You are on page 1of 29

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

MAPEH
GRADE 3
“MAPEH for Life”
Quarter 2 Week 4 Module 4
Most Essential Learning Competencies:

… Identifies the beginning, middle, ending and repetitions within


a song or music sample.
… Paints a still life by observing the different shapes, color and
texture of fruits, drawing them overlapping and choosing the right
colors for each fruit.

… describes movements in a location, direction, level, pathway


and plane.

…explains measures to prevent common diseases


PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang


lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng
panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para
lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa
pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul
na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin

1
UNANG PAGSUBOK

I. Panuto: Basahin ang pariralang pangmusika sa bawat aytem.


Tukuyin kung ang parirala ay simula, gitna, katapusan o
bahaging inuulit.

____________________ 1. … ang mamatay ng dahil sa iyo.

____________________ 2. Ang bayan ko’y tanging ikaw

____________________ 3. … dala dala’y buslo

II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


4. Ito ay isang uri ng sining na nagpapakita ng kaayusan
ng mga bagay na walang buhay. Maaaring ito ay likas
o mga bagay na gawa ng tao?

A. Still Life C.Crayon Resist


B. Overlapping D. Sketching

5. Sino sa mga sumusunod ang mga kilalang Pilipinong Pintor sa


pagguhit ng Stil Life?
A. Fernando Amorsolo C. Manuel Cadag
B. Vicente Manansala D. Lahat ng nabanggit

6. Ito ay isang technique sa pagpipinta na nakadaragdag ng


kawilihan sa larawan?
A. Sketching C. Overlapping
B. Color Resist D. Pointillism
7. Ito ay Kilos na hindi umaalis sa pwesto.
A. Kilos Lokomotor C. Kilos Di-Lokomotor
B. Pansariling Espasyo D. Pangkalahatang Espasyo

2
8. Ito ay espasyo sa iyong kinatatayuan.
A. Kilos Lokomotor C. Kilos Di-Lokomotor
B. Pansariling Espasyo D. Pangkalahatang Espasyo

9. Ito ay mga kilos di-lokomotormalibansaisa.


A. pag-unat C. pag-kamot ng ulo
B. pagtakbo D. pagyuko

10. Gaano kadalas dapat maligo ang isang batang katulad


mo?
A. Araw-araw
B. Tuwing may pasok lamang sa paaralan.
C. Tuwing mamasyal sa parke o sa Mall.
D. Tuwing ikalawang araw.

11. Paano mo maiiwasan ang pagkabulok ng iyong ngipin


at mabahong hininga?
A. Kumain ng bubble gum pagkatapos kumain.
B. Magmumog ng maligamgam ng tubig.
C. Magsipilyo 2 hanggang 3 beses sa isang araw.
D. Kumain ng tsokolate at kendi.

12. Alin ang dapat ugaliin upang makaiwas sa ibat-ibang


uri ng sakit na dulot ng mga mikrobyo?
A. Maglaro ng computer games sa loob ng bahay.
B. Panatilihin ang kalinisan sa katawan.
C. Pagkain ng tsitsirya at pag-inom ng softdrinks
D. Tumulong sa mga gawaing bahay.

3
MUSIKA
ARALIN 4: THE BEGINNING, MIDDLE, ENDING AND
REPETITIONS WITHIN A SONG OR MUSIC SAMPLE

INAASAHAN
1. Natutukoy ang simula, gitna, katapusang bahagi ng
awit at ang bahaging inuulit sa isang awitin.
2. Naipakikita ang kasiyahan sa pagtukoy; ang simula, gitna,
katapusang bahagi ng awit at bahaging inuulit sa awitin.

BALIK-TANAW
Panuto: Basahin ang bawat aytem. Iguhit sa patlang ang😊 kung

wasto ang isinasaad ng pangungusap at ☹ kung ito ay di-wasto.

__________ 1. Ang melody ay linya ng musika na binubuo ng


pinagsama-samang tono.
__________ 2. Ang melodic contour ay direksiyon ng melodiya.
__________ 3. Ang melodiya sa awit ay maaari tumaas, bumaba, o
manatili lamang.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Image Source:https://www.slideshare.net/razonlance/grade-3-music-teachers-guide

4
Ating suriin ang bahagi ng awit.

Simulang Bahagi

Gitnang Bahagi

Katapusang Bahagi

Bahaging Inuulit

Ang awit ay binubuo ng mga pariralang pangmusika. Ito ay may


simula, gitna, at katapusan na bumubuo ng isang kaisipang
pangmusika. Ang repeat mark (II: :II)ay simbolong ginagamit
upang ipakita ang pag uulit sa bahagi ng awit.

