You are on page 1of 10

Department of Education

Edukasyon sa
Pagpapakatao 8
Ang Pamilya Bilang Natural na
Institusyon – Unang Bahagi
Unang Markahan – Unang Linggo

Florentina D. Pedrigala, EdD

Manunulat

Virginia T. San Mateo, MA in Psychology

Tagasuri

Schools Division Office – Muntinlupa City

Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
1
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na

kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarili.

2. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at

pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o
napanood.

Tukuyin ang mga salita na inilalarawan sa mga pahayag sa

pamamagitan ng pabuo sa mga patlang na walang letra sa bawat aytem.

T
1. Isang organisadong sistema ng ugnayan ng tao sa lipunan.

M
2. Ang maliit at pangunahing yunit ng lipunan.

N
3. Ang paniniwala ng isang tao at kanilang sinasamba ang
kanilang pinaniniwalaang Diyos.

E
4. Ang kalipunan ng mga gawain ng tao, konstitusyong
pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa paglikha,
pamamahagi, palitan at pagkunsumo.

P
5. Ang sistema ng pag-iipon ng kaalaman tungkol sa iba’t-ibang
bagay na inaasahang makabubuti sa pagkatao.

B
6. Ang sitwasyon natin ngayon na humingi at dapat araw-araw
tayong magpasalamat sa Panginoon sa bawat oras o minuto na
tayo'y binigyan niya ng pagkakataong mabuhay.

2
L
7. Isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o
paglalarawan ang mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal na
binabahagi ang ibat-ibang kultura at mga institusyon.

T
8. Ang haligi ng tahanan na siyang pumuprotekta sa pamilya at ang
apelyido nito na siyang ginagamit ng mga anak.

N
9. Ang ilaw ng tahanan at laging gumagabay sa kaniyang mga anak.

B
10. Nangangahulugan ng ipinatutupad na mga kautusan sa isang bayan
o lugar na ang layunin ay para sa ikabubuti at ikatatahimik ng isang
lugar o bayan.

Ilarawan ang dalawang pamilya na nasa larawan.

https://clipartion.com/wp-content/uploads/2015/12/cool-family-day-clipart-black-and-white-images-for-your-project.jpg

A. _____________________________________ B. _____________________________________

_____________________________________ _____________________________________

3
Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon
Hango mula Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8: Modyul 1 pahina
1-28, ipinahahayag na sa kabila ng hamon ng panahon sa bawat isang
Pilipino, ang pamilya ang ating sandigan sa isang payapa at ligtas na lugar.
Ang paksa tungkol sa pamilya ang pinakanakapupukaw ng interes na pag-
usapan sa mas maraming pagkakataon, masaya man ito, o minsan ay
malungkot. Sa panahon ng quarantine naging patunay ito na ang mga
Pilipino ay likas na makapamilya. Kaya mahalagang maging mas malalim
ang pagkilala at pag-unawa, lalo na ng isang kabataang katulad mo tungkol
sa pamilya. Kasi katulad ng kahit na sino sa buong mundo, ikaw ay nagmula
sa isang pamilya.
Ano nga ba ang pamilya? Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng
lipunan. Binubuo ito ng mga taong may iisang paniniwala, ang ilan ay hindi
man magkadugo ngunit nagtutulungan at nagkakaisa para sa kapwa
kapakinabangan.
Ang pamilya ay binubuo ng tatay, nanay at anak. Ang bawat bahagi
ng pamilya ay kailangang magkaroon ng pagkakaisa at pagmamahalan
upang magkaroon ng respeto sa isa’t- isa. Ang pamilya ay binubuo ang mga
unang hakbang sa pagkatao. Ang pamilya ang siyang gumagabay, nagtuturo
ng mga mabubuting asal, nagbibigay ng pangangailangan at nagmamahal
ng walang kapalit.
Maaaring patuloy na nagkakaroon ng ebolusyon sa kahulugan ng pamilya
ngunit isa ang mananatili, ang pamilya ay isang likas na institusyon. Bakit
nga ba? Basahin mo at unawain sa ibaba ang pitong mahalagang dahilan.
1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na
kung saan ang maayos na paraan ng pag-iiral at pamumuhay ay
nakabatay sa ugnayan.
2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng
nagpasiyang magpakasal at magsama ng habangbuhay.
3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito
ang pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil
sa gampanin nitong magbigay buhay.
4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa
panlipunang buhay.
6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.
7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng
pananampalataya.

4
Gawain 1 Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan? Bakit?

Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Anong mga pagbabago ang kinakaharap ng pamilya kasabay ng

modernisasyon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilya? Ipaliwanag.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5
4. Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Sa panahon ngayon na nakaharap sa krisis ang bansa, paano nilalabanan

ng miyembro ng pamilya ang pandemya ng Covid 19?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Kung ang pamilya ay magpapaanod sa pagbabago,

saan pa likas na dadaloy ang pagmamahal at
pagtutulungan? Saan pa matututo ang taong
magmahal at maglingkod? Saan pa kukuha ng
pag-asa ang lipunan na umunlad?

