You are on page 1of 2

Ikaapat na Buwanang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7

Pangalan: __________________ Pangkat: ____________________


Petsa: _____________________ Iskor: _______________________
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa answer sheet na ibinigay ng guro.
1. Sino ang nakalibot sa Cape of Good Hope sa dulo ng Africa na siyang nagbukas ng ruta patungong India at sa
mga Islang Indies?
a. Vasco Da Gama b. Marco Polo c. Ferdinand Magellan d. Miguel Lopez De Legazpi
2.Ano ang tawag sa kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong Hari upang mabawi ang banal na
lugar?
a. Renaissance b. Voyaging c. Krusada d. Paggalugad
3. Sino ang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice?
a. Nico Polo b. Marco Polo c. John Cabot d. Rudyard Kipling
4. Alin sa mga sumusunod and hindi kabilang sa pangkat?
a. Hilagang Ruta b. Gitnang Ruta c. Timog Ruta d. Kanlurang Ruta
5. Ano ang tawag sa kagamitang pandagat na ginamit upang malaman ang oras at latitude?
a. Compass b. Astrolabe c. Sundial d. Seismograph
6. Anong prinsipyong pang-ekonomiya ang umiral sa Europa na kung may maraming ginto at pilak, may
pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa?
a. Imperyalismo b. Kapitalismo c. Merkantilismo d. Monopolyo
7. Anong salitang pranses ang nangangahulugang “muling pagsilang”? Ito rin ay isang kilusang pilosopikal na
makasining at binigyang-diin ang pagbabalik interes sa kaalamang klasikal sa Greece at Rome.
a. Renaissance b. Klasismo c. Baroque d. Naturalismo
8. Anong Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa ang pinabagsak at sinakop ng mga
muslim?
a. Byzantine b. Roma c. Anatolia d. Constantinople
9. Para maiwasan ang hidwaan ng Portugal at Spain, anong kasunduang ang inilatag ng Santo Papa? Nakasaad
dito na ang kanlurang bahagi ng mundo ay gagalugarin ng Spain at silangang bahagi naman para sa Portugal.
a. Versailles b. Tordesillas c. Zaragosa d. Open-door
10. Sino ang ipinadala ng Portugal para maging unang viceroy sa silangan?
a. Francisco de Almeida b. Alfonso de Albuquerque c. John Cabot d. Robert Clive
11. Ano ang tawag sa patakaran ng isang bansa na namamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na
yaman ng mga sinakop para sa sariling interes?
a. Imperyalismo b. Merkantilismo c. Kapitalismo d. Kolonyalismo
12. Anong kasunduan sa pagitan ni Haring Charles V ng Spain at Joao III ng Portugal ang nagtakda na ang
Portugal ang makakakuha sa Isla ng Moluccas?
a. Zaragosa b. Tordesillas c. Versailles d. Ternate
13. Ito ay isa sa apat na pangunahing salik sa panahon ng imperyalismo na isinulat ni Rudyard Kipling
ipinasailalim sa kaisipan ang mga nasasakupan na sila ay pabigat sa mga kanluraning bansa.
a. Alice in Wonderland b. Travels of Marco Polo c. White man’s burden d. Jungle book
14. Ano ang tinaguriang banal na lugar sa Israel kung saan inilunsad ang mga Krusada mula 1096 hanggang
taong 1273?
a. Judah b. Nazareth c. Bethlehem d. Jerusalem
15. Ito nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.
a. Imperyalismo b. Merkantilismo c. Kapitalismo d. Kolonyalismo
16. Sino ang sumakop sa mga isla ng Ormuz sa golpo ng Persia, Diu at Goa sa India, Aden sa Red Sea, Moluccas,
Macao at Formosa sa China?
a. Francisco de Almeida b. Alfonso de Albuquerque c. John Cabot d. Robert Clive
17. Sinong Italyanong marinero na nanguna sa eksplorasyon para sa England? Nasakop niya ang Nova Scotia,
Canada, Ceylon, Singapore, Australia at New Zealand.
a. John Cabot b. Robert Clive c. Francisco de Almeida d. Marco Polo
18. Ito ay isang pangkat ng mga mangangalakal na Ingles na pinagkalooban ng pamahalaang England nang
kaukulang kapangyarihan upang mangalakal at pamahalaan ang pananakop nito at pangalagaan din ang interes
nito sa ibayong dagat.
a. French East India Company b. British East India Company
c. Dutch East India Company d. Concession
19. Anong bansa sa pamamagitan ng Dutch East India Company ay namahala rin sa ilang bahagi ng India noong
1602?
a. France b. England c. Spain d. Netherlands
20. Anong mga teritoryo ang bumubuo sa FRENCH INDO-CHINA?
a. Laos, Vietnam, Cambodia b. Singapore, Indonesia, Malaysia
c. Thailand, East Timor, Laos d. Pilipinas, Singapore, Thailand
21. Ang British East India Company ay nakakuha ng espesyal na karapatang pangnegosyo mula sa Madras mula
sa Rajah ng Chandragiri. Ano ang tawag dito?
a. Confession b. Protectorate c. Concession d. Middlemen
22. Ano ang tawag sa digmaan sa pagitan ng England at France na tumagal ng pitong taon?
a. Sino-Japanese b. Anglo-Burmese c. Blitzkrieg d. Plassey
23. Sa tulong niya na, nagtagumpay ang England laban sa mga French. Sino siya?
a. John Cabot b. Robert Clive c. Francisco de Almeida d. Marco Polo
24. Ito ay dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pangpolitika, pangkabuhayan, at
kultural sa pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado.
a. a. Imperyalismo b. Merkantilismo c. Kapitalismo d. Kolonyalismo
25. Anong kasangkapan ang ginamit upang malaman ang direksyon na pupuntahan?
a. Compass b. Astrolabe c. Sundial d. Seismograph
26. Anong isla sa Silangan na minimithi ninuman dahil sa dami ng mga pampalasa dito?
a. Malacca b. Moluccas c. Ternate d. Malaysia
27. Siya ang nagtalaga ng LINE OF DEMARCATION o hangganan kung saang bahagi ng mundo maggagalugad ang
dalawang bansa.
a. Pope Pius I b. Pope Urban II c. Pope Benedict c. Pope Alexander VI
28. Sinong Hari ang nagpaupa sa pulo ng Bombay noong 1668?
a. Haring James b. Haring Charles c. Haring Ranier d. Haring Philip
29. Noong 1580, sinakop ng Spain ang Portugal sa loob ng ilang taon?
a. 60 b. 70 c. 55 d. 45
30. Isa sa mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo na kung saan nais ng mga nasyon sa
Europe na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang kanilang karibal na mga bansa.
a. Kapitalismo b. Udyok ng Nasyonalismo
b. Rebolusyong Industriyal d. White Man’s Burden

Inihanda ni:

G. RD G. David
B Guro – Apan 7

You might also like