GAWAIN
Pagmasdan ang pyesa ng awiting “Do, Re, Mi Song”. Isulat kung
ang bahaging may bilog ay simula,gitna ,katapusan at inuulit na
bahagi ng awit.

5
Image Source: https://www.slideshare.net/razonlance/grade-3-music-teachers-guide

TANDAAN
Lahat ng awitin ay may bahaging simula, gitna, katapusan at
minsan ay mga bahaging inuulit. Ginagamit ng mga musiko ang
repeat mark ( II: :II ) upang magsilbing palatandaan ng pag uulit
ng isang bahagi sa awitin o tugtugin.

6
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Panuto: Basahin ang pariralang pangmusika sa bawat aytem.
Iguhit ang (ulap) kung ang pariralang pangmusika ay
matatagpuan sa SIMULA ng awit, (araw) naman kung
matatagpuan sa GITNA, at (buwan) kung ang parirala ay
matataguan sa KATAPUSAN ng awitin.

____________ 1. Paru-parong bukid na lilipad-lipad…

____________ 2. … sa paligid ligid ay puno ng linga

____________ 3. … Up above the world so high

SINING
ARALIN 4: STILL LIFE

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Naipipinta ang isang Still Life sa pamamagitan ng
pagmamasid sa mga hugis, kulay, at tekstura ng mga
prutas at nagagamit ang Overlapping Technique gamit
ang tamang kulay para sa bawat prutas.

BALIK-TANAW
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
_______1. Sino sa mga sumusunod ang mga kilalang Pilipinong Pintor
sa pagguhit ng tanawin?
A. Fernando C. Amorsolo C. Jonahmar Salvosa
B. Felix Resurreccion Hidalgo D. Lahat ng nabanggit

7
_______ 2. Alin sa mga sumusunod na kulay ang nagpapahayag ng
damdaming masaya?
A. Pula C. Itim
B. Asul D. Berde

_______ 3. Ano ang ipinapakita o ipinapahayag ng mga kulay gaya


ng bughaw o asul, luntiang bughaw at lilang pula?
A. Masaya C. Malungkot
B. Matapang D. Mainit

_______4. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng kombinasyon ng


mga kulay sa isang larawan ng tanawin?
A. Harmony sa kalikasan C. Kulay
B. Tekstura D. Hugis

_______5. Alin sa mga sumusunod na kulay ang nagpapakita ng


masayang damdamin?
A. Bughaw, luntiang bughaw, at lilang pula
B. Pula, dilaw, at kahel
C. Pula, bughaw, at berde
D. Pula, kahel, at asul

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Ang ating bansa ay mayaman sa mga likas na yaman katulad
ng mga bundok, dagat, hayop, at punong namumunga.
Tingnan ang larawan.
Pagmasdan kung paano nilagyan ng kulay ang mga prutas.

Artist: Ricardo M. Jimenez, Valeriano E. Fugoso Memorial Elementary School

8
Ang Still Life Painting ay kaayusan ng mga bagay na walang
buhay. Maaaring ito ay likas o mga bagay na gawa ng tao.

Ang Overlapping Technique o pagpapatong-patong ay


makadaragdag ng kawilihan sa larawan.

Mga Kilalang Pilipinong Pintor sa pagpipinta ng mga “Still Life”.

STILL LIFE (STARVING STOMACH)


STILL LIFE (LOBSTER) BY MANUEL CADAG
BY VICENTE MANANSALA

https://www.mutualart.com/Artwork/Still-Life--Lobster-/FA5D44C01E398A7D https://www.saatchiart.com/art/Painting-starving-stomach/756937/3519143/view

STILL LIFE (PAPAYA)


STILL LIFE (TROPICAL FRUITS) BY BONIFACIO CRISTOBAL
BY FERNANDO AMORSOLO

https://www.christies.com/lotfinder/Lot/fernando-cueto-amorsolo-the http://www.artesdelasfilipinas.com/archives/132/bonifacio-nicolas-cristobal-
-philippines -1892-1972-4179806-details.aspx rediscovering-a-forgotten-grea

