You are on page 1of 3

Schools Division of Cauayan City

VILLA CONCEPCION NATIONAL HIGH SCHOOL


Villa Concepcion, Cauayan City
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Quarter 1, Week 4

Pangalan:______________________________________________________Pangkat:______________________
MELC:
(EsP8PB-Id-2.3)Naipapaliwanag na:
a.Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na bigyan ngmaayos na edukasyon
ang kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasyaat hubugin sa pananampalataya.
b.Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ngedukasyon ang bukod tangi at
pinakamahalagang gampanin ng mgamagulang.

(EsP8PBId-2.4) Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagpapaunlad ng mga gawi sapag–
aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya ng pamilya.

I.PANGUNAHING KONSEPTO:
Pananagutan ng Magulang
Ang taong bumuo ng isang pamilya ay may kaakibat na pananagutan sa mga anak na
itinuturing na regalong ipinagkaloob ng Panginoon. Habang nasa sinapupunan pa ang isang
bata ay pananagutan ng mga magulang na maisilang ito, magkaroon ng pangalan, nasyonalidad
at maibigay ang mga pangunahing pangangailangan lalong lalo na sa pagbibigay ng maayos na
edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.
Sinisikap ng mga magulang ang lahat ng makakaya para matugunan at maibigay ang
lahat ng pangangailangan ng anak. Hindi rin nila alintana ang hirap at pagod alang-alang sa
anak. Kabilang na rito ang pagbibigay ng maayos na edukasyon na isang pananagutan na
mahalagang magampanan ng magulang na naglalayong mahubog ang buong pagkatao sa
pamamagitan ng paglinang ng aspetong pisikal, mental, emosyonal, sosyal, at ispiritwal upang
maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan sa lipunang ginagalawan. Ang edukasyon din
ang tanging maipamamana ng magulang sa anak na kailanman ay hindi mananakaw ninuman
na magsisilbing matibay na pundasyon tungo sa magandang kinabukasan kaya ganoon na
lamang nagsusumikap ang mga magulang sa pagtatrabaho sa umaga maging sa gabi para
matustusan at mapagtapos ang anak sa pag-aaral. Ni hindi alintana ang pagod at hirap basta’t
para sa anak walang hindi kayang gawin ng isang magulang.
Mahalaga rin ang paggabay ng magulang sa bawat pagpapasiya ng anak. Simula
pagkabata hanggang sa pagtanda ay walang katapusan ang pagpapaalala at pagpapayo. Itinuro
na sa gagawing pagpapasya ay dapat makapitong isipin kung ito ba ay nakabubuti o hindi. Ang
paggabay ng magulang sa pagpapasiya ay nakakatulong para maging matalino, may
paninindigan at responsable sa anuman ang desisyon ng anak.
Bukod sa paggabay ng magulang ay kinakailangang mahubog ang pananampalataya ng
anak. Dapat maipamalas na ang Panginoon ang sentro ng kanilang buhay sa pamamagitan ng
pananampalataya na makapagpapatibay sa samahan ng bawat kasapi ng pamilya. Kung lumaki
ang anak na nakasentro ang buhay sa Panginoon, tiyak maging isang mabuting tao siya sa
pamilya, sa kapwa at sa lipunan.
Sa kabilang banda, ang pagbibigay ng edukasyon ay bukod-tangi at pinakamahalagang
gampanin ng mga magulang sa anak sa kadahilanang: ito ang paraan sa pagkamit ng
kaalaman, halaga, kasanayan, paniniwala, gawi sa moral, kompyansa sa sarili, kakayahan sa
paghusga sa mabuti o masama. Maging sa kakayahang lumaban sa kawalan ng katarungan,
karahasan, katiwalian, pagkakaroon ng mas mahusay na moral at etikal na pagpapahalaga at
mataas na antas ng kamalayan sa tungkulin at karapatan sa pamilya, lipunan at bansa.
Napabubuti rin ang paraan ng pamumuhay, katayuan sa lipunan at pang-ekonomiya,
napapalawak ang pagtingin at pananaw, pagkamit ng pangarap, pagkakaroon ng maayos at
mapayapang buhay.
Sa madaling sabi, malaki ang papel na ginagampanan ng edukasyon sa moderno at
industriyalisadong lipunan kung kaya kinakailangan ng tao ang maayos na edukasyon upang
mabuhay sa mapaghamong mundo. Ika nga ang edukadong tao na may mahusay na edukasyon
ay naging mabuting mamamayan sa lipunan.
Gawi sa Pagpapaunlad ng Pag-aaral at Pananampalataya
Ang pagkatuto sa mga wastong gawi sa pag–aaral at pananampalataya ay nagsisimula sa
pamilya. Sa pagsasabuhay ng mga ito kinakailangan ang maayos na pakikipag–ugnayan.
Lubhang mahalaga ito sa pagkakabuklod ng pamilya upang ito ay maging buo at matatag.
Mangyayari lamang ito kung maisagawa ang mga angkop na kilos sa pag–aaral at pagsasabuhay
ng pananampalataya.
Ano ba ang angkop na kilos upang mapaunlad ang mga gawi sa pag-aaral? Ang sumusunod ay
ang mungkahing kilos sa pagpapaunlad ng gawi sa pag-aaral at pananampalataya.
Sa Pagpapaunlad ng Pag-aaral:
1.Pagtukoy sa istilo ng pagkatuto sa pamamagitan ng pagkuha ng mgapasulit upang mabatid
ang iyong multiple Intelligence at learning style.
2.Pag-aaral sa komportableng lugar upang magkaroon ng pokus sa pag-aaral.
3.Magtakda ng oras sa pag-aaral araw-araw sa paggawa ng mga proyekto attakdang-aralin.
4.Pamamahalaan nang maayos ang oras sa pag-aaral at paglilibang upangmaisaaalang-alang
ang mental at physical health.
5.Pagtatala sa mga gawain at pag-aaralan ang iba’t ibang asignatura upangmaging sistematiko
ang pag-aaral.
6.Bumili at magbasa ng maraming aklat upang mapalawak ang kaalaman samga bagay-bagay.
7.Pagbibigay ng gantimpala sa sarili upang manatili ang kaganyakan namapag-ibayo ang
hangarin na makamit ang tagumpay.
8.Mangarap para ganahan sa pag-aaral.
Kung maisagawa ang mga angkop na kilos ay uunlad ang gawi sa pag-aaral na
makatutulong upang mapalawak ang kaalaman sa edukasyon at makamit ang tagumpay sa
buhay subalit kahit ano pa ang mararating sa buhay kung wala kang pananampalataya sa
Panginoon ay walang kabuluhan ang lahat.
Ipinaliwanag sa banal na aklat Mga Hebreo 11:1-2 (RTPV05) na “ang pananampalataya ay
pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi
nakikita. Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong una dahil sa kanilang pananampalataya sa
kanya.”
Maaaring mapaunlad ang pananampalataya kung maisakatuparan ang mga ankop na kilos
tulad ng:
1.Pakikiisa sa mga grupo ng mananampalataya
2.Pagbabasa at pagbabahagi ng mga salita ng Panginoon sa ibang tao
3.Pagsisimba kasama ang pamilya
4.Pananalangin at pagsangguni sa Panginoon sa lahat ng panahon
5.Pag-aalay bilang pasasalamat sa biyayang natanggap
6.Paglalaan ng 10% sa iyong kita para sa Panginoon
7.Pagsunod at pagsabuhay sa dakilang utos ng Panginoon
8.Paghingi ng kapatawaran sa bawat pagkakasala.

