You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE URDANETA CITY
Urdaneta City
LANANPIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Urdaneta City Pangasinan

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


Araling Panlipunan 7

NAME: ____________________________________________________ GRADE & SECTION: _______________

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang prinsipyong pang-ekonomiya sa Europe na nagsasaad na kung may maraming ginto at pilak, may
pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa. Ang paniniwalang ito ay nakapaloob
sa________________.
a. kolonyalismo b. imperyalismo c. merkantilismo d. patriotism
2. Sa paglaya ng maramimg bansa sa Asya, ang isa sa pinakanakatulong upang makamit ang paglaya ay ang
pagkakaroon ng pambansang kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan, paghahandog ng sarili para sa
bayan, at pag-iisip kung ano ang ikakabuti ng sambayanan. Ang konseptong tinutukoy ay:
a. kolonyalismo b. imperyalismo c. merkantilismo d. patriotism
3. Ano ang pangunahing nilalarawan sa dalawang pahayag?
Pahayag 1: Ang lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya ay sinakop ng mga Europeo.
Pahayag 2: Ang mga bansang lumaya sa pananakop ng mga kanluranin ay naging demokratikong bansa.
a. Pahayag 1 ay TAMA, Pahayag 2 ay MALI c. Lahat ng pahayag ay TAMA
b. Pahayag 1 ay MALI, Pahayag 2 ay TAMA d. Lahat ng pahayag ay MALI
4. Sa mga sumusunod na aspeto, alin ang nagsisilbing pinakamagaling na kasangkapan upang isulong ang
nasyonalismo ng isang bansa?
a. Edukasyon b. Kultura c. Pamayanan d. Relihiyon
5. Paano naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Silangan at Timog Silangang Asya sa pag-aangat ng
mga malawakang kilusang nasyonalista?
a. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil.
b. Lumakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kalayaan.
c. Milyun-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod ang nasira.
d. Nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban upang makamtan ang kalayaan.
6. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng mga Asyanong nagtatagumpay sa iba’t-
ibang larangan ng palakasan sa daigdig. Paano nakaaapekto ang tagumpay na ito ng mga bansang Asyano sa
pananaw ng mga bansa sa daigdig?
a. Maraming atletang Asyano ang hinangad na makuha ng ibang mga bansa.
b. Nagging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga Asyano.
c. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang powerhouse.
d. Itinuturing na balakid ng mga ibang bansa ang tagumpay na tinamo ng mga Asyano sa kanilang sariling
hangarin.
7. Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa ating bansa at papasok ka sa mga kasunduan, ano ang nararapat mong
isaisip sa pagsusulong nito?
a. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating karapatan.
b. Isusulong ang malayang kalakalan upang umunlad ang ating ekonomiya.
c. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang kapayapaan.
d. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan an gating kapaligiran.
8. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa Asya. Isa rito ay ang
pagbabago sa kultura na naging dahilan ng kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mamamayanang Asyano sa kani-
kanilang bansa. Makikita na may kaugnayan ang mga ito sa mga hamong nararanasan ng mga Asyano sa
kasalukuyan. Ano ang nararapat nating gawin upang maging bahagi sa pagharap sa mga hamon at paglutas sa
mga kaakibat nitong mga suliranin?
a. Magsumikap sa pag-aaral upang hindi maging pabigat sa lipunan.
b. Tanggihan ang mga turistang mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya.
c. Sisihin ang mga kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang Asyano.
d. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para mapaunlad ang bansa.
9. Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksiyon ng mga Asyano sa kolonyalismo at imperyalismong
kanluranin. May mga gumamit ng civil disobedience, rebolusyon, pagyakap sa ideolohiya, pagtanggap sa mga
pagbabagong dala ng mga dayuhan, at pagtatag ng mga makabayang samahan upang ipakita ang damdaming
nasyonalismo. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?
a. Magmamasid sa mga pangyayaring nagaganap sa bansa
b. Makikiisa sa mga samahan na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan
c. Mag-aaral nang mabuti upang hindi maging pabigat sa lipunang kinabibilangan
d. Magiging mabuting mag-aaral at makilahok sa mga gawaing pangkomunidad
