You are on page 1of 10

Name: _______________________ Grade and Section: _________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Baitang 4

KWARTER 1: PANANAGUTANG PANSARILI AT PAGIGING MABUTING KASAPI NG PAMILYA

UNANG LINGGO

Modyul 1: Lakas ng Loob, Galing sa Pamilya Ko

Panimula
Mahalagang maging matapat sa ating saloobin. Handa tayong marinig positibo
man ito o negatibo. Sa bahaging iyon, dapat din ay handa tayo at may lakas ng loob na
maging bukas sa katotohanan anuman ang maging bunga nito. Kaakibat na pagiging
bukas sa kalalabasan ng katotohanan ay ang pagkakaroon ng kalakasan ng loob.

Ang kalakasan ng loob ay mahalaga upang magtagumpay sa buhay. Ito ay isang

katangiang kinakailangang taglayin upang maisagawa o maisakatuparan ang anumang
mithiin sa buhay.

Ang isang taong nagtataglay ng lakas ng loob ay hindi sumusuko sa anumang

suliraning kahaharapin at ganoon din sa pagpapamalas ng kanyang kakayahan. Kapag
ang isang tao ay may kalakasan ang loob, hindi siya mahihiyang ipakita ito sa iba. Hindi
niya itatago ang angking talento sa iba bagkus ito ay ipapakita niya. Hindi upang
ipagmalaki kundi upang higit na paunlarin at ipagpasalamat sa Diyos ang biyayang
ipinagkaloob sa kanya.

Ang kalakasan ng loob ay dapat na samahan ng katatagan at tibay ng loob upang

mas higit na magtagumpay sa buhay.

Ikaw, paano mo ipanapamalas ang kalakasan ng iyong loob?

I. Layunin
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy ang kahalagahan ng pagsasabi ng katotohanan anuman ang maging
bunga nito.
2. Naisasagawa ang pagsasabi ng katotohanan nang may kalakasan ng loob.
3. Naisasapuso ang pagsasabi ng katotohanan positibo man o negatibo ang maging
bunga nito.

4. Naisasabuhay ang pagsasabi ng katotohanan.

5. Nasusubok ang pagsasabi ng katotohanan.

1|Page
II. Mga Gawain

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagpapahiwatig ng kawastuhan at

Mali kung hindi.
________1.Sumasama ang aking loob kapag itinatama ng ibang tao ang aking
nagawang kamalian.
________2.Hindi ako nahihiyang ipamalas ang aking kakayahan sa ibang tao.
________3.Ang pagtanggap sa puna ng iba ay bahagi ng pagkakaroon ng kalakasan
ng loob.
________4.Marapat na ipamalas ko ang aking kakayahan upang higit ko itong
mapaunlad.
________5.Ang kalakasan ng aking loob ay ginagamit ko upang makapagsabi ng
katotohanan sa aking kapwa.

ALAMIN MO

Pakikipagtalastasan)
(

Gawain 1: Pagpapakilala sa Sarili

Panuto: Magdikit ng iyong larawan sa mukha ng ginuhit na tao. Isulat sa loob ng

“speech balloon” ang ginagawang pagpapakilala sa unang araw ng klase. (Piliin ang
tao ayon sa iyong kasarian.)

Tanong:
Paano ipinapamalas ang kalakasan ng loob sa unang araw ng klase?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2|Page
Gawain 2: Pagkilala sa Sarili
Panuto: Iguhit ang iyong kamay sa loob ng kahon at sa bawat daliri ay isulat ang iyong
mga kakayahan o kalakasan.

Mga Tanong:
1. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga kalakasan o kakayahan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Paano mo ipinapakita ang iyong mga kalakasan o kakayahan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Mahalaga ang pagkakaroon ng kalakasan ng loob upang maipakil ala ang sarili sa
ibang tao at masabi ang katotohanan sa iba. Bahagi rin ng pagpapamalas ng
kalakasan ng loob sa iba ay ang pagpapakita ng angking kakayahan o kalakasan.

ISAGAWA MO
(Pagtutulungan)

Gawain 3: Aking Kalakasan o Kahinaan

3|Page
Panuto: Isulat sa mga kahon ang naglalarawan ng iyong sarili o madalas mong naririnig
mula sa ibang tao tungkol sa iyong sarili. Isulat sa loob ng puso ang maituturing mong
kalakasan at sa bituin ang iyong mga kahinaan. (Halimbawa: Mahusay umawit, Mahina
sa Matematika)

Mga Tanong:

1. Paano mo nasabing iyong mga kalakasan ang naisulat mo sa loob ng mga puso?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Bakit mahalagang matukoy mo ang iyong mga kahinaan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Paano mo pauunlarin ang iyong mga kakayahan at kahinaan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4|Page
Gawain 4: Katuwang sa Pagkakaroon ng Lakas ng Loob

Panuto: Idikit sa “jewel” ang larawan ng tao / mga taong tumutulong sa iyo upang higit na
mapaunlad ang mga kakayahan o kalakasan.

Tanong:
Sino ang iyong dinikit? Ano ang ginagampanan niya sa pagpapaunlad ng iyong
kakayahan o kalakasan? ___________________________________________
_______________________________________________________________
Ang kakayahan o kalakasan at kahinaan ay dapat na matukoy natin upang
higit na makilala ang sarili. Dagdag pa, anumang katotohanan o puna na
marinig mula sa iba patungkol sa ating kakayahan o kalakasan o kahinaan ay
dapat na tanggapin.

