You are on page 1of 25

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Epekto ng mga Digmaang
Pandaigdig sa Pag-angat ng mga
Malawakang Kilusang Nasyonalista
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Epekto ng mga Digmaang Pandaigdig sa Pag-
angat ng mga Malawakang Kilusang Nasyonalista

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marylin R. Abrantes


Tagasuri: Angelica M. Burayag/ Virgilio L. Laggui, PhD
Mary Grace C. Bernardo/ Amabelle R. dela Merced
Raymond Villapane/ Rodel D. Lintag
Mary Jane P. Soriano

Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino/ Maesie T. Dela Pena


Tagalapat: Brenda Rose H. Muñoz
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD/ Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD/ Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD/ Remedios D. Sitchon
Rodel D. Lintag/ Mary Jane Padilla-Soriano

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Epekto ng mga Digmaang
Pandaigdig sa Pag-angat
ng mga Malawakang Kilusang
Nasyonalista
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang mga naganap na pananakop ay nakapag-alab sa damdaming


nasyonalismo ng mga Asyano. Mas lalong umigting ang kanilang pagnanasang
makalaya nang maganap ang mga Digmaang Pandaigdig. Ang mga kaganapang ito
ay nakapagdulot ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano.

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit

 Ang Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang Digmaang Pandaigdig


 Unang Digmaang Pandaigdig
 Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:


 Naiisa-isa at natatalakay ang mga pangyayaring naganap na nagbigay-
daan sa pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig;
 Napaliliwanag ang matinding epekto ng Una at Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa pag-usbong ng mga malawakang kilusang nasyonalismo sa
Timog at Kanlurang Asya; at
 Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng mga digmaan sa
pagtatamo ng kalayaan ng mga bansang napasailalaim sa mga
kolonyalista.

1
Subukin

Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang-unang kaalaman,


kakayahan at pang-unawa tungkol sa mga naging epekto ng Una at
Ikalawang Digmaang Pagdaigdig sa pagnanasa ng mga nasyonalista sa Timog
at Kanlurang Asya sa pagkakamit ng kalayaan.

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_____1. Alin sa sumusunod na pangyayari ang hindi naganap noong Unang
Digmaang Pandaigdig?
A.Pagkatalo ng Central Powers.
B.Pag-aalyansa ng mga bansang Europeo
C.Pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria.
D.Patuloy na paglalaban ng mga Muslim at Hindu sa India.

_____2. Kailan sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?


A. Agosto 1918
B. Agosto 1919
C. Agosto 1914
D. Agosto 1915
_____3. Ano ang naging agarang dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Ang pagdakip kay Mohandas Gandhi.
B. Ang pagpapasabog sa Pearl Harbor sa Hawaii.
C. Ang pagpatay sa tagapagmana ng trono sa Austria-Hungary.
D. Ang pag-aaway ng mga Muslim at Hindu sa India na nauwi sa
pagpatay kay Gandhi.
_____4. Anong alyansa ng mga bansa ang naglaban sa Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Axis at Allied
B. Axis at Allies
C. Central Powers at Allied
D. Central Powers at Alies

_____5. Aling mga bansa ang kabilang sa Allies noong Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Germany, Russia, at US
B. Russia, France, at England
C. France, Russia, at Germany
D. England, Austria, at Russia

2
_____6. Saan nakasentro ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Asya
B. Africa
C. Europa
D. North America

