You are on page 1of 20

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 2:
Mga Sinaunang Kabihasnan
sa Asya (Sumer, Indus, Tsina)
Araling Panlipunan – Baitang Pito
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus,
Shang)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marineil S. Perez
Editor: Merylen O. Rodriguez, Leslie Ann D. Sanchez
Tagasuri: Pedro J. Dandal Jr., Margielyn E. Tomanggong, Nora A. Nangit
Tagaguhit: Teodorico A. Cabildo, Sergio M. Tupaz
Tagalapat: Esperidion D. Soleta Jr.
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Mariflor B. Musa
Danilo C. Padilla
Freddie Rey R. Ramirez
Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Pedro J. Dandal Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region


Office Address: Meralco Avenue, Corner St. Paul Road, Pasig City
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Telephone No.: (02) 6314070
7
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 2:
Mga Sinaunang Kabihasnan
sa Asya (Sumer, Indus, Tsina)
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Pagkatapos mong matutunan ang mga lugar na naging panirahan ng mga


unang Asyano, ngayon ay tutuklasin mo naman ang mga kabihasnang kanilang
itinatag o nabuo. Narito ang kasanayang kailangan mong maisakatuparan sa
pagtatapos ng aralin.

 Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Tsina)

Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa
Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
Kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.
Tiyak na Kasanayan
Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus,
Tsina). (AP7KSA-llC-1.4)

Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang sumusunod na gawain. Huwag


kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.

Subukin

Gawain: SUBUKANG SAGUTAN, KAALAMAN MO SA KASALUKUYAN

Panuto: Basahin at unawain ang katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong kwadernong pang aktibiti.

1. Mahalaga ito sa pamumuhay ng mga sinaunang tao:


A. Ilog B. Damit C. Bag D. Sapatos

2. Ang lunduyan ng sibilisasyon na hugis arko o kalahating buwan:


A. Tsina B. Fertile Crescent C. Ilog Nile D. India

1
3. Ang putik na dala ng baha na nagsisilbing pataba sa mga pananim:
A. Dumi ng hayop B. Lupa C. Banlik D. Puno

4. Ang sistema ng panulat ng mga Sumerian:


A. Hammurabi B. Calligraphy C. Minos D. Cuneiform

5. Ang pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Asya:


A. Caste B. Barter C. Veda D. Luwad

6. Ang uri ng pagsulat ng mga Tsino na ginagamitan ng mga pictogram:


A. Cuneiform B. Hammurabi C. Argon D. Calligraphy

7. Karamihan sa mga sinaunang sibilisasyon ay isinilang sa mga:


A. Lambak-ilog C. Tabing-dagat
B. Kabundukan D. Tabing-ilog

8. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa pangkat?


A. Ehipto-Nile C. Tsina-Yangtze-Huang Ho
B. India-Indus D. Ganges-Aztec Indies

9. Nakatuklas ang mga Hittite ng bakal dahil sa paghahanap ng matigas na metal


upang gawing ______.
A. Armor B. Araro C. Kagamitan D. Kasangkapan

10. Ang grupo ng taong pinaniniwalaang unang nanirahan sa India at nagtatag ng


Mohenjo-Daro at Harappa:
A. Dravidian B. Aryan C. Shiite D. Hittite

11. Ang nagsilbing pook-dalanginan ng mga Sumerian noong sinaunang panahon:


A. Pyramid B. Ziggurat C. Kapilya D. Mosque

12. Ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang Sumerian ay naitala sa


________.
A. Papel B. Kwaderno C. Clay Tablet D. Dahon

13. Ang disenyo ng kabahayan sa kabihasnang Indus ay planado at organisado


sapagkat nakitaan ito ng __________.
A. Grid Pattern B. Kusina C. Disenyo D. Poste

14. Isa sa mga pangunahing gawain ng Yangshao ay ang paggawa ng tapayan na


mas nahigitan at napaunlad naman ng Lungshan sa pamamagitan ng pagtuklas
ng ___________.
A. Grid Pattern B. Potter’s Wheel C. Clay Tablet D.Oracle Bone

2
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na pinahahalagahan natin sa
kasalukuyan ang mga ambag ng sinaunang kabihasnang Asyano?