Panuto: Sa Family tree na iyong nakikita, ilagay ang larawan ng mga miyembro ng
pamilya sa bawat frame at isaad ang mga positibong impluwensiya nila sa iyo.
Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan.

6
Gawain 2: Ako ay AKO dahil sa aking Pamilya

Mga karanasaan at positibong impluwensiya ng mga sumusunod:

TATAY ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
NANAY ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
KUYA ____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
ATE ______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
LOLO ____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
LOLA ____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tukuyin ang mga salita na inilalarawan. Isulat ang titik sa

sagutang papel.

7
1. Isang organisadong sistema ng ugnayan ng tao sa lipunan.
A. Institusyon C. Relihiyon
B. Pamilya D. Ekonomiya
2. Ang maliit at pangunahing yunit ng lipunan.
A. Institusyon C. Relihiyon
B. Pamilya D. Ekonomiya
3. Ang paniniwala ng isang tao at kanilang sinasamba ang
kanilang pinaniniwalaang Diyos.
A. Institusyon C. Relihiyon
B. Pamilya D. Ekonomiya
4. Ang kalipunan ng mga gawain ng tao, konstitusyon, pamayanan at
institusyon na may kaugnayan sa paglikha, pamamahagi, palitan at
pagkunsumo.
A. Institusyon C. Relihiyon
B. Pamilya D. Ekonomiya
5. Ang sistema ng pag-iipon ng kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay na
inaasahang makakabuti sa pagkatao.
A. Paaralan C. Lipunan
B. Tatay D. Buhay
6. Ang sitwasyon natin ngayon na humingi at dapat araw-araw tayong
magpasalamat sa Panginoon sa bawat oras o minuto na tayo'y
binigyan niya ng pagkakataong mabuhay ulit.
A. Paaralan C. Lipunan
B. Tatay D. Buhay
7. Isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o
paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal
na binabahagi ang ibat-ibang kultura at mga institusyon.
A. Paaralan C. Lipunan
B. Tatay D. Buhay
8. Ang haligi ng tahanan na siyang pumuprotekta sa pamilya at ang
gumagawa ng mabibigat na gawain.
A. Paaralan C. Lipunan
B. Tatay D. Buhay
9. Ang ilaw ng tahanan at laging gumagabay sa kaniyang mga anak.
A. Kasal C. Pagmamahal
B. Batas D. Nanay

10. Nangangahulugan ng ipinatutupad na mga kautusan sa isang bayan

o lugar na ang layunin ay para sa ikabubuti at ikatatahimik ng isang
lugar o bayan.
A. Kasal C. Pagmamahal
B. Batas D. Nanay

8
Susi sa Pagwawasto

Rubric sa Pagtataya ng Sulatin at Sanaysay

Mga Krayterya 1 2 3 4
Presentasyon ng Mahirap basahin May kahirapang Nauunawaan ang Maayos at
ideya ng at hindi unawain ang pagpapaliwanag nauunawaan ang
pangungusap maunawaan ang ideya ng gustong ngunit ideya ng gustong
gustong pahiwatig nagpapaligoy ipahiwatig
ipahiwatig ligoy sa mga
ideyang gustong
ipahiwatig

10. B A 5.
9. D D 4.
8. B C 3.
7. C B 2.
6. D A 1.

Pangwakas na pagsusulit

10. Batas Paaralan 5.

9. Nanay Ekonomiya 4.
8. Tatay Relihiyon 3.
7. Lipunan Pamilya 2.
6. Buhay Institusyon 1.

Unang Pagsubok

Sanggunian
Abad, J. and Fenoy, E. (1988). A Path to Sanctity. Manila: Sinagtala Publishers, Inc. Alejo, P. (2004).
Values Guisado: Learning to Love, Loving to Learn Values. Mandaluyong City: Sibs Publishing House
Inc.
De Torre, J. (1977) The Roots of Society. Greenhills: Sinag Tala Publishers, Inc.
Santos, C. et al. (1997) Conjugal Communion: A Theology Course on Marriage and the Family for
University Students. Pasig City: University of Asia and the Pacific
Familiaris Consortio (2005) Apostolic Exhortion of Pope John Paul II on The Role of the Christian
Family in the Modern Worlds. Pasay City: Paulines Publishing House

9
The Family in the New Millenium: (2007) The Place of Family in Human Society. Volume 1.
Connecticut: Praeger Publishers
Profile Jesse Robredo, Like Magsaysay, Man in a Hurry to Serve, Do Good. Retrieved from
http://www.interaksyon.com/article/41012/profile-jesse-robredolike=Magsaysay-man-in-a-hurry-
to-serve-do-good on September 30, 2012
Pedrigala, Florentina D.; Building Strong Families (Weekly Quarantine Schedule) WQS and Study
from Home (SFH)
https://clipartion.com/wp-content/uploads/2015/12/cool-family-day-clipartblack-and-white-
images-for-your-project.jpg

10

You might also like