
Asya,Timog Asya, Kanlurang Asya, alin sa mga sumusunod ang kabilang pa nito?
a. Europa b. Hilagang Amerika c. Aprika d. Hilagang Asya

7. Ang mga sumusunod na mga bansa ay kabilang sa rehiyon ng Timog Asya maliban sa isa,
a. Bharain b. Nepal c. India d. Pakistan

8. Anong rehiyon sa Asya ang binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asya?
a.Timog Asya b. Hilagang Asya c. Silangang Asya d. Kanlurang Asya

9. Ang mga rehiyon sa Asya ay tinatawag na heograpikal at kultural na mga sona, ano Ang
aspet o salik ang pinagbabatayan nito?
a. Pisikal b. historikal c. kultural d. lahat ng nabanggit

10. Ang Timog Silangang Asya ay nahahati sa dalawang subregion ang pang-kontinenteng Timog
Silangang Asya o mainland Southeasy Asia at .
a.Muslim World
b. Arid Asia
c. pangkapuluang Timog Silangang Asya o insular Southeast Asia
d. Soviet Asia

11. Ano ang kadalasang tawag ng Timog Asya?


a. Muslim World b. Soviet Central Asia
c. Land of Mysticism d. Arid Asia

12. Ang pinakamalaking kontinente ng daigdig.


a. Aprika b. Asya c. Europa d. Hilagang Amerika

13. Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-region- ang mainland
Southeast Asia at ang insular Southeast Asia. Alin sa mga sumusunod na mga bansa ang kabilang
sa mainland Southeast Asia?
a. Myanmar b. Pilipinas c. Indonesia d. Malaysia

14. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong .


a. Timog Asya b. Timog Silangang Pilipinas
c. Kanlurang Asya d. Silangang Asya

15. Matatagpuan ang sumusunod na mga bansa sa Silangang Asya maliban sa isa
.
a. Malaysia b. Japan c. China d. South Korea

MAGALING!!!

https://cdn1.vectorstock.com/i/thumb-
large/00/25/clapping-emoticon-vector-820025.jpg
Karagdagang Gawain

umili lamang sa sumusunod na gawain A o B. May pamantayan o rubrics sa pagmamarka nito na nasa susunod na pahina. M

A. Panuto: Sa iyong kwaderno isulat ang talahanayan at punan ng sagot ang bawat hanay.

Lalawigan ng Pilipinas Munisipalidad Mga Baranggay ng iyong


na kinabibilangan munisipalidad (Isulat Lahat)

Halimbawa: Negros Halimbawa: Siaton


Oriental

umuhit ng isang mapa ng iyong kinabibilangan na lalawigan at kulayan mo ang iyong baranggay na kinabibilangan. Iguhit ito sa iy
Susi sa Pagwawasto
Pamantayan sa pagmamarka sa karagdagang gawain.

Gawain A. Talahanayan

Indicator Iskala Iskor

Kompleto ang 10
sagot(barangay)

Kulang ng dalawa ang sagot 8


(barangay)

Kulang ng tatlo pataas ang 6


sagot (barangay)

Gawain B. Pagguhit ng mapa ng munisipalidad na iyong kinabibilangan. Sampu (10) ang


pinakamataas na puntos at anim( 6) ang pinakamababa.

Indicator Iskala Iskor

Malinis at maayos ang 6-10


pagkaguhit nito

Kompleto ang mga 6-10


barangay nito

Nasunod ang panuto nito 6-10

Sanggunian
Aklat
Grace Estela C. Mateo,Ph.D. et.al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Punong
Tanggapan: G. Araneta Avenue, Quezon City, Vibal Publishing House,
Inc.pages 5-9

Website
http://worldartsme.com/images/clip-art-book-page-clipart-2.jpg

https://encrypted-tbn0.gs tat ic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRPY7bnPrISZZ5QJM-


LVwMUlAlkD7uEYOThiA&usqp=CAU

http://clipart-library.com/homework-pictures.html
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumag
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: Website: lrmds.depednodis.net

You might also like