You are on page 1of 2

Pangalan: _________________________ Baitang: _________________ Iskor: _______

Paaralan: ________________________ Guro: ____________________


Asignatura: EDUKASYON SA PAGPAPAKAHALAGA 8 – WEEK 3 LAS 2

ANG MISYON NG PAMILYA SA PAGBIBIGAY NG EDUKASYON, PAGGABAY SA


PAGPAPASYA, AT PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA

Ang pagtupad ng mga magulang sa tungkulin sa kanilang mga anak ang siyang
susi sa pagkakaroon ng isang masayang pamilya. Nararapat na sa simula pa lang ay
naibigay na nila ang tamang edukasyon, paggabay sa tamang pagpapasya ng kanilang
mga anak at ikintal sa isipan ang kahalagahan ng pananampalataya sa Diyos na gawin
itong sentro ng kanilang buhay
Mahalagang handa ang mga anak na harapin ang anumang hamon na darating sa
buhay. Magagawa lamang nila ito kung naihanda sila ng kanilang mga magulang gamit
ang pagpapahalagang naituro sa kanila sa loob ng tahanan bilang sandata sa anumang
mga banta katulad ng pornograpiya, droga, maruming politika, peer pressure at iba
pa.
Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging
matagumpay, masaya at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa
kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting pagpapasya at
bigyang laya sa pagpapasiya para sa kaniyang sarili.
Nang dahil sa hindi sapat ang karanasan tungo sa wastong pagpapasya, may mga
kabataang nagiging kasapi ng gang, may dalagang maagang nabubuntis, may mga
nalulong sa droga, may mga kabataang nakagagawa na ng krimen. Ang lahat ng ito ay
banta at bunga ng kawalang kakayahan ng ilang mga kabataan na gumawa ng mabuting
pagpapasya.
Ang pananampalataya ang siyang nagpapatibay ng samahan ng isang pamilya.
Mahalagang tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya ang Diyos at ang tunay
na pananampalataya sa Kaniya ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya at sa
ugnayan ng mga kasapi nito.
Napakahalaga ring mahubog kayo ng iyong mga magulang sa kahalagahan ng
edukasyon.Ito ang iyong magiging sandata laban sa kahirapan. Sa panahon ngayon
maraming mga tao ang naghihirap dahil sa kawalan at kakulangan ng edukasyon, marami
ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral na siyang naging dahilan na walang maayos na
hanapbuhay. Kaya kung ikaw ay may edukasyon at may kaalaman tiyak na magkakaroon
ka ng maayos at magandang buhay.
Tanong:
1. Ano ang pinakamahalagang naiambag ng iyong magulang sa iyong pagkatao?

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________.

2. Bakit mahalagang malinang ang paghubog ng pananampalataya sa buhay ng


isang tao?

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________.

1|P a ge
Ref: ESP 8 Self-learning Module 2 - Department of Education - SOCCSKSARGEN 1ST Edition, 2020
3. Bakit kailangan nating gawing sentro ang Diyos sa ating pamilya?

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________.

4. Paano nakatutulong ang edukasyon at pananampatalaya sa mabuting pagpapasya


ng isang tao?

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________.

2|P a ge
Ref: ESP 8 Self-learning Module 2 - Department of Education - SOCCSKSARGEN 1ST Edition, 2020

You might also like