_____7. Alin sa mga pahayag ang naging matinding epekto ng Unang Digmaang
Pandaigdig sa India.

A. Nagkaroon ng mas malakas na kilusan sa paghingi ng kalayaan para


sa kasarinlan ng India.
B. Humingi ng kalayaan si Ali Jinnah para sa mga Hindu mula sa mga
kolonyalista.
C. Nagkaroon ng pagkakaisa sa mga mamamayan ng India upang
lumaban sa mga kolonyalista sa pamamagitan ng dahas.
D. Humingi ng kalayaan si Mohandas Gandhi sa mga English sa
pamamagitan ng marahas na pamamaraan.
_____8. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging epekto ng Unang
Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya?
A. Nagpatupad ng sistemang mandato.
B. Pagkakasundo ng mga Jew at Muslim.
C. Pagbubukas ng Palestine para sa mga Jew o Israelite.
D. Pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya.
_____9. Kailan naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Setyembre 1941
B. Setyembre 1939
C. Setyembre 1940
D. Setyembre 1938
_____10. Anong alyansa ng mga bansa ang naglaban sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
A. Axis at Allied
B. Axis at Allies
C. Central Powers at Allied
D. Central Powera at Allies
_____11. Ano ang naging paraan ng Japan upang mapabilis ang paglawak ng
kanyang kapangyarihan sa mga rehiyon ng Asya partikular na sa Timog
at Timog-Silangang Asya?
A. Sinakop ng Japan ang Pilipinas.
B. Pinasabog ng Japan ang Hiroshima at Nagasaki.
C. Pataksil na binomba ng Japan ang Pearl Harbor.
D. Ang Japan ay humingi ng tulong sa kanilang diyosa ng araw.

_____12. Anong samahan ang naitatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig upang hindi na muling sumiklab ang ano pa mang kagu-
luhan?
A. European Union
B. League of Nations
C. Organization of America State
D. United Nation

3
_____13. Kailan natamo ng India ang kanyang kalayaan mula sa mga English?
A. 1927
B. 1937
C. 1947
D. 1957

_____14. Anong bansa para sa mga Muslim ang naitatag sa India matapos nitong
matamo ang kalayaan sa kamay ng mga kolonyalista?
A. Bangladesh
B. Maldives
C. Nepal
D. Pakistan

_____15. Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng mga


naganap ng mga Digmaang Pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya?

A. Nagkaroon ng mga dayuhan sa mga rehiyon.


B. Nagkaroon ng mga pinunong mayaman mula sa Europa.
C. Nagkaroon ng mga kaibigan na mula sa ibang kontinente.
D. Nagkaroon ng pagkakaisa sa mga mamamayan upang humingi ng
kalayaan sa kamay ng mga kolonyalista.

4
Aralin Epekto ng mga Digmaang Pandaigdig

1 sa Pag-angat ng mga Malawakang


Kilusang Nasyonalista

Magsisimula na ang iyong pagtukoy sa naging papel ng mga digmaang pandaigdig


sa mas pinaigting na damdaming nasyonalismo ng mga Asyano.

Balikan

Panuto: Pagtambalin ang mga pangalan ng mga pinunong nasyonalista sa Timog


at Kanlurang Asya at mga nagawa o pangyayari sa panahon ng kanilang
pamumuno. Isulat lamang ang letra ng napiling sagot. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
Hanay A Hanay B

1. Nagsulong ng kalayaan ng Pakistan A. Mohandas Gandhi


mula sa India

2. Sa kanyang pamumuno ay nawala B. Mohamed Ali Jinnah


ang mga nakawan at pangingikil na
nangyayari sa mga dumadalo ng C. Mustafa Kemal Ataturk
pilgrimage sa Mecca at Medina

3. Tinuruan niya ang mga D. Ayatollah Rouhollah


mamamayan na humingi ng Mousari Khomeini
kalayaan na hindi gumagamit ng
karahasan E. Ibn Saud

4. Ang kanyang pagkilos ay nagbigay F. Archduke Francis


daan sa kalayaan ng Turkey Ferdinand

5. Bumatikos sa tahasang pagpanig ng G. Gavrilo Princip


kanilang Shah sa interes ng mga
dayuhan sa bansang Iran

Nakuha mo bang lahat ang mga tamang sagot? Ang mga nabanggit na mga
pinunong nasyonalista ay nagkaroon ng mahalagang bahagi sa pagtatamo ng
kalayaan para sa kanilang bansa sa panahon ng mga pandaigdigang digmaan.
Halika na at mas higit na palalimin ang iyong kaalaman.

5
Tuklasin

Panuto: Suriin ang text message na nasa ibaba. Sagutin ang mga pamprosesong
tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kumusta po kayo Nanay? Sana


po ay nasa maayos po kayong
kalagayan dyan sa Maynila.

Nanay malapit napong


magbukas ang klase, hindi
pa po kami nakapag-eenrol
ni bunso.

