You are on page 1of 10

PASSIONIST SISTERS’ SCHOOL (GENERAL SANTOS), INC.

Upper Cahilsot, Calumpang, General Santos City

Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) Modyul

S.Y.: 2020-2021
Ika-walong Baitang

Pangalan:________________________________________________________ Petsa:_____________

Linggo Paksa ng Aralin:

1 Ito ang Aking Pamilya

Alamin

Layunin:

 Natutukoy ang mga gawino karanasansa sariling pamilya nakapupulutan ng aralo may positibong
impluwensya sa sarili
 Nasusuri angpag-iralngpagmamahalan, pagtutulunga at pananampalatayasa isang pamilyang
nakasama, naobserbahan o napanood
 Napatutunayan kung bakit ang pamilyaay natural na institusyon ngpagmamahalan at pagtutulungan na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa
 Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapanatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
sariling pamilyal

Subukin

Bumuo ng akrostik para sa salitang PAMILYA.

P -

A -

M -

I -

L -

Y -

A -

Balikan
Bigyan ng simpleng katuturan ang salitang PAMILYA.

________________________________________________________________________________________

Tuklasin

Pamilya
Tula ni Julyhet Roque

Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya,

Si ama’t si ina’y responsable sa tuwina
Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina.

Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos,

Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod
Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos.

Edukasyon ng anak ay itinaguyod

Kahit na mangapal ang palad sa pagod
Basta sa pamilya ay may maitustos.

Di nag aaway sa harap ng supling,

Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa at pansin
At pagmamahalan ang laging inaangkin.

A. Sagutin ng maayos at tapat ang mga sumusunod na katanungan.

1. Anong klase ng mga magulang ang nabanggit ng bata sa tula?
_______________________________________________________________________________

2. Anong klase ng pamilya meron siya?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Paano pinalaki ng mga magulang ang kanilang mga anak?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. Matapos basahin ang tula anong bagong kaisipanang ang na mamayani sa iyo?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
5. Para sa iyo, gaano kahalaga ang iyong pamilya? At ano klase na pamilya meron ka?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

B. Masasabi mo bang perpekto ang iyong pamilya? Talakayin kung sa paanong paraan kayo
makakatulong para sa ikakabuti at ikakaunlad ng bawat miyembro ng inyong pamilya Bumuo ng
repleksiyon kaugnay rito.

Ang Aking Repleksiyon

__________________________________________________________________________________

Suriin
 Talakayan

ANG PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON NG LIPUNAN

Itinuturing na pangunahing institusyon ng lipunan ang pamilya. Ang pamilya ang bumubuo sa
komunidad na siyang bumubuo sa bansa sa siya ring bumubuo sa mundo.

Pamilya Komunidad Bansa Mundo

. Sinasabing ang matatag, masaya, at maunlad na pamilyaay lumikhang matatag, masaya, at maunlad
na komunidad, bansa, at mundo. Kinikilala ng Konstitusyon ng Pilipinas ang kahalagahan ng pamilyabilang
natural institusyon ng lipunan. Ito ay nakasaad sa Artikulo XV ng ating Saligang Batas.

ARTIKULO XV
ANG PAMILYA
SEKSIYON 1. Kinikilala ng Estado ang pamilyang Pilipino na pundasyon ng bansa. Sa gayon, dapat nitong
patatagin ang kaisahan ng pamilyang Pilipino at aktibong itaguyod ang lubos napag-unlad
niyon.

SEKSIYON 2. Ang pag-aasawa na di malalabag ng institusyong panlipunan, ay pundasyon ng pamilyaat

dapat pangngalagaan ng Estado.

SEKSIYON 3. Dapat isanggalang ng Estados:

1. Ang karapatan ng mga mag-asawa na magpamilya nang naaayon sa kanilang pananalig na

panrelihiyon at sa mga kinakailangan ng responsableng pagpapamilya;

2. Ang karapatan ng mga batana mabigyan ng kalinga, kasama ang wastong pag-aalaga at
nutrisyon at natatanging proteksiyon sa lahat ng mga anyong pagpapabaya, pag-
aabuso,pagmamalupit, pagsasaamantala, at iba pang kundisyong nakakapinsala sa
kanilang pag-unlad

3. Ang karapatan ng pamilya sa sahod at kita sa sapat ikabuhay ng pamilya; at

4. Ang karapatan ng mga pamiilya o mga asosasyon nito na lumahok sa pagpaplano at

pagpapatupad ng mga patakaraan at mga programa na nakaapekto sa kanila.

SEKSIYON 4. Ang pamilya ay tungkuling kalinangan angmatatandang mga miyembro nito ngunit maari ring
gawin ito ng Estado sa pamamagitan ng makatarungang mga pamamaraan ng kapanatagang
panlipunan

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pamilya sa paghubog ng pagkatao at personalidad

ng isang indibidwal. Sa bawat yugto n gating buhay, mahalaga ang suporta ng pamilya upang matiyak na
maayos at mabunga an gating pagdaan sa yugtong ito.