A. Sa paglipas ng panahon, ang sinaunang kabihasnan ay unti-unting nawaglit sa


alaala at nawala sa kasaysayan.
B. Sa paglipas ng panahon, nakakagawa sa kasalukuyan ng mga pabahay na may
pare-parehong disenyo o plano.
C. Sa paglipas ng panahon, naglaho ang mga kaalaman kasabay ng paglaho ng
mga unang kabihasnan.
D.Sa paglipas ng panahon, walang bakas na naiwan ang mga sinaunang
kabihasnan.

3
Aralin
Mga Sinaunang Kabihasnan
2 (Sumer, Indus, Tsina)

Balikan

Gawain: SA PANAHONG ITO, NATUTUNAN KO!

Panuto: Tukuyin kung saan/aling panahon umunlad o natutunan ng taong gamitin ang
bagay o gawain. Isulat lamang sa patlang ang iyong kasagutan. Gawin ito sa iyong
kuwadernong pang-aktibiti

PALEOLITIKO NEOLITIKO METAL


___________________ ___________________ _________________
___________________ ___________________ _________________
___________________ ___________________ _________________
___________________ ___________________ _________________

APOY KUTSILYONG YARI SA BATO

BUTO NG HAYOP PERMANENTENG PANINIRAHAN

SIBAT PAGPAPANDAY

PAGTATANIM PAG-AALAGA NG HAYOP

4
Tuklasin

Gawain: BIBO, TALENTADO, PANALO!

Panuto: Magbigay ng mga letra mula sa alpabeto na katumbas ng mga bilang na


iyong nakikita sa loob ng kahon. Ang mabubuong salita ay isulat sa inyong kwaderno.

11 1 2 9 8 1 19 14 1 14

Ngayong matagumpay mong nasagutan ang ating gawain. Halika at ating


alamin ang iba pang kaalaman tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya.

Suriin

Gawain: KABIHASNAN, ANONG MERON SAYO?

Panuto: Basahin at unawin mo ang teksto na tungkol sa mga sinaunang kabihasnang


Asyano. Matapos basahin, sagutan ang pamprosesong tanong sa kwadernong pang-
aktibiti.

Ang Kabihasnang Sumer


Ang Mesopotamia (Iraq sa Kasalukuyan) ang
kinilala bilang cradle of civilization dahil dito
umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao.
Ang Fertile Cresent ay isang arko ng matabang lupa
na naging tagpuan ng iba’t-ibang grupo ng tao mula
sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng
Mediterranean Sea. Sa lugar na ito matatagpuan ang
ilog ng Tigris at Euphrates kung saan umusbong ang
kabihasnan. Noong panahong Neolitiko naitatag ang
ilang pamayanan sa labas ng rehiyon ng Mesopotamia tulad ng Jericho sa Israel at
Catal Huyuk at Hacilar sa Anatolia (Turkey sa kasalukulyan, 6000 BCE) na pawang
mga pamayanang agrikultural. Nagkaroon ng malawakang pagtatanim ng trigo at
barley sa mga lugar na ito at pinaniniwalaan din na natuto silang mangaso at mag-
alaga ng mga hayop. Ang matabang lupang taglay ng Tigris at Euphrates ang
nagbigay daan sa pag-usbong ng kabihasnang Sumer (3500 -3000 BCE), ang itinuring
na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig. Subalit ‘di rin nagtagal ang
naturang pamayanan.

5
Dito nagsimula ang pag-usbong ng iba’t ibang lungsod tulad ng Ur, Uruk, Eridu,
Lagash, Nippur at Kish. Dahil sa kanilang pinagsanib
na kakayahan at paniniwala sa Diyos naitayo ang
templo na tinawag na ziggurat, ang pinakamalaking
gusali sa Sumer. Pinamunuan ng mga haring pari ang
mga lungsod dito na hindi lamang lider ispiritwal kundi
politikal rin. Sa usaping pamumuhay naman, may
kaniya-kaniyang espesyalisasyon ang mga Sumerian
na naging hudyat ng pag-uuri ng tao sa lipunan.
Mataas ang tingin sa mga pinunong hari, kasunod
nito ang mga mangangalakal, artisano at mga scribe
at sa huli ang mga magsasaka at alipin.

