You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Pamantasang Normal ng Leyte


INTEGRATED LABORATORY SCHOOL
Lungsod ng Tacloban

PANUTO: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Bilang anointed rulers, tungkulin ng mga hari ng Carolingian na


______________________?
a. kontrolin ang Simbahang Katoliko
b. maging sunud-sunuran sa mga Papa
c. kunin ang yaman ng Simbahang Katoliko
d. maging tagapagtanggol ng Simbahang Katoliko
2. Siya ang nagtatag ng Merovingian Dynasty.
a. Pepin the Short
b. Charles Martel
c. Clovis
d. Carlo Magno
3. Sino ang kauna-unahang nabigyan ng titulong “King of the Franks”?
a. Pepin the Short
b. Charles Martel
c. Pepin II
d. Carlo Magno
4. Ano ang tawag sa tratado na nagpatibay sa pagmamay-aring pinaghatian ng
mga tagapagmana ni Charlemagne?
a. Tratado ng Paris
b. Tratado ng Germany
c. Tratado ng Franks
d. Tratado ng Verdun
5. Ang pamumumo ni ______________ ang naghudyat sa pagsisimula ng Holy
Roman Empire.
a. Pepin the Short
b. Charles Martel
c. Pepin II
d. Carlo Magno
6. Ano ang tawag sa sistemang pang ekonomiya na sumusuporta sa Piyudalismo?
a. Kapitalismo
b. Monastisismo
c. Manoryalismo
d. Subinfeudation
7. Sino ang tumalo sa hukbong Muslim noong 732 C.E?
a. Pepin the Short
b. Charles Martel
c. Pepin II
d. Carlo Magno
8. Ang pagkorona kay Pepin the Short ay nagpahiwatig na mayroon siyang
karapatang mamuno sa pamamagitan ng __________________.
a. Basbas ng Karatig na mga Kaharian
b. Basbas ng Mamamayan
c. Basbas ng Diyos
d. Basbas ng Papa
9. Ang tawag sa mga lupaing ibinigay ni Pepin the Short sa mga Papa na siyang
nagpatibay pa ng naging alyansa.
a. Kaharian ng Papa
b. Lupain ng Papa
c. Imperyo ng Papa
d. Estado ng Papa
10. Sino ang tinaguriang Emperor of the Romans na kinoronahan ni Pope Leo noong
800 C.E?
a. Pepin the Short
b. Charles Martel
c. Pepin II
d. Carlo Magno
11. Sino ang kinilalang nagtatag sa Carolingian Dynasty bilang pagpupugay sa
kaniyang ama?
a. Pepin the Short
b. Charles Martel
c. Pepin II
d. Carlo Magno
12. Ano ang tawag sa sistema o lipunang nangangahulugang “lupaing pagmamay-ari
sa bisa ng tiwala ng panginoon”?
a. Kapitalismo
b. Monastisismo
c. Piyudalismo
d. Manoryalismo
13. Ito ang batayan ng kapangyarihan sa panahong nabanggit sa itaas na bilang.
a. Ginto
b. Pilak
c. Lupa
d. Kastilyo
14. Ano ang tawag sa seremonya kung saan ang isang vassal ay nangangako ng
katapatan sa kanyang lord?
a. Investiture
b. Homage
c. Kowtow
d. Oath
15. Ito ang seremonya kung saan ang vassal ay pinagkakalooban ng fief ng kanyang
lord.
a. Investiture
b. Homage
c. Kowtow
d. Oath
16. Ano ang tawag sa kaugaliang ang panganay na anak lamang ang magiging
tagapagmana ng mga ari-arian ng kanyang ama?
a. Primogeniture
b. Ultimogeniture
c. Inheritor
d. Successor
17. Ito ang tawag sa naging karaniwang paraang ginagamit sa pakikipagkalakan ng
mga serf.
a. Barter
b. Import
c. Export
d. Bargain
18. Ano ang tawag sa kilusang nagsusulong na talikdan ang makamundong
pamumuhay sa pamamagitan ng palagiang pagtatrabaho?
a. Kilusang Kapitalismo
b. Kilusang Manoryalismo
c. Kilusang Monastisismo
d. Kilusang Reporma
19. Bakit itinatag ang kilusang nabanggit sa itaas na bilang?
a. Upang pahirapan ng mga monghe ang kanilang mga sarili
b. Dahil sa kagustuhang madagdagan pa ang yaman ng Simbahan
c. Dahil naging mas bukas na sa pag-aakit ng makamundong kasiyahan ang
Simbahan
d. Upang lalong mas malulong sa karangyaan ang mga opisyal na bumubuo
sa Simbahan
20. Ito ang tawag sa alituntuning nagturo sa panata sa kahirapan, pagtipid
paggawa, at religious devotion sa mga monghe.
a. Benedictine Rule
b. Basil Rule
c. Clergy Rule
d. Monastic Rule
IDENTIFICATION
PANUTO: Ibigay ang salitang hinahanap sa bawat bilang.
1. Ang komunidad na itinatag sa malayong lugar sa paglalayong makalayo sa
makamundong simbahan.
2. Siya ay dating hermit monk na nagpadyang magtatag ng isang komunidad ng
mga monghe.
3. Sila ay mga magsasaka na nakatali sa lupaing kanilang sinasaka.
4. Kodigo na nagtatakda at nagpapaliwanag ng kanais-nais na mga katangiang
dapat makita sa isang Knight.
5. Ang hari ng Lombarde na nilapitan ni Carlo Magno upang magapi si Carloman.
6. Labanan kung saan tinalo ni Charles Martel ang hukbong Muslim na
nagtangkang manalakay sa Kanlurang Europe.
7. Ang pinunong nakapag-isang muli sa kaharian ng Franks na nahati sa tatlong
bahagi.
8. Ang pinuno ng mga Magyar na sumakop sa Italya, Pransya, at Alemanya.
9. Ito ang tawag sa yamang nakukuha ng Simbahang Katoliko mula sa mga
mamamayan.
10. Ito ang tawag sa tipikal na halimbawa ng isang illuminated script o dinisenyuhang
aklat mula sa mga monghe sa Ireland.
ANSWER KEY
Multiple Choice
1. D
2. C
3. A
4. D
5. D
6. C
7. B
8. C
9. D
10. D
11. A
12. C
13. C
14. B
15. A
16. A
17. A
18. C
19. C
20. A

Identification
1. Monasteryo
2. Basil
3. Serf/Peasant
4. Code of Chivalry
5. Desiderius
6. Labanan sa Tours
7. Pepin II
8. Otto the Great
9. Tithes/Donasyon/Ambag
10. Book of Kells
Prepared by:
Ms. Alaina G. Larrazabal
Grade 8 Araling Panlipunan Teacher Intern

You might also like