You are on page 1of 10

Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 8 – Ikalawang Markahan – Unang Linggo

Pamantayan sa Pagkatuto:
1. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa EsP8P-IIa-5
2. Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa aspektong
intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan at politikal. EsP8P-IIa-5.2

LAYUNIN:

A. Kaalaman: Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa


B. Kasanayan: Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa
kanya sa aspektong intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan at politikal
C. Pandamdamin: Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng mabuting
pakikipagkapwa

Iskedyul Mga Gawain Sanggunian


Unang Gawain 1 – A Gabay sa
Araw Buuin ang isang puzzle. Hanapin at tukuyin ang sampung Edukasyon sa
salitang maituturing mong kapwa. Maaaring ang mga titik ng Pagpapakatao
salita ay pahalang, patayo, pabalik o padayagonal. Bilugan ang 8 TG p. 79-83
iyong sagot.

Modyul sa
Edukasyon sa
Pagpapakatao
8 LM p. 103-
113

Gabay sa
Edukasyon sa
Pagpapakatao
8 TG p. 83-84
Gawain 1 – B Sakay na!
Isulat ang pangalan ng mga taong itinuturing mong kapwa sa
ulong mga nakasakay sa dyip. Gamitin ang pagiging malikhain
sa pagguhit ng larawan sa pamamagitan ng paglalagay ng
kulay dito.
Ikalawang Gawain 2 http://lrmds.depe
Araw d.gov.ph/detail/2
Pagnilayan mo ang nagawang pakikipag-ugnayan mo sa kapwa 4/5536
sa aspektong intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan at
politikal sa kanilang pagkatao. Isa-isahin ang mga
pagbabagong naranasan sa bawat aspekto sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga taong nakatulong sa iyo sa paghubog at
paglago ng mga aspektong ito. Ipabasa at palagdaan sa isa sa
mga taong tumulong sa iyo sa paaralan ang bawat aspekto.
Isulat ang iyong sagot sa column.

Aspektong Intelektuwal
(Karagdagang kaalaman, kakayahan, pagpapaunlad ng
kakayahang mag-isip ng mapanuri at malikhain at
mangatwiran)

Nakaranas ako ng
Tinulungan ako ni:
pagbabago sa:
Halimbawa: Mr. Consuelo (Guro)
Sa EsP, nadagdagan ang Ate
aking kaalaman at Joan (kaklase ko)
kakayahan sa pagpapasiyang
moral.

Modyul sa
Edukasyon sa
Pagpapakatao
8 LM p. 114-
117

Lagda: ____________________ Petsa: _____________________


Aspektong Pangkabuhayan
(Kaalaman at kakayahang matugunan ang mga
pangangailangan ng sarili at ng kapwa)

Nakaranas ako ng
Tinulungan ako ni:
pagbabago sa:

Halimbawa: Mama
Kakayahan kong magtipid Mr. Renante (barbero)
Victor (kaibigan ko)

Lagda: ____________________ Petsa: _____________________


Aspektong Politikal
(Kaalaman at kakayahang makibahagi sa pagbuo at pagtamo
ng makatao at makatarungang lipunan)

Nakaranas ako ng
Tinulungan ako ni:
pagbabago sa:
Halimbawa: Mama at Papa
Kakayahan kong pumili n Mrs. Zamora (gurong
glider na tutugon sa mga tagapayo)
pangangailangan ng mga Opisyal ng barangay
mamamayan at sumusunod Pulis
sa batas at ordinansa ng
lungsod, Halimbawa, bawal
lumabas ng bahay ng walang
suot na facemask at face
shield.

Lagda: ____________________ Petsa: _____________________


Ikatlong Gawain 3.
Araw Basahin at unawaing mabuti ang tula na naglalarawan ng
kahalagahan ng makabuluhang pakikipagkapwa. Matapos ito,
sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat ang iyong sagot sa
patlang.

ANG PAKIKIPAGKAPWA

Ang tao’y likas na panlipunang nilalang


Pakikipagkapwa tao’y dapat na malinang;
Aspektong intelektuwal, politikal, panlipuna’t pangkabuhayan
Lubhang mapagyayaman sa pakikipag-ugnayan.

Pangangailanga’y madaling matugunan


Sa pagkakaroo’t pagiging bahagi ng mga samahan
Nalilinang ating kusa’t pagiging mapanagutan
Pati na ang pagtataguyod sa ating karapatan.

Paano pakisamahan ang taong mapagmalaki?


Ayaw makiisa, lubha pang makasarili?
Huwag magpaapekto at magpakagalit
Kabutihang panlahat ang atin laging isaisip.

Pakikipagkapwa’y linangin nang may pagmamalasakit


Laging isipin na kapwa’y kapantay, katulad din natin
Sa bawat salita’t kilos, iwasang makasakit
Nakabubuti sa atin, sa kapwa’y gawin din.

Kung ang kapwa ay minamahal nang lubusan


Sa bawat pagkakataon, tunay siyang paglingkuran
Ibahagi ang sarili, makipag-ugnayan nang makabuluhan
Kapanatagan, kaligayahan, at kaganapan, ating ngang
makakamtan.

1. Paano mo pakikitunguhan ang taong ayaw makiisa at


makibahagi sa mga gawain ng pangkat?

Sagot:
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________.
2. Ano ang maaaring gawin upang maipakita ang
pagmamalasakit sa kapwa?

Sagot:
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________.
Ikaapat na Gawain 4.
Araw Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
sagot sa patlang.
a. Sino-sino ang itinuturing mong kapwa? Gaano sila
kahalaga at ano ang bahaging ginagampanan
nila sa iyong buhay?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________.
b. Kaya mo bang mabuhay nang walang kapwa? Sang-
ayon ka ba sa pahayag na “No man is an
island?” Ipaliwanag.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________.
c. Ano ang iyong nararamdaman kapag tinutulungan ka
ng iba sa iyong mga pangangailangan? Ano ang iyong
nararamdaman kapag nakatutulong ka sa iba?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________.

Ikalimang Performance Task/Pamantayan sa Paggawa e.g. bond


Araw Sumulat ng islogan tungkol sa “Kahalagahan ng Kapwa” gabay paper, art
ang sumusunod na kraytirya. materials, etc

(Halimbawa ng Slogan: Laging igalang ang magulang upang


pagpapala ay makamtan, kaya huwag silang kakalimutan
upang hindi nila tayo tatalikuran.)

Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa - 40%
b. Paggamit ng Salita - 30%
c. Orihinalidad - 20%
d. Kalinisan - 10%
Nakapaloob:

Bakit mahalaga ang pakikipagkapwa? Paano nagiging ganap ang tao sa


pamamagitan ng pakikipagkapwa?
Nilikha ang tao ayon sa larawan at wangis ng Diyos; binigyan siya ng
makakasama at makakatulong. Niloob ng Diyos na ang tao ay mamuhay nang may
kasama at maging panlipunang nilalang (social being) at hindi ang mamuhay nang
nag-iisa (solitary being). Ang kapwa ay taong labas sa iyong sarili, maaaring iyong
magulang, kaibigan, kaklase, at pati na rin kaaway (Agapay, 1991)
Ito ang pakikipamuhay sa ibang tao at paglilingkod sa isa’t isa sa
pamamagitan ng diyalogo. Nilalahukan ng respeto at pagmamahal. Kailangan ang
mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa. Naaapektuhan ng mga ginagawa natin ang mga tao sa ating
paligid; gayundin naman, tayo ay naaapektuhan nila dahil tayo ay magkakaugnay.

Aspektong Intelektwal – karagdagang kaalaman, kakayahan,


pagpapaunlad ng kakayahang mag-isip nang mapanuri, at malikhain, at
mangatwiran.
Aspektong Pangkabuhayan – kaalaman at kakayahang matugunan ang
pangangailangan ng sarili at kapwa.
Aspektong Pampolitikal at Panlipunan – kaalaman at kakayahang
makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng makatao at makatarungang lipunan.

Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rule:

• “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.”


• “Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”
• “Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.”
• Kahalagahan ng Diyalogo
• Ang Kahalagahan ng Pagkakaisa
• Komunikasyon, at Pagtutulungan
• Kahalagahan ng Pagbuo at Pagsali sa mga Samahan
• Pakikipagkapwa-tao : Kalakasan at Kahinaan ng Pilipino

Katangian ng Makabukuhan at Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Kapwa

• Madalang magkasakit
• Madaling gumaling
• Mahaba ang buhay
• May kaaya-ayang disposisyon sa buhay
Prinsipyo ng Pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa Kapwa
• Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapuwa
• Pagpapahayag ng mga damdamin
• Pagtanggap sa kapuwa
• ag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapuwa (confidence)
May mga pangangailangang maaari lamang matugunan sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan sa kapwa. May mga pagkakataong kahit likas sa tao ang
makipag-ugnayan sa iba, humahantong ang ugnayan o samahan sa di
pagkakasundo. Dahil dito, sinisikap ng lipunang sa pamamagitan ng iba't ibang
samahan o organisasyon nito, na makamit ang kabutihang panlahat sa
pamamagitan ng pagtataguyod ng ugnayang may pagkakaisa (solidarity),
komunikasyon o diyalogo at kooperasyon o pagtutulungan.
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 – A
Gawain 2 – B: Malayang sasagutin ng mga Mag-aaral ang nasa gawaing ito.
G X R E R S H J K L Q O
F G N A G I B I A K D E
J M R K U C Y U O A P R
L S G R R H A I R A P R
U D H D O K T O R W W Y
O I J D P M A M I A C F
D T P Y N T T U J Y P U
X A K A E S A L K A K I
R P N H J H V D F S R E
M A L I K R X F H R R A
Y K R O L E B D S B L Y

Gawain 2: Malayang sasagutin ng mga Mag-aaral ang nasa gawaing ito.


Gawain 3: Malayang sasagutin ng mga Mag-aaral ang nasa gawaing ito.
Gawain 4: Malayang sasagutin ng mga Mag-aaral ang nasa gawaing ito.

Performance Task/Pamantayan sa Paggawa

Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa - 40%
b. Paggamit ng Salita - 30%
c. Orihinalidad - 20%
d. Kalinisan - 10%
Sanggunian
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 79-83

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 103-113

Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 83-84


Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 114-117

http://lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5536

Prepared by:

JOSE A PASCO
SST - I/STA. MARIA IS

You might also like