Professional Documents
Culture Documents
Department Of Education
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF LEYTE
ARALING PANLIPUNAN 10
(KONTEMPORARYONG ISYU)
Pangalan : ____________________________________________________________________
Kung ang mga institusyong panlipunan ay tumutukoy sa mga istruskturang bumubuo sa isang lipunan, ang kultura
naman ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Naglalarawan ito
sa isang lipunan. Nag-iiba ang paglalarawan ng bawat lipunan batay na rin sa kultura nito. Binubuo ang kultura ng mga
paniniwala (beliefs), pagpapahalaga (values), norms, at simbolo.
Paniniwala (Beliefs) Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
Pagpapahalaga (Values) Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan.
Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang
hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat(Mooney,
2011).Bagama’t may iba’t ibang pagpapahalaga ang bawat lipunan, marami sa pagpapahalaga ay kanilang
pinagsasaluhan. Kapag ang isang situwasyon o gawain ay labag sa mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o
hamong panlipunan.
Norms Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norm
ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang
kinabibilangan. Mauuri ang norms sa folkways at mores.
Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa
kabuuan. Sa kabilang banda,
Ang Mores ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay
magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011). Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay
maaaring magdulot ng kaguluhan. Halimbawa, ang mga batas trapiko ay inilaan upang magkaroon ng
kaayusan at kaligtasan ang mga tao sa lansangan. Batayan ito ng pagkilos ng mga tao. Ang hindi pagsunod sa
mga batas na ito ay may kaukulang kaparusahan.Simbolo
Simbolo ( Symbols) ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949)
Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao
sa lipunan. Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng
mga miyembro ng isang lipunan.Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano. Ang gawing ito ay
sumisimbolo sa isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda.
Gawain:
Panuto: Buuin ang mga concept map at sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba.
Modified True or False: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap; kung ito ay mali,
itama ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________1. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang
lipunan.
__________2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing
pamantayan ng pagkilos sa isang lipunan.
__________3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na katanggap- tanggap sa grupo ng mga tao o lipunan sa
kabuuan.
__________4. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay may kaukulang kaparusahan o sanctions.
__________5. Ang kultura aynaglalarawan sa isang lipunan.
Pangwakas
Inihanda ni: