You are on page 1of 5

MACANGAO AGRICULTURAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 8
I. Basahin ng mabuti ang bawat tanong, piliin ang titik ng inyong napiling sagot.

1.Tinawag na mga arsobispo ang mga obispo na nakatira sa malaking lungsod na naging unang sentro ng
Kristiyanismo.Bukod sa panrelihiyong pamamahala ng kanilang sariling lungsod,may kapangyarihan ang isang
arsobispo sa mga obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod.Ano ang tawag sa obispo na kinikilalang katas-
taasang pinuno ng simbahang Katoliko sa Kanlurang Europa?

A. Papa B. Kristo C. Presbyter D. Monghe

2.Sa pamumuno ni Papa Gregory sa simbahan,anong karapatan ang tinanggal niya sa mga pinunong secular ng
simbahan?
A. Ang karapatan bilang tagapagmana ni San Pedro
B. Ang karapatan na magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno ng simbahan.
C. Ang karapatan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo s autos ng Papa.
D. Lahat ay tamang sagot.

3.Bukod sa paglakas ng impluwensya ng simbahang Katoliko,ano ang isa sa mahalagang kaganapan sa Europe
sa Panahong Medieval?
A. Nang makoronahan si Charles the Great bilang emperador ng Banal na Imperyong Romano
B. Nang pinag-isa ni Clovis ang iba’t-ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman
C. Ang pagkakatatag ng Holy Roman Empire
D .Nang mahirang si Pepin the short bilang hari ng mga Franks

4. Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 BCE.
Tinawag itong kabihasnang Minoan. Sino ang ma- alamat na hari na sinasabing nagtatag ng kabihasnang ito?
A. Haring Solomon B. Haring Minos C. Haring Mino D. Haring Minoang

5. Kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Ano ang
kahanga-hangang tanawin na matatagpuan sa lungsod na ito?
A. magubat na paligid na may maraming hayop
B. mga mabundok na lugar at may mga bahay na bato
C. isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng bahay na bato
D. isang syudad na maraming nakatayong gusali at magagandang kabahayan

6. Ang acropolis ang naging takbuhan ng mga Greek para sa kanilang proteksyon. Ano ang matatagpuan dito
na naging dahilan bilang sentro sa larangan ng politika at relihiyon ng mga Greek?
A. matatagpuan dito ang matatayog na palasyo at templo
B. matatagpuan ang malalaking gusaling pangkalakalan
C.matatagpuan ang ibat- ibang klase ng hayop at halaman na nag papaganda sa tanawin
D. matatagpuan ang mga magagarang bahay at mga gusali
7. Ang Athens ay pinamumunuan ng mga tyrant. Ang mga tyrant ay mangi-ngilang umaabuso sa kanilang
posisyon. Ano ang bagong kahulugan ng tyrant sa kasalukuyan?
A. mabait at maunawain na pinuno C. mapanirang pinuno
B. malupit na pinuno D. mapagkumbabang pinuno
8. Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Noong 546 BCE, sino ang namuno sa
pananalakay sa Lydia sa Asia Minor?
A. Cyrus the Great C. Darious the Great
B. Alexander the Great D. Agustus the Great
9. Sa Sistemang piyudalismo sa panahong Medieval, ano ang pinakamahalang anyo ng kayamanan sa
kontinente ng Europe?
A. ginto at pilak C. lupa
B. salapi at kayamanan D. ari-arian

10. Ang Knight ay isang mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa kanilang lord.
Kadalasan, ang mga knight sa panahong Medieval ay:
A. bunsong anak na lalaki C. panganay na babae
B. panganay na lalaki D. ang ama ng pamilya

11. Ang mga nobility ay tagapagtanggap ng mga lupain ng hari bilang pagiging vassal nito. Ano tawag sa
seremonya kung saan nangangako ang vassal na magiging tauhan ng hari?
A. homage C. oath of fealty
B.investiture D. villain

12. Sa Guild System ng Panahong Medieval, saan napabilang ang mga artisan, karpentero, at mga sastre?
A. merchant guild C.handicraft guild
B. craft guild D. knight guild
13.Sa Panahong Medieval, kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng hari o lord sa kanyang vassal
bilang isang simbolo o sagisag ng ipinagkaloob na;
A.dowry B. ransom C.fief D.homage

