You are on page 1of 9

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1-Modyul 2
(Linggo 4.2)
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng
Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasya, at
Paghubog ng Pananampalataya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Unang Markahan- Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon,
Paggabay sa Pagpapasiya, at Paghubog ng Pananampalataya

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad

Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Teresita Jra M. Mahilum

Editor: Jenith D. Canada
Tagasuri: Gloria E. Fontelar
Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar
Tagalapat: Cynthia M. Bandol
I.PANIMULA

Ang pagsasabuhay ng bawat miyembro ng pamilya ng mga aral at pananampalataya

ay lubhang mahalaga. Ito ang siyang nagbubuklod sa pamilya upang ito ay maging buo at
matatag. Ika nga sa isang kasabihan, “Ang pamilyag nagsasama-sama sa isang panalangin
at pananampalataya ay nananatiling magkakasama.” Marahil, ito ang dahilan kung bakit
marami sa atin ang mas nanaising makasama sa buhay ang may kaparehong
pananampalataya. Ngunit kung minsan ay hindi nga lamang nangyayari ito sapagkat
makapangyarihan ang pag-ibig.

Mayroon bang pagbubuklod ang iyong pamilya dahil sa iisang pananampalataya?

Paano ninyo naipakikita ang espirituwalidad sa inyong tahanan? Tuklasin mo ito sa susunod
na gawain. Ano-ano ang mga alituntunin na sinusunod ng iyong pamilya na naayon sa
inyong pananampalataya?

II. LAYUNIN

Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-
aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.

III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Balik-aral:

1. Sa iyong kuwaderno sa EsP- 8 ay isulat kung bakit ang pagbibigay ng edukasyon

ang orihinal at pangunahing karapatan ninyo bilang mga anak?

Gawain: Pagsusuri ng Awitin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat leriko ng awitin. Pagkatapos ay

sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Maaari din itong pakinggan o panoorin sa youtube.
http://youtu.be/nABos6Dh-F8

WELCOME TO THE FAMILY

Artist: Ernie and Debbie Kerner Rettino
Album: Songs from Psalty’s Kids Bible

Welcome to the family

We’re glad that you have come to share your life with us
As we grow in love and
May we always be to you
What God would have be
A family always there
To be strong and to lean on

May we learn to love each other

More than each new day
May words of Love be on our lips
In everything we say
May the spirit melt our hearts and teach us how to pray
That we might be a true family
1
Sagutin ang mga katanungan:

1. Ano ang ibig sabihin ng pamagat ng awitin?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ayon sa awitin, sino ang nagbibigay lakas sa pamilya at ano ang kagustuhan niya
na mangyari sa atin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano ang dapat matutunan ng bawat miyembro ng pamilya upang manatiling

matatag?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Ano ang mangyayari kung ang pamilya ay nagkakaisa at sama-samang

nagdadasal?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Anong leriko ng awitin ang umantig sa iyong puso? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA

Gawain: Pagmasdan ang larawan at unawaing mabuti ang pangungusap na nakasulat dito.
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. https://www.google/images.com

2
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang ipinapakita sa inyo ng larawan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ayon sa larawan, “Ang pamilyang sama-samang nagdarasal at nagpapaunlad ng asal

ay sama-sama ring nagiging Banal.” Ano para sa iyo ang ipinahihiwatig ng
pangungusap na ito? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Mahalaga ba na isinasabuhay ng pamilya ang mga aral ng Diyos at ang kanilang

pananampalataya? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. Magbigay ng tatlong paraan kung paano pauunlarin ng pamilya ang kanilang mga
gawi sa pagsasabuhay sa mga aral at pananampalataya sa Diyos?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

V. PAGPAPALALIM

Paghubog ng Panampalataya

Nilikha ng Diyos ang pamilya upang maging bahagi niya sa paglalang ng tao. Ang
pagbibigay ng gampanin na ito dito ay may kasamang responsibilidad. Ito ang siyang
tagapangalaga ng mga materyal at espirituwal na pangangailangan ng bawat miyembro nito.
Ito rin ang unang paaralang dapat magturo sa tao ng katotohanan –ang manampalataya sa
Diyos. Mula rito ay matututuhan ng tao ang iba pang kaugnay na pagpapahalaga at
kagandahang asal.

Dahil sa misyong ito ng pamilya, mahalaga na ikaw ay makibahagi sa pagtatamo

nito. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng iyong maayos na pakikipag-ugnayan sa bawat
kasapi ng iyong pamilya.

Pangatlo sa tatlong pinakamahalagang misyon ng pamilya ang paghubog ng

pananampalataya. Ayon kay Steven Covey sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly Effective
Families, may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang pakikibahagi ng isang tao sa mga
gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan at pandamdaming
kalusugan at katatagan lalo na kung ginagawa ito ng tao nang may pagkukusa o bukas sa
puso. Ito rin ay magpapatibay ng pagsasamahan ng pamilya.

