You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan-Modyul 4, Week 4:
MGA KAUGNAYAN NG IBA’T IBANG IDEOLOHIYA SA PAG-
USBONG NG NASYONALISMO AT KILUSANG NASYONALISTA

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Ikaapat Na Markahan – Modyul 4, Week 4: Mga Kaugnayan ng Iba’t- Ibang Ideolohiya sa
Pag-Usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mark Joseph A. Panoy; Ruthie C. Alba


Editor/Tagasuri: Monina R. Antiquina
Narciso Bureros
Tagaguhit: Chris Raymund M. Bermudo
Tagalapat:
Tagapamahala:
Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero- Chief, CID
Nur N. Hussien, DM – Chief, SGOD
Monina R. Antiquina,EMD – Education Program Supervisor AP
Ronillo S. Yarag, EdD – EPS – LRMDS
Leo Martinno O. Alejo – PDO II – LRMDS

Printed in the Philippines by


Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Sa Araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-uunawa:

MELC: Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa


pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


● Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at
kilusang nasyonalista
● Natutukoy ang iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang
nasyonalista
● Naihahambing ang iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang
nasyonalista sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Balikan
Gawain 1: Ilarawan mo
Panuto: Suriin at bigyan ng sariling interpretasyon ang ipinakikita sa larawan.

amoradinfinitum.wordpress.com

Ang masasabi ko sa larawan ay ________________________________________________


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
1
Mahalaga ito dahil ___________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Mga Kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong


ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista

Tuklasin
Gawain A: Halu-Ayos-Laya!

Iayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutugon sa
inilalarawan ng pangungusap. Isulat ang sagot sa espayo bago ang bilang.

________________________ 1. Ideolohiyang naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang


.
antas o uri (classless society) kung saan ang mga salik ng
produksyon ay pag-aari ng lipunan. Sa sistemang ito,
I S K OM
O N M U tinatayang darating ang panahon na hindi na kailangan ang
estado kaya kusa itong mawawala. Ang estado ang may-ari ng
produksiyon ng lahat ng negosyo ng bansa. Upang masiguro ang
maayos na pagpapatupad, kailangang pairalin ang diktadurya.
2.
_________________________
Tumutukoy ang ideolohiyang ito sa kapangyarihan ng
pamahalaan na nasa kamay ng mga tao at ang
A S Y A K pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas
R E D O at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay. Bukod pa
M rito ay karaniwang pumipili ang mga tao, sa pamamagitan ng
halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa
kapangyarihan o pamahalaan sa ngalan nila.

3.
__________________________
Ito ay isang sistema o lipon ng mga ideya o kaisipan na
L O H I naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito.
I D E O Y Ang mga halimbawa nito ay demokrasya, kapitalismo,
A monarkiya, totalitaryanismo, autoritaryanismo, sosyalismo at
komunismo.

_____________________ 4.
Pangunahing layunin upang wakasan ang panghihimasok ng
A L A Y A
mga mananakop sa kanilang pamumuhay at kabuhayan.
N K A

2
_______________________5.
Pagkakaunawaan ng dalawang magkasalungat na panig upang
S U ND U matigil na ang kanilang sigalot o di- pagkakaunawaan,
KA A N nagkakaroon ng usapan o kompromiso ang magkabilang panig.

Suriin
Basahin at Unawain mo ang mga sumusunod na teksto.

Ang pananakop at pagpapahirap sa mga bansa sa Silangang Asya at Timog-


Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng diwang makabansa bilang tugon
sa pag-aabuso at pagsira sa karapatan ng mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya na ang tanging mithiin ay magkaroon ng kalayaan.

Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, naiba ang balanse ng kapangyarihan


o balance of power sa Asya. Humina ang mga bansang Europeo at lumakas ang
United States at Japan. Nakilala ang Japan dahil pinalakas nito ang kanyang
hukbong militar. Isinulong na rin nito pagkatapos ng digmaan ang racial equality
o pantay na pagtingin sa lahi na hindi pinansin ng mga kanluranin. Nagdulot din
ang digmaan ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian at
pagkamatay ng maraming mamamayan. Nakaranas din sila ng matinding
pagkagutom, pagbagsak ng industriya sa mga bansang pinangyarihan na naging
dahilan sa krisis na tinatawag na dakilang kapanglawan o Great Depression.
Pagkatapos ng digmaan itinatag nila ang League of Nations upang maiwasan na
ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig. Isa pang epekto ay ang pagpasok ang
mga Kanluranin sa Kanlurang Asya upang malinang ang langis. Ipinatupad nila
ang sistemang mandato sa rehiyon na kontrolado nila. Nag-umpisa rin ang
pagbalik ng mga Jews o Israelite sa rehiyon.

Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming lungsod sa Asya ang


nasira. Milyun-milyong mamamayan ang namatay. Hirap at tagutom ang sinapit
ng mga napinsala ng Japan. Inokupa ng mga Amerikano ang Japan dahil sa
kanilang pagkatalo sa ilalim ng pamumuno ni Hen. Douglas McArthur. Hindi
katahimikan ang bumalot sa China, nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng
Civil War sa pagitan ng puwersang nasyonalista at komunista. Naghirap ang
maraming bansang Asyano ang kasarinlan pagkatapos ng digmaan . Natigil ang
pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura,
industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa. Sa pagkakaroon ng
armas pandigma naging handa ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya na
makidigma upang makamit ang kalayaan sa mga dayuhang kanluranin.

Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring naging dahilan ng pagsiklab ng


Ikalawang digmaang pandaigdig.

 Taong 1931- Inagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria na nagbunga ng


pagkukundena ng mga liga ng mga bansa sa Japan sapagkat ang kanilang
paningin ito ay mali. Kasunod pa nito , napagdesisyonan ng japan na tuluyan
ng tumiwalag sa liga ng mga bansa.

3
 Taong 1933- Naganap ang pagtiwalag ng bansang Germany sa liga. Matapos
nitong tuluyang tumiwalag,nagtatag ng sandatahang lakas si Adolf Hitler.
Ninais ni Hitler na labagin ang kasunduan ng Versailles na nagdulot sa
kanilang bansa na malagay sa sitwasyon na kahiya-hiya.
 Taong 1935- Sinakop ng Italya ang bansang Ethipia sa pamumuno ni Benito
Mussolini. Ito ay nagdulot ng tuluyang paglabag ng Italya sa kasanduan ng
mga bansang kabilang sa liga.
 Taong 1936- Nagsimula ang digmaang sibilsa dalawang panig. Ito ay ang
Pasistang Nationalist Front at Sosyalistang Popular Army. Nais ng Austria na
mapasama ang kanilang bansa sa mga nasasakop ng Germany ngunit tutol
dito ang iba pang mgabansang kasapi sa Allied Powers (Pransya, Gran
Britanya at Estados Unidos)
 Taong 1939- Nasakop ng Germany sa pamumuno ni Hitler ang
Sudeten,gayundin ang mga natitirang teritoryo nito kabilang na ang
Czechoslavokia. Sa taon din ito naganap ang paglusob ng mga Alemanya sa
bansang Poland.

HAKBANG SA PAGLAYA NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA


Paglaya ng mga Bansa sa Silangang Asya

Paglaya ng China

Dahil sa kasikatan ng produktong China sa Europa hinangad ng mga Europeo na


makipagkalakalan sa China na kalaunan ay naging dahilan ng paghahangad na makontrol ang lupain
nito. Ang pagkakatalo ng Tsina sa Digmaang Opyo ay naging daan ng di- makatuwirang kasunduan at
pagkakaroon ng Sphere of Influence ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng China. Tatlong uri ng
Nasyonalismo ang umusbong nasyonalismong tradisyunal na ang layunin ay paalisin ang mga
Kanluranin at ang impluwensiya nito na pinangunahan ng samahang Boxers, ang pangalawa ay ang
Nasyonalismong may impluwensiya ng kanluran na ang layunin ay maging republika ang China yakap
ang ideolohiyang demokratiko na pinangunahan ni Dr Sun Yat Sen at Chiang Kai Shek at ang pangatlo
ay ang Nasyonalismong may impluwensiya ng Komunismo na pinangunahan ni Mao Zedong. Sa
paglakas ng nasyonalismong Tsino nabahala ang Japan na baka maapektuhan ang interes nito sa
China kung kaya’t sunod sunod ang ginawang pakikidigma at pananakop. Una na ritong naganap ang
Manchuria Incident sinundan ng Rape of Nanking na nasundan pa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Natalo ang Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit nagpatuloy ang kaguluhan sa China
sa pagitan ng puwersa ng komunista ni Mao Zedong at nasyonalista ni Chiang Kai Shek. Natalo ang
nasyonalista at napasailalim sa komunistang pangkat ang Mainland China samantalang ang
nasyonalista ay tumakas at pumunta sa isla ng Formosa na ngayon ay tinawag na Taiwan noong
October 1,1949.

