You are on page 1of 3

TEKSTO 1 Pag-aaral sa Panahon ng Pandemya

Ni: Sylvia D. Gatus

Isang makabagong ilipin ng edukasyon ngayon ay ang modyular ilipi-aaral, Ito ay isang paraan upang
patuloy na matugunan ang pangangailangan ng mag-aaral sa pagtatamo ng mataas na antas ng karunungan.

Hindi ilipin hadlang ang pandemya ng Covid-19 upang ang ilipin ng edukasyon ay mapilayan. Bagkus
gumamit sila ng iba’t ibang alternatibo upang hindi mahinto ang pagbibigay ng karunungan sa mag-aaral, isa na
rito ang modyular ilipi-aaral na ginagamit ngayon ng karamihan sa mga pampublikong paaralan na walang
kakayahan upang isagawa ang Online Classes sa internet, Ito ay maisasakatuparan sa pakikipagtulungan ng bawat
isa. Kabilang sa mga ito ang magulang at iba pang miyembro ng pamilya na walang sawang nakipag-uugnayan sa
paaralan sa pagkalap ng mga kakailanganing materyales ng mga bata, Siyempre ang mga guro na hindi alintana
ang nakatatakot na pwedeng kasapitan sa pamamahagi at pagkalap ng modyul, Higit sa lahat ang mga kawani ng
edukasyon at pamahalaan na patuloy na lumalaban upang hindi mapilayan ang ilipin ng edukasyon.

Lahat ay nagpapatuloy sa kagalingan ng edukasyon kahit na nahihirapan.

Ang kahirapang dala ng bagong ilipin ay patunay lamang na ang edukasyon sa Pilipinas ay hindi pahihintulutan ang
kahit na anupamang pandemya o sakuna na magdudulot ng kahinaan sa pagbibigay ng kaalaman at karunungang dapat
matamasa ng isang mamamayang ilipino

1. Sa pamamagitan ng Concept Map, Itala ang pangunahing at mga pantulong na kaisipan sa teksto.

Pangunahing Kaisipan

Pantulong
na Kaisipan

Pantulong
na Kaisipan

Pantulong
na Kaisipan

2. Paano mo maiuugnay ang teksto sa iyong sarili at pamilya?

________________________________________________________________________________________

3. Ang kaisipan sa teksto ay tumutukoy sa pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng pandemya, Ipaliwanag?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
TEKSTO 2 Lugaping Kalikasan
ni: Sylvia D. Gatus
Marahang itindig ang kalikasang lugapi
Ng masaklap na pinagdaanag nagsabog ng lupit
Sa sangkalupaan at sangkatubigan na hinahagupit
Ng mga ganid at tusong sabik sa yamang pilit

Ganap ng sugatan ang maliit na binhi ng kapaligiran

Sugat na nagmula sa palaso ng mga lihim na kalaban
Kalaban na nagngangalit makakuha lamang ng kapirasong yaman
Kapalit ay malaking pagsabog sa galit ng kalikasan

Huwag nating hintaying kalikasan ay magsimulang manlupig

Dahil kahit ang taong walang malay sa kapalaluan ay hihiyaw ng pagtangis
Nakatatakot…Nakapangingilabot…
Huwag natin hintaying ang kalikasan sa atin ay mapoot

Ikaw kabataan alam kong taglay mo ang giting at kabayanihan

Habang may nang-aaba sa ating kalikasan ay lalo sanang mabuhay sa puso mo ang
tapang
Ang masuyong hagod upang ingatan ang kapaligiran ay bigyang puwang
Ipagtanggol mo ang kaloob sa atin ng Diyos na yaman

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Tukuyin ang damdaming naghahari sa teksto? Bakit ito ang tono ng teksto?
________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Anong kaisipan ang nakapaloob sa tekstong binasa?
________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Bilang kabataan, Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa kalikasan sa ating bansa at buong daigdig?
________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Kapag Nagmahal, Inaayawan

ni: Sylvia D. Gatus

Hindi lahat ng nagmamahal ay ginugusto. Mayroong nagmamahal na inaayawan

tulad ng mataas na presyo ng bilihin. Lubhang nakababahala ito sa maraming
Pilipino ngayon dahil ang pagtaas ng halaga ng basic commodities ng tao ay
nakisabay pa sa panahon ng pandemya.

Marami na ang mga pilipinong nagkukutkot ang kalooban sa sobrang taas ng

presyo ng bilihin sa pamilihan. Ang budget sa pagbili ng mga pangunahing
pangangailangan ay hindi na makasapat sa mga presyong nakahain sa pamilihan.
Ang dating presyo ng karne ng baboy na 240 kada kilo at karne ng manok na 160
kada kilo ay lubhang napakataas na sa bagong presyo nito. Gayundin ang presyo ng
mga gulay, isda, delata at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao.
Kaya si Juan Dela Cruz ay lubhang nababahala dahil ang suliraning ito ay nakaapekto
nang malaki sa miyembro ng kanyang pamilya, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo
ng bilihin napipilitan siyang pagkasyahin ang hawak na budget na sasapat sa kanyang
pamilya. Ano pa kayang magmamahal na produkto ang aayawang muli ni Juan Dela
Cruz?

1. Sa pamamagitan ng mga salitang nakasulat sa Graphic Organizer sa ibaba, Tukuyin kung ano ang
katotohanan at opinyon sa teksto.
Ilagay sa sagutang papel ang iyong sagot.

Katotohanan sagot
Opinyon sagot
2. Kapanayamin ang miyembro ng pamilya na siyang nagba-budget ng pangunahing pangangailangan ninyo,
Alamin ang mga pamamaraan na ginagawa niya upang mapagkasya ang budget ng pamilya.
______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Anong kaisipan ang nakapaloob sa akdang binasa?
______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

You might also like