10. Mahigpit na pinagtatalunan ng bansang China at Pilipinas ang mga isla ng Spratly na tinatawag din ng mga
Pilipino na Kalayaan Islands. Noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, ang mga teritoryo ng mga
bansang Asyano ay sinakop ng mga kanluranin. Ano ang nararapat gawin upang maiwasan na mauwi sa
pananakop ng China ang sigalot sa Spratly Islands?
a. Makipagkasundo sa pinuno ng pamahalaang Tsino upang paghatian ang mga isla sa Spratly.
b. Humingi ng tulong sa mga malalakas na bansa upang matapatan ang malakas na puwersa ng China.
c. Palakasin ang puwersang pandigma ng Pilipinas upang maging handa sa posibleng digmaan.
d. Idulog ang usapin sa pandaigdigang husgado upang maresolba nang mapayapa ang nabanggit na krisis.
11. Isa ang China sa mga bansang nakaranas ng panankop ng mga kanluranin. Magkakaiba ang pamamaraan at
layunin ng mga Tsino na nakipaglaban para makamit ang kanilang kalayaan. Pagsunud-sunurin ang mga
pangyayari na may kaugnayan sa pagpapakita ng mga Tsino ng damdaming nasyonalismo.
I. Pagtatatag ng Sun Yat-Sen ng Partidong Kumintang
II. Paghihimagsik ng mga Boxer laban sa mga kanluranin.
III. Pagsiklab ng Rebelyong Taiping laban sa mga Manchu
IV. Pagsikat ng partidong Kunchantang sa pamumuno ni Mao Zedong
a. IV, III, I, at II b. II, III, at IV c. I,II,III, at IV d. III,II,I, at IV
12. Ang mga demonstrasyong naganap sa EDSA sa Pilipinas noong 1986 at Tiananmen sa China noong 1989 ay
parehong nauwi sa isang rebolusyon. Paano nagkakatulad ang dalawang magkahiwalay na pangyayari sa
kasaysayan?
a. Maaaring magtagumpay ang isang mapayapang pamamaraan kung magkakaisa.
b. May kakayahan ang pamahalaang na tumanggi sa hangarin ng mga mamamayan nito.
c. May kakayahan mamamayan na maipahatid sa pamahalaan ang kanilang naisin.
d. Maaaring tularan ng isang bansa ang karanasan ng ibang bansa na may parehong resulta.
13. Ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay itinuturing na pangunahing dahilan ng unti-unting pagbangon ng
ekonomiya ng Pilipinas. Kamakailan lang ay patuloy ang pagbalik sa bansa ng mga OFW bunsod ng mga hindi
magagandang karanasan tulad ng pang-aabuso, pagmamaltrato, at iba pa. Kung ikaw ang Kalihim ng Department
of Foreign Affairs (DFA), ano ang iyong imumungkahing mabisang gawin ng pamahalaan ukol ditto?
a. Wakasan ng Pilipinas ang ugnayan sa mga nasabing bansa.
b. Himukin ang mga karatig-bansa na magpairal ng economic embargo.
c. Maglunsad ng mga programang pangkabuhayan para sa mga nagbalik na OFW.
d. Himukin ang mga OFW na bumalik sa mga bansang pinagtatrabahuan.
14. Ang isyu ng same sex marriage ay nanatiling kontrobersiyal na usapin sa mga bansa sa Silngan at timog-
Silangang Asya particular na sa Pilipinas. Ano ang mahihinuha sa kaisipan ng mga Asyano ukol sa usapin na ito?
a. Ang kulturang kanluranin ay hindi tanggap ng mga Asyano.
b. Nananatiling tradisyonal ang kaisipan sa saloobin ng mga Asyano.
c. May mataas na pagpapahalaga ang mga Asyano sa kanilang kultura at relihiyon.
d. Ang mataas na edukasyon ng mga Asyano ay nakatulong sa kanilang pagpapasya sa buhay.
15. Nadama ng maraming bansa sa Timog-Silangang Asya ang pagnanais na lumaya. Alin sa sumusunod ang isa sa
mga pamamaraang ginamit sa Timog-Silangang Asya kagaya ng Pilipinas, Indonesia, Myanmar, at iba pa upang
lumaya?
a. Pagsunod at paghintay c. pagtutol at pakikipaglaban
b. Pakikipagtulungan at pagpapakabuti d. pananahimik at pagwawalang-bahala
16. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa
ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-19 siglo?
a. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.
b. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa.
c. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan.
d. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano.
17. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na manood ng pagtatanghal ng Miss Saigon na gaganapin sa CCP. Gumanap
bilang Kim, ang pangunahing tauhan sa nasabing pagtatanghal, si Lea Salonga. Sa anong larangan siya kabilang?
a. arkitektura b. musika c. palakasan d. politika
18. Ano ang naging epekto ng pagdadala ng mga bansang kanluranin ng kanilang sobrang produkto sa kanilang mga
kolonya?
a. Nadagdagan ng pagkakakitaan ang mga Asyano .
b. Naging maayos at patas ang daloy ng kalakalan.
c. Kumita ang mga kanluranin dahil ang kanilang sobrang produkto ay naibebenta pa rin.
d. Nakapagpundar ng mas maraming negosyo na pwedeng pagkakitaan ng lahat.
19. Ito ang isang paraan ng pananakop ng mga bansang kanluranin kung saan ay pinag-aaway-away nila ang mga
