You are on page 1of 8

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1-Modyul 4
(Linggo 7.1)
Ang Papel na Panlipunan at
Pampolitikal ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Unang Markahan- Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad

Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Antonio A. Aplacador Jr

Editor: Jenith D. Canada
Tagasuri: Gloria E. Fontelar
Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar
Tagalapat: Cynthia M. Bandol
I.PANIMULA
Magandang araw. Tungkulin ng pamilya ang paghubog ng mga mamamayang
nakikilahok sa mga gawaing panlipunan, nakikisangkot sa paglutas ng mga suliranin sa
pamayanan at nakikialam sa pagtatatag ng isang sistemang politikal na may integridad at
nagpapatingkad sa dignidad ng bawat tao sa lipunan. Ang modyul na ito ay patungkol sa
papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya.

II. LAYUNIN

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng

pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas
at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal).

III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Panuto: Isulat sa nakalaang espasyo ang titik “L” kung ang pahayag ay tungkol sa papel
panlipunan ng pamilya at titik “P” kung ito ay papel pampolitikal.

1. _____ Pakikilahok sa samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamayanan o kaya

ay tumutulong sa mga mahihirap.
2. _____ Magiliw na pagtanggap lalo na sa mga panauhin.
3. _____ Pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan
4. _____ Pagtapon nang maayos ng basura at pangangalaga sa kapaligiran
5. _____ Nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya.

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA

Suriin ang mga larawan.

1
Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:

1. Ano-ano ang gawaing nakikita mo sa mga larawan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Saan karaniwang nagaganap ang mga gawaing nasa larawan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong sumama sa mga ganitong gawain? Ibahagi

ang iyong mga naging karanasan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Nakikibahagi ba ang iyong pamilya sa mga gawaing tulad nito? Bakit mahalaga na
makibahagi ang pamilya sa ganitong mga gawain?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

V. PAGPAPALALIM

Basahin at unawain ang sanaysay. Sugutin ang kasunod na mga tanong.

“Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at ispiritu… Siya ay isang panlipunang
nilalang, likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling buhay
kundi sa pamamagitan ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang tao ay bahagi ng kaniyang
pagiging tao.” (Sheen, isinalin mula sa Education in Values: What, Why and For Whom ni
Esteban, 1990).

Lahat ng tao ay ipinanganganak na sanggol na walang kakayahan at walang

muwang. Kaya nga siya ay ipinanganganak sa isang pamilya. Kailanman ay hindi siya
makapagpaparami nang mag-isa sa natural man o artipisyal na paraan. Hindi rin siya
mabubuhay nang walang nag-aaruga sa kaniya hanggang sa siya ay lumaki, magkaisip, at
maghanapbuhay. Upang maging ganap ang pagkatao, kailangan niyang maranasan ang
magmahal at mahalin, at sa huling sandali ng kaniyang buhay ay kailangan niya ng kalinga
ng iba, lalo’t siya ay matanda at mahina na. Kaya nga kailangan ng tao ang kaniyang
kapuwa, dahil dito kailangan niyang matutong
“Ang pangunahing makipagkapuwa. Ang pakikipagkapuwa, tulad ng
kontribusyon ng pamilya sa maraming bagay kaugnay ng kaniyang pagkatao ay
lipunan ay ang karanasan sa kailangang matutuhan ng tao. Dahil hindi mo
pakikibahagi at pagbibigayan maibibigay ang isang bagay kung wala ka nito. Hindi
na dapat na bahagi ng buhay mo maipakikita ang isang ugaling hindi mo naranasan
at natutuhan sa loob ng iyong pamilya.
pamilya sa pang-araw-araw.”
Ngunit hindi natatapos sa pagpaparami at

2
pagtuturo ng mga pagpapahalaga at birtud sa pakikipagkapuwa ang halaga at tungkulin ng
pamilya. Isa sa anim na tungkulin at halaga ng pamilya ang paghubog ng pagiging
responsableng mamamayan. Ayon kay Esteban (1989), ang isang pamilya ay isang munting
lipunan.

