You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 8

QUARTER 2
SUMMATIVE TEST #4
Pasulit 1: Matching Type: (16 points)
 Pag-aralan ang mga larawan. Iugnay ang mga ito sa konseptong na nasa Kolum B. Pagkatapos ay isulat ang
buong salita ng inyong sagot sa patlang na nasa Kolum A.
 Pagkatapos ay iIugnay din ang Kolumn B sa mga katangian ng bawat konsepto na nasa Kolum C. Isulat ang
letra sa patlang.

A. B.

C. D.
KOLUM A KOLUM B

Larawan A: _________________________ Sistemang Piyudalismo: _______________

Larawan B: _________________________ Ang Simbahang Katoliko: ______________

Larawan C: _________________________ Manoryalismo: _______________________

Larawan D: _________________________ Ang Krusada: ________________________

KOLUM C

A. Sa konseptong ito ang mga kabalayero ang nagsisilbing tagapagtanggol at tapat na naglilingkod sa mga hari
upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Kapalit ng paglilingkod na ito ay pinagkalooban ng hari ang mga
magigiting at matatapang na kabalyero ng kapirasong lupain dahil sa panahong ito hindi pa umiiral ang
paggamit ng salapi. Ang makakapangyarihan ay mayroong mga tauhan na nagsisilbi sa kanila, lalo na ang
pagsisilbing militar kapalit ng proteksiyon nila.

B. isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong
1095. Bumagsak ang Holy Roman Empire sa dahilang nawalan ito ng malakas na mga pinuno at sa kabilang
banda ay nagsimulang palawakin ng mga Muslim ang kanilang imperyo upang palawigin ang relihiyong Islam.

C. Ito ang tanging ang nangangalaga sa mga pangangailangan ng mga mamamayan maging sa pamumuno at sa
pangakong mailigtas ang kaluluwa sa ikalawang buhay sa pamamagitan ni Kristo. Nagawang maituwid at
mailagay sa ayos ang pamumuhay ng mga tao sa pamumuno ng simbahan at ito ang nag-udyok upang
maingat ang kapangyarihan ng mga kapapahan o “Pope”, nanangangahulugang “Ama” mula sa salitang Latin
na “Papa”.

D. Ito ay isa sa mga kaisipang sumibol sa Panahong Midyebal sa bandang kanluran ng Europe. Ito ay isang
sistemang pang-ekonomiya na gumagabay noong Gitnang Panahon sa paraan ng pagsasaka. Ang panginoong
may lupa ay nagmamay-ari ng malaking bahagdan ng lupain na sinasaka ng mga magsasakang nakatira sa
lupaing ito o tinatawag na Serf.

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo ang pinakawastong sagot sa mga
tanong.

1. Isa sa naging kontribusyon sa panahong midyibal ay ang tinatawag sa tatlong-patlang na sistema ng pagsasaka o
thee-field system kung saan hinahayaan ang mga magsasaka na magtanim ng mas maraming pananim upang
madagdagan ang produksiyon. Sa anong kaisipan ito nabibilang?
A. Simbahang Katoliko B. Krusada C. Manoryalismo D. Piyudalismo

2. Noon at ngayon ay malaki ang ginagampanang papel ng Simbahang Katoliko sa buhay ng tao. Naimpluwensiyahan
nito ang desisyon ng mamamayan sa panahon ng eleksyon. Sa anong aspeto tinutukoy ito?
A. Moral B. Sosyal C. Politikal D. Ekonomikal

3. Ang pinagsamang sistemang pangmilitar at pampulitika kung saan ang may-ari ng lupain na ipinapatrabaho sa mga
magsasakang naglilingkod sa isang may-ari nito. Ipinahihiwatig ng sistemang ito, na dati pa ay mayroon ng
diskriminasyon sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap lalung-lalona sa pagmamay-ari at pangangalaga ng
lupain.
A. Piyudalismo B. Manoryalismo C. Krusada D. Simbahang Katoliko

4. Pinayagan ng mga Muslim at Hudyo ang ibang mga relihiyon na pumunta sa Jerusalem upang magsagawa ng
kanilang relihiyon, kahit na mayroon silang iba't ibang paniniwala. Anong salita ang pinakamahusay na naglalarawan
sa isipan mo?
A. Nagpapasalamat B. Kawalann ng interes C. Pagpaparaya D. Paghihiganti

5. Karamihan sa mgamaharlika at mgamayayamangmangangalakal ay sumama sa Krusada. Ang


isangpangunahingresulta ng Krusada ay angpaglago ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya.Bukoddito, dala din
ang impluwensiya ng Krusada ang pagpapalaganap ng kultura.
A. Griyego B. Asyano C. Amerikano D. Kristiyanismo-Islam

6. Sa panahong midyibal ang Simbahang Katoliko ay nagsilbi upang bigyan ang mga taong espirituwal na patnubay at
nagsilbi rin bilang pamahalaan. Ngayon, ang papel ng simbahan ay nabawasan. Ano sa tingin mo ang dahilan?
A. Nagkakaroon ang iba’t-ibang relihiyon
B. Nawalan ng tiwala ang mgamamamayan
C. Hindi nagkakaisa ang mganamumuno sa simbahan
D. Pagkaroon ng hiwalaynabatasang simbahan at pamahalaan