lokal na pinuno at ginagamit ang isang tribu upang masakop ang ibang tribu.
a. Culture System b. Divide and Rule Policy c. Resident System d. Sanduguan
20. Ito ang naging dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Anglo-Bermese na naganap noong 1852-1853.
a. Hidwaan sa kalakalan.
b. Paghanap ng magandang Daungan sa Burma
c. Paglusob ng Burma sa mga estado ng Assam, Arakan, at Manipur
d. Pagturing na pagtataksil ang pakikipagkasundo ng hari ng Burma sa bansang France
21. Ang unang uri ng pamahalaan na naitatag noong Digmaang Pilipino-Amerikano?
a. Pamahalaang Commomwealth c. Pamahalaang Militar
b. Pamahalaang Demokrasya d. Pamahalaang Sibil
22. Ano ang pangunahing layunin ng mga Pranses sa pagsakop nila sa Indo-China?
a. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
b. Pagkontrol sa mayamang kalikasan.
c. Pag-agaw ng mga barkong pangkalakalan.
d. Pagbawi sa pang-aapi sa mga misyoneryong Katoliko
23. Sa paggamit ng rutang pakanluran ni Magellan sa kanyang ekspedisyon, ano ang naging kahalagahan at
napatunayan ng paglalakbay niya?
a. Mababait ang mga Pilipino c. May hangganan ang pangkanlurang ruta
b. Mayaman sa pampalasa ang Piipinas d. Napatunayan niyang bilog ang mundo
24. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng mga Espanyol sa pagsakop sa Pilipinas?
a. Mayaman sa pampalasa ang Pilipinas.
b. Madaling pakiusapan ang mga Pilipino.
c. Ang Pilipinas nalang ang hindi nasasakop ng mga kanluranin.
d. Mayaman ang Pilipinas sa ginto at mahusay na daungan ng mga kalakal.
25. Ang pangunahing dahilan ng Unang Digmaang Opyo sa China ay ang _________________________.
a. Pagkaubos ng suplay ng opyo
b. Pagdami nang nahuhumaling sa paggamit ng opyo
c. Pagpigil sa barko ng British na makapasok sa China
d. Pagkumpiska at pagsunog sa opyo na nakuha mula sa barko ng British.
26. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa French Indo-China?
a. Cambodia b. Indonesia c. Laos d. Vietnam
27. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga makabayang samahan na itinatatag sa Indonesia?
a. Budi Utomo b. Kumintang Party c. Indonesian Communist Party d. Sarejat Islam
28. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa rehiyon ng Silangang Asya?
a. China b. Japan c. Mongolia d. Singapore
29. Ang mga sumusunod ay mga bansa sa Timog-Silangang Asya MALIBAN sa:
a. Brunei b. Cambodia c. Pilipinas d. Taiwan
30. Ito ay itinatag ng pamahalaan ng Netherlands noong 1602 upang pag-isahin ang mga kumpanya na nagpapadala
ng paglalayag sa Asya. Nakontrol nito ang isla ng Moluccas o Spice Island.
a. Britsh East India Company c. French East India Company
b. Dutch East India Company d. German East India Company
31. Ano ang layunin ng Culture System Principle?
a. Patakarang panrelihiyon at pangmilitar
b. Patakarang pampamahalaan at pang-ekonomiya
c. Patakarang pampamahalaan at panrelihiyon
d. Patakarang pang-agrikultura at pang-ekonomiya
32. Bakit sa kabila ng pag-unlad ng ekonomiya ng mga kolonyang bansa ay hindi bumuti ang kalagayan at
pamumuhay ng mga katutubong mamamayan nito?
a. Hindi marunong magtipid ng kita ang mga katutubo.
b. Mga dayuhang mananakop lamang ang nakinabang sa kita ng kalakalan.
c. Mayayamang katutubo lamang ang nakinabang sa kita ng kalakalan.
d. Hindi pinayagan ang mga katutubo na makilahok sa kalakalan.
33. Paano naging melting pot ng mga relihiyon ang Silangan at Timog-Silangang Asya?
a. Isinasagawa dito ang mga ritwal ng iba’t-ibang relihiyon.
b. Nagmula dito ang mga nagtatag ng iba’t-ibang relihiyon.
c. Umiral dito ang iba’t-ibang relihiyon mula sa Asya at Europa.
d. Umusbong ditto ang mga pangunahing relihiyon sa mundo.
34. Ano ang itinuturing na pinagsimulan ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Pagkahuli kay Archduke Franz Ferdinand
b. Pagkapatay kay Archduke Franz Ferdinand
c. Pambobomba sa Tower of London ang mga Aleman
d. Pakikialam ng Estados Unidos sa ekonomiya ng mga bansa sa Europa
35. Sina Gloria Macapagal-Arroyo, Maria Lourdes Sereno, Lydia De Vega-Mercado, Pia Wurtzbach, at iba pa ay
pawang mga Pilipinang tumanyag sa loob at labas ng bansa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng
kahalagahan ng katanyagang tinamo ng mga nabanggit na kababaihan?
a. Higit ang talino at kasanayang taglay ng mga babae.
b. May taglay na karapatan at kalayaan ang mga babae.
c. Pinatunayang kayang higitan ng mga babae ang mga lalaki.
d. Mas may pagpapahalaga at tiwala ang lipunan sa mga babae.
36. Ang samahang MAPHILINDO o Malaysia, Philippines, at Indonesia na itinatag ng dating pangulong Diosdado