Paglaon ay natuklasan ang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform kung


saan ay naitala ng mga scribe sa mga clay tablet ang mga mahahalagang
pangyayari. Nagkaroon din ng pag-unlad sa kanilang sining at naitala ang
mahahalagang tradisyon at epiko tulad ng epiko ng Gilgamesh na katibayan ng
kanilang kabihasnan. Naimbento rin ang teknolohiya sa pagsasaka tulad ng araro at
kariton na may gulong. Natuklasan din ang paggawa ng palayok at paggamit ng
perang pilak. Sumunod na natuklasan ang paggamit ng lunar calendar at ang
decimal system. Ito ang mga patunay na nagkaroon ng pag-unlad ang kabihasnang
Sumer. Subalit sa kabila ng kanilang kaunlaran, hindi naiwasan na may grupo na
nainggit sa natamo nilang pag-unlad, dahilan upang sakupin ang kanilang lupain na
nakapagpabagsak sa kanilang kabihasnan.

Kabihasnang Indus
Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at
Ganges. Tulad din ng ilog Tigris at Euphrates ay umaapaw
rin ito taon-taon dahil sa pagkatunaw ng yelo sa bundok ng
Himalayas na nag-iiwan din ng banlik na nagpapataba sa
agrikultural na lupain nito. Bago pa man umunlad ang
kabihasnang ito ay may mga pamayanan nang naitatag
noong panahon ng Neolitko. Ito ang pamayanang Mhergah
(3500 BCE) na nasa kanluran ng Ilog Indus. Sinasabing
sedentaryo ang pamumuhay ng mga tao dito batay sa mga
nahukay na ebidensiya. May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito -
ang Harappa at Mohenjo Daro. Planado at organisado ang mga lungsod na ito na
ipinakita sa mga lansangang nakadisenyong kuwadrado (grid pattern) at pare-pareho
ang sukat na bloke ng kabahayan. Patunay ito na magaling sa matematika ang mga
nanirahan dito. May isa o higit pa ang banyo o palikuran na nakakonekta sa
sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa. Ipinalagay ang mga
Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Ang mga ito ay sumasamba sa mga
hayop at puno.

6
Pinamunuan ang kabihasnang ito ng mga
naghaharing uri sa lipunan tulad ng mga haring pari. Dahil
sa salat sa mga punongkahoy at metal, pagsasaka ang
ikinabubuhay ng mga tao dito. Natuto rin silang
makipagkalakalan sa mga karatig-lungsod. Pinaniniwalaan
na ang mga mangangalakal na ito ang unang gumamit ng
sistema ng pagsulat ng Indus, ang pictogram. Walang
sinumang esksperto ang makapagpapaliwanag sa sistema
ng pagsulat na ito kaya nagkaroon ng pagkukulang sa kaalaman tungkol sa
kabihasnang Indus. May mga artifact na nahukay dito tulad ng laruan at alahas na
palamuti at mga palayok na kinakitaan ng kasanayan ang pagkakagawa. Naging
mahiwaga ang paglaho ng kabihasnang Indus noong 1750 BCE. Ayon sa paliwanag
ng mga iskolar, maaring nagkaroon ng mga kalamidad o nagkaroon ng pagsakop ang
mga Aryan sa lugar. Ngunit, walang matibay na ebidensiyang naipakita upang
suportahan ang paniniwalang ito. Sa paglipas ng panahon ang kabihasnang ito ay
unti-unti ng nawaglit sa alaala at nawala sa kasaysayan.

Kabihasnang Shang
Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang ilog Huang Ho na tinawag ding
Yellow River. Tuwing pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag-iiwan ng loess
o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito. Ang
taunang pagbaha sa ilog na ito ay kumikitil ng maraming buhay kaya tinagurian itong
River of Sorrow. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman at paglalagay ng
dike, nakontrol ng mga tao at napaghandaan ang tubig.

Mayroon ring mga pamayanang umusbong dito bago pa ang Shang. Ito ang
kalinangang Yangshao (3000- 1500 BCE) at Lungshan (2500 – 2000 BCE). Pagtatahi
ang pangunahing gawain sa panahong ito. Bagama’t mas permanente ang
pamayanang Lungshan, nagkaroon din naman ng kontribusyon ang pamayanang
Yangshao. Isa sa mga pangunahing gawain ng Yangshao ay ang paggawa ng
tapayan. Nahigitan at napaunlad ito ng Lungshan sa pagkatuklas ng potter’s wheel.
Masasabing ang Lungshan ang transisyon patungo sa panahon ng kabihasnang
Shang. May mga nasulat din na may nauna pa sa pamayanang Shang tulad ng
dinastiyang Xia subalit walang sapat na dokumentong nagpapatunay dito. Samantala,
sa Shang ay may mga labing nahukay ang mga arkeolohiya na nagpatunay sa
kabihasnang ito noong dekada 1920. Isa na rito ang mga oracle bones o butong
orakulo na ginagamit sa panghuhula. Paniniwala nila, nakakausap nila ang mga diyos
ng kalikasan at mga ninuno gamit pa ang mga butong orakulo.