Sanggol at pagiging bata

Sa unang yugto ng ating buhay, ang pamilya ang siyang tumataguyod sa ating pangngailangan.
Paglabas pa lamang ng sanggol ay nagiging panatag at payapa na siya lalo nakapag naramdaman niya ang
init ng haplos ng mga magulang. Ramdam niya ang pagmamahal at kasiyahang nadarama ng pamilya dahil sa
kaniyang pagdating. Tinitiyak ng mga magulang na ang kanilang anak ay nabibigyan ng pangunahing
pangangailangan nito tulad ng pagkain, pananamit, at tirahan. Hindi lamang pangunahing pangangailangan
ang handog sa iyo ng iyong pamilya, binibigyan ka ng mga bagay na makapagpapasaya sa iyo tulad ng
laruan. Nagkakaroon din kayo ng pagkakataong mamasyal at maglibang. Isipin monalamang kung pagsilang
sa iyo ay walang magulang na mag-aaruga sa iyo. Mabubuhay ka kaya? Magiging ligtas ka kaya?

Pagbibinata at pagdadalaga

Sa kritikal na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata ay higit niyang kailangan ang
suporta at pagmamahal ng mga magulang. Binigyang- liwanag ng mga magulang ang katanungan at
pagbabagong pisikal, emosyonal, sikolohikal ng nagdadalaga at nagbibinata. Nariyan ang suporta ng mga
magulang upang tuklasin ang kalakasan at kahinaan mo. Tinutulungan ka rin ng mga magulang mong maging
handa sa pagharap sa buhaynang sa gayon ay magiging kapaki-pakinabang kang bahagi ng iyong lipunan. Sa
yugtong ito ng iyong buhay, nariyan ang pamilya mo na handang umalalay sa iyo sa tuwing ikaw ay malungkot
at may suliranin. Nariyan din sila sa tuwing ikaw ay masaya at nagtatagumpay upang makisalo sa kasiyahan at
tagumpay na nakamtan. Sa yugtong ito ng iyong buhay, mahalagang maging bukas ka sa iyong pamilya
kaugnay ng mgapinagdaraanan mo.

Adulto

Sa yugtong ito ng ating buhay, nariyan ang atingpamilya upang magsilbing inspirasyon sa buhay. Ang
mga suliranin sa trabaho ay madaalas na ibinabahagi sa pamilya. Pamilya ang itinuturing na sandigan at
inspirasyon upang patuloy ang magpupunyagi ay magsusumikap sa buhay.Pamilya ang pangunahing dahilan
kung kaya’t ibig ng taong magtagumpay. Ang pakikipagsapalaran sa buhay may karera ay nagiging panatag at
masaya sapagkat alam nating naroon ang pamilyang handing tumulong sa atin.

Pagtanda

Sa ating pagtanda, pangunahing pinagmumualn ng pagmamahal at pag-aaruga ang pamilya.

Ginugunita natinangmasasayang alaala na ating pinagsaluhan kasama ng pamilya. Angmasasayang
ugnayang pampamilya sa yugtong ito n gating buhay ay nagbibigay ng kapayapaan at pagiging kuntento.
Bilang nakakabatang kasapi ng pamilya mahalagang iparamdam sa mga lolo at lola na sila ay may puwang sa
puso natin. Marapat na mahalin at arugain natin sila sa takip-silim ng kanilang buhay.

URI NG PAMILYA
Sinu-sino ang bumubuo sa iyong pamilya? Ano-ano ang tungkuling ginagampanan nila? Paano sila
nakatutulong sa pagpapanatili ng katatagan at kasiyahan ng inyong pamilya. Ito ay ang mha sumusunod:

1. Nuclear Family

Ang pamilyang ito ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Tinatawag itong nuclear mula sa
salitang nucleo na ang ibig sabihin ay pinakasentro ng pamilya.

2. Extended Family

Ang uri ng pamilyaang ito ay binubuo ng magulang, mga anak at tiyuhin/tiyahin,lolo/lola na

kasama. Kilala ang mga Pilipinosa pagiging malapit sa kanilang pamilya. Sa mga pagkakataon
tulad ng kailangang kalingain at arugain ang mga lolo at lola, nagkakaroon ng extended family.
May mga pagkakataon din naman na ang mag-asawa ay hindi pa handa sa usaping pinasyal
kaya minamabuti nilang makitira muna sa kanilang magulang hanggang sa dumating ang
pagkakataong kaya na nilang bumukod at magkaroon ng sariling tahanan. Sa ganitong uri ng
pamilya kailangan ang ibayong pag-unawa upang mapanatili ng pamilya ang masayang
pamumuhay at maiwasan ang alitan at di pagkakaintindihan.

