You are on page 1of 11

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1-Modyul 4
(Linggo 7.2)
Ang Papel na Panlipunan at
Pampolitikal ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Unang Markahan- Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad

Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Antonio A. Aplacador Jr

Editor: Jenith D. Canada
Tagasuri: Gloria E. Fontelar
Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar
Tagalapat: Cynthia M. Bandol
I.PANIMULA
Magandang araw. Sa nakaraang modyul, natukoy mo na ang mga gawain o
karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan
(papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na
pampolitikal). Ang modyul na ito ay pagpapatuloy ng aralin tungkol sa panlipunan at
pampolitikal na papel ng pamilya.

II. LAYUNIN

Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at

pampolitikal na papel nito.

III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang dalawang papel ng pamilya sa komunidad?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Magbigay ng isang halimbawa ng pagtugon sa papel panlipunan ng pamilya?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Magbigay ng isang halimbawa ng pagtugon sa papel pampolitikal?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA

Ang smartphone ay hindi maipagkakailang isa sa pinakasikat na gadget ngayon sa

mundo dahil sa napakaraming puwedeng gawin dito. Magbigay ng tatlong functions o gamit
ng smartphone at paano gagamitin ang mga functions na ito sa pagtugon sa papel
panlipunan at pampolitikal ng pamilya. Sundan ang halimbawa.

1
Function/Gamit ng Paraan ng pagtugon sa papel
Smartphone ng Pamilya

Halimbawa:
Pag-“text” Magpapadala ng mensahe ng
pagbati sa mga kakilala sa
kanilang mahalagang araw.
Ikaw Naman:

1. _______________ ________________________
________________________
________________________
________________________

2. ________________ ________________________
________________________
________________________
________________________

3. ________________ ________________________
________________________
________________________
________________________

Mga Tanong:

1. Malaki ba ang naitutulong sa pamilya ng cellphone/gadgets sa pagtugon sa kanilang

papel na panlipunan at pampolitikal? Pangatuwiran.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ginagamit mo ba ang iyong cellphone/gadget upang matugunan ng iyong pamilya

ang inyong papel na panlipunan at pampolitikal? Magbigay ng halimbawa.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

V. PAGPAPALALIM

Panuto: Basahin at unawain ang sanaysay. Sugutin ang kasunod na mga tanong.

Ang papel na panlipunan ng pamilya ay dapat ding maipahayag sa pamamagitan ng

pakikialam sa politika. Kalakip nito ay dapat na alam din ng pamilya ang mga natural at legal
na karapatan nito. Dapat din na pangunahan nito ang pagpapabago sa lipunan at hindi
magpabaya sa kaniyang mga tungkulin.

2
Ang sumusunod ay ang mga karapatan ng pamilya:

1. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o ang karapatan ng lahat ng

tao, mayaman man o mahirap, na magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat na
panustos sa mga pangangailangan nito.
2. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng
buhay at pagtuturo sa mga anak.
3. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya.
4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal.
5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at
pagpapalaganap nito.
6. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon, pananampalataya,
at pagpapahalaga sa kultura sa pamamagitan ng mga kailangang kagamitan,
pamamaraan, at institusyon.
7. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan,
pampolitikal, at pang-ekonomiyang seguridad.
8. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
9. Ang karapatan upang makapagpahayag at katawanin (ng mambabatas o asosasyon)
sa harap ng mga namamahala o namumuno kaugnay ng mga usaping pang-
ekonomiya, panlipunan, o kultural.
10. Ang karapatang magbuo ng asosasyon kasama ang ibang mga pamilya at samahan,
upang magampanan ng pamilya ang mga tungkulin nito ng mas karapat-dapat at
madali.
11. Ang karapatang mapangalagaan ang mga kabataan sa pamamagitan ng mga
institusyon at batas laban sa mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba
pa.
12. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na “Dapat pag-ibayuhin ng bawat
paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag pamilya ang pangangalaga at
ng mga pagpapahalagang pampamilya. pagbabantay sa mga karapatan
13. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat- at tungkulin nito dahil maraming
dapat na pamumuhay at kamatayan.
14. Ang karapatang mandayuhan sa ibang
banta sa integridad ng pamilya sa
probinsya o bansa para sa mas mabuting makabagong panahon.”
pamumuhay.

