You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY SCHOOLS
CITY OF NAGA, CEBU
ANTONIO R. LAPIZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Jaguimit, City of Naga, Cebu
Ikatlong Markahang Pagsusulit sa AP 7
S.Y. 2018-2019

PANGALAN:________________________________________________ SEKSYON:___________ ISKOR_________


Suriin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang kanilang
pagtutol sa mga Ingles?
a. passive resistance b. armadong pakikipaglaban c. pagbabago ng pamahalaan
d. pagtatayo ng mga partido political
2. Naghangad din ng kaniyang kalayaan ang India. Anoang pamamaraan ang isinagawa nito upang matamo ang kanilang
hangarin?
a. Nakipag-alyansa sa mga kanluranin b. itinatag ang Indian National Congress c. Binoykot ang mga
produktong Ingles d. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan
3. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-tanggap sa mga Indian. Alin ang isang
pagbabagong hindi matatanggap ng mga Indian?
a. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles.
b. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-dagat.
c. Pagkakaroon ng racialdiscrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan.
d. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon.
4. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Great Britain noong 1947, nahati ito sa dalawang estado, ang kalakhang
India at Pakistan. Ano ang naging epekto nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?
a. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Indian.
b. Nahati ang simpatiya ng mamamayan sa dalawang estado.
c. Nagsilikas ang karamihan ng mamamyan sa ibang bansa.
d. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno.
5. Ang dahilan ng patuloy na paglalaban ng India at Pakistan ay ang kapwa nila nais angkinin ang teritoryong Kashmir.
Ano ang naging epekto ng sigalot na ito sa kanilang nasyonalismo?
a. Naniniwala ang dalawang magkalabang bansa na pag-aari nila ang Kashmir.
b. Nais ng dalawang bansa na patunayanng makapangyarihan sila.
c. Umaasa ang mamamayan na malulutas sin ang sigalot na ito.
d. Tumanggi ang dalawang bansa sa pakikialam ng United Nations Organization (UNO) sa paglulutas ng kanilang
suliranin.
6. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nagsimulang pinakialaman ang politika ng bansa sa pamumuno ng British East
India Company. Naging mababa ang pagtingin ng mga Ingles sa kultura ng Indian. Maging ang pamamahagi ng mga
lupain ay binago rin ng mga Ingles. Dahil ditto, napilitan ang mga manggagawang Indian na mag-aral ng Ingles upang
mapaunlad ang sariling kakayahan sa paghahanapbuhay. Anong implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan?
a. Ang pananakop ng mga dayuhan ay nagsilbing aral sa mga Indian.
b. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ay nakatulong sa pag-unlad ng kulturang India.
c. Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa kabuhayan ng mga Indian.
d. Ang pananakop ng mga Europeo ay hindi nakaapekto sa anumang apekto ng pamumuhay ng mga Indian.
7. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga rehiyon ng Asya?
a. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng
bansa.
b. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
c. Natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
d. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-lang sa kapayapaan.
8. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri ng nasyonalismo ang isinagawa ni Gandhi laban sa
pananakop ng Graet Britain?
a. aggressive b. passive c. defensive d. radikal
9. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
a.Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
b. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
c. Pagpapatupad kay Mohandas Gandhi
d. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian
10. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
a. Pag-unlad ng kalakalan
b. Pagkamulat sa kanluraning panimula
c. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
d. Paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas
11. Isinusulong naman ni Mahatma Gandhi ang kaniyang pananaw na ang pinuno ng bansa ang siyang dapat magpakita
ng pagpapahalaga sa moralidad. Ang pagpapahalaga na sinasabi ni Gandhi ay ang:
a. Maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon
b. Mabuting relasyon sa karatig-bansa
c. Pagkakaroon ng isang asawa at isang pamilya
d. Maging bukas o transparent sa lahat ng kaniyang gawain sa tulong sa bayan
12. Dalawang anyo ng nasyonalismo ang ipinakita ng mga Indian laban sa mga British. Isa dito ay ang kilusang
pinamunuan ni Bal Gangadhar Tilak na tinawag na Rebolusyonaryong Kilusan dahil gumamit ito ng marahas na pagkilos.