GAWAIN
Maging Malikhain!
Gawain 1
Still Life Painting ng mga Prutas
Mga Kagamitan: Bond paper, Lapis, Water Color, Mixing pan,
Paint Brush, lumang diyaryo

9
Pamamaraan:
1. Pagmasdan ang iba’t ibang uri ng prutas sa inyong
tahanang .Tingnan ang kulay, hugis, at tekstura at kung
paano ito nagkapatong-patong ang prutas na gusto
mong ipinta.
2. Iguhit ang mga prutas gamit ang lapis.
3. Kulayan gamit ang water color.
4. Upang magmukhang tunay ang mga prutas, gumamit ng
mga neutral na kulay katulad ng puti at itim.
5. Upang maging mapusyaw ang ilang bahagi ng prutas,
ihalo ang puti sa kulay na gusto gamit ang brush.
6. Upang maging madilim ang ilang bahagi ng prutas,
lagyan ng itim ang napiling kulay.
7. Patuyuin at lagyan ito ng pamagat.

Pangalan: _________________________ Baitang at Pangkat: ________________

__________________
(Pamagat)

TANDAAN
Isaisip Mo!

Ang Still Life Painting ay kaayusan ng mga bagay na


walang buhay. Maaaring ito ay likas o mga bagay na gawa ng
tao.

10
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Subukin Mo!
Panuto: Iguhit ang mga prutas sa kahon gamit ang Overlapping
Technique at kulayan ito gamit ang Water Color

11
EDUKASYONG PANGKATAWAN
ARALIN 4: Tiklos Ating Sayawin
INAASAHAN
Sa araling ito, mararanasan mong sumayaw ng isa sa
mga katutubong sayaw sa Pilipinas na pinamagatang “Tiklos.”

BALIK-TANAW

Anu – ano ang mga pangunahing hakbang sa pagsayaw


ng Tiklos?
Ang mga karaniwang mga hakbang ng sayaw na “Tiklos”
ay change step, heel at toe change step, cut step, at point step.

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

TIKLOS- ay isang sayaw na tumutukoy sa pangkat ng mga


manggagawa. Nagkasundo silang linisin ang kagubatan at ihanda
ang lupa sa panahon ng pagtatanim isang araw sa isang linggo.
Sa tanghali, sila ay nagtitipon upang kumain at magpahinga. Sa
oras ng kanilang pamamahinga ang musika ng “Tiklos” ay kanilang
tinutugtog gamit ang plawta at sinasabayan ng gitara, guimbal, o
tambora (isang uri ng tambol), at sumasayaw ang mga
manggagawa.

GAWAIN
Paalaala: Gagabayan ka ng inyong guro sa bawat gawain.
Patutugtugin muli ng guro ang musika ng “Tiklos.” Sasabayan mo
ito ng mga hakbang ng sayaw na “Tiklos” bilang pampasiglang
gawain. https://www.youtube.com/watch?v=_fmHMqGsPE4

12
13
Nasiyahan ka ba sa pagsayaw ng mga pangunahing hakbang?
Halina at tumungo na tayo sa ating bagong aralin. Tingnan ang
larawan.

Ano ang masasabi mo sa larawan?


Nakaranas ka na bang magsuot
ng ganitong kasuotan?
Saan madalas ginagamit ang
ganitong kasuotan?
DepEd LM p.316

Sa tulong ng guro, gagawin ninyo ang mga hakbang ng


kabuuang sayaw simula sa unang bahagi hanggang sa huli na
sinusunod ang wastong galaw ng mga hakbang.

Pormasyon: Ang magkapareha ay nakatayo na magkatapat na


may anim na talampakan ang layo sa isa’t isa. Kapag nakaharap
sa manonood, ang babae ay nakatayo sa kanang gilid ng
kapareha. Maaaring isa o higit pang pares ang makasasali sa
sayaw. Nasiyahan ka ba sa pagsayaw ng “Tiklos?” Ano ang
pakiramdam mo sa pagsayaw ng isa sa mga katutubong sayaw?
Panoorin ang sayaw.

https://www.youtube.com/watch?v=oeo26q6hz3g

TANDAAN

Ang “Tiklos” ay isang sayaw na tumutukoy sa pangkat ng


manggagawa na nagkasundong linisin ang kagubatan at ihanda
ang lupang pagtataniman isang araw sa isang linggo. Ang sayaw
ay may apat na figure, nasa 24 na kumpas ang musika. Ang
pangunahing hakbang na ginamit sa sayaw ay change step, heel
at toe change step, change step, point step, at cut step.