Paglaya at Pagkakahati ng Korea

Unti-unting nasakop ng Hapon ang Korea na ginawang base militar at pilit na itinaguyod
ang kanilang kabihasnan.Bunsod nito maraming pagtatangkang ginawa ang Korea upang
mapatalsik ang mga Hapones. Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung
saan natalo ang mga Hapon. Subalit hindi nakaligtas ang Korea sa dalawang ideolohiyang nag-
uumpugan, ang komunismo na niyakap ng Hilagang Korea at sinuportahan ng Unyong Sobyet at
demokrasya na niyakap ng Timog Korea na sinuportahan ng Amerika . Noong 1948, pinasinayaan
ang bagong republika na sinuportahan ng Amerika na pinamunuan ni Syngman Rhee ngunit
kaagad namang ipinahayag ng North Korea ang Democratic People’s Republic of Korea na
sinuportahan ng Soviet Union na pinamunuan ni Kim Il Sung. Mula noon, nahati ang Korea sa
pamamagitan ng 38th parallel.

4
Paglaya ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya
Paglaya ng Indonesia
Nakamit ng Indonesia ang kalayaan nito noong Agosto 17,1945 sa pamumuno ni
Achmed Sukarno sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Olandes. Umigting ang
pagnanasang lumaya ng Indonesia nang pinagkalooban ng simbolikong kalayaan si Sukarno
ng Hapon nang masakop ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit nang matalo ang
Hapon dumating ang mga Olandes upang muling ibalik ang kanilang pamamahala .Subalit ang
Indonesia na nakaranas ng kalayaan ay lumaban.Pinamunuan ni Sukarno ang Indonesia sa
loob ng 23 taon. Pinasimulan niya ang pamamahalang guided democracy (limited democracy)
base sa Pancasila- 5 patnubay na prinsipyo: paniniwala sa Dios, nasyonalismo,
pagkakawanggawa, katarungang panlipunan at demokrasyang gagabayan ng karunungan.
Tinanggap at ipinagbunyi ng mga tao at ginawa siyang pangulong panghabambuhay noong
1963 subalit ang lubos niyang kapangyarihan ang naging dahilan ng pang aabuso niya sa
kapangyarihan.

Paglaya ng Vietnam

Sa kasaysayan ng Vietnam ay may tatlong naganap na paglaya ang una ay noong 938
mula sa China, ang pangalawa noong Setyembre 2,1945 mula sa France, at ang pangatlo ay
noong Hulyo 2, 1976.

Ang pag-iisa ng Vietnam sa pamumuno ni Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh mula sa


kilusang Viet Minh bilang isang Sosyalistang Republika na may oryentasyong komunista. Isang
matagalang digmaan ang ginawa ng mga Vietnamese upang makamtan ang kalayaan.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nahati ang Vietnam sa dalawang bansa, ang
Hilagang Vietnam na nagsulong ng ideolohiyang Komunismo at Sosyalismo sa pamumuno ni
Ho Chi Minh at Timog Vietnam na yumakap sa ideolohiyang Demokratiko sa pamumuno ni
Ngo Dinh Diem .

Nagkaroon ng Vietnam War na sinalihan ng Estados Unidos sa haba ng digmaan naging


magastos at madugo ito para sa bansa. Para sa pandaigdigang opinyon ay iwan na ng mga
Kanluranin ang Vietnam at dito natalo ang Estados Unidos ,iniwan nila ang Timog Vietnam at
napasailalim sa kontrol ng grupong may ideolohiyang komunismo/sosyalismo. Muling napag-
isa ang dalawang Vietnam at naging isang bansa.