Ang nakatawag pansin ay ang pinamumunuan no Mohandas K. Gandhi dahil:
a. Mga bata ang kinasangkapan niya sa pakikipaglaban sa British
b. Namahagi siya ng mga produktong Hindu
c. Isinagawa niya ito kasama ang mga guro
d. Gumamit ng paraang tahimik tulad ng hindi pagsunod sa mga kagustuhan ng mga British
13. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano ay matutong:
a. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
b. Pagiging mapagmahal sa kapwa
c. Makisalamuha sa mga mananakop
d. Maging lagging handa sa panganib
14. Ang panahon ng kolonyalismo ng mga kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga bansang Asyano. Alin sa
sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga kanluranin sa mga bansang Asya?
a. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang mabilis na pagluwas ng
kalakal sa pandaigdigang pamilihan.
b. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng pananakop ng mga bansang
kanluranin.
c. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at dayuhan
d. Ang naging pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ay ang tagatanggap ng mga produktong kanluranin.
15. Ano ang ipinahihiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa kolonyalismo ng mga Ingles sa India?
a. Mahusay na rebolusyonaryong lider ni Mohandas Gandhi.
b. Maaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan.
c. Ang pang-aapi ng mga kolonyalismo ay may katapusan.
d. Naging simbolo si Mohandas Gandhi ng pagkakaisa ng mamamayan sa India.
16. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa pangangalaga ng
karapatang pantao ng mga Indian lalo na ng kababaihan?
a. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India
b. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mamamayan ng India
c. Pagbabawal sa ilang matatandang kaugaliang Indian tulad ng sati at female infanticide
d. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng foot binding at concubinage
17. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?
a. Ito ay nagsisilbing instrument sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng bansa
b. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan ng edukasyong mamamayan
c. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na napagkukuhanan ng buwis ng pamahalaan
d. Pinalalaki nito ang oportunidad ng mga tao na mangibang bansa.
18. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
a. Dahil dito ay nagtutulungan ang magkakaratig bansa sa Asya
b. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang cultural ng mga bansa
c. Maaaring lumaki ang kita sa mga usaping balck market
d. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa
19. Bakit muling nabuo ang bansang Israel?
a. Dahil sa layuning lumakas ang Judaism
b. Sa kagustuhang magsama-samang muli ang mga Hudyo
c. Upang matamo ang kanilang kaligtasan
d. Dahil sa pananakop ng ibang lupain
20. Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan at naaatasang magpersenta ng mga aral
sa kasalukuyan ng imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya at kung paano ito mapagyayaman
hanggang sa hinaharap. Alin ang mas angkop na gamitin sa isang video conferencing.
a. Multimedia presentation at pagtalakay
b. Pagkukuwento at pagtatanong
c. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay ng haka-haka
d. Debate at pag-uutos ng dapat gawain
21. Ang unang yugto ng kolonyalismo at imoeryalismo sa timog at kanlurang Asya ay naganap noong:
a. ika-16, ika-17 siglo b. ika-18, ika-19 siglo c. ika-17, ika-18 siglo d. ika-15, ika-16 siglo
22. Ang unang rutang ginamit sa kalakalan sa Asya sa pagitan ng mga Europeo at mga Asyano ay ______.
a. Sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara
b. Syria at dadaan sa Golpo ng Persia
c. Karagatang Indian hanggang Egypt
d. Mula sa China hanggang Egypt
23. Ang krusada ay itinatag mula 1096 hanggang 1273 ng simbahan at ng mga kristiyanong hari upang _____.
a. Mabawi ang banal na lugar na Jerusalem sa Israel
b. Upang ang kanluranin ay makarating sa Asya
d. Ipakita ang katapangan ng mga taga Europeo.
24. Ang Renaissance ay salitang Prances na ang ibig sabihin ay “ muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng
______.
a. Huling panahon at pagsulong ng makabagong panahon.
b. Gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon.
c. Pagsulong ng makabagong panahon.
d. Unang panahon at sa kalagitnaang pagsulong ng makabagong panahon
25. Ang “The Travels of Marco Polo” ay inilahad ni Marco Polo noong 1477 upang malaman ng mga taga Europeo ang
Asya ay may _____.
a. May magagandang tanawin sa Pilipinas.
b. Kalakalang maunlad sa Asya.
c. May magagandang kabihasnang umusbong sa Asya lalo na sa bansang China.
d. Malaman ang panunungkulan niya sa kaharian no Kublai Khan.
