You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
DIVISION OF CITY SCHOOLS
City of San Jose del Monte
MUZON HARMONY HILLS HIGH SCHOOL
Australia St., Harmony Hills I Subdivision, Brgy. Muzon, City of San Jose del Monte, Bulacan
Learning Activity Sheet
Araling Panlipunan 9
Ikalawang Markahan

Pangalan: ______________________________ Baitang/Pangkat:___________

MELC: NATATALAKAY ANG KONSEPTO AT SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND SA


PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY

ANG KONSEPTO NG DEMAND

May mga pangangailangan ang tao na dapat matugunan upang mabuhay. Ang
demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng
mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

Batas ng Demand

Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan


ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo, bumababa
ang dami ng gusto at kayang bilhin at kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami
ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus).

Ang ceteris paribus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang


ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay
hindi nagbabago o nakaaapekto rito. Ayon sa Batas ng Demand, sa tuwing ikaw at ang
iyong pamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o serbisyo, ang presyo ang
inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa tindahan, itinatanong mo
muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang iyong bibilhin.

May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o


inverse na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demand. Ang unang konseptong
magpapaliwanag dito ay ang substitution effect. Ipinahahayag nito na kapag tumaas ang
presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. Sa
gayon, mababawasan ang dami ng mamimiling gustong bumili ng produktong may mataas
na presyo dahil maghahanap sila ng mas mura. Halimbawa, kung mahal ang ballpen
maaring bumili ng lapis na mas mura. Ang ikalawa ay ang income effect. Ito ay
nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo. Kapag
mababa ang presyo ng bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng
mas maraming produkto. Kapag tumaas naman ang presyo, lumiliit naman ang kakayahan
ng kaniyang kita na maipambili. Lumiliit ang kakayahan ng kita na makabili ng mga
produkto o serbisyo kaya mababawasan ang dami ng mabibiling produkto.

Demand Schedule
Higit na mauunawaan ang konsepto ng demand sa pamamagitan ng demand
schedule. Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at
gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.

Maliban sa demand schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity


demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito ay tinatawag na demand curve.
Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
DIVISION OF CITY SCHOOLS
City of San Jose del Monte
MUZON HARMONY HILLS HIGH SCHOOL
Australia St., Harmony Hills I Subdivision, Brgy. Muzon, City of San Jose del Monte, Bulacan

Demand Curve

Gawain 1: COMPLETE IT!


Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod na
pangungusap. Isulat ang mga tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita.

1. _ _ _ A _ _ tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng


mga mamimili.
2. _ _ _ A _ _ _ _ _ _ A _ _ nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa
pagitan ng presyo at quantity demanded.
3._ _ _ A _ D _ _ R _ _ grapikong paglalarawan ng presyo at quantity demanded.
4. _ _ _ E _ _ _ _ _ _ I _ _ _ ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi
nagbabago.
5. _ N _ _ _ _ _ _ _ _ _ T nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas
mababa ang presyo.

Gawain 2: DEMAND READING


Lagyan ng (/) ang kolum ng sang-ayon, kung naniniwala ka na tama ang pahayag
ukol sa konsepto ng demand at lagyan naman ng (X) ang kolum ng hindi sang ayon, o
kung hindi ka naniniwala.

Prepared by: Reviewed by:

Precious G. Gabagat Armando C. Dawang Jr. Menard Glenn M. Dela Cruz Dulce C. Tiongco
AP Teacher AP Teacher AP Teacher Araling Panlipunan Coordinator

Approved by:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
DIVISION OF CITY SCHOOLS
City of San Jose del Monte
MUZON HARMONY HILLS HIGH SCHOOL
Australia St., Harmony Hills I Subdivision, Brgy. Muzon, City of San Jose del Monte, Bulacan
Geronimo Mateo Guilalas Jr.
Principal I

You might also like