7. Ang GitnangPanahon ay isang marahas at mapanganib na yugto ng kasaysayan lalo na sa mga pangkaraniwang
mamamayan. Ano ang ginawa ng mga karaniwang mamamayan para manatiling ligtas noong Gitnang Panahon?
A. Nagsagawa ng malakihang rebolusyon
B. Nagbuo sila ng armadong pangkat bilang pamprotekta sa kanila
C. Naglakbay patungong Israel para makahanap ng bagong tirahan
D. Nanilbihan sa mga maharlika kapalit ng proteksyon

8. Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa kanlurang Europe ay nakatulong sa pagpalawak ng katanyagan
at kapangyarihan ng simbahan sa ilalim ng Papa. Ang pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga
monghe ay ang kanilang pang-ebanghelyong gawain. Ang salitang ebanghelyong gawain ay tumutukoy sa?
A. Pagtatanim C. Pakipagdigmaan sa mga barbaro
B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo D. Pagbibinta ng religious items

9. Sa Panahong Midyibal, bihira na lamang ang magsasakang nagmamay-ari ng lupa. Marami ang nagbigay ng
kanilang lupain kapalit ng proteksyon; ang iba naman, bilang kabayaran sa utang. Ang mga magsasaka ang naging
serf o alipin na nakatira sa lupa ng panginoon na tinawag na manor. Sa kaisipang manoryalismo, sa anong aspeto ito
nabibilang?
A. Pangkabuhayan B. Sosyo-kultural C. Pampolitikal D. Pang-ispiritwal

10. Sa sistemang piyudalsmo at manoryalismo, malaki ang naitulong nito sa pagdami ng populasyon sa Panahong
Midyibal. Dahil sa pagdami ng populasyon, ito ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga bagong bayan at lungsod.
Ano sa tingin mo ang naging dahilan sa paglubo ng populasyon?
A. Marami ang nagsibalikan dala ng karahasan
B. Maraming Arabo ang pumunta sa Europa upang mangangalakal
C. Dahil sa pag-aasawa ng mas maaga
D. Dahil sa pagbabago ng klima nakabuo ito ng Lipunan

11. Ano ang mahalagang papel ng Simbahang Katoliko sa Panahong Medieval?


A. Pangangalaga ng maysakit
B. Pagpapalakas ng hukbong sandatahan
C. Pagpapalago ng pamumuhay ng mga tao
D. Pangangalaga sa espiritwal na pangangailangan ng tao

12. Sino ang namuno sa muling pagkabuhay ng Holy Roman Empire?


A. Charlemagne B. Constantine the Great C. Papa Leo the Great D. Papa Gregory I

13. Anong sistemang pang-ekonomiya ang katapat ng piyudalismo na gumabay sa paraan ng pagsasaka sa buhay
ng magbubukid?
A. Manoryalismo B. Merkantilismo C. Paglitaw ng Burgis D. Paggamit ng Salapi

14. Paano mailalarawan ang isang Manor?


A. Isang kastilyo C. Isang bayan at lungsod
B. Malaking lupang sinasaka D. Isang malawak na kapatagan

15. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidulot ng Krusada?


A. Napalakas ang mga Turkong Muslim.
B. Nabawasan nito ang populasyon ng mga tao sa Europe.
C. Nakilala ang Europe na may malakas na sandatahang militar.
D. Napalaganap ang komersyo at napayaman ang kulturang Kristiyano.

16. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga tao ay patuloy na namumuhay sa manor?
A. dito sila sumikat katulad ng hari
B. maraming mga pagawaan ang kanilang mapapasukan
C. takot sila na maparusahan ng hari kung iiwan nila ang manor
D. naipagkaloob ang mga pangangailangan ng mga mamamayan

17. Aling pangyayari ang hindi kabilang sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod?
A. Paglitaw ng Burgis C. Pagbagsak ng kalakalan
B. Paggamit ng salapi D. Paglitaw ng sistemang guild

18. Sa pagbagsak ng Imperyong Romano, alin sa mga sumusunod ang lumakas at lumawak ang kapangyarihan?
A. Barbaro B. Paaralan C. Pamahalaan D. Simbahan

19. Ano ang tungkulin ng isang Obispo?


A. nangangasiwa sa pagpapahusay ng lakas-militar ng imperyo
B. nangangasiwa sa pagkilala sa mga barbaro sa kanilang pamayanan
C. nagpapanatili sa kaayusan at katarungan sa mga lungsod at probinsiya
D. nagbibigay kautusan sa Papa kung paano pamahalaan ang simbahan

20. Ano ang pinakamahalagang ginampanan ng mga monghe sa pagpapalakas ng impluwensiya ng simbahan sa
Kanlurang Europe?
A. Pagpapaunlad ng agrikultura C. Pag-iingat ng mga karunungang klasikal
B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo D. Pagpapakain at pangangalaga sa mga mahihirap

You might also like