You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Romblon
FERROL NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Tubigon, Ferrol, Romblon

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 8

PANGKALAHATANG PANUTO: Gumamit lamang ng itim na ballpoint pen at iwasan ang anumang uri ng pag-bura.

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Si Maria ay nagbabayad ng proteksyon sa mga knight laban sa mga barbaro. Sa anong uri ng lipunan si Maria
nabibilang?
a. Manoryalismo c. Oligarkiya
b. Merkantilismo d. Piyudalismo

2. Si Andrew ay naatasan ng hari na dalhin ang kasulatan na gumagawad ng parte ng lupain ng kanyang nasasakupan
sa mga knight na nagpamalas ng katapatan at kasipagan. Ano ang tawag sa parte ng lupain na ibinigay ng hari?
a. Amilyar c. Thrift
b. Fief d. Tithes

3. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na kahulugan ng Piyudalismo?


a. Ang piyudalismo ay ugnayan ng mga tao mula sa hari hanggang sa mga pasano na naglalayong maprotektahan at
mapagsilbihan ang isa’t isa laban sa mga kaaway.
b. Ang piyudalismo ay isang sistemang panlipunan na nakabatay sa ugnayan sa pagitan ng hari, panginoong may-
lupa, vassal o knight at mga pasano.
c. Ang piyudalismo ay isang sistemang pangkapayapaan sa mga kaharian.
d. Ang piyudalismo ay ugnayang pangkaligtasan at pangkabuhayan sa pagitan ng mga nasasakupan ng hari.

4. Alin sa mga sumusunod na paliwanag ang mas angkop na dahilan kung bakit inaitatag ang sistemang piyudal sa
Europa?
a. Ito ay dahil sa mga banta ng pagsalakay ng mga iba’t ibang normadiko at alemang tribu sa mga pamayanan.
b. Ito ay dahil sa pagkawala ng sentralisadong pamahalaan na magpapanatili ng kapayapaan.
c. Ito ay dahil sa paglusob ng mga barbaro sa mga pamayanan.
d. Ito ay upang maprotektahan ang mga pamayanan sa mga banta ng pagsalakay ng iba’t ibang tribu sa mga
pamayanan.

5. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paliwanag kung bakit mahalaga ang lupa sa sistemang piyudal?
a. Ang lupa ay nagsisilbing kabayaran sa mga kawal at mga maharlika sa pagtaguyod ng kapayapaan.
b. Ang lupa ay nagsisilbing sagisag at tagapag-ugnay ng katapatan ng mga vassal sa mga panginoong may-lupa
upang ipagtanggol ang mga ito at ang mga nasaasakupan nito laban sa mga kaaway.
c. Ang lupa ay ibinabayad ng mga panginoong may-lupa sa mga vassal para sa mga serbisyo nito.
d. Upang mapanatili ng hari ang kanyang kapangyarihan namimigay siya ng mga lupa.

6. Si Ariana ay naninilbihan bilang isang tagapaghabi ng tela sa loob ng isang village o baryo. Tuwing hapon siya at
ang kanyang mga kasamahan ay nagtutungo sa mansion ng manor upang magpatala ng kanyang pagpasok sa
trabaho. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na paliwanag sa papel ng isang manor sa lipunan nila Ariana?
a. Ang manor ay nagsisilbing sentro ng ekonomiya sa lipunan ni Ariana dahil dito naninirahan ang vassal o panginoong
may-lupa.
b. Ang manor ay nagsisilbing sentrong pang-ekonomiya dahil dito nakasentro ang buhay ng mga tao.
c. Ang manor ay ang sentrong pang-ekonomiya sa sistemang manoryalismo dahil dito umiikot ang ekonomiya at
ikinabubuhay ng mga tao sa isang baryo.
d. Ang manor ay isang nagsasariling pamayanan kung saan ang mga kalakal at mga ikinabubuhay ng mga tao ay
umiikot lamang sa loob nito.

7. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na kahulugan ng isang manor?


a. Ang manor ay bahagi fief o lupain na pagmamay-ari ng isang panginoong may-lupa.
b. Ang manor ay isang malaking lupaing sakahan na pagmamay-ari ng isang panginoon (lord).
c. Ang manor ay isang malawak na lupaing sakahan o di naman ay gusali kung saan naninirahan ang panginoon.
d. Ang manor ay tumutukoy sa tahanan at lupaing pagmamay-ari ng isang panginoon.
8. Bakit matataagpuan sa gitna ng manor ang mansion o kastilyo?
a. Dahil ito ang sentro ng lipunan.
b. Dahil ang mansion o kastilyo ay nagsisilbing sentro ng pamayanan.
c. Dahil ito ang nagsisilbing punong tanggapan ng pamayanan at nagsisilbing bahay panuluyan ng panginoon.
d. Dahil mas madali sa panginoon na pangasiwaan ang kanyang nasasakupan.

9. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa loob ng isang manor?
a. Pagsasaka c. Pagmimina
b. Pangingisda d. Pangangalakal

10. Ano ang kahalagahan ng mga mambubukid sa manor?


a. Sila ang nagsasaka upang may makain ang mga panginoon at hari.
b. Sila ang nagtatrabaho sa palaisdaan
c. Sila ang pangunahing nagtatrabaho upang may makain ang mga tao sa manor, ang mga panginoon at hari.
d. Ang mga produktong nagagawa ng mga mambubukid ay dinadala sa mga panginoon at sa hari.

11. Ito ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ng isang papa na
mabawi ang Israel na sakop ng mga Muslim.
a. Krusada c. Reconquista
b. Jihad d. Eksplorasyon

12. Siya ang papa na nawagan ng tinutukoy sa aytem 11.


a. Papa Urban II c. Papa Alfonso II
b. Papa John V d. Papa Paul VI

13. Ang krusadang ito ay nagtagumpay na mabawi ang Jerusalem sa mga kamay ng mga Muslim at nakapagtatag ng
isang estadong krusador na malapit sa Mediterranean.
a. Unang Krusada c. Ikatlong Krusada
b. Ikalawang Krusada d. Krusada ng mga Bata

14. Bakit nanamagan si Alexius ng ekspedisyong pangmilitar sa Asia?


a. Upang muling mabawi ang mga teritoryong nasakop ng mga Seljuk Turk.
b. Upang makatuklas ng bagong rutang pangkalakalan na hindi hawak ng mga Muslim.
c. Upang mapalawak ang lupaing nasasakupan ng Imperyong Byzantine.
d. Upang mapalaganap ang Kristiyanismo sa Asia.

15. Bakit nilusob ng mgs krusador ang Constantinople noong Ika-4 na Krusada?
a. Dahil di ito tumupad sa mga kasunduan nila ng Simbahan.
b. Dahil sa pagnanais ng bagong imperador na ipasailalim ng Simbahang Romano ang Simbahang Orthodox
nagkaroon ng rebelyon na nagging dahilan na manghimasok at pagsalakay ng mga Krusador sa Constaninople.
c. Dahil sinamsam ng Imperador ang mga yamang nakuha sa Jerusalem.
d. Dahil sa pagtraidor ng Byzantine sa kasunduan nila sa ibang karatig bansa.

16. Ito ay isang relatibong karanasan sa Europa kung saan muling sumigla ang interes ng mga tao nap ag-aralan at
tangkilikin ang mga klasikong kaalaman, musika, literatura at sining ng kabihasnang Greco-Roman.
a. Renaissance c. Guild system
b. bourgeoisie d. Enlightenment

17. Masusing pinag-aaralan ni Leo ang sining at literature na nagmula sa klasikong kabihasnang Greco-Roman. Anong
katangian ang tinataglay ni Leo?
a. Mananaliksik c. Bourgeoisie
b. Humanista d. Pintor

18. Sino ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng Renaissance sa pamamagitan ng pagpopondo sa mga likhang
sining nina Botticelli at Michelangelo?
a. Lorenzo de Medici c. Lorenzo Buonarrotti
b. Lorenzo de Dios d. Giorgio Vasari

19. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na
Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdaigan hanggang sa pagbaha. Sino siya?
a. Lorenzo Buonarrotti c. Michelangelo Buonarrotti
b. Giorgio Vasari d. Raphael Santi
20. Siya ay tinaguriang “Makata ng mga makata” at ang may-akda ng ilan sa mga walang kamatayang dula gaya ng:
Julius Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet.
a. King Henry VI c. William Shakespeare
b. Michelangelo Buonarrotti d. Raphael Santi

21. Sa pamayanang Pilipino, isa itong institusyong panlipunan na itinuturing na may pinakamalaking papel na
ginagampanan at nagsisilbing gabay sa ispiritwal na pamumuhay ng tao.
a. Pamilya c. Paaralan
b. Simbahan d. Pamahalaan

22. Ano ang tawag sa pinuno ng simbahang Katoliko?


a. Pope / Papa c. Imam
b. Patriarch d. Bishop

23. Si Howard ay isang bishop ng Simbahang Katoliko sa isang lalawigan. Ano ang tawag sa simbahan kung saan siya
naninilbihan at nanunuluyan?
a. Parkoya c. Cathedral
b. Dioses d. Monasteryo

24. Sa kultura ng Romano Katoliko, sino ang pinaniniwalaang pinaka-unang naging papa nito?
a. Papa Paul c. Papa Peter
b. Papa Francis d. Pope John

25. Si Papa Francis ang kasalukuyang lider ng Simbahang Katoliko, saan matatagpuaan ang punong-tanggapan nito?
a. Italy c. Vatican City
b. Rome d. Europe

26. Ito ay isang panrelihiyong kilusan noong 1500s kung saan nahati ang Simbahang Kristiyano sa iba’t ibang bagong
simbahan dahil sa panlalabis ng mga opisyales nito.
a. Great Schism c. Counter-Reformation
b. Reformation d. Iconoclasm

27. Isa siya sa pinakaunang repormista na nagsabi na ang mga bishop ang hinahalal ng mga tao at hindi iniluloklok ng
papa. Dahil dito, siya ay sinunong ng buhay sa pagpupulong na dinaos ng Konseho ng Constance.
a. John Wycliffe c. Erasmus
b. Jun Hus d. John Calvin