Hello mga anak, pasensya na kayo hindi


nakakapag text si nanay. Ako ay patuloy pa
ring naghahanap ng panibagong trabaho dito,
dahil sa pagsasara ng pinapasukan kong
pabrika. Patuloy ninyo pa rin ako ipagdasal
na sana ay makahanap na ako ng bagong
trabaho. Mag-iingat kayo diyan at lagi
ninyong isipin na mahal ko kayo.

Opo nanay, mag-iingat


din po kayo at mahal na
mahal din po namin kayo.

Mga Pamprosesong tanong:

1. Ano ang inaalala ng mga anak base sa text message na ipinadala nila sa
kanilang nanay?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, bakit hindi pa nakapag-eenrol ang magkapatid kahit malapit


na ang pagbubukas ng klase?
6
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Kung hindi makahahanap ng bagong trabaho ang kanilang nanay, Ano ang
mangyayari sa magkapatid?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Ano ang magiging epekto sa buhay ng magkapatid kung hindi sila
makapag-aaral?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin

Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa mga Digmaang Pandaigdig na


makapagbibigay sa iyo ng impormasyon na higit mong kakailanganin sa pagtamo
ng kaalaman, at matutuhan ang mga dahilan ng higit na pag-alab ng damdaming
nasyonalismo ng mga Asyano.

Unang Digmaang Pandaigdig ( 1914-1918)


Ito ay sumiklab noong Agosto 1914 dahil sa sumusunod na mga dahilan:
Una ay ang pag-aalyansa o pagkakampihan ng mga bansang Europeo upang
maisakatuparan ang kanilang mga personal na interes kaya’t nabuo ang dalawang
grupo, ang Central Powers na binubuo ng Germany at Austria-Hungary, at ang
Allies na kinabibilangan naman ng France, England, at Russia. At ang pangalawa
ay ang agarang dahilan ng pagsiklab ng digmaan ay ang pagpatay ni Gavrilo
Princip na isang Serb kay Archduke Francis Ferdinand na tagapagmana sa trono
ng Austria-Hungary
Bagaman ang digmaan ay nakasentro sa Europa
nakaapekto pa rin ito sa mga rehiyon ng Timog at
Kanlurang Asya. Sa panahong ito ang India sa Timog Asya
ay kolonya ng bansang England, nagkaisa at
pansamantalang isinantabi ng mga Hindu at Muslim na
mamamayan nito ang kanilang hindi pagkakasundo
upang tumulong at suportahan ang grupo ng Allies sa
paniniwalang sila ay palalayain kung sakaling
magtagumpay ang grupo sa digmaan. Sa Kanlurang Asya
naman sa pamamagitan ng bansang Iran, ang Russia at
Archduke Francis
Great Britain ay nagsagawa ng pag-atake sa Ottoman
Ferdinand
Empire na nakipag-alyado sa Germany, sa kabila nito

7
ang Iran ay walang pinanigan. Nagdulot ito ng malawakang pagkasira ng mga
pamayanan, ari-arian, pagkamatay ng maraming Iranian at nagdulot ng
pagkagutom.
Ang kawalan ng pagkilos ng pamahalaang Iran sa pagkakataong ito ay
nagbigay-daan sa malawakang pag-aalsa at pagkilos ng mga mamamayan na
humihingi ng kalayaan para sa Hilagang Iran noong 1915 hanggang 1921

Resulta ng Unang Digmaang Pandaigdig


Sa digmaan sa pagitan ng dalawang grupong naglaban, natalo ng Allies ang
Central Powers sa Versailles, France na sinundan ng isang kasunduang tinawag na
Treaty of Versailles na hudyat sa pormal na pagtatapos ng digmaan. Itinatag ang
League of Nations upang maiwasan na ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdi
Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Timog Asya

 Mas lumakas sa India ang kilusang nasyonalismo at nagkaisa ang grupong


Hindu at Muslim dahil sa hindi pagbibigay ng mga Ingles ng kanilang
hinahangad na karapatang mamahala sa kani-kanilang sarili at iba pang
pagmamalabis at kalapastanganang ginawa ng
mga Ingles sa kanila.
 Pinangunahan ni Mohandas Gandhi sa panig ng
mga Hindu ang paghingi ng kalayaan sa
pamamagitan ng mapayapang pamamaraan o non-
violent means na ayon sa ahimsa at satyagraha
(non-violence).
 Sa panig naman ng mga Muslim, si Mohamed Ali
Jinnah ang nanguna, na kung saan ang interes ng
mga Muslim ang binigyang-pansin. Ang layunin ay
ang pagkakaroon ng hiwalay na estado para sa
mga Muslim.
Mohandas Gandhi

Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya

 Pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya dahil na rin sa


pagbagsak ng Imperyong Ottoman.
 Noong 1914, natuklasan ang mina ng langis sa mga bansa sa Kanlurang Asya
na dahilan upang mas maging interesado ang mga Kanluraning bansa rito at
magtatag ng sistemang mandato.
 Ang mandato para sa Syria at Lebanon ay ibinigay sa bansang France
samantalang ang mandato sa Palestine ay napunta sa mga Ingles.
 Ang mga lokal na pamamahala sa mga bansang ito ay nanatili ngunit sa
aspetong pang-ekonomiya ay pinamahalaan naman ng mga dayuhan.
 May mga bansang nanatiling malaya ngunit hindi nakaligtas sa kontrol ng mga
Kanluraning bansa tulad ng Saudi Arabia sa pamumuno ni Haring Ibn Saud,
na kung saan lahat ng kompanyang naglilinang ng langis ay pag-aari ng mga
dayuhan.
 Noong 1917, ipinalabas ang Balfour Declaration ng mga Ingles, na nagsasaad ng
pagbubukas ng Palestine para sa mga Jew o Israelite upang kanilang maging
tahanan o homeland. Dito nag-ugat ang hindi pagkakaunawaan ng mga Jew at
Muslim dahil sa pagbabalik ng mga Jew sa Kanlurang Asya mula Europa.
 Taong 1919, hiniling ng Great Britain sa punong ministro ng Iran na lumagda
sa isang kasunduang magbibigay ng malawak na kapangyarihan sa pagkontrol

8
ng ekonomiya, pulitika, pangmilitar at pagiging ganap nang protektoradong
bansa ng Great Britain ang Iran, na ikinagalit ng mga pangkat ng nasyonalista
sa Iran kaya’t ito ay mariing binatikos nila sa mga pahayagan at matagumpay
na napigilan noong 1926.

Gawain:
Panuto: Matapos mong malaman ang mga kaganapan sa Unang Digmaang
Pandaigdig, sagutin ang mga pamprosesong tanong na susubok sa iyong
natutuhan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Dalawang dahilan ng pagsiklab ng Unang


Digmaang Pandaigdig?

_________________________________________________________
01 _________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________

_________________________________________________________
02
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________

Magbigay ng isang pangungusap kung paano


naapektuhan ng Unang Digmaang Pandaigdig ang
Timog at Kanlurang Asya

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________

9
Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939−1945)

Ito ay unang nag-umpisa sa Europa noong Setyembre,1939. Muli na


namang sinuportahan ng India ang England bilang kolonya pa rin nito,
ngunit ito ay nauwi lamang sa mga protesta dahil sa pagkakaaresto kay
Mohandas Gandhi at mga kasamahan nito dahil sa pagtutol nila sa
digmaan. Sinamantala ng Japan ang pagpapalawak ng teritoryo habang
abala ang mga bansang Europeo
sa pakikidigma. Noong 1940 ay
nagkaroon ng Tripartite Pact sa
pagitan ng Japan, Germany, Italy,
at dalawa pang militaristikong
bansa na tinawag ang kanilang
alyansa na Axis Powers. Sa
kabilang panig, ang United States,
England, France, at iba pang mga
bansa ay bumuo ng alyansa na
tinawag nilang Allied Powers.
Ikinagalit ng Allied Powers ang
ginagawang pagmamalabis ng
Japan sa mga kolonya ng mga
bansang Europeo sa Asya.