Nararapat na manguna ang pamilya sa pagtitiyak na ang mga batas at mga

institusyong panlipunan ay hindi taliwas, sa halip ay nagsusulong at nangangalaga sa mga
karapatan at tungkulin ng pamilya.

Mga Tanong:

1. Sa paanong paraan maipahahayag ang panlipunang papel ng pamilya?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Bakit dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga sa pagbabantay sa
mga karapatan at tungkulin nito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3
3. Magbigay ng isang karapatan ng pamilya na sa tingin mo ay kadalasang
napapabayaan sa inyong komunidad at ang dahilan nito.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

VI- PAGSASAPUSO

Gawain 1 : Natutuhan sa modyul

Panuto: Gamit ang acronym na P-A-P-E-L, isulat ang mga natutuhan mo sa aralin ngayon.

P - ___________________________________________________________
A - ___________________________________________________________
P - ___________________________________________________________
E - ___________________________________________________________
L - ___________________________________________________________

Gawain 2: Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa sa modyul

Panuto: Sagutin ang katanungan.

Anong mahalagang reyalisasyon ang iyong napagtanto sa mga natutuhan mo?

_________________________________________________________________________

VII. PAGSASABUHAY

Panuto: Punan ang sumusunod na tsart. Punan ang unang hanay ng dalawang karapatan o
tungkulin ng pamilya na may kaugnay na isyu o insidente sa iyong pamilya sa
kasalukuyan. Sa ikalawang hanay, ilahad ang kaugnay na isyu o insidente ng
paglabag o hindi maayos na pagtugon sa karapatan at tungkulin ng pamilya na
nakatala sa unang hanay. Sa ikatlong hanay, ilahad ang plano kung paano ito
babantayan, igigiit, isasaayos o ipaglalaban.

4
Mga Karapatan at Mga Kaugnay na isyu o Plano kung paano ito
Tungkulin ng Pamilya insidente ng paglabag o babantayan, igigiit,
hindi maayos na pagtugon isasaayos o ipaglalaban
sa karapatan at tungkulin
ng pamilya

Halimbawa:

Ang karapatan sa tahanan o Ang aking pamilya ay Makikipag-usap ang aking

tirahang angkop sa maayos nakatira malapit sa malaking mga magulang sa ilan pang
na buhay pamilya sapa na kalimitang pamilyang nahihirapan din
bumabaha kung malakas tuwing bumabaha sa
ang buhos ng ulan dahil sa pamayanan at susulat sa
nasirang drainage system kapitan ng barangay upang
maisaayos ang nasirang
drainage system.

Ang karapatang magbuo ng Makikipagtulungan kami sa

asosasyon kasama ang ibang mga pamilya rito
ibang mga pamilya at upang maisaayos ang
samahan upang nasirang drainage system sa
magampanan ng pamilya tulong na rin ng mga Non-
ang mga tungkulin nito ng Government Organizations
mas karapat-dapat at madali (NGO’s) na
nagmamagandang loob na
makilahok sa pagsasa-ayos
ng drainage system
Ikaw naman:
_______________________ _______________________ _______________________

5
VIII. PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang kasunod na sanaysay at sagutin ang mga gabay na tanong.

COVID-19 bayanihan: Pang-beach sana ng pamilya pinambili ng

relief packs para sa mga kapitbahay

Sa Brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan, isang pamilya ang namahagi ng pagkain sa
mga kapitbahay gamit ang perang naipon para sana sa swimming. Isinuot na rin nila ang
mga pang-beach na damit dahil kanselado na ang kanilang outing. Ipinambili ng bigas,
delata, gulay, at iba pang pagkain ang perang naipon para sa pagbabakasyon ng pamilya
nina Grace at Christopher Chan.

Ayon sa kanila, paminsan-minsan silang lumalabas para mamahagi ng relief goods.

Isang linggo na rin daw nila ipinangluluto ang kanilang mga kapitbahay ngayong may
enhanced community quarantine sa Luzon.