Upang umunlad ang kanilang buhay, kailangan ng pamilya ang makipag-ugnayan sa

ibang pamilya at ibang sektor ng lipunan. Sa pamamagitan nito nagkakaroon siya ng
gampanin sa lipunan. Bukod sa pagiging ama, ina, o anak, sila ay mga mamamayang
maaaring maging guro, doktor, abogado, at iba pang propesyon sa lipunan. Bilang bahagi
ng lipunan, tungkulin ng pamilya na panatilihin at paunlarin ang lipunang kaniyang
ginagalawan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtupad sa kaniyang papel sa lipunan
(pagiging bukas-palad, pagsusulong ng bayanihan, at pangangalaga sa kaniyang
kapaligiran) at papel pampolitikal (ang pagbabantay sa mga batas at mga institusyong
panlipunan).

Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa

pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw.

Ang ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya ay dapat na pinangingibabawan

ng batas ng malayang pagbibigay. Ang malayang pagbibigay na ito na ginagabayan ng
paggalang at pangangalaga sa dignidad ng bawat isa ay naipakikita sa pamamagitan ng
buong pusong pagtanggap, pag-uusap, pagiging naroon para sa isa’t isa, bukas-palad at
paglilingkod ng bukal sa puso, at matibay na bigkis at pagkakaisa.

Kaya nga ang pagkakaroon ng tunay at ganap na pakikipagniig sa isa’t-isa ng mga

kasapi ng pamilya ay ang pangunahin at hindi mapapalitang tagapagturo ng pamumuhay sa
lipunan. Ito rin ang halimbawa at tagapagpalaganap ng mas malawak na pakikipag-ugnayan
sa komunidad.

Mga Tanong:

1. Ano ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano mapauunlad ng pamilya ang kanilang buhay?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Paano naipakikita ng pamilya ang malayang pagbibigay?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3
VI- PAGSASAPUSO

Gawain 1: Natutuhan sa modyul

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Anu-ano ang tatlong (3) bagay/ideya na hindi mo pa alam noong una?

1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________

2. Anu-ano ang dalawang (2) bagay/ideya na nakapukaw saiyong damdamin?

1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________

3. Anong bagay/ideya ang hindi mo malilimutan?

1. ________________________________________________________

Gawain 2: Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa sa modyul

Sagutin ang katanungan.

Anong mahalagang reyalisasyon ang iyong natuklasan tungkol sa papel ng pamilya

sa komunidad?

_________________________________________________________________________

VII. PAGSASABUHAY

Basahin ang sitwasyon sa ibaba at isulat kung paano ka tutugon.

May umiiral na Executive Order galing sa pamahalaan na ipinagbabawal ang

paglabas ng bahay ng mga bata edad 20 anyos pababa sa loob ng isang buwan dahil sa
lumalaganap na nakahahawang sakit. Ang sinomang madadakip na lumabag ay may
kaukulang parusa. Atat na sa paglabas ang iyong kaibigan dahil nababagot na ito sa loob ng
bahay. Nagpupumilit siya sa pag-anyaya saiyo na lumabas. Aniya, wala naman daw
masyadong awtoridad na nagroronda sa iyong lugar. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito
upang magampanan mo ang papel ng pamilya na panlipunan at pampolitikal?

4
Ang iyong tugon/gagawin?

VIII. PAGTATAYA

Isulat sa nakalaang espasyo ang titik “L” kung ang pahayag ay tungkol sa papel
panlipunan ng pamilya at titik “P” kung ito ay papel pampolitikal.

1. _____ Pakikilahok sa samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamayanan o kaya

ay tumutulong sa mga mahihirap.
2. _____ Magiliw na pagtanggap lalo na sa mga panauhin.
3. _____ Pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan
4. _____ Pagtapon nang maayos ng basura at pangangalaga sa kapaligiran
5. _____ Nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya.

IX. KASUNDUAN

Paano ginagampanan ng iyong pamilya ang tungkulin nito sa lipunan? Magbigay ng

halimbawa.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

5
Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Modyul Para sa Mag-aaral

You might also like