Muling nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya, dahil


na rin sa ginawang paglusob ng Japan sa Pearl Harbor noong Disyembre 7,
1941 (sa Hawaii at Disyembre 8 naman sa Asya), na pinakamalaking
himpilang pangmilitar ng United States. Naging napakabilis ng pangyayari
dahil na rin sa taktikang pataksil na ginawa ng Japan kaya’t napalawak
nito ang kanyang kapangyarihan sa mga rehiyon ng Timog at Timog-
Silangang Asya.

Kauai

Honolulu

Maui

PEARL HARBOR

HAWAII

10
Taong 1942, naganap ang Tehran Conference sa pangunguna ng
United States, na nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain
ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya ito, ngunit ito ay
hindi lubusang naganap bagkus ay nagdulot pa ito ng krisis at nagbigay-
daan sa cold war sa pagitan ng United States at mga kaalyado nito.

Muling nakabangon ang United States sa sinapit nitong trahedya sa


Pearl Harbor. Matapos bigyan ng prayoridad ang digmaan sa Europa
hinarap naman ng mga Amerikano ang mga Hapones at tuluyan nilang
natalo noong bagsakan ng bomba atomika ng United States ang Hiroshima
noong Agosto 6, 1945 at ang Nagasaki noong Agosto 9, 1945, na mga
pangunahing lungsod ng Japan.

Resulta ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Sa pagtatapos ng digmaan ay tuluyang napagtagumpayan ng Allied Powers
ang mga labanan sa Europa. Nagapi at napamahalaan ng United States ang
Japan. Naitatag din ang United Nations bilang kapalit ng Liga ng mga Bansa
(League of Nations) na magbibigay-proteksiyon sa lahat ng mga bansa laban sa
anumang sigalot.

Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya

Sa kasukdulan ng mapait na naranasan ng mga taga-Kanlurang Asya dahil


sa digmaan ay nagkaroon ng mas maigting na pagnanasa upang matamo ang
kasarinlan ng bawat kolonyang bansa. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay unti-unting natamo ang kalayaan dahil na rin sa kahusayan ng mga
pinuno sa bawat bansa at pagpapakita ng kanilang kakayahan na pamunuan ang
bansa.

11
Gawain:

Panuto: Muli mong sagutin ang mga pamprosesong tanong na susukat ng iyong
kaalaman sa mga nabasang impormasyong tungkol sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

.
Magbigay ng isang pangungusap kung paano
naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang
pamumuhay ng mga mamamayan ng India

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________

B. Sa isang pangungusap, paano naging daan sa


paglaya ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang mga
naranasan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________

12
Pagyamanin

Gawain A.

Panuto: Basahin ang mga pahayag at isulat ang letra ng tamang sagot sa
pagpipilian sa patlang . Gawin ito sa iyong sagutang papel.

A. England E. Austria-Hungary I. Nagasaki


B. Iran F. Japan J. Tehran Conference
C. Central Powers G. Allied Powers
D. Mandato H. Hiroshima

_______1. Isa sa mga dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ay


ang pag-aalyansa ng mga bansang Europeo. Anong grupo ang binubuo ng
Germany at Austria-Hungary?

_______2. Napabilis ang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig dahil sa


pagpatay kay Francis Ferdinand na tagapagpama ng trono ng anong bansa?

_______3. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naging daan ng pansamantalang


pagkakasundo ng mga Hindu at Muslim sa India. Anong bansang Kanluranin ang
kanilang sinuportahan sa digmaan?

_______4. Naapektuhan din ng Unang Digmaang Pandaigdig ang Kanlurang


Asya. Anong sistema ang ipinatupad ng mga Kanluranin sa mga bansa rito?

_______5 Anong bansa sa Kanlurang Asya ang nakipag-alyansa sa Russia at


Great Britain upang magsagawa ng pag-atake sa Ottoman Empire?

_______6. Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagkaroon muli ng mga nag-


alyansang bansa. Anong grupo ang kinabibilangan ng England na kolonyalista ng
India?

_______7. Unang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa at


nakarating sa Asya dahil sa anong bansang Asyano?