26. Ang Merkantilismo ay prinsipyong pang ekonomiya kung saan ang batayan ay kayamanan ng bansa ay _______.
a. Ang dami ng ginto at pilak na mayroon ito.
b. Ang dami ng bilang ng lakas paggawa.
c. Marami ang namumuhunan ng negosyo.
d. Marami ang bumibili ng iba’t ibang produkto.
27. Alin sa sumusunod ang hindi pangunahing salik ng imperyalismo noong ika-18 siglo ay _____.
a. Dahil sa udyok ng Nasyonalismo
b. Dulot ng Rebolusyong Industriyal
c. Mga kapitalismo o ang pamumuhunan
d. Matigil ang ugnayan ng Asyano at mga Europeo.
28. Bakit ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng Nasyonalismong naipakita ng mga bansa sa Timog
Asya? Ano kaya ang naging dahilan nito?
a. Dahil karamihan sa mga bansa rito ay hawak ng dating malakas at matatag na Imperyong Ottoman.
b. Walang pagkakaisa ang mga bansa sa Kanlurang Asya
c. Hindi angsikap ang mga lider upang makamit ang kalayaan.
d. Pinatapos pa ang unang digmaang pandaigdig.
29. Sa pamahalaan Demokrasya hawak ng mamamayan ang kapangyarihan sa pamahalaan dahil sa _____.
a. Lawak ng mga local na pamahalaan ang kapangyarihan.
b. Ang namamahala nito ang naganap na awtoridad.
c. Dahil pinamumunuan ng isang diktador.
d. May pantay-pantay na karapatan at pribilehiyo ang bawat mamamayan.
30. Sa pamahalaang Teokrasya ang mga lider ng relihiyon ang namumuno bilang isang ______.
a. Kinatawan ng kanilang Diyos b. Isang kinatawang diktador c. pinakamakapangyarihang pinuno
d. kinatawan ng kanilang mamamayan
31. Bakit isinulong ng mga kababaihan ng Timog at Kanlurang Asya ang kahalagahan ng pag-organisa ng kanilang
samahan ay upang _______.
a. Maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses.
b. Para di maalis ang diskriminasyon sa mga kababaihan
c. Maibalik ang dati nilang kalagayan sa lipunan
d. Maisagawa ang pansariling interes
32. Nanguna si Reyna Ranea-Al-Abdulla ng Jordan sa kampanya laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan. SA Egypt
pinamumunuan naman ni Susan Mubarak ang National Council on Women sa kampanya upang ________.
a. Baguhin ang batas pampamilya at ang pagbabawal sa pagkapon sa kababaihan.
b. Pagkakaroon ng libreng edukasyon sa mamamayan.
c. Dumami ang maging lider na kababaihan.
d. Manatili sa tahanan at para mangalaga sa kanilang pamilya.
33. Bakit mahalaga na magkaroon ng magandang edukasyon ang mamamayang Asyano?
a. Ito ang kayamanan ng isang tao na hindi maaaring makuha ng sinuman.
b. Kailangan ng isang bansa.
c. Para ipagyabang sa ibang lahi.
d. Para maging daan sa kinabukasan
34. Ipinatupad sa bansang India noong 1992 ang Look Easy Strategy na patungkol sa kanilang ekonomiya ay upang ____.
a. Lalong umunlad ang kanilang bansa
b. Para lalong gumanda ang ugnayan panlabas nito sa ibang bansa
c. Mabago ang kanilang ekonomiya
d. Mapagtibay ang kaunlaran ng kanilang bansa
35. Ang ilang bansa sa Asya ay kabilang sa “Third World” sa kadahilanang nakararanas ng _______.
a. Pagkakaroon ng mahinang ekonomiya b. Mababa ang kanilang kabuhayan
c. sakop pa rin sila ng ibang bansa d. kulang sa lakas paggawa
36. Ang pag-alsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial discrimination ay
tinawag na _______.