Paglaya ng Burma (Myanmar)

Nakamit ng Burma ang kalayaan nito noong Enero 04, 1948 sa pamumuno ni U Nu
bilang punong Ministro ng Republika ng Burma na kalaunan ay inilipat ang pamumuno kay
Heneral Ne Win na isang diktador militar .Bilang pinuno ng mga hukbong armado pinairal niya
ang ideolohiyang Myanmar way to Socialism na kung saan kinumpiska ng pamahalaan , ang
anumang negosyo at pangkalakalan,bangko at mga pribadong ari-arian kung kaya’t nawalan
ng hanapbuhay ang mga dayuhan. Noong unang hindi pa nakakamit ng Burma ang kalayaan
ang kumokontrol dito ay ang India sa tulong ng Ingles at China.
Bilang pagtugon sa pananakop na ito nagtatag ng iba’t ibang kilusang naglalayon ng
kalayaan. Nang maramdaman ng mga Ingles ang pagpupunyagi sa kalayaan ng mga Burmese
nagkaroon ng pagbabago na nagresulta sa paghiwalay ng Burma sa India noong 1935.

Ilan pang pagbabago ang tinangka ng pamahalaang Ingles ngunit hindi nangyari dahil sa
pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang bansang Hapon naman ang sumakop sa
Burma. Upang makuha ng mga Hapones ang loob ng mga Burmese maagang ipinahayag nito
5
ang pagtataguyod tungo sa kasarinlan. Ang pangkat ni Aung San na Dohama Asiayona(Burma
for Burmese) ay nakipagkasundo sa Hapon tungkol sa pagtustos ng sandata at sa pamumuno
sa militar at nagsanib puwersa upang makuha ang Rangoon laban sa mga Ingles .Ipinahayag
ng Hapon ang kalayaan ng Burma sakop pa nila ito subalit kalaunan nadama ng mga Burmese
na ang tunay na layunin ng pagtulong ng Hapon ay hindi upang lumaya kundi sakupin sila.
Nakaranas sila ng kahirapan ang mga Burmese sa pamamalakad ng mga Hapones kung kaya’t
nagtatag sila ng kilusang laban sa Hapon ,ang AFPFL (Anti Fascists People’s Freedom League)
sa pamumuno ni Aung San na binubuo ng mga makademokratiko at komunistang pangkat.
Nagapi nila ang mga Hapones at bumalik ang mga Ingles subalit hindi na pumayag ang mga
Burmese kaya’t sunod -sunod na usaping pangkalayaan ang naganap .Bunga nito, pinagtibay
ang kasunduang Anglo-Burmese na nagpapahayag ng kalayaan sa Burma noong Enero 04,
1948. Sa kasawiang palad pinatay si Aung San at ang kaniyang gabinete ng upahang armado
ng kaniyang talunang kalaban na si U Saw. Ngunit nang maaresto si U Saw ay ipinagpagtuloy
ni U Nu ang naiwan ni Aung San.