ISAPUSO MO (Pagbuo ng
Pagkatao)

Gawain 5: Ako ay Natatangi

Panuto: Magsulat ng isang pangyayari sa buhay na nagpamalas ng kalakasan at

katatagan ng loob sa pagharap sa maraming tao.

5|Page
________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Ano ang iyong naramdaman sa iyong sinulat na pangyayari sa iyong buhay? Bilugan ito
sa mga sumusunod na emosyon. Maari din iguhit ang iba pang naramdaman sa huling
bilog.

Gawain 6: Kakayahan o Kalakasang Maipagmamalaki

Panuto: Gumawa ng panawagan sa mga kapwa kabataan na dapat ay ipamalas ang

sariling kakayahan o kalakasan.

6|Page
Ang kalakasan at katatagan ng loob ay mahalaga upang maipamalas ang
kakayahan o kalakasan sa ibang tao. Kaakibat nito ay ang pagiging bukas sa
katotohanan ng ating kakayahan o kalakasan.

ISABUHAY MO
(Pagkamalikhain)

Gawain 7: Repleksyon ng Sarili

Panuto: Iguhit sa loob ng salamin ang iyong nakikitang sariling kakayahan o
kalakasan.

7|Page
Gawain 8: Pasasalamat sa
Kalakasan o Kakayahan Panuto: Sumulat ng maikling panalangin ng pasasalamat sa

Diyos para sa kalakasan o kakayahang ipinagkaloob ng Diyos sa iyo.

Gawain 9: Journal ng Aking Pagkatuto

Panuto: Kumpletuhin ang bawat pahayag upang mataya ang natutuhan sa araling ito.

Ang aking natutunan ay ____________________ ________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Ang aking naramdaman ay _________________________________________

8|Page
_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Ang aking natutunan ay _____________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

ISAISIP MO

(Mapanuring Pag -iisip)

Mahalagang maisabuhay ang pagpapamalas ng kalakasan at katatagan ng loob.

Kailangan din nating isipin ang katapatan sa katotohanan ng ating kakayahan o
kalakasan anuman ang maging bunga nito.

PAGTATAYA

Panuto: Basahin nang mabuti. Piliin at biluganang titik ng tamang sagot.

1. Magkakaroon ng palatuntunan sa Paaralang Elementarya ng Andres Bonifacio.

Sino sa mga sumusunod ang nagpakita ng wastong pagpapamalas ng kanilang
kakayahan o kalakasan?
A. Si Jose na tinanggihan ang paanyaya ng guro na siya ay umawit.
B. Si Maria na nagboluntaryo na sumali sa palatuntunan ng pagsasayaw.
C. Si Karen na nahihiyang makisali sa pagtatalumpati ng kanilang klase.

2. Sumali si Marco sa paligsahan ng pag-awit sa kanilang barangay. Hindi siya

nagtagumpay na manalo. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Hindi na muling sasali pa dahil masakit makarinig ng mga negatibong opinyon
mula sa iba.
B. Tatanggihan na lang ang iba pang mga paligsahan dahil baka matalo muli.
C. Sasali pang muli at higit na mag-eensayo para mas mapabuti ang kanyang
kakayahan.

9|Page
3. Ang iyong kaibigan ay nag-eensayo ng kanyang sayaw para sa susunod na linggo.
Napansin mo na hindi siya ganoon kabilib sa kanyang sarili. Ano ang dapat mong
sabihin sa kanya?
A. Kausapin siya at magsabi nang totoong saloobin sa kanyang ipapakitang
pagsayaw.
B. Hayaan na lamang siya dahil baka di na siya sumali.
C. Magsinungaling na lamang na siya ay mahusay upang hindi siya masaktan.

4. Si Laura na iyong pinsanay mahusay sa pagtutog ng gitara. Subalit napansin mong

lumabis ang kanyang pagkabilib sa sarili at nayayabangan na ang iba sa kanya.
Ano ang iyong gagawin?
A. Pupurihin si Laura sa kanyang kakayahan ngunit siya ay maayos na
pagsasabihan sa sobrang pagkabilib niya sa sarili.
B. Kakausapin siya at isusumbong yung mga taong nagsabi nang hindi maganda
sa kanya para niya itong awayin.
C. Hindi na lamang papansinin ang naririnig mula sa ibang tao.

5. Ikaw ay biniyayaan ng kahusayan sa paglalaro ng isports na badminton kaya sa

tuwing kayo ay may laban, madalas na ikaw ay manalo. Ano ang dapat mong isipin
sa biyayang ito?
A. Ito ay kakayahan na pinaunlad mo sa sarili kaya hindi mo kailangan tumanaw
ng utang na loob sa iba.
B. Magpasalamat sa Diyos sa biyayang ito at higit pa itong paunlarin bilang paraan
ng pagpupuri sa Kanya.
C. Hindi na ito higit pang papaunlarin dahil ikaw ay mahusay na sa larangang ito.

Binabati kita! Handa ka na sa susunod na aralin dahil nasa iyo na ang

katatagan upang labanan ang mga pagsubok sa pagaaral.

10 | P a g e

You might also like