You are on page 1of 7

SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SANTIAGO, CITY OF GENERAL TRIAS, CAVITE


Learning Area Araling Panlipunan

Learning Face to Face


Delivery
Modality

Santiago Integrated National Baitang


Paaralan 9
High School

Melanie L. Velasco Asignatura Araling


LESSON EXEMPLAR Guro
Panlipunan

November 18, 2023 Markahan Ikalawang


Petsa
Markahan

9:40 am-10:30 am Bilang ng


Araw
Oras 9-Lanzones 1 (WEEK 4)
Building 4 Room 2

I. LAYUNIN(Objective) Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng
supply at batas ng supply
b. Nakalulutas ng supply function na
nagpapakita ng relasyon ng presyo at supply;
naiguguhit sa pamamagitan ng grapiko
(supply curve) at talahanayan (supply
schedule) na nagpapakita ng ugnayan ng
presyo at supply
c. Napahahalagahan ang bahaging
ginagampanan ng mga prodyuser sa
pagprodyus ng mga produkto at serbisyo.

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga


(Content Standard) pangunahing kaalaman sa ugnayan ng puwersa ng
demand, supply, at sistema ng pamilihan bilang
batayan sa matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at
bahay-kalakal tungo sa pagtamo ng pambansang
kaunlaran.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga
(Performance Standard) pangunahing kaalaman sa ugnayan ng puwersa ng
demand, supply, at sistema ng pamilihan bilang
batayan sa matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at
bahay-kalakal tungo sa pagtamo ng pambansang
kaunlaran.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Nailalapat ang kahulugan ng suplay batay sa pang-
Pagkatuto(MELC) araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya

School: SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Santiago, City of General Trias, Cavite
Tel.no.: JHS (046)230-1849 SHS (046) 230- 1876
Email address: 301214@deped.gov.ph
SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
SANTIAGO, CITY OF GENERAL TRIAS, CAVITE
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Enabling competencies)

E. Pagpapayamang Kasanayan
(kung mayroon isulat ito)
II.NILALAMAN (Subject Matter) KONSEPTO NG SUPLAY
III.KAGAMITANG PANTURO
(Materials)
A. Sanggunian (References)
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro RM-No.-306-S.-2020 pahina 186, MELC AP Grade 9 Q1,
PIVOT BOW R4QUBE, K to 12 Curriculum Guide
Kagawaran ng Edukasyon. Ekonomiks: Araling
Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. Unang Edisyon.
Pasig City: Vibal Group, Inc. 2015.

2. Kagamitang Pangmag-aaral Pdf Module


3. Mga Pahina sa Teksbuk EKONOMIKS Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-
aaral pahina 141-146

4. Karagdagang Kagamitan mula


sa Portal ng Learning Resource LRMDS PORTAL
B. Listahan ng mga Kagamitang Powerpoint Presentation
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pamamahala ng silid-aralan
 Pagtatala ng lumiban at hindi lumiban

Introduction (Panimula)
Alamin (What I Need to Know?)
PAGBABALIK-ARAL
DEMAND UP, DEMAND DOWN
Ipakita ang pagbabagong magaganap sa demand
para sa isang produkto batay sa pagbabago ng
sumusunod na salik. Sabihin ang demand up
kung pataas ang demand at demand down pag
pababa ang demand.
1. Pagiging lipas sa uso ng produkto.
(demand down)
2. Paglaki ng kita. (demand up)
3. Inaasahan ng mamimili na tataas ang presyo
dahil sa kalamidad (demand up)
4. Pagbaba ng kita ( demand down)
5. Pagtaas ng presyo ( demand down)

School: SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Santiago, City of General Trias, Cavite
Tel.no.: JHS (046)230-1849 SHS (046) 230- 1876
Email address: 301214@deped.gov.ph
SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
SANTIAGO, CITY OF GENERAL TRIAS, CAVITE
Suriin (What is New?)

Gawain 1: Balita-Analysis
Suriin ang balita at sagutan ang pamprosesong
tanong.
https://www.youtube.com/watch?v=bQb608HS_Wg

Pamprosesong tanong:
1. Tungkol saan ang balita?
2. Bakit mahalagang malaman ang balitang ito?
3. Mula sa balitang natunghayan, paano tayo
naaapektuhan nito sa pang-araw-araw nating
pamumuhay?

Development (Pagpapaunlad) Subukin (What I Know?)


Gawain 2. Family Feud
Hahatiin sa dalawang grupo ang klase at
magpapaunahan kung sino ang makakuha ng top
answer nang makakuha ng mataas na puntos sa
tanong.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang inyong naging perspektibo kung
paano kayo pumili ng mga produkto na
handang ipagbili sa pamilihan?
2. Ano ang tawag sa mga taong nag-iisip at
lumilikha ng mga produktong kinukonsumo
natin sa araw-araw?
3. Paano kung wala sila sa pamilihan? Ano
kaya ang magiging epekto nito sa pang-
araw-araw nating pamumuhay?

School: SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Santiago, City of General Trias, Cavite
Tel.no.: JHS (046)230-1849 SHS (046) 230- 1876
Email address: 301214@deped.gov.ph
SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
SANTIAGO, CITY OF GENERAL TRIAS, CAVITE
Tuklasin (What is in?)
Pagtalakay

Supply ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo


na kaya at handang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t
ibang presyo sa isang takdang panahon. Presyo ang
pangunahing salik na nakaimpluwensiya sa dami ng
ipagbibiling produkto at serbisyo.