Ang Shang ay pinamunuan ng paring-hari na naging


organisado sa pag-aayos ng kanilang lungsod.
Napalilibutan ito ng matataas na pader bilang proteksyon
sa madalas na digmaan sa kanilang lupain. Mayroon din
silang malinaw na paghahati ng lipunan sa lupain - ang
aristokrasya at ang mababang uri na nailalarawan sa uri ng
kanilang tirahan. Natuklasan rin ang sistema ng pagsulat
na tinawag na calligraphy na nagsilbing tagapag-isa ng
Tsino. Bagama’t may iba’t ibang wika, nakasentro lamang sa isang sistema ng
pagsulat ang mga Tsino. Ang mga simbolo ng butong orakulo ang ginamit na karakter

7
bilang unang simbolo ng pagsusulat nila. Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang
kabihasnang umusbong sa Huang Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at
pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw ito ay
nagpatuloy tungo sa pagtatag ng mga imperyo.

Pamprosesong tanong:

1. Anong mahalagang impormasyon ang iyong nakuha sa tekstong iyong binasa?


Ipaliwanag. Isulat sa iyong kuwadernong pang aktibiti.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Sa mga nabasa mo tungkol sa mga sinaunang kabihasnan, mapapansin mong


halos sabay-sabay na umunlad ang mga sibilisasyong ito. Sagutan mo naman
ngayon ang gawain upang mas lalong mapagyaman ang iyong kaalaman.

Pagyamanin

Sa bahaging ito ay isasagawa mo ang mga gawain na magpapatunay na


naunawaan mo ang tekstong iyong binasa.

Gawain 1: TALAHANAYAN PUNAN!

Panuto: Batay sa tekstong iyong binasa, sagutan mo ang talahanayan tungkol sa


sinaunang kabihasnang Asyano, mga pamayanang nabuo at mga mahalagang
nagawa nito. Gawin sa ito sa iyong kuwadernong pang aktibiti.

Sinaunang Kabihasnan Pamayanang Nabuo Mga Nagawa/Ambag

1.

2.

3.

8
Gawain 2: Q & A PORTION!

Panuto: Sagutin mo ang sumusunod na katanungan tungkol sa kabihasnang Asyano.


Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwadernong pang-aktibiti.

1. Alin sa kontribusyon ng sinaunang kabihasnan ang iyong higit na


hinahangaan? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Kung iuugnay natin sa kasalukuyang panahon, ano ang isa sa


pinakamahalagang kontribusyon ng mga Sumerian sa sangkatauhan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Maaari ka bang magbanggit ng mga patunay kung paano itinataguyod ang mga
kontribusyon ng sinauang kabihasnan na nakatulong sa kasalukuyang
panahon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Gawain 3: PAG-ISIPAN MO!


Kung bibigyan ka ng pagkakataong bumalik sa sinaunang kasaysayan,
aling kabihasnan ang pipiliin mo? Bakit? Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

9
Isaisip

Gawain: TAMANG KAALAMAN, TAMANG KABIHASNAN!

Panuto: Punan ang Triple Venn Diagram ng mahahalagang impormasyon tungkol


sa tatlong kabihasnang ating tinalakay. Sa gitang bahagi, isulat ang pagkakatulad ng
mga kabihasnan ito. Gawin ito sa iyong kuwadernong pang-aktibiti.

SUMER

PAGKAKATULAD
SHANG INDUS

Binabati kita dahil matagumpay mong nasagutan ang mga gawaing inihanda
para sa iyo. Sa pagkakataong ito, pahahalagahan mo naman ang mga nagawa ng
mga sinaunang kabihasnan sa pamamagitan ng pagsasagawa sa susunod na
gawain.

10
Isagawa

Gawain: HUGOT LINES!


Ngayong natutunan mo na ang mga nagawa o ambag ng kabihasnang Sumer,
Indus at Shang, gagawa ka ng tatlong (3) hugot lines upang bigyang halaga ang mga
nagawa ng mga ito. Gawin ito sa iyong kuwadernong pang-aktibiti.

11
Tayahin

Panuto: Suriin at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwadernong pang aktibiti.