14
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Maghanap ng kapareha. Gawin isa – isa ang hakbang sa


pagsayaw ng Tiklos at sabayan ng bilang.
1. Change Step
2. Heel and Toe Step
3. Touch Step
4. Change Step
5. Cut Step

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Aling anyo (figure) ng sayaw ang iyong naisagawa nang wasto?
2. Alin namang anyo (figure) ng sayaw ang hindi mo naisagawa
nang wasto?
3. Sa eskalang 1-5, 1 ang pinakamababa at ang 5 ang
pinakamataas, kaya mo bang markahan ang lahat ng iyong
ginawa sa araling ito?

Ngayon ay kulayan mo ang mga bituin na magsasabi kung


paano mo ginawa ang mga gawain.

5 - Pinakamahusay

4 - Mas Mahusay

3 - Mahusay

2 - Di-gaanong Mahusay

1 - Mahina

15
Mga Tala para sa Pagsasagawa
Gabay ng magulang o nakatatanda ang
kailangan. Maging matapat sa pagsagot

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN
ARALIN 4: Maging Malusog sa Pamamagitan ng
Malinis na Pangangatawan

INAASAHAN
Sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga bata ay
inaasahang:

1. Matutukoy ang ibat-ibang paraan sa pagpapanatili ng


wastong kalinisan.
2. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng pagpapanatili ng
wastong kalinisan upang makaiwas sa mga
pangkaraniwang sakit.

BALIK-TANAW
Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
tamang gawi at M naman kung ito ay maling gawi.

___1. May sakit sa puso si Rico subalit mahilig siyang kumain ng mga
maaalat at mamantikang pagkain.

___2. Regular na nag-eehersisyo si Rona kaya malusog ang


kaniyang pangangatawan.

___3. Araw-araw na naglilinis ng bahay si Alberto upang maiwasan


ang pagkakaroon ng sakit na dengue.

16
___4. Nasa lahi nina Ana ang sakit na diabetes kaya naman
iniiwasan niya ang labis na pagkain ng matatamis na pagkain.

___5. Hindi naghuhugas ng kamay si Alfred pagkatapos maglaro


kaya sumakit ang kaniyang tiyan.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang kalusugan ay kayamanan kaya naman dapat natin


itong pangalagaan. Isa sa mga simple at mabisang paraan ng
pangangalaga nito ay pagpapanatili ng kalinisan ng katawan.

Photo Credit: Bike and scoot

Ang mga karaniwang kasanayan sa kalinisan ay ang mga


sumusunod:

Regular na Pagligo

Maligo araw-araw gamit ang


malinis na tubig, shampoo at
sabon upang mapanatili ang
kalinisan ng katawan. Sa
ganitong paraan, natatanggal
ang mga dumi at mikrobyo na
nagdudulot ng sakit at
masamang amoy ng katawan.

17
Pagsisipilyo

Ugaliin ang wastong pagsisipilyo


2 hanggang 3 beses sa isang
araw upang maiwasan ang
ibat-ibang problema sa bibig
tulad ng mabahong hininga,
pagkabulok ng mga ngipin,
impeksiyon sa gilagid at iba pa.

Photo Credit: Clipart-library

Pagpapalit ng Damit

Araw-araw magpalit ng malinis


na damit at damit panloob.
Iwasan din ang pakikipagpalit
ng damit o paggamit ng damit
ng iba na maaaring magdala
ng sakit tulad ng sakit sa balat at
body odor o masamang amoy
ng katawan.

Paglilinis at paggupit ng kuko


Linisan araw-araw ang kuko at
putulan ito isang beses manlang
sa isang linggo upang
matanggal ang mga duming
nakasiksik sa ilalim at gilid nito na
nagdudulot ng ibat-ibang sakit
tulad ng pagtatae, pagkakaroon
ng bulate at iba pa.

18
Pagsusuklay ng buhok

Maayos at maaliwalas tingnan


ang babae o lalaking madalas
magsuklay at mag-ayos ng
buhok. Gumamit ng malinis na
suklay at iwasan ang
makipagpalit nito sa iba upang
makaiwas sa sakit tulad ng sakit
sa anit at kuto.