Macapagal noong 1961 ay may kinalaman sa paglutas ng mga hidwaan. Anong pagpapahalaga ang ipinakita
nito?
a. Pagpapahalaga sa paglinang ng pinagkukunang yaman
b. Pagpapahalaga sa pagtutulungang panrehiyon
c. Pagpapahalaga sa pagkamit ng kapayapaan
d. Pagpapahalaga sa pagkamit ng kaunlaran
37. Ang China ay nakilala sa pagkakaroon ng sistemang dinastiya sa larangan ng pamamahala. Alin sa sumusunod na
sistemang pulitikal ito nahahawig?
a. Demokrasya b. Monarkiya(Constitutional) c. Monarkiya (Absolute) d. One Party Government
38. Ang pagtatakip ng ulo at mukha maliban sa mga mata ng mga babae ay gawi ng mga babaeng Muslim. Alin sa
mga gawaing ito naman nakilala ang mga babaeng Chinese?
a. Pagbibigay ng dowry
b. Pagsusunog sa mga biyuda
c. Pagyuko bilang tanda ng pagbibigay-galang sa kausap
d. Pagsusuot ng bakal na sapatos upang manatiling maliit ang paa
39. Sa iyong palagay, ano ang nais ipakahulugan ng pilosopong si Mencius sa kanyang pahayag na, “Ang digmaan ay
ay hindi mabuti kailanman”?
a. Dapat magkaisa ang lahat.
b. Hindi dapat makialam sa iba.
c. Ang mahihina ay dapat sumusunod sa malalakas.
d. Walang dulot na mabuti ang di-pagkakaunawaan.
40. Si Aung Sui Kyi ay inilagay sa house arrest noong 1988 at noong 2000 ng mga military na namumuno sa
Myanmar. Ano ang dahilan ng pagkakaaresto sa kanya?
a. Nahatulan siya sa salang korapsyon.
b. Naging pinuno siya ng mga kumonista.
c. Pinamunuan niya ang rebelyon laban sa pamahalaan.
d. Pinamunuan niya ang kilusan sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Myanmar.
41. Mahalaga ang papel ng edukasyon sa mga Asyano. Sinasabi na dahil sa mga inang may edukasyon, bumaba ng
43% ang pangkalahatang bilang ng ____________sa daigdig.
a. Child Malnutrition b. Infanticide c. Maternity Leave d. Unwanted Pregnancy
42. Ang Hundred Flowers Campaign ay sinasabing mula sa ideya niya bilang isang mahusay na lider. Sinasabi niya na
“Let a hundred flowers bloom, let a thousand school of thoughts contend”. Sino ang pinunong ito?
a. Deng Xia Peng b. Mao Zedong c. Ne Win d. U Nu
43. Ano ang karaniwang dahilan ng migrasyon ng mga Asyano?
a. Makapaghanap ng mga bagong kakilala
b. Makapaghanap ng malaking pagkakakitaan
c. Nasasabik makaranas ng kapayapaan at kalayaan
d. Nawawalan ng tiwala sa pamahalaan
44. Bakit iminungkahi ni John Hay ng Estados Unidos na ipatupad ang Open Door Policy sa China?
a. Gusto niyang hikayatin ang mga Tsino na manirahan sa Amerika.
b. Nais ng Estados Unidos na mailayo ang Tsina sa impluwensiya ng ibang bansang kanluranin.
c. Kasama sa papel ng Estados Unidos ang makialam sa mga pandaigdigang isyu upang patunayan na isa itong
makapangyarihang bansa.
d. Nangangamba siyang maisasara ang Tsina sa pakikipagkalakalan sa mga bansang walang sphere of influence.
45. Ang pag-unlad ng Singapore ay naiuugnay sa mga pagbabagong ginawa ni Lee Kuan Yew sa pamamahala. Ayon
sa pangungusap, saan nakabatay ang nangyayaring pag-unlad ng bansa?
a. sa pinagkukunang-yaman c. sa pagpapahalaga ng tao
b. sa tamang edukasyon ng tao d. sa kakayahan ng namumuno
46. Ang pagkalugmok ng Japan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naging daan upang bumangon ito at
matamo ang kaunlaran. Alin sa mga ito ang dahilan ng mabilis na pagbangon ng Japan?
a. pagkakaroon ng murang suplay ng krudo c. pagtataglay ng makabagong teknolohiya
b. pagkakaroon ng sapat na lakas paggawa d. pakikialam ng pribadong sector ng pamahalaan
47. Ang pamilyang Asyano ay kilala ng mapagpahalaga sa pamilya. Ano ang nangingibabaw nitong katangian?
a. Pagkilala sa ama bilang haligi ng tahanan
b. Pagkakaroon ng higit pa sa isang asawa ng mga magulang
c. Pagbibigay ng mas mabigat na tungkulin sa mga bata
d. Pagiging mas makapangyarihan sa tahanan ng mga anak na lalaki
48. Ang mga samahang WTO at APEC ay nagsulong ng globalisasyon. Ano ang pangunahing layunin ng globalisasyon
sa mga nagkakaisang bansa?
a. Pagsusulong ng bukas at malayang kalakalan
b. Pagtataguyod sa pagtaas ng mga taripa sa kalakalan
c. Paghadlang sa kalakalan sa pagitan ng mga bansa
d. Pagprotekta sa pambansang ekonomiya ng mga kasaping bansa
49. Anong sektor ng lipunan ang madalas nakararanas ng diskriminasyon?
a. bisita at turista ng bansa c. dayuhang naninirahan sa ibang bansa
b. mamamayan at mangangalakal d. kabataan, kababaihan, at indigenous people
50. Ito ay ang mga unang gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas kung saan ibinase ang kanilang pangalan sa
barko na kanilang sinakyan.
a. Augustinians b. Dominicans c. Republicans d. Thomasites