Batas ng Supply Isinasaad sa Batas ng Supply na


kapag mataas ang presyo, tumataas din ang dami ng
produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili.
Ngunit, kapag ang presyo ay bumaba, bumababa rin
ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang
ipagbili ng mga prodyuser habang ang ibang salik ay
hindi nagbabago. (Ceteris Paribus- all other things
remain constant – ibig sabihin walang ibang salik ang
magbabago ngunit ang presyo lamang)
Mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa
Quantity Supplied ng isang produkto.

Tatlong Pamamaraan ng Pagpapakita ng Konsepto ng


Supply

Supply Schedule

Ang supply schedule ay isang talaan na


nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga
prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang
panahon.

Supply curve

Ang supply curve ay ang graphical representation ng


isang supply schedule. Ito ang graph ng iba’t ibang
kombinasyon ng mga presyo at quantity supplied:

School: SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Santiago, City of General Trias, Cavite
Tel.no.: JHS (046)230-1849 SHS (046) 230- 1876
Email address: 301214@deped.gov.ph
SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
SANTIAGO, CITY OF GENERAL TRIAS, CAVITE

Supply function

Ang supply function ay ang matematikong


pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
Ang equation na ito ay Qs= f (P). Ito ay maaari ding
tingnan sa equation na: Qs = c + bP

Kung saan:
Qs = dami ng suplay
P = presyo
c = intercept (ang bílang ng Qs kung ang presyo ay 0)

b = slope =

Halimbawa: Ang supply function mula sa supply


schedule sa tinapay: Qs= 0+10(P)
Kapag ang P=1, Qs=?

Qs = 0+10P
Qs = 0+10(1)
Qs = 0+10
Qs = 10 piraso

Engagement (Pakikipagpalihan) Isagawa (What is More?)


Gawain 3: SU-DA-KU (Suri, Datos, Kurba)
Nalalapit na ang pagsisimula ng klase, kaya inaasahan
ang pagtaas ng presyo ng school supplies partikular na
ang kuwaderno. Gamit ang supply function na
Qs=0+50P at itinakdang presyo sa ibaba, bumuo ng
supply schedule na magpapakita ng iyong desisyon
kung ilang kuwaderno ang hand among ipagbili.
Matapos ito ay i-plot ang iskedyul upang mabuo ang
supply curve.

School: SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Santiago, City of General Trias, Cavite
Tel.no.: JHS (046)230-1849 SHS (046) 230- 1876
Email address: 301214@deped.gov.ph
SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
SANTIAGO, CITY OF GENERAL TRIAS, CAVITE

PRESYO DAMI NG IBEBENTA (QS)


21
18
15
12
9

Linangin (What I Can Do?)


Gawain 5: Math-usay AKO!
Kompyutin gamit ang formula na Qs = -50+10P

PRESYO QS
10 ?
? 150
30 ?
? 350

Assimilation (Paglalapat) Isaisip (What I Have Learned?)

Pagnilayan ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang iyong pagkakaunawa sa konsepto ng
supply at paano kumikilos ang batas ng supply?
2. Bakit kailangan nating unawain ang supply
schedule, supply curve at supply function?
3. Bilang isang konsyumer, bakit ka apektado kapag
may nagaganap na pagbabago sa supply?

Tayahin (What I can achieve)

1.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na


handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa takdang
presyo at panahon.
a. demand
b. Supply
c. Supply schedule
d. Supply curve
e.
2.Isinasaad sa batas na ito na kapag tumataas ang
presyo, tumataas din ang quantity supplied na handa at
kayang ipagbili. Ngunit kapag bumababa ang
presyo,bababa rin ang quantity supplied na handa at
kayang ipagbili .
a. Batas ng Supply
b. Batas ng Demand
c. Batas ng Demand at Supply
d. Batas ng Pamilihan

3. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng káya

School: SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Santiago, City of General Trias, Cavite
Tel.no.: JHS (046)230-1849 SHS (046) 230- 1876
Email address: 301214@deped.gov.ph
SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
SANTIAGO, CITY OF GENERAL TRIAS, CAVITE
at gustong ipagbili ng prodyuser sa iba’t ibang presyo
a. Supply
b. Supply schedule
c. Supply Curve
d. Supply function

4. Ito ay grapikong paglalarawan sa direktang ugnayan


ng presyo at Quantity Supplied.
a. Supply Function
b. Supply schedule
c. Supply Curve
d. Air Supply
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng supply
function?
a. Es >1
b. Qs = c + bP
c. Qd = a-bP
d. Qs = Qd

Nauunawaan ko na_____________________________.
V. PAGNINILAY (Reflection)
Nababatid ko na________________________________.

Inihanda ni: Sinuri ni:

MELANIE L. VELASCO JOSE D. ISAIAS JR.


Guro I Guro II / OIC-AP Group Head

Iwinasto ni: Binigyang Pansin ni:

CORAZON P. ARCILLA CECILIA C. PAPA, EdD


Ulong-Guro III Punongguro III

School: SANTIAGO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Santiago, City of General Trias, Cavite
Tel.no.: JHS (046)230-1849 SHS (046) 230- 1876
Email address: 301214@deped.gov.ph

You might also like