Paglaya ng Pilipinas

Nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Heneral Emilio
Aguinaldo .Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Espanol
sa Digmaang Espanol-Amerikano kung saan natalo ang mga Espanol. Inakala ng pamunuan
ni Aguinaldo na aalis na ang mga Amerikano sa Pilipinas at ipauubaya na ang pamumuno sa
atin kaya idineklara ang ating kalayaan at nagtatag ng isang demokratikong
pamahalaan.Samantala, iba naman ang ikinikilos ng mga Amerikano, nagpalabas ito ng
patakarang Benevolent Assimilation at lumagda sa Treaty of Paris na nagpapahayag ng
paglilipat ng pamamahala ng Pilipinas sa Amerikano mula sa mga Espanol.Naging hayagan ang
pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano kung kaya’t sumiklab ang Digmaang
Pilipino- Amerikano. Subalit may ibang Pilipino na hindi nakiisa, walang pakialam at nakiisa
sa mga Amerikano. Dahil sa kawalan ng pagkakaisa, nakapagtatag ang Amerikano ng
pamahalaang kolonyal na nagsilbi sa interes ng mga Amerikano at pinalaganap ang
edukasyong makabanyaga. Sa isang banda tinugis ang mga Pilipinong lumaban para sa
kalayaan at ipinatapon ang ibang lider -Pilipino sa ibang bansa. Ang ibang Pilipino naman na
nakiisa sa mga Amerikano ay isinulong ang paghingi ng kalayaan sa mga Amerikano. Dahil
ang kalayaan natin ay ating hinihingi matagal bago naibalik ang kalayaan at sa bawat paghingi
natin ay may katumbas na mas malaking kapalit na likas na yaman at pagkontrol sa kalakalan.
Pansamantalang natigil ang pananakop ng mga Amerikano nang tayo’y masangkot sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nilusob tayo ng Hapon dahil kaalyado natin ang mga
Amerikano at ang pinakamalaking base-militar ng Amerikano ay nasa ating bansa.Sa
kasagsagan ng digmaan ,iniwan tayo ng mga lider-Amerikano at natira tayong lumalaban at
nagtatanggol sa ating kalayaan. Nasakop tayo ng Hapon sa loob ng 5 taon. Natalo ang Hapon
sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung kaya’t binalikan tayo ng mga Amerikano at ibinigay
ang ating kalayaan noong Hulyo 04,1946. Ayon kay Renato Constantino hindi ganap na
nakamtan ng Pilipinas ang Kalayaan dahil nanatiling makapangyarihan at impluwensiyal ang
Amerikano sa Pilipinas sa larangang pangkabuhayan at pampolitika.

6
Pagyamanin

Gawain: Buo-laya
Iyong natunghayan kung paano lumaya ang mga bansa sa Asya, at upang
magkaroon ng buong pananaw sa paglaya ng mga bansa, buuin ang talahanayan at
ihambing ang bawat datos na iyong makakalap.

Bansa sa Mga Araw ng Namuno Pamamaraang Ideolohiyang


Silangan Asya bansang paglaya ginamit sa niyakap
(na nasa teksto) nanakop paglaya

Bansa sa Timog- Mga Araw ng Namuno Pamamaraang Ideolohiyang


Silangan Asya bansang paglaya ginamit sa niyakap
(na nasa teksto) nanakop paglaya

Gawain

Panuto: Batay sa nabasang teksto tungkol sa mga nabuong ieolohiya ng mga


bansang Asyano upang umusbong ang pagiging nasyonalismo, punan mo ang
hinihiling sa talahanayan (chart) gawin ang pagsagot sa kwaderno.

7
Mga bansang Ideolohiyang
Kabutihan ng Masamang dulot
lumala sa sinusunod o
ideolohiya ng ideolohiya
digmaan ipinapatupad
1. China
2. Korea
3. Indonesia
4. Vietnam
5. Burma
(Myanmar
6. Pilipinas

Pamprosesong tanong:

1. Sa iyong sariling paniniwala at paninindigan, alin sa mga ideolohiya ang higit


mong pinaniniwalaan at mas makakatulong sa mga mamamayan? Patunayan ang
sagot.
Sagot:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga tanong.
1. Paano nakaapekto ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
Sagot:
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

2. Paano hinubog ng ideolohiya ang paglaya ng mga bansa sa Silangan


at Timog Silangang Asya? Magbigay ng patunay sa inyong mga sagot.
Sagot:
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

8
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong.
Isulat ang titik na tumutugon sa tamang sagot bago ang bilang.

____1.Paano naapektuhan ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa pag-
aangat ng mga malawakang kilusang nasyonalista?
A. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil
B. Lumakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kalayaan
C. Nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban upang makamtan ang
kalayaan
D. Miylon-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod ang
nasira.

____2. Bakit itinatag ang League of Nations?


A.Ito ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig
B.Ito ay upang pigilan ang pagpasok ng mga kaaway
C.Ito ay upang mapanatili ang mabuting relasyon sa mga Asyano
D.Ito ay upang protektahan ang daigdig

Para sa aytem blg. 3, suriin ang larawan sa ibaba.

