You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa


Silangan at Timog –Silangang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Catherine E. Caballero
Editor: Zenaida N. Raquid
Tagasuri: Zenaida N. Raquid
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig (1)
Araling
Panlipunan 7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2
Epekto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 at Ikapitong


Baitang ng Modyul para sa araling _ Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon 4itto4-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga 4itto4 ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod 4itto, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan 7 at Ikapitong Baitang Modyul


ukol sa Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang
Asya!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan – Sa bahaging ito malalaman moa ng mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

Paunang Pagsubok – Dito masusukat ang dati mo nang


kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral - Dito masusukat ang iyong matutuhan at


naunawaan sa mga na unang paksa.

Aralin . Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na


ito.

Mga Pagsasanay. Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay.

Na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang

konsepto na dapat bigyang halaga.


Pagpapahalaga - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga
kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit – Dito masusukat ang mga natutuhan


ng mag-aaraal.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan
at Timog-Silangang Asya.

INAASAHANG LAYUNIN:
Natataya ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan
at Timog-Silangang Asya.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung mali
ang isinasaad ng pangungusap.

1. Hindi pinakialaman ng mga Dutch ang relihiyon ng kolonya (walang


gawaing misyonero).
2. Ang mga Taal o katutubo ang lubos na nakinabang sa lupain at sakahan.
3. Ang paglaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo.
4. Ang tawag sa Cabeza de barangay ay Gobernadorcillo
5. Ganap na monopoly ang kalakalan sa pampalasa.

BALIK-ARAL
ARALIN

Ang rehiyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay mga rehiyon sa Asya na


lubusang naapektuhan ng pananakop. Kadalasan, isang bansang kanluranin ang
nakakasakop sa isang bansang Asyano, subalit may mga pagkakataon din na dalawa
o higit pang bansa ang nakasasakop ditto. Iba-iba ang pananaw ng mga kanluranin
sa pananakop ng lupain. Habang ang iba ay sinakop ang buong bansa ang iba ay
sinakop lamang ang mga piling bahagi.
Ang Espanya at Portugal ang dalawang bansa na nanguna sa unang yugto ng
kolonyalismo.

Epekto ng Pananakop ng mga Portuguese


Karaniwan na sinasakop ay Daungan sa baybaying dagat upang makontrol ang ruta
ng kalakalan.

Mga Nasakop na bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya

• Malacca sa Malay (Malaysia)


• Ternate sa Moluccas (Indonesia)
• Cochin Macao sa China

Mga Epekto ng Pananakop:

• Kultura at Relihiyon
1. Alitan ng mga Hindu at Muslim
2. Pag-aasawa ng mga Portuguese at local na popoulasyon.
3. Ikinalat ang katolisismo
• Ekonomiya o Kalakalan
1. Ganap na monopoly ang kalakalan sa pampalasa.
2. Pagkumpiska sa mga produkto kung walang permiso.
3. “Displacement”(Arabo,Tsino,Malay)
• Politika
1. Mapait na alitan sa mga taal na mamamayan na Hindu o Muslim.
2. Maramihang pagpatay sa local na populasyon.
3. Paghingi ng permiso sa kalakalan.

Epekto ng Pananakop ng mga Espanyol


Mga Nasakop na bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya

• Pilipinas

Mga Epekto ng Pananakop:

• Kultura at Relihiyon
1. Ikinalat ang katolisismo
2. Akulturasyon
3. Nailayo sa taal na tirahan
4. Sapilitang paggawa
5. Sistema ng edukasyon mula sa pamantayan ng Espanya.
• Ekonomiya o Kalakalan
1. Nagwakas ang masiglang ugnayang pangkalakalan ng mga Asyano
(kalakalang Maynila-Acapulco)
2. Kalikasan- Pagsasamantala sa mga puno o likas na yaman.
• Politika
1. Reduccion(Pueblo)
2. Sentralisadong Pamahalaan(Gobernador Heneral)
3. Gobernadorcillo o puno ng isang bayan, Cabeza de barangay.