1. Mahalaga ito sa pamumuhay ng mga sinaunang tao:


A. Bag B. Damit C. Ilog D. Sapatos

2. Ang lunduyan ng sibilisasyon na hugis arko o kalahating buwan:


A. Tsina B.India C. Ilog Nile D. Fertile Crescent

3. Ang putik na dala ng baha na nagsisilbing pataba sa mga pananim:


A. Dumi ng hayop B. Banlik C. Lupa D. Puno

4. Ang sistema ng panulat ng mga Sumerian:


A. Cuneiform B. Calligraphy C. Minos D. Hammurabi

5. Ang pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Asya:


A. Luwad B. Barter C. Veda D. Caste

6. Ang uri ng pagsulat ng mga Tsino na ginagamitan ng mga pictogram:


A. Cuneiform B. Calligraphy C. Argon D. Hammurabi

7. Karamihan sa mga sinaunang sibilisasyon ay isinilang sa mga:


A. Tabing-dagat B. Kabundukan C. Lambak-ilog D. Tabing-ilog

8. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa pangkat?


A. Ganges-Aztec Indies C. India-Indus
B. Tsina-Yangtze-Huang Ho D. Ehipto-Nile

9. Nakatuklas ang mga Hittite ng bakal dahil sa paghahanap ng matigas na metal


upang gawing ______.
A. Kasangkapan B. Araro C. Kagamitan D. Armor

10. Ang grupo ng taong pinaniniwalaang unang nanirahan sa India at nagtatag ng


Mohenjo-Daro at Harappa:
A. Shiite B. Dravidian C. Aryan D.Hittite

11. Ang nagsilbing pook-dalanginan ng mga Sumerian noong sinaunang panahon?


A. Pyramid B. Mosque C. Kapilya D. Ziggurat
12. Ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang Sumerian ay naitala sa
________?
A. Clay Tablet B. Kwaderno C. Papel D. Dahon

12
13. Ang disenyo ng kabahayan sa kabihasnang Indus ay planado at organisado
sapagkat nakitaan ito ng __________?
A. Grid Pattern B. Kusina C. Disenyo D. Poste

14. Isa sa mga pangunahing gawain ng Yangshao ay ang paggawa ng tapayan na


mas nahigitan at napaunlad naman ng Lungshan sa pamamagitan ng pagtuklas
ng ___________?
A. Potter’s Wheel B. Grid Pattern C. Clay Tablet D. Oracle Bone

15. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na pinahahalagahan natin sa


kasalukuyan ang mga ambag ng sinaunang kabihasnang Asyano?

A. Sa paglipas ng panahon, ang sinaunang kabihasnan ay unti-unting nawaglit sa


alaala at nawala sa kasaysayan.
B. Sa paglipas ng panahon, naglaho ang mga kaalaman kasabay ng paglaho ng
mga unang kabihasnan
C. Sa paglipas ng panahon, nakakagawa sa kasalukuyan ng mga pabahay na may
pare-parehong desinsyo o plano.
D. Sa paglipas ng panahon, walang bakas na iwan ang mga sinaunang kabihasnan

Karagdagang Gawain

Gawain: ONE LAST SHOT!


Sagutin mo ngayon ang panghuling katanungan. Isulat sa iyong kuwadernong
pang aktibiti.

1. Alin sa mga sinaunang kabihasnan ang may pinakamahalagang kontribusyon sa


sangkatauhan? Pangatwiranan.

13
14
SUBUKIN TAYAHIN
1. A 1. C
2. B 2. D
3. C 3. B
4. D 4. A
5. A 5. D
6. D 6. B
7. A 7. C
8. D 8. A
9. A 9. D
10. A 10. C
11. B 11. D
12. C 12. A
13. A 13. A
14. B 14. A
15. B 15. C
BALIKAN
PALEOLITIKO NEOLITIKO METAL
APOY PAGTATANIM PAGPAPANDAY
BUTO NG HAYOP PERMANENTENG
PANINIRAHAN
PAGAALAGA NG
HAYOP____
SIBAT
KUTSILYONG YARI SA BATO
ISAISIP
SUMER INDUS SHANG
Lunar Calendar Grid Pattern Potter’s Wheel
Decimal System Pictogram Calligraphy
Cuneiform
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Aklat
Mateo, Grace Estela C., Ph.D.: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan, Pp.128-130

B. Modyul
Blando, Rosemarie C., et al. Asia: Pagkakaisa sa GItna ng Pagkakaiba,
pg.116-117

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like