Aniya, kung ang pamilya ay maglalaan ng kahit 10-15 minuto lamang sa tuwing
umaga sa pagbabasa ng mga babasahin na mag-uugnay sa inyo at sa Diyos, makatitiyak na
ang mga pagpapasiyang isasagawa ay mabuti. Mas magiging makabuluhan sa pag-iisip,
mas magiging mahusay sa pakikitungo sa kapwa. mas magiging maayos ang binubuong
pananaw, magkakaroon ng sapat na kakayahan na mag-isip muna bago gumawa ng kilos o

3
tumugon sa isang sitwasyon, mas magiging malapit ang ugnayan sa mga bagay o tao na
tunay na mahalaga sa iyo, at higit sa lahat mas magiging matibay ang ugnayan sa buong
pamilya.

Ang pamilyang nananampalataya sa Diyos ay magiging buo at matatag. Nalalayo ito

sa pangyayaring baka makasira sa tunay na misyon at layon ng pagiging isang pamilya, ang
gawin itong mabuting Kristiyano o mga anak ng Diyos

Mga Pamamaraan na maaring makatulong sa iyo at sa iyong Pamilya:

1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat na maging sentro ng buhay pampamilya.

2. Ituon ang pansin at pag-unawa. Ang pakikinig sa panalangin o sa nilalaman ng mga

aklat tungkol sa pananampalataya ay hindi sapat kahit pa ang pagmemorya sa nilalaman
nito.

3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe.

4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na makinig at
matuto.

5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itinuturo tungkol
sa pananampalataya.

6. Iwasan ang pag-aalok ng “suhol.” “Sige, kapag sumama ka sa akin magsimba kakain
tayo sa labas.”

7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan.

Ang lahat ng misyon mahirap man o imposible ay maaring maging posible kung lahat
ay isasagawa nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya. Huwag nating
hahayaan na masira ang pamilyang binuo dahil sa pagmamahal. Kailangang kumilos ang
lahat para ito ay ingatan at ipaglaban.

Maari mong panoorin ang videoclip nito sa youtube: EsP 8 Modyul 2: Ang Misyon
sa pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya
at paghubog ng Pananampalataya/ https://youtu.be/52UgSftOiA4

Mga Tanong:

1. Ano ang pangatlo sa tatlong pinakamahalagang gampanin ng mga magulang sa

kanilang mga anak?
___________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang hubugin ng mga magulang ang pananampalataya sa Diyos ng

kanilang mga anak?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4
3. Magbigay ng mga paraan kung paano mahuhubog ng mga magulang ang kanilang
gampanin sa paghubog ng pananampalataya sa Diyos ng kanilang mga anak.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

VI- PAGSASAPUSO

Bilang isang kabataan, kung bibigyan ka ng pagkakataon ng Diyos na magdasal o

humiling ng isang bagay at ibinigay niya ito sa iyo, Paano mo gagamitin ang pagkakataon na
ito upang ipakita ang iyong natutunan sa modyul? Para kanino at ano ang ipagdadasal mo
sa Diyos lalo na sa panahon ngayon na lahat ng pamilya ay humaharap sa pagsubok ng
pandemic na Covid 19 at karamihan ay natatakot at nawawalan na ng pag-asa? Magbigay
ng tatlong bagay na iyong ipagdarasal at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong kahilingan.

___________________________________________

VII. PAGSASABUHAY/ VIII. PAGTATAYA

Panuto:

Magkakaroon lamang ng kabuluhan ang lahat ng mga pagkatuto sa bawat aralin sa

EsP kung unti-unting mailalapat sa buhay ang mga ito hanggang sa maging bahagi ng
pang–araw–araw na ating pagkilos. Gawin ang mga sumusunod:

1. Sumulat ng mga tiyak na hakbang kung paano mo mapauunlad ang mga gawi sa pag-
aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.

2. Pagkatapos ay ilagay ito sa chart upang mabantayan ang pagsasakatuparan ng mga

hakbang na ito.

5
3. Bantayan ang paglalapat sa tiyak na hakbang sa loob ng dalawang linggo.

4. May inihandang halimbawa sa iyo sa susunod na pahina.

IX. KASUNDUAN

Bilang paghahanda sa susunod na aralin, sumulat sa iyong kuwaderno ng isang

hindi mo malilimutang karanasan o pangyayari sa sariling pamilya na naging dahilan ng
pagkawala ng maayos at bukas na komunikasyon. Isulat din ang iyong naging reyalisasyon
matapos ang pangyayaring ito.

6
Mga Sanggunian:

Welcome to the Family

http://youtu.be/nABos6Dh-F8

Videoclip/Powerpoint Presentation
Module 2 EsP 8
https://youtu.be/52UgSftOiA4

https://www.google/images.com

EsP – 8 – Learning Module

Quarter 1
Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon
Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya at
Paghubog sa Pananampalataya, pahina 29 – 52.
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-eduksayon-sa-pagpapakatao-
learner-module

Kaganapan sa Pakikipagkapwa II
Aralin 13
Ako at ang aking Pamilya sa Pananampalataya
Pahina 98 – 104
https://book.google.com
DLP – EsP - 8
Quarter 1
Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon
Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya at
Paghubog sa Pananampalataya, pahina 22 - 38.
https://bit.ly/2VJIAgm

You might also like