28. Siya ay isang Aleman na monghe na may-akda ng 95 Theses na ipinako sa Simbahan ng Wittenburg noong 1517.
a. Martin Luther c. Johann Tetzel
b. Martin Andanar d. Ulrich Zwingli

29. Siya ang nagsalin ng Bibliya mula wikang Latin tungo sa wikang Aleman. Siya ay naniniwala na ang bawat isa ay
may karapatang magbasa at umunawa nito.
a. Martin Luther c. Johann Tetzel
b. Martin Andanar d. Ulrich Zwingli

30. Siya ang hari ng Inglatera (England) na dahil sa pagnanais na hiwalayan ang kanyang asawa dahil di sila magka-
anak ng lalaki subalit hindi siya pinahintulutan ng papa. Dahil dito ay nagtatag siya ng Simbahan ng Inglatera na hindi
napaiilalim sa kapangyarihan ng Simbahang Romano.
a. Henry VI c. Henry VIII
b. Henry VII d. Edward III

31. Ito ang hakbang na ginawa ng Simbahang Romano upang tugunan ang mga pag-aaklas ng tao sa simbahan.
a. Great Schism c. Counter-Reformation
b. Reformation d. Iconoclasm

32. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa dokrinang inilabas sa naganap na pagpupulong ng Konseho ng Trent:
a. Ang interpretasyon ng simbahan ay pinal at kung sino man ang magbigay ng sariling interpretasyon ay ituturing na
heretiko.
b. Kailangan ng mga kristiyano ang pananampalataya at mga mabubuting gawa para sa kaligtasan ng kaluluwa.
c. Ang Bibliya at ang tradisyon ng simbahan ay may pantay kapangyarihan uang gabayan ang mga tao sa Kristiyanong
pamumuhay.
d. Ipinagbawal nang tuluyan ang pagbebenta ng indulhensya.
33. Ito ay isang relihiyosong orden na itinatag ni Ignacio de Loyola.
a. Society of Jesus c. Order of the Holy Sepulcher
b. Society of Mary d. Order of Saint John

34. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinagtuonang pansin ng relihiyosong orden na itinatag ni Ignacio de
Loyola?
a. Edukasyon c. Politikal
b. Katekismo d. Sining at Agham

35. Ito ay isang yugto sa kasaysayan mula 1500 hanggang 1700s, kung saan nangyari ang napakaraming mga
pagtuklas at imbesyon sa larangan ng agham at teknolohiya.
a. Rebolusyong Industriyal c. Rebolusyong Mekaniko
b. Rebolusyong Siyentipiko d. Rebolusyon ng mga Aristokrata

36. Iya ang naglathala ng “On the Revolutions of the Heavenly Spheres” kung saan ipinanukala niya ang isang bagong
teyoryang nagbibigay paliwanag sa kaayusan at Sistema ng sanlibutan na tinawag na heliocentric o sun-centered
theory.
a. Nicolaus Copernicus c. Ptolemy
b. Aristotle d. Charles Darwin

37. Siya ay nakilala sa maraming ideya, mga teyorya at mga batas ( laws). Kabilang sa mga ito ang sikat na Law of
Motion, Law on Universal Gravitation at ang kanyang papel sa imbensyon ng sistemang matematikal na Calculus.
a. Francis Bacon c. Edward Jenner
b. Isaac Newton d. Andreas Vesalius

38. Ito ang pinaka-unang katawagan sa Chemistry. Naniniwala ang mga Alchemist na ang anumang substance ay
maaaring magbago sa kahit anong uri ng substance.
a. Alchemy c. Biology
b. Witchcraft d. Radiology

39. Siya ay kinikilalang ama ng “Modern Chemistry”, at ang kauna-unahang gumamit ng scientific method sa larangan
ng Chemistry.
a. Andrew Boyle c. Robert Boyle
b. Robert Bohlen d. Andrew Macaspac

40. Siya ay isang French chemist na nakatuklas sa Law of the Conservation of Mass, na nagpapatunay na ang matter
ay hindi maaaring malikha o mawasak.
a. Antoine-Laurent Lavoisier c. Edward Jenner
b. Robert Boyle d. Louise Val Jean

41. – 42. Alin sa mga sumusunod na mga kaharian ang naguna sa Unang Yugto ng Ekspolrasyon?
a. Spain c. Portugal
b. Poland d. England

43. Ito ang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa na tinutukoy sa aytem 41 at 42 kung saan hinahati ang mundo
sa dalawa sa pamamagitan ng Line of Demarcation.
a. Treaty of Paris c. Council of Worms
b. Vienna Convention d. Treaty of Tordesillas

44. Siya ang ang pinaniniwalaang unang Europeo na nakarating sa Caribbean.


a. Ferdinand Magellan c. Amerigo Vespucci
b. Christopher Columbus d. Antonio Pigaffeta

45. Gamitin ang pagpipilian sa naunang bilang. Kanino ipinangalan ang Bagong Mundo?

46-50. Ipaliwanag ang katagang “Pagbubuwis ng walang Representasyon”. Ano ang papel nito sa paghangad ng mga
kolonya ng kalayaan?

You might also like