Madalas na Paghuhugas ng Kamay

Maghugas ng kamay sa wastong


paraan gamit ang malinis na
tubig at sabon upang makaiwas
sa sakit tulad ng COVID-19.
Iwasan din ang paghawak sa
bibig, ilong at mata upang di
makapasok sa katawan ang
germs, bakterya at viruses na
siyang nagdadala ng sakit.

Photo Credit: Clipart-library

GAWAIN
Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang mga salitang
tinutukoy sa bawat bilang.

1. Isinusuot araw-araw pagkatapos maligo. D A __ I __


2. Pagkuskos sa ngipin upang matanggal
ang mikrobyong nakasisira ng ngipin.
P __ G __ I P __ L Y__
3. Paglilinis ng katawan gamit ang tubig,
__ A G __ I G __
sabon at shampoo.
4. Ginagamit sa pag-aayos ng buhok S __ __ L __ Y
5. Simple ngunit mabisang paraan ng
K __ L __ __ I S __ N
paglaban sa sakit.

19
TANDAAN
Ugaliin ang regular na paglilinis ng katawan upang
makaiwas sa mga sakit na dulot ng mga mikrobyo.
Ang pagpapanatili ng wastong kalinisan sa katawan ay
isang simple at mabisang paraan upang maging malusog.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Tama o Mali
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng wastong gawi sa kalinisan at MALI
naman kung hindi.
_____1. Iniiwasan ni Berto ang pagligo sa tubig-baha upang
makaiwas sa sakit.
_____2. Nagsasalitan ng sipilyo ang magkapatid na Rhea at Rona.
_____3. Araw-araw na naggugupit ng kuko si Maria.
_____4. Gumagamit ng malinis na tubig at sabon si Aiza sa tuwing
maghuhugas siya ng kamay.
_____5. Minsan lang sa isang linggo kung magpalit ng damit si
Ana.

20
Pangalan: ____________________ Pangkat at Baitang:_________

Isipin at Gawin Natin!

Repleksiyon sa Aralin 4

Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga paraan kung paano


mo pananatilihin ang kalinisan sa iyong katawan.

Mga Paraan Upang


Mapanatili Kong
Malinis ang Aking
Katawan

21
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

I. Panuto: Basahin ang pariralang pangmusika sa bawat


aytem. Tukuyin kung ang parirala ay simula, gitna,
katapusan o bahaging inuulit.

____________________ 1. … ang mamatay ng dahil sa iyo.

____________________ 2. Ang bayan ko’y tanging ikaw

____________________ 3. … dala dala’y buslo

III. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


4. Ito ay isang uri ng sining na nagpapakita ng kaayusan
ng mga bagay na walang buhay. Maaaring ito ay likas
o mga bagay na gawa ng tao?

A. Still Life C.Crayon Resist


B. Overlapping D. Sketching

5. Sino sa mga sumusunod ang mga kilalang Pilipinong Pintor sa


pagguhit ng Stil Life?
A. Fernando Amorsolo C. Manuel Cadag
B. Vicente Manansala D. Lahat ng nabanggit

6. Ito ay isang technique sa pagpipinta na nakadaragdag ng


kawilihan sa larawan?
A. Sketching C. Overlapping
B. Color Resist D. Pointillism
7. Ito ay Kilos na hindi umaalis sa pwesto.
A. Kilos Lokomotor C. Kilos Di-Lokomotor
B. Pansariling Espasyo D. Pangkalahatang Espasyo

22
8. Ito ay espasyo sa iyong kinatatayuan.
A. Kilos Lokomotor C. Kilos Di-Lokomotor
B. Pansariling Espasyo D. Pangkalahatang Espasyo

9. Ito ay mga kilos di-lokomotormalibansaisa.


A. pag-unat C. pag-kamot ng ulo
B. pagtakbo D. pagyuko

10. Gaano kadalas dapat maligo ang isang batang katulad


mo?
A. Araw-araw
B. Tuwing may pasok lamang sa paaralan.
C. Tuwing mamasyal sa parke o sa Mall.
D. Tuwing ikalawang araw.

11. Paano mo maiiwasan ang pagkabulok ng iyong ngipin


at mabahong hininga?
A. Kumain ng bubble gum pagkatapos kumain.
B. Magmumog ng maligamgam ng tubig.
C. Magsipilyo 2 hanggang 3 beses sa isang araw.
D. Kumain ng tsokolate at kendi.

12. Alin ang dapat ugaliin upang makaiwas sa ibat-ibang


uