Professional Documents
Culture Documents
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay: Malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at
(Performance Standard) tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano
C. Kasanayang Pampagkatuto Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng
(Learning Competencies) rehiyon (AP7HAS-Ig1.7)
Layunin (Lesson Objectives)
Skills Nakabubuo ng mga mungkahing solusyon sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran sa Asya.
Mga Sanggunian (Source)
google images
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
paglalahad ng bagong kasanayan #1 Pagkasira ng lupa
Tunay na malaki at mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa upang patuloy na mabuhay
ang mga tao. Sa kapakinabangan o productivity nito nakaasa ang mga produktong agrikultural
na tumutustos sa kabuhayan ng mga mamamayan. Gayunpaman, ang pag-abuso sa lupa ay
nagbubunsod ng malalang mga suliranin gaya ng salinization at alkalinization na nagaganap
kapag mali ang isinagawang proseso ng irigasyon. Malubhang problema ang salinization sa
Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig-alat sa kanilang mga ilog na dumadaloy sa 38% ng
bansa. Nasa 33% ng mga mamamayan nito ang nakikinabang sa ilog na ito. Samantala, isa
ring malubhang problema sa lupa ay ang desertification gaya ng nararanasan sa ilang bahagi ng
China na nakapagtala na ng halos 358,800 km² na desertified na lupain. Maging sa ilang bahagi
ng Asya tulad ng Kanlurang Asya ay nakararanas din ng tuyong lupain gaya ng Jordan, Iraq,
Lebanon, Syria, at Yemen sa Kanlurang Asya, at ang India at Pakistan sa Timog Asya. Ang
pagkasira o pagkatuyo ng lupa ay maaaring magdulot ng matinding suliranin gaya ng kakulangan
sa pagkain at panganib sa kalusugan.
Isa pang pinagmumulan ng pagkasira ng lupa ay ang overgrazing kung saan ang kapasidad ng
damuhan ay hindi sapat sa laki ng kawan ng hayop. Ito ay nakasisira sa halaman o vegetation ng
isang lugar. Ang hilagang Iraq, Saudi Arabia, at Oman ay ilan lamang sa mga bansang
nakakaranas ng ganitong sitwasyon.
Urbanisasyon
Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis nang naapektuhan ang kapaligiran nito. Ito ay
nagbunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng pagdami ng mga mahihirap na lugar o
depressed areas at may mga pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at iba
pang panganib sa kalusugan. Mahigit sa 3,119 sa mga bayan at lungsod ng India ay may
ganitong sitwasyon. Ang kalusugan ng mga mamamayan sa mga lungsod ay direktang
naaapektuhan
ng urbanisasyon gaya ng pagtatapon ng mga industriya ng kanilang wastewater sa tubig o sa
lupa. Ang mga kalapit-bayan ng lungsod ay naaapektuhan din ng urbanisasyon sapagkat dito
kinukuha ang ilang mga pangangailangan ng lungsod na nagiging sanhi ng pagkasaid ng likas
na yaman nito. Kaugnay na problema din ng urbanisasyon ay ang noise pollution mula sa mga
sasakyan, gayundin ang mga ilang aparato at makinang gumagawa ng ingay. Ayon sa mga
eksperto, may epekto sa kalusugan ang labis na ingay sapagkat nagdudulot ito ng stress at
nakadaragdag sa pagod. Sa ilang sitwasyon, ito ay nagiging sanhi ng pagkabingi.
Sagot: Tiyak ang mga kasagutan sa unang hanay, ang mga suliraning pangkapaligiran gaya ng
pagkasira ng lupa, urbanisasyon, problema sa solid waste, polusyon, pagkawala ng biodiversity,
at pagkasira ng kagubatan. Ngunit para sa mungkahing solusyon, malaya ang mga mag-aaral
na bumuo ng kanilang kasagutan dito batay sa kanilang kaisipan, saloobin, pilosopiya at
paniniwala.
Batayang Aklat: Mateo Ph.D, Grace Estela C., et. al., Pag-Usbong ng Kabihasnan, Vibal
Publishing House Quezon City, 2008, pp. 46-54
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan Mga Suliraning Pangkapaligiran Mga halimbawa
(Tungo sa Formative Assessment) 1. Pagkasira ng Lupa
2. Urbanisasyon
3. Solid Waste disposal
4. Polusyon
5. Pagkawala ng biodiversity
6. Pagkawasak ng Kagubatan
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang malubhang suliraning pangkapaligiran. Magbigay ng mga
halimbawa.
1.Anu-ano ang suliraning pangkapaligiran sa inyong pamayanan?lalawigan?rehiyon?
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na
2.Paano kayo makatutulong sa paghanap ng solusyon sa inyong mga suliraning
buhay
pangkapaligiran?
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat:
1.Maraming suliraning pangkapaligiran ang kinakaharap ang mga bansa sa Asya.
2. Nabibilang sa malulubhang suliranin na nagdudulot ng suliranin sa lupa ang
salinization,alkalinization, at desertification
3. Iba-iba ang suliraning pangkapaligiran ang dulot ng urbanisasyon
4. Sa lahat ng mga rehiyon, itinuturing na ang Asya ang may pinakamayamang biodiversity
H. Paglalahat ng Aralin 5. Nabibilang sa mga malalang suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng mga Asyano ay
ang polusyon sa lupa, tubig at hangin
6. Kritikal ang kalagayan ng mga kagubatan sa Asya dahilan desertification at deforestation.
7.Maaaring maging ugat ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran ang patuloy at mabilis na
paglaki ng populasyon sa Asya.
Hango mula sa Manwal ng Guro Asya Pag-usbong ng Kabihasnan p.21
I. Pagtataya ng Aralin (K) 1. Batay sa resulta ng pananaliksik ng mga eksperto, tinatayang nasa apatnapung
porsyento (40%) ng populasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko ay namumuhay sa mga lungsod.
Ang mabilis na pagtaas ng antas ng urbanisasyon sa Asya ay nakapagdudulot ng labis na
epekto sa kapaligiran nito. Alin sa mga suliraning pangkapaligiran sa ibaba na bunsod ng
urbanisasyon ang lubhang napakasalimuot at epekto ng lahat ng usaping pangkalikasan?
(U) 2. Mahalagang panatilihin ang ecological balance ng Asya sapagkat anuman ang maging
katayuan at kalagayang ekolohikal ng rehiyon ay tiyak na makakaapekto nang lubos sa
pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang
akmang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran upang umunlad ang kanyang kabuhayan?
Prepared by:
LIZELDA E. ANTONIO
Teacher II – Siaton NHS