Inihanda nina:

DEBRALYN S. BAYACA

DAVID S. TRINIDAD
Teacher I

Itinagubilin Pagtibayin:

RAMON M. CRUZ
Head Teacher III

Pinagtibay:

ALEXANDER A. PATACSIL, D.A., Ph.D., FRIEdr.


Principal IV
Republic of the Philippines

Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE URDANETA CITY
Urdaneta City
LANANPIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Urdaneta City Pangasinan

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


ANSWER KEY

1. C 26. B
2. B 27. B
3. D 28. C
4. A 29. D
5. A 30. B
6. C 31. D
7. A 32. B
8. D 33. D
9. D 34.B
10.D 35.B
11. D 36. C
12. D 37. D
13.C 38. D
14. C 39. D
15. C 40. D
16. C 41. A
17. B 42. B
18. C 43. B
19. A 44. D
20. A 45. D
21. C 46. B
22. B 47. A
23. D 48. A
24. D 49. D
25. D 50. D

Inihanda nina:

DEBRALYN S. BAYACA

DAVID S. TRINIDAD

Teacher I

Itinagubilin Pagtibayin:

RAMON M. CRUZ

Head Teacher III

Pinagtibay:

ALEXANDER A. PATACSIL, D.A., Ph.D., FRIEdr.

Principal IV

You might also like