_______8. Ano ang naganap noong 1942 sa pangunguna ng US ngunit hindi


naman lubusang naganap ang mga napagkasunduan bagkus ay nagdulot pa ng
krisis?
_______9. Sa muling pagbangon ng Amerika dulot ng pagbomba sa kanyang
himpilan sa Pearl Harbor, anong lungsod ng Japan ang binagsakan nito ng bomba
atomika noong Agosto 9, 1945?

_______10. Sa muling pagbangon ng Amerika dulot ng pagbomba sa kanyang


himpilan sa Pearl Harbor, anong lungsod ng Japan ang binagsakan nito ng bomba
atomika noong Agosto 6, 1945?

13
Gawain B:

Panuto: Suriin ang sumusunod na epekto at isulat ang letra kung saang hanay ito
naganap. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

EPEKTO

Unang Digmaang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig Pandaigdig

_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________

A. Paglaya ng India sa kamay ng mga Ingles.


B. Naitatag ang League of Nations.
C. Pagkakatatag ng Pakistan para sa mga Muslim.
D. Paggamit ng mapayapang pamamaraan ni Mohandas Gandhi sa
paghingi ng kalayaan.
E. Pagtatag ng sistemang mandato sa Kanlurang Asya.
F. Paglaya ng mga bansa sa Kanlurang Asya sa kamay ng mga
Kanluranin.
G. Pagpasok ng mga Kanluranin sa Kanlurang Asya.
H. Pagkakahati ng India sa dalawa.
I. Naitatag ang United Nations.
J. Pagpapalabas ng Balfour Declaration para sa pagbubukas ng
Palestine para sa Jew mula sa Europa.

14
Isaisip

Panuto: Dugtungan ang bawat pahayag na bubuo ng iyong natutuhan sa paksang


tinalakay. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ang iniwang epekto nito sa


Timog at Kanlurang Asya ay _______________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot din ng mga pagbabago


sa Timog at Kanlurang Asya tulad ng ____________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Sumulat ng tatlong pangungusap batay sa katanungan sa ibaba. Gawin


ito sa iyong sagutang papel.

Kung ikaw ay magiging pinuno, gagamitin mo ba ang


mapayapang pamamaraan ni Mohandas Gandhi?
Bakit? Ipaliwanag.
Sagot:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

15
Tayahin

I. Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang pangungusap. Piliin
ang sagot mula sa mga bituin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Hulyo
Setyembre Asya Central 1914 League of
1939 at Allied Nations

Agosto
Europa Axis at 1914
Oktubre United
1939 Allies Nations

1. Naganap noong ______________ ang Unang Digmaang Pandaigdig.


2. Ang samahang _______________ay naitatag pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
3. Nakasentro sa ____________ ang Unang Digmaang Pandaigdig.
4. Ang dalawang grupo na _____________ ang naglaban noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
5. Noong _______________ sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

II. Isulat sa maliit na kahon ang Ar kung TAMA at Pan kung MALI ang
sumusunod na pahayag. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

__________1. Ang patuloy na paglalaban ng mga Muslim at Hindu sa India ay


naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig.
__________2. Nagkaroon ng pagkakasundo sa mga Jew at Muslim pagkatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig.
__________3. Ang agarang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ay dahil sa
pagpatay sa tagapagmana ng trono sa Austria-Hungary
__________4. Ang Russia, France, at England ay ang mga bumubuo sa Allies noong
Unang Digmaang Pandaigdig.

__________5. Ang mga naganap na mga Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng


pagkakaisa sa paghingi ng kalayaan ng mga kolonya

16
III. Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat sa patlang ang pananda
ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1917 Mohamed Axis


Ali Jinnah Ahimsa
Powers 1947

________1. Anong taon natamo ng India ang kanyang kalayaan sa kamay ng


mga Ingles?

_______2. Ito ay ang batayan ng pamamaraang ginamit ni Mohandas Gandhi sa


kanyang pamumuno.

_______3. Pinamunuan niya ang paghingi ng hiwalay na estado para sa mga


Muslim sa India.

_______4. Ito ay ang alyansa na kaalyado ng Japan sa Ikalawang Digmaang


Pandaigdig.