Epekto ng Pananakop ng mga Dutch


Mga Nasakop na bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya

• East Indies Moluccas (Indonesia)


Mga Epekto ng Pananakop:

• Kultura at Relihiyon
1. Hindi pinakialaman ng mga Dutch ang relihiyon ng kolonya (walang gawaing
misyonero).
• Ekonomiya o Kalakalan
1. Mahigpit na binantayan ng mga Dutch ang pagtatanim ng pampalasa.
2. Mahalagang susi ng pagtatagumpay ang pagtutuon ng pansin sa negosyo.
• Politika
1. Ginamit ang mga local na mamuno sa nasasakupan at mangulekta ng
buwis.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Sanhi at Bunga Panuto: Ipaliwanag ang mga naging bunga o epekto ng pananakop
ng kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Sanhi Bunga

Kultura at Relihiyon: _____________________________________

______________________________________________________

Ekonomiya o Kalakalan:___________________________________
Pananakop ng mga
_______________________________________________________
kanluranin
Politika: ________________________________________________

_______________________________________________________
Pagsasanay 2
Tree Diagram Panuto: Isulat sa mga bunga ng puno ang naging epekto ng mga
kanluranin sa mga bansang nasakop sa Silangan at Timg-Silangang Asya.

INDONESIA MALAYSIA

CHINA
PILIPINAS

E
P
E
K
T
O

PAGLALAHAT

Pagsusuri: Panuto: Sagutin ang tanong, isulat sa patlang ang kasagutan.

Ano ang epekto ng kolonyalismo at Imperyalismo sa mga mamamayan ng:

Silangan Asya_____________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Timog-SilangangAsya______________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sa mga Kanluranin?_______________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA

Pagsulat ng Liham Panuto: Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng


mga kanluranin sa ating bansa, ano ang iyong sasabihin sa kanila? Ipaliwanag sa
pamamagitan ng isang liham. Isulat sa sobre ang iyong kasagutan.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa pananakop ng Dutch.
A. Hindi pinakialaman ng mga Dutch ang relihiyon ng kolonya (walang
gawaing misyonero).
B. Nagpadala ng maraming misyonero sa mga kolonya.
C. Ipinilit na yakapin ng mga kolonya ang kanilang relihiyon.
D. Pangunahing dahilan nila ay palaganapin ang relihiyon.

2. Bansang kanluranin na karaniwan na sinasakop ay ang Daungan sa


baybaying dagat upang makontrol ang ruta ng kalakalan.
A. Dutch C. Portugal
B. Great Britain D. Spain

3. Ang Portugal at _________ ang dalawang bansa na nanguna sa unang yugto ng


kolonyalismo.
A. Dutch C. Portugal
B. Great Britain D. Spain
4. Isa sa mga bunga ng pananakop ng kanluranin sa Pilipinas.
A. Maraming mga Pilipino ang naging Muslim
B. Pagyakap ng mga Pilipino sa relihiyong Kristiyanismo.
C. Maraming mga Pilipino ang nanatiling pagano.
D. Pagyakap ng mga Pilipino sa relihiyong Budismo.

5. Ang paglaganap ng _____________ang isa sa naging epekto ng kolonyalismo


A. Islam C. Kristiyanismo
B. Budismo D. Hinduismo

SUSI SA PAGWAWASTO

Balik-Aral
C 5. T 5.
B 4. T 4.
D 3. T 3.
C 2. M 2.
A 1. T 1.

Panapos na Pagsusulit Paunang Pagsubok


Sanggunian
Mga Aklat:

1. RomelaM. Cruz, E.D, Mary Dorothy dl. Jose, Joel B. Manguabnan, Michael M.
Mercado, Jerome A Ong, Araling Asyano: Tungo sa Pagkakakilanlan(Pilipinas,
Vibal Group,Inc., 2015), pp.370-400
2. R.C. Blando, A.A Sebastian, Espiritu, Golvegue, A.M. Jamora, R.R. Capua &
R.R. Mariano, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, ( Pilipinas, Vibal
Group, Inc., 2014), pp.322-327

Mga Website:
1. Epekto ng Pananakop sa Asya. August 7, 2014.
https://www.slideshare.net>olhen

You might also like