"Siyempre, nakikita mo ang kapuwa mo nagugutom, tutulungan mo. Tutulong kami

hanggang kaya namin," ayon kay Grace.

Ayon kay Christopher, isinusuot nila ang kanilang pang-summer na damit habang
namimigay ng relief goods ngayong hindi na sila makakapag-swimming.

Inanyayahan din ni Christopher ang kapuwa na tumulong, lalo na kung may kaya
naman na mamahagi ng tulong para sa mga ito.

"We encourage everyone lalo na 'yung may kakayanan na tumulong, tumulong sa

kapuwa-Pilipino," aniya.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine na ipinatupad sa Luzon, ipinagbabawal

ang mass gatherings gaya ng pagbabakasyon.

Mula sa ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang papel na ginampanan ng pamilya? Mahalaga ba ito? Bakit?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano ginampanan ng pamilya ang papel na ito?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano kaya ang naging epekto ng ginawa ng pamilya sa lipunan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

6
IX. KASUNDUAN

Basahin ang maikling kuwento sa ibaba. Ibigay ang iyong reaksyon.

Ang Biyuda sa Zarefat (I Hari 17:7-15)

Kinalaunan, natuyo ang ilog dahil hindi na umuulan. Iniutos agad ng Panginoon kay
Elias, “Pumunta ka sa Zarefat sa Sidon, at doon ka manirahan. May isang biyuda roon na
inutusan kong magpapakain sa iyo.”

Kaya pumunta si Elias sa Zarefat. Pagdating niya sa pintuan ng bayan, may nakita
siyang biyuda na nangangahoy. Sinabi niya sa babae, “Pakiusap, dalhan mo ako ng
kaunting tubig na maiinom.” Nang paalis na ang biyuda para kumuha ng tubig, sinabi pa sa
kanya ni Elias, “Pakiusap dalhan mo rin ako ng tinapay.”

Sinabi ng biyuda, “Nagsasabi po ako ng totoo, sa harap ng buhay na Panginoon na

inyong Dios, na wala na akong tinapay. Ang natitira na lang ay isang dakot na harina sa
mangkok at kaunting langis sa banga. Nangunguha nga po ako ng ilang pirasong kahoy dito
para dalhin sa bahay at lutuin ang natitirang harina para sa akin at sa anak ko, at kapag
naubos na namin ito, mamamatay na kami sa gutom.”

Sinabi ni Elias sa kanya, “Huwag kang mag-alala. Umuwi ka at gawin ang sinabi mo.
Pero ipagluto mo muna ako ng maliit na tinapay mula sa natirang harina, at dalhin mo agad
ito sa akin. Pagkatapos, magluto ka rin para sa iyo at sa anak mo. Sapagkat ito ang sinasabi
ng Panginoon, ang Dios ng Israel, ‘Hindi mauubusan ng harina ang iyong mangkok at hindi
mauubusan ng langis ang iyong banga hanggang sa araw na padalhan ko ng ulan ang
lupa.’ ”

Lumakad ang babae at ginawa niya ang sinabi ni Elias. Kaya may pagkain araw-
araw para kay Elias, at para sa biyuda at sa kanyang anak. Sapagkat hindi nauubos ang
harina sa mangkok at hindi rin nauubos ang langis sa banga, ayon sa sinabi ng Panginoon
sa pamamagitan ni Elias.

Ano ang kaugnayan ng kuwento sa mga tinalakay sa modyul na ito?

7
Mga Sanggunian

Paglinang ng kaalaman, kakayahan, pag-unawa: Larawan

https://pngriver.com/download-iphone-png-102422/download-iphone-png/

Pagtataya: Sanaysay
https://news.abs-cbn.com/news/04/14/20/covid-19-bayanihan-pang-beach-sana-ng-pamilya-
pinambili-ng-relief-packs-para-sa-mga-kapitbahay Posted at Apr 14 2020 12:54 PM

Kasunduan: Maikling Kwento (1 Hari 17: 7-15)

https://www.bible.com/tl/bible/1264/1KI.17.ASND

8
9

You might also like