You are on page 1of 2

Takdang Aralin sa ESP

Gawain 1: Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-Unawa

Pamilya

1. Paglalarawan:
- Ang pamilya ay itinuturing ang pinakamaliit na sangay ng lipunan, ito’y isa sa pinakaimportanteng parte o sektor
sa ating buhay. Ito’y tumutugon sa pinakapangunahing pangangailanan ng isang tao, katulad ng tahanan, pagkain,
edukasyon, atbp.

2A. Ano ang layunin ng isang pamilya?


- Ang layunin ng pamilya ay pangalagaan ang mga anak at ang bawat miyembro nito. Layunin din nitong
matugunan ang pangangailangan ng bawat isa. Layunin nitong turuan ng karapatan, tamang asal, at gawi ang mga
anak upang sila’y maging isang mabuting miyembro ng lipunan at bansa.

2B. Ano ang kontribusyon ng pamilya sa lipunan?


- Madaming kontribusyon ang pamilya sa lipunan natin, isa rito ay ang pagtuturo ng asal, tamang gawi, gabay,
pagkontrol ng emosyon, karapatan, atbp sa kanilang mga anak, upang sa kanilang paglabas o pagsama sa lipunan
ay mayroon na silang natutuhan, at pwede na nilang paunti-unting abutin ang gusto nilang pangarap at hangarin sa
buhay, dahil ang kanilang mga magulang ay ang naging unang guro nila.

2C. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan?


- Ang mga nakikitang tunguhin ng isang pamilya ngayon ay tugunan at bigyan ng pangangailangan at pagmamahal
ang mga miyembro nito, magkaroon ng malalim ng koneksyon ang bawat miyembro, at paglaki ng anak ng tuwid,
tama at mabuti.

2D. Ano ang kasalukuyang kalagayan nito sa ating bansa? Ano ang ginagawa nito tungo sa pagkamit ng
kanilang layunin? Mayroon ba itong nagiging impluwensiya sa mga mamamayan at naiambang na tulong sa
pag-unlad ng lipunan?
- Ang kalagayan ng mga pamilya ngayon sa Pilipinas ay hindi masyadong maganda. Dahil sa pagtaas ng mga
presyo ng bilihin, maagang pag-aasawa o pag-aanak, pag-divorce o pag-diborsyo ng mga asawa na ang resulta’y
nadadama’y ang anak, atbp. Ang ginagawa nito upang makamit ang kanilang layunin ay pagtutulungan,
pagkakaroon ng komunikasyon sa bawat isa, at pagkakaintindihan ng mga sari-sariling problema, kahinaan at
kalakasan. Madaming nagiging impluwensiya ang pamilya dahil ito nga ang naghuhubog at nagtuturo ng asal at
mga papahalagan o values ng mga miyembro nito, at madami rin silang naiaambag na tulong sa pag-unlad ng
ating lipunan. Dahil kung walang pamilya na magtuturo ng mga mabuting asal at halaga katulad ng tiyaga, takot
sa diyos, at iba pa ay wala tayong makikitang mga mabubuting tao sa gobyerno, trabaho, bansa, kapulisan, atbp.

2E. Nakakatulong ba ito sa pagkamit ng layunin ng lipunan? Magsulat ng komprehensibong paliwanag.


- Oo, dahil eto ang naghuhulma o nagbubuo ng isang tao, kaya dapat ay pinapalagahan ang pamilya, at nararapat
lang na huwag itong pabayaan dahil dito nagsisimula ang ugali, pagpapahalaga, asal, hangarin, layunin, at
relihiyon ng isang tao.

4A. Ano ang maitutulong ng mga sektor ng lipunan (pamilya) na nabanggit sa pagkamit ng layunin ng
lipunan?
- Ito ang naghahanda at nagtuturo ng tama sa mga bata o mga anak ng pamilya. Upang sa kanilang paglaki ay
makatulong sila sa pagkamit ng layunin ng lipunan na kanilang tinitirahan.

4B. Ano ang maaaring maganap kung hindi matutupad ng mga sektor (pamilya) na ito ang kanilang mga
tungkulin sa lipunan?
- Kung hindi matutupad ng pamilya ang tungkulin sa lipunan ay hindi magkakaroon ng lipunan. Dahil sabi nga ang
pamilya o ang tao ay ang bumubuo ng lipunan. Kapag hindi nagkaroon ng pamilya ay hindi magkakaroon ng
mabuting asal, pagpapahalaga, pagmamahal at tamang layunin ang mga anak o tao na nasa isang lipunan. Kaya
hindi magkakaroon ng pagtutulungan ang lipunan, at dahil na rin dito ay walang makakamit na layunin ang
lipunan na naglalaman ng mga pamilyang hindi ginagawa ang tungkulin ng nito.

4C. Paano matitiyak na makatutulong ang lahat ng sektor (pamilya) na ito upang gawing matiwasay ang
lipunan?
- Matitiyak na nakakatulong ang sektor ng pamilya kung ang lipunan ay matiwasay at maayos. Dahil ang mga
emosyon at layunin ng isang tao ay nagmumula sa kanyang pamilya.

4D. Kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na nabangit, ano kaya ang layunin na ito?
- Kung magkakaroon ang lahat ng sektor ng iisang layunin ay ito’y mapaganda ang kanilang lipunan, mapaganda
ang kanilang buhay, at magawa ito na kasama ang kanilang pamilya, kapitbahay, kaklase, at kapwa.
4E. Paano makatutulong ang mga sektor (pamilya) na ito ng lipunan sa pagkamit ng kaganapan ng iyong
pagkatao?
- Ang pamilya ang naghuhubog ng pagkatao ng anak, makakatulong ang pamilya sa paggabay, pagtulong,
pagintindi, at pagbigay ng opinyon kung ano ang tama at mali. Kaya ito ang pinakaimportanteng sektor na
makakatulong sa pagkamit ng kaganapan ng aking pagkatao. Makakatulong ito sa pagbigay sa akin ng gabay at
opinyon, at magagmit ko iyon sa aking mga problema at layunin sa buhay. Upang sa aking paglaki ay makatulong
ako sa aming lipunan, lalo na sa aking pamilya.

B13 – Ladiza, David Ian C.

You might also like