a. Indian Muslim League b. Rebelyong Sepoy c.Indian National Congress d.Amritsar Massacre
37. Ang layunin ng pagkakatatag ng All Indian National Congress sa panig ng mga Hindu ay upang makamit ang _____.
a. Kalayaan ng India b. Hiwalay na estado para sa mga Muslim c. Hindi pagbabayad ng buwis sa mga
Ingles d. Pagtupad sa Civil disobedience
38. Ang Civil disobedience o hindi pagsunod ng mga taga India sa pamahalaang Ingles ay pinatupad ni Mohandas Gandhi
dahil dito siya ay _______.
a. Hinuli at ikinulong ng mga Ingles b. Pinalawak ang protesta c. pinatapon sa ibang bansa d. pinarusahan
ng kamatayan
39. Sa pagsulong ng Nasyonalismo ang isang bansa na naghahanda upang maging isang Malaya at isang nagsasariling
bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo ay tinatawag na ______.
a. Sistemang mandato b. Sistemang maging Malaya c. Paghangad ng pagsasari d. Bansang
nagsasarili
40. Ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o Israelita ay patakarang _______.
a. Patakarang Holocaust b. Sistemang Mandato c. Patakarang Holocaust d. patakarang
Jew Zionism
41. Ang Hindu na nakapag-aral sa pamantasan sa England at namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban
sa mga mananakop na Ingles ay si _________.
a. Mohandas Karamchad Gandhi b. Mustafa Kemal Ataturk c. Mohammes Ali Jinnah d. Ayatollah
Kho
42. Ang pagsiklab ng Una at ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pagpapakita ng mga lider Nasyonalista sa Asya upang
_________.
a. Matamo ang kalayaan sa kamay ng mga Imperyalista. b. Magkaroon ng pagkakaisa
c. Magbago ang kanilang kabuhayan d. Umigting ang labanan ng dalawang panig
43. Ang mga bansang Sri Lanka, Maldives, Yemen na matatagpuan sa Timog at Kanlurang Asya ay may anyo ng
pamahalaan na _________.
a. Republikang Pederal b. Republika c. Republikang Teokratik d. Republikang Militar
44. Ang Parlyamentong Demokrasya ay anyo ng pamahalaang umiiral sa Timog at Kanlurang Asya na kinabibilangan ng
bansang ___________.
a. Bhutan Nepal b. Bangladesh, Israel c. India, Iran d. Jordan, Pakistan
45. Ang mga karanasan ng mga Asyano mula sa pananakop ng mga kanluranin ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng
kanilang damdaming Nasyonalismo. Dahil dito ______.
a. Natuon ang pagpapakita at pagpapadama nito sa pamamagitan ng paglaban sa mga kanluranin.
b. Pagtangkilik sa mga kanluranin
c. Tuloy ang pananakop ng mga Ingles na bansa sa Asya
d. Nanatili ang kalakalan ng Asya at Europeo.
46. Ang Look East Stategy ay isang patakarang pang-ekonomiya na kung saan may kaugnayan sa ugnayang panlabas ng
bansa na ipinatupad noong 1992 bansang ________.
a. India b. Iraq c. Iran d. Pilipinas
47. Alin sa mga sumusnod ang di naging resulta na pangunahing salik sa Imperyalismo noong ika-18 siglo ay ________.
a. Dahil sa udyok ng Nasyonalismo b. Dulot ng Rebolusyong Industriya c. Ang Kapitalismo
d. Ang Ideolohiyanismo
48. Paano nagsimula ang ugnayan naganap sa mga Europeo at mga Asyano noong unang panahaon _____.
a. Sa pamamagitan ng pananakop b. Pagpapalitan ng mga kalakal c. Pagkatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig d. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
49. Ang Masjid o Moske ay kilalang Arkitekturang Islamik dahil itinuturing itong ________.
a. Pinakamahalagang pagpapahayag ng Sining Islamik b. Na banal na dambana
c. May kinalaman sa relihiyon d. Batay sa kalagayan ng mga Muslim
50. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may kinalaman sa Ekonomiya sa Asya _________.
a. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo b. Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod
c. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng produktong kanluranin
d. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.

You might also like