You are on page 1of 8

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Impluwensya ng mga Kaisipang
Lumaganap sa Gitnang Panahon
Aralin
Impluwensya ng mga Kaisipang
1 Lumaganap sa Gitnang Panahon.

Ang mga pangyayaring naganap sa Gitnang Panahon ay may malaking


impluwensya sa ating panahon. Isa ang mga pangyayaring ito sa mga
humubog sa ating kasalukuyan at naging pundasyon ng mga mauunlad na
sibilisasyon.

Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano sa panahong ito ay isa lamang sa mga


pangyayaring dapat nating tandaan. Nang humina at tuluyang bumagsak ang
Imperyo ng Roma ay siya namang pag-unlad at pag-usbong ng Simbahang
Katoliko na isa rin sa may pinakamahalagang impluwesya noong gitnang
panahon ng Europa at sa ating kasalukuyan. Ang Simbahan at Kristiyanismo
ay may napakalaking naiambag hindi lamang sa Europa kundi pati na rin sa
mga karatig bansa nito.

Suriin

Ang Impluwensya ng Politika sa Gitnang Panahon (Piyudalismo)

Piyudalismo

Isang sistemang kaisipan na umusbong sa Gitnang Panahon ng Europa na


kung saan ang lupang pag-aari ng panginoong may lupa at ipinasasaka sa
kanyang mga nasasakupan.
Ang lipunang ito ay binubuo ng Hari, Lords (vassal), Knights (vassal) at mga
Serfs o Peasants. Ang mga ito ay may kanya-kanyang katungkulan sa lipunan
na dapat nilang gampanan upang magpatuloy ang kaayusan at pag-unlad.
Ang Impluwensya ng Ekonomiya sa Gitnang Panahon (Manoryalismo)
Manoryalismo

Isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay nagbibigay


ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno o may-ari bilang kapalit ng proteksyon.
Manor ang tawag sa malaking lupaing pagmamayari ng panginoong may lupa, nasa
loob nito ang halos lahat ng mga pangangailangan ng mga naninirahan dito.
Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Tawag sa pagpapalitan ng produkto o sistema ng kalakalan na hindi gumagamit ng salapi o pera.


a. Barter c. Vassal
b. Fief d. Investiture
2. Ito ang tawag sa lupang ibinahagi ng Hari sa kanyang vassal?
a. Barter c. Vassal
b. Fief d. Investiture
3. Ito isang seremonya na kung saan ang isang Hari ay pinagkakaloban ng simbolo sa pamumuno
tulad ng isang singing.
a. Barter c. Vassal
b. Fief d. Investiture
4. Ito ang tawag sa mga nabahagian ng lupa at sila ay mag papakita ng katapatan sa Hari.
a. Barter c. Vassal
b. Fief d. Investiture
5. Siya ang nag buklod ng mga Kristiyano sa Imperyong Romano.
a. Constantine the Great c. Papa Gregory I
b. Papa Leo the Great d. Papa Gregory VII
6. Ang sistema ng katangian at pagpapahalaga na dapat taglayin ng isang Knight.
a. Fief c. Three-field System
b. Chivalry d. Serf
7. Ang sistema ng paghati ng sakahan sa tatlong bahagi, tatamnan ang una at ikalawang bahagi ng
sakahan at ang ikatlo ay bubungkalin subalit hindi ito tataniman upang mapreserba ang
sustansya
a. Fief c. Three-field System
b. Chivalry d. Serf
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa lipunan ng Piyudalismo
a.King c. Monghe
b.Knight d. Serf
9. Isang sistemang pang ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay nagbibigay ng serbisyo sa
isang piyudal na hari, pinuno o may-ari bilang kapalit ng proteksyon
a.Manoryalismo b.Manor
b.Piyudalismo d.Demokrasya
10. Uri ng magbubukid na hindi maaring umalis ng manor, nagsasaka ng walang kabayaran
a. Fief c. Three-field System
b. Chivalry d. Serf

Susi sa Pagwawasto
1.A 2. B 3. D 4. C 5. A
6. B 7. C 8. C 9. A 10. D

You might also like