Sa totoong buhay mahirap ang pagsunod at pagsasabuhay dahil natural na makasalanan


ang tao ngunit nabibigyan ito ng pagkakataon na maitama ang pagkakamali sa pamamagitan ng
pagsunod at pagsasagawa ng angkop na kilos na magpapaunlad ng relasyon ng tao sa
Panginoon na sa bandang huli ay magbibigay ng katiwasayan sa buhay.
Kaibigan, isapuso at isabuhay mo ang natutunan mula sa unang aralin hanggang sa
aralin na ito na magsilbing pundasyon mo sa mabuting pakikitungo sa pamilya, sa kapwa at
maging sa lipunang ginagalawan.
II. GAWAIN:
Gawain 1: Kasabihan Ko, Interpretasyon Mo!
Panuto: Ipaliwanag ang iyong sariling interpretasyon kaugnay ng kasabihan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Kasabihan Pagpapaliwanag
Pagbibigay ng maayos na edukasyon
Wastong edukasyon ay pahalagahan, ito
ay susi sa magandang kinabukasan.
-Anonymous

Paghubog ng pananampalataya
Sa oras ng problema at kaginhawaan
pananampalataya sa Panginoon ang
kakapitan
-Anonymous

Paggabay sa pagpapasiya
Ang taong may mabuting pagpapasiya
Nadadala maging sa pagtanda
-Anonymous

Rubrik sa Pagsulat ng Interpretasyon sa Kasabihan

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng Pag-


(10 puntos) (8 puntos) unlad
(5 puntos)
Nilalaman Lahat ng kasabihan ay Mayroong dalawang Mayroong isang kasabihan
nabigyang ng tamang kasabihan ang ang nabigyan ng tamang
interpretasyon nabigyan ng tamang interpretasyon
interpretasyon

III. REPLEKSIYON
Dugtungan ang pahayag sa bawat bilang.

1. Ang natutunan ko sa araling ito ay


_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

2. Nasisiyahan ako sa naging gawain sa aralin dahil


_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

3. Isasabuhay ko ang mga natutunan ko sa aralin sa pamamagitan ng


_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Inihanda ni:

RICHELLE M. GONZALES
Teacher I

You might also like