14.Ang malalaking lupang sinasaka na kalamitan ay pagmamay-ari ng mga vassal, kaya’t binibigay ang ibang
bahagi nito sa mga kabalyero. Ano ang tawag sa malaking lupaing na ito?
A. village B. kibbutz C.fief D. manor

15.Sa paglitaw ng Burgis, tumaas ang interes ng kalakalan sa Europe sa panahong Medieval. Alin sa mga ito
ang hindi katangiang ng mga Bourgeoisie?
A. mauunlad na negosyante C. angkan ng mga panginoong piyudal
B. mga may-ari ng bangko D. nag-aaral sa mga malalaking unibersidad

16. Nakamit ng Maya ang rurok ng kabihasnan sa pagitan ng 300 CE hanggang 700 CE. Napalawig ang mga
pamayanang urban sa pamumuno ng isang “ Halachuinic” na nangangahulugang?
A. mahal na hari C. tunay na lalaki
B. maginoong mandirigma D. banal na pinuno

17. Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyan ng inabandona, maaring ang
dahilan nito ay ang mga sumusunod maliban sa.
A. pagkasira ng kalikasan C. digmaan
B. pagbagsak ng sa produksyon ng pagkain D. pagtampo ng kanilang mga Diyos

18. Nakilala ang mga Aztec bilang mga magsasaka. Bakit nag aalay sila ng tao sa kanilang Diyos?
A. upang mabigyan ng masaganang ani at sobrang produkto
B. upang maging magaling na manggagamot
C. upang mabawasan ang taong walang pakinabang
D. upang hindi tatablan sa digmaan

19. Maraming kinilalang Diyos ang mga Aztec, sino ang pinakamahalaga?
A. Tlaloc B. Tnalac C. Huitzilopochtli D. Quetzalcoatl
20. Noong 1200-1521 naghari ang kabihasnang Inca. Ano ang kahulugan ng salitang Inca?
A. pasipiko B. bahag hari C. imperyo D. destrito
21. Sa panahong Medieval,ang mga hari ang nag-mamay-ari ng mga lupain at ibinibigay ito sa mga
“nobility”.Ano ang kahalagahan ng lupa sa sistemang Piyudalismo?
A. ginagamit ito para makapagtayo ng malalaking palasyo
B. ang lupa ay pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe
C. ang lupa ay nagsisilbing mga kota ng mga Romano
D. malaki ang karangalan kapag malaki ang anking kalupaan

22. Ang Piyudalismo sa Panahong Medieval ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo(Holy Roman
Empire) ni Charlemagne. Ano ang pangunahing dahilan ng pagkahati-hati ng Imperyo?
A. pananalakay ng mga barbaro sa ibat-ibang panig ng Europe at Asya
B.pagwatak-watak ng mga lungsod-estado
C.pag-usbong ng nasyonalismo
D.mga mahihinang tagapagmana ni Charlemagne sa pamamahala

23. Isang magandang alaala ng sistemang Piyudalismo sa daigdig ang sistemang chivalry at knighthood. Banal
ito at pinagpala ng Simbahang Katoliko Romano. Bakit napakahalaga ang mga kabalyero sa panahong
Medieval?
A. sila ay mga matatapang na manderigma
B. banal at pinagpala sila ng simbahang Katoliko Romano
C. sila ay nagsisilbing tagapagtanggol ng mga hari at Santo Papa
D. lahat ng nabanggit

24. Ang Axum o kasalukuyang Ethiopia ay tanyag noonsa hilagang silangan bahagi ng Africa dahil sa nagging
sentro ito ng kalakalan. isang resulta ng malawakang kalakalan ang pagtanggap nito ng Kristiyanismo – ang
opisyal na relihiyon ng Axum noong 395 CE. Paano ito mapatotohanan?
A. nakaratingmismo sa Axum si Hesukristo
B. walang interes sa Axum si Mohammad
C. ipinalaganap ito ng mga mangangalakal na Europeo
D. nakipagkalakalan din sa Axum ang mga Pilipino

25. Maraming mga digmaan ang naganap bago pa ang panahong Hellenic. Sa iyong palagay bakit nagtayo ng
mga kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga talktok ng bundok.
A. upang hindi nila maagaw ang kanilang lungsod
B. upang ma protektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t-ibang pangkat
C. upang maiwasan ang mga mananalakay ng iba’t- ibang bansa
D. upang hindi sila masali sa mga labanan na magaganap

26. Noong mga 546 BCE, isang politikong nagngangalang Pisistratus ang namuno sa pamahalaan ng Athens. Sa
iyong mga natutunan tungkol kay Pisistratus, paano mo siya mailalarawan bilang pinuno?
A. isang malupit na pinuno C. isang mahinang pinuno
B. isang mahusay na pinuno D. isang mapaghusgang pinuno

27. Sa simula ng 600 BCE, ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na
tinatawag na Attica. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod ng mga pangyayari sa Athens.
A. ang Athens ay pinamumunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga
konseho ng maharlika
B. malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco
C. hindi nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga artisan at mga mangangalakal
D. noong 594 BCE, sa pangunguna ni Solon may pagbabago sa Athens. Inalis niya ang mga pagkakautang ng
mahihirap at ginawang illegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang
E. dumating ang isang politikong nagngangalang Pisistratus, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng
karaniwang tao.

A. CABDE
B. ACBDE
C. CADBE
D. BACDE

28. Ang Manoryalismo ay isang bahagi ng Sistemang Piyudalismo, sa patakarang ito, bakit ang pagsasaka ay
naging batayan ng sistemang Manor?
A. ang mga magsasaka dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka
B. ang magsasaka dito nakatira bilang isang malayang mamamayan
C. maganda at masaya ang buhay sa sistemang Manor
D. ang magsasaka ay namumuhay ng may kaginhawaan

29. Sa “Ginintuang Panahon ng Athens” ang mga kababaihan ay itinuturing na mas mababa ang katayuan sa
mga kalalakihan. Bakit ganito ang turing sa kanila ng pamahalaan ng Athens?
A. dahil hindi sila pwedeng mag mamay-ari ng kayamanan
B. dahil nasa bahay lang sila at nag aalaga ng bata
C. dahil ang kanilang buhay ay umiikot lamang sa gawaing pamamahay
D. lahat ng nabanggit ay tama
30. Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa
utos ng Papa sa ibang dako ng kanlurang Europe. Paano nakatulong ang mga monghe sa paglakas ng simbahan
at pagpapalaganap ng Kristiyanismo?
A. sa pamamagitan ng pagatoayo ng kongregasyon ng mga Kristiyano
B. sa pamamagitan ng pagpapaigting ng kanilang paniniwala sa doktrina ng simbahan
C. sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople
D. sa pamamagitan ng paglunsad ng mga krusada
II.Batay sa tekstong binasa,isa-isahin ang mga salik o dahilan na nagbunsod ng Krusada.

Dahilan o salik na
nagbunsod ng krusada

Pamprosesong mga Tanong:

1.Sa iyong palagay,ano kaya ang tunay na dahilan ng krusada?


2.Bakit kaya marami ang nahikayat na sumama sa mga Krusada?
3.Ano ang kahalagahan ng krusada sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo?
4.Sa modernong panahon, makikita pa ba natin na mayroong kapayapaan na nagaganap sa pagitan ng mga
Kristiyano at Muslim?
Concept Map

Mga Salik na
Nakatulong/Dahilan sa
Paglawakkapangyarihan
ng Kapapahan

Matatag at
Pagbagsak ng Uri ng Pamumuno Pamumuno ng
Mabisang
Imperyong sa simbahan mga Monghe
organisasyon ng
Roman
Simbahan

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Romano?
2.Paano nakatulong ang mga salik sa paglawak ng kapangyarihan ng kapapahan?
3.Batay sa natalakay na aralin, punan ang talahanayan sa wastong sagot.
Dahilan at Epekto:(5 puntos)

Dahilan Pangyayari Epekto


Pag-unlad ng Kalakalan

Paglitaw ng mga Bourgeoisie

Ang paggamit ng salapi

Pagkakaroon ng Sistemang
Guild

You might also like