Pagyamanin

ANG BATANG TAGA-SCOTLAND

Sa Scotland, may mga siyentipikong nag-alok ng malaking halaga sa isang bata upang pumayag na
talian ng lubid sa baywang at ihuhulog sa malalim na bangin. Dahil ang bata ay isang mahirap, nakitaniya ang
pagkakataong ito upang magkapera. Inaasahan niyang ang perana kaniyang makukuha ay makakatulong sa
kaniyang pamilya.

Nang Makita ng bata ang nakalululang lalim ng bangin ay nagbago ang kaniyang isip. Tmanggi na isya
sa kagustuhan ng mga siyentipiko. Natatakot siyang malagay sa alanganin ang kaniyang buhay. Natatakot
siyang baka bawian ng buhay at ikalulungkot ito ng kaniyang pamilya.

Nagpumilit ang mga siyentipiko na kumbinsihin ang bata. Pagkaraan ng ilang minutong pag-uusap,
napahinuhod ang bata. Pumapayag na akong magpatihulog sa bangin habang may nakataling lubid sa aking
baywang kung ang aking ama ang siyang hahawak sa kabilang dulo ng lubid.

Bungan g sariling kapasiyahan, pagtitiwala, at paniniwal sa kaniyang ama, napapayag muli upang
ibaba sa malalalim na bangin.

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit pumayag ang batang magpatihulogsa bangin habang may tali sa kaniyang baywang?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano ang nagbunsod sa bata upang magbago ang kaniyang desiyon?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Bakit sa palagay mo ay pinili niya ang kaniyang ama na humawak ng kabilang dulo ng tali?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Bakit mahalaga ang pagtitiwala ng bawat kasapi ng pamilya sa isa’t –isa?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Ikaw, paano mo ipinakikita ang pagtitiwala sa iyong kapamilya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isaisip

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit sinasabing pangunahing institusyon ng lipunan ang pamilya?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang protektahan ng estado ang pamilya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Sa paanong paraan kaya mapoprotektahan ng estado ang pamilya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Bakit mahalagang kalingain at arugain ng pamilya ang nakakatandang kasapi nito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Magbigay ng isa sa mga karapatan ng batang kasapi ng pamilya. Paano kaya matutugunan o
mapoprotektahan ng pamilya ang karapatang ito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
6. Paano inihanda ng pamilya ang kasapi nito sa pagharap sa mga hamon ng buhay?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
7. Bakit sinasabing ang masayang pamilya ay nakalilikha ng masayang bansa?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

8. Ilarawan ang iyong pamilya?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
9. Ilahad ang mga hamong kinaharap o kinakaharap ng iyong pamilya. Paano ninyo ito pinagtutulungang
malutas?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
10. Paano ka nakatutulong sa pagpapanatili ng katatagan ng iyong pamilya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isagawa

A. Bumuo ng sarili ninyong “Family Tree”.Talakayin ang mga tungkulin at gampanin ng bawat kasapi ng
pamilya upang mapanatili itong matatag at masaya.

B. ( Record sa video ng inyong celphone habang ginagawa ang kard pagkatapos ipasa sa messenger)
Kaarawan ng isa sa kasapi ng inyong pamilya.Naisip mong gawan siya ng kard. Para sa iyo ay mas
personal na kaugnayan kung ikaw mismo ang gagawa ng kard. Gamit ng mga bagay na niresiklo ay
gagawa ka ng kard. Sikaping maging maganda at maayos ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga
adorno. Sa loob ng kard ay sumulat ka ng pag-alay o mensahe. Sikaping paksain nito ang iyong
pagpapahalaga sa kaniya bilang kasapi ng inyong pamilya.
Tayahin

 Post Assessement
A. Talakayin ang tulong o naging bahagi ng pamilya sa bawat yugto ng ating buhay. Punan ng hinihinging
impormasyon ang talahanayan sa ibaba.

YUGTO NG BUHAY NAGING BAHAGI NG PAMILYA

Sanggol at pagiging bata

Nagdadalaga at nagbibinata

Adulto

Pagtanda

B. Itala sa palagay mo ang bentahe o disbentahe ng nuclear family o extended family. Punan ng
hinihinging impormasyon ang talahanayan sa ibaba.

URI NG PAMILYA BENTAHE DISBENTAHE

Nuclear Family

Extended Family
Karagdagang Gawain/Takdang Aralin

MGA KASAPI NG PAMILYA MGA KATANGIAN TUNGKULING GINAGAMPANAN PARA

MAPANATILING MATATAG ANG
AMING PAMILYA

Itala sa ibaba ang mga kasapi ng iyong pamiilya ( kasama ikaw) at ang tungkulin na kanilang ginagampanan.
Punan ang talahanayan sa ibaba.

SANGUNIAN:

Marangal (Edukasyon sa Pagpapakatao) 8, Konstitusyon ng Pilipinas, Internet

Inihanda ni :

SR. JOSETTE C. GENEROSO, CP

Guro

You might also like