____3. Ano ang mahihinuha mo sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Asyano sa ilalim


ng mga mananakop?
A. Ang pagsasaka ay kinokontrol ng mga mananakop.
B. Mas napalago ng mga mananakop ang sektor ng agrikultura.
C. May kalayaan ang mga bansang Asyano na pamunuan ang sariling bansa.
D. Ang mga Asyano ay lubos na binabantayan sa kanilang pagtatrabaho.

9
Para sa aytem na blg.4, suriin ang larawan sa ibaba.

____4. Inihahalintulad ng ekonomistang si Kaname Akamasu ang pag-unlad ng


ekonomiyang Asyano sa gansang lumilipad (flying geese). Ano ang mensaheng
ipinahihiwatig nito?
A. Magkakaiba ang antas ng pag-unlad ng mga bansang Asysano.
B. Mabagal ang pag-unlad ng mga bansang Asyano.
C. Magkakasabay ang tinatamasang pag-unlad ng mga bansang Asyano.
D. May malaking impluwensiya ang mga kanluraning bansa sa pag-unlad ng mga
bansang Asyano.

____5. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagsiklab ng ikalawang digmaang


pandaigdig MALIBAN sa:
A. Kasunduan ng Liga ng mga bansa sa Versailles.
B. Pag-agaw ng Japan sa bansang Manchuria sa Tsina.
C. Pagsakop ng Germany sa Poland at Czechoslovakia.
D. Pagsanib ng mga bansang Austria at Germany.

____6. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng mamamayan ng pambansang


kapakanan na nagpapakita ng matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang
bansa?
A. Kalayaan C. Kolonyalismo
B. Nasyonalismo D. Demokrasya

____7. Ang sumusunod ay tumutukoy sa katangian ng komunismo MALIBAN sa isa


A. Lipunang walang antas/uri (classless society)
B. Mga salik ng produksiyon ay pag-aari ng lipunan
C. Pinaiiral ang demokrasya
D. Ang estado ang may-ari ng produksyon ng lahat ng negosyo ng bansa

____8. Alin sa sumusunod ang hindi kasali sa mga katangian ng demokrasya?


A. Nasa kamay ng mga tao ang kapangyarihan ng pamahalaan
B. Pagkakapantay- pantay ng mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang
pangunahing Aspekto ng pamumuhay
C. Pumili ng kinatawang hahawak sa pamahalaan sa pamamagitan ng halalan
D. Hawak ng estado ang mga salik ng produksiyon

10
____9. Alin sa sumusunod na mga ideolohiya ang hindi kasali sa mga ideolohiyang
nagdulot
ng transpormasyon sa mga bansang Silangan at Timog-Silangang Asya?
A. Demokrasya C. Totalitaryanismo
B. Komunismo D.Teocracy

____10. Bakit sinasabing hindi ganap ang kalayaan na nakamtan ng mga Pilipino mula
sa mga mananakop na mga Amerikano?

A. Nanatili pa rin ang kapangyarihan ng mga mananakop


B. May impluwensiya pa rin ang mga mananakop sa kabuhayan at politika ng bansa
C. Nagpalabas ang mga Amerikano ng mga patakarang mapagsamantala sa
kabuhayan at karapatan ng mga Pilipino lalo na sa aspektong pang ekonomiya
D. Lahat ng nabanggit

11
Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit nasali ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Ipaliwanag.


Sagot:

___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________

12
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Rosemarie C. Blando et.al., pp. 364-
376, Asya Pag-Usbong ng Kabihasan II, www.pinterest.com, www.google.com ,
at SlideShare.

13
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed that I think that I shall never see
I was walking along the beach with the A poem lovely as a tree.
LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets of Against the earth’s sweet flowing breast;
footprints – one belong to me and the
other to the LORD. A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
Then, later, after a long walk, I noticed
only one set of footprints. A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
“And I ask the LORD. Why? Why? Why
did you leave me when I am sad and
Upon whose bosom snow has lain; Who
helpless?”
intimately lives with rain.
And the LORD replied “My son, My son,
I have never left you. There was only one Poems are made by fools like me,
(1) set of footprints in the sand, because it But only God can make a tree.
was then that I CARRIED YOU!

114

You might also like