______5. Kailan ipinalabas ng mga Ingles ang Balfour Declaration?

Karagdagang Gawain

Gawain
Panuto: Hingan ng pananaw o punto ang dalawa sa sumusunod: Lola, Lolo,
Mama, Papa, Tito o Tita. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Hingan ng isang
pangungusap na kasagutan ang dalawa sa iyong napili, tungkol sa maaaring
maging epekto ng digmaan sa bansa, sa mga mamamayan, at sa lahat ng mga
karatig-lugar.

17
18
Tuklasin
Balikan
Subukin
1. B
1. D 2. E Gawain:
2. C 3. A (posibleng mga sagot)
3. C 4. C 1. Nag-aalala ang magkapatid tungkol sa
4. D 5. D kanilang pag-aaral.
5. B 2. Wala silang pera na panggastos sa pag-
6. C enrol at pagbili ng gamit pang –eskwela
7. A dahil hindi nakapagpadala ang kanilang
8. B nanay na nawalan ng trabaho.
9. B 3. Hindi na sila makakapag-enrol o
10. A makakapasok sa paaralan.
11. C 4. Kapag hindi sila nakapag-aral hindi sila
12. D makakahanap o mahihirapan silang
13. C makahanap ng magandang trabaho.
14. D
15. D
Suriin
Gawain:
A. Una ang pag-aalyansa ng mga bansang Europeo, pangalawa ang pagpatay sa
tagapagmana ng trono sa Austria-Hungary.
B. Malaki ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Timog Asya dahil
nagkakaroon ng pagkakaisa sa mga mamamayan ng India upang labanan ang mga
mananakop at Kanlurang Asya naman ay nagsimula ang pananakop ng mga
Kanluraning bansa.
Suriin
Gawain:
A. Nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa India sapagkat nagkaroon sila ng
kalayaan upang mapamahalaan ang kanilang sarili ngunit ito ay nahati sa dalawa para
sa mga Hindu at Muslim at dahil sa paghahating ito ay napatay si Mohandas Gandhi.
B. Dahil sa hirap ng kanilang pinagdaanan sa kamay ng mga Kanluranin ang mga pinuno
ng mga bansang nasakop sa Kanlurang Asya ay nagpamalas ng dedikasyon at
kagalingan upang mapalaya sa kamay ng mga kolonyalista.
Susi sa Pagwawasto
19
Pagyamanin Pagyamanin
Gawain: Gawain:
1. C
2. E
3. A
Unang Digmaang Pandaigdig Ikalawang Digmaang
4. D
Pandaigdig
5. B
6. G B A
7. F D C
8. J E F
9. I G H
10. H J I
Isaisip
Gawain:
(posibleng sagot)
A. Mga pagbabago sa pakikitungo ng mga Muslim at Hindu sa India at pagsisimula ng
paglawak ng kapangyarihan ng mga Kanluranin sa Kanlurang Asya.
B. Pagkakahati ng India sa dalawa at tuluyang paglaya ng mga bansa sa Kanlurang Asya
sa kamay ng mga kolonyalista.
Isagawa
Gawain:
(posibleng sagot)
OO, dahil ang paraan ay mapayapa. Walang magbubuwis ng buhay o pagdanak ng dugo.
Anumang di pagkakaunawaan ay maaaring bigyan ng solusyon sa mahinahon na pag-uusap.
Tayahin Karagdagang Gawain
(posibleng sagot)
I. II. III. Ang digmaan ay
makapipinsala sa bansa at
1. Agosto 1914 1. Pan 1. karatig-lugar at maaaring
makapagbuwis ng buhay ang
2. United Nations 2. Pan 2. mga mamamayan.
3. Europa 3. Ar 3. Ang digmaan ay maaaring
makapagdulot ng malaking
4. Axis at Allies 4. Ar 4. suliranin sa isang bansa at
karatig lugar, ang mga
mamamayan ay maaaring
5. Setyembre 1939 5. Ar 5.
mawalan ng hanapbuhay pati
na ng buhay.
Sanggunian
Blando, Rosemarie,et.al.Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba ( Modyul ng
Mag-aaral ), pahina 235-237, Edisyon 2014

Mateo, Grace Estela, et.al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan (Batayang Aklat sa


Araling Panlipunan Ikalawang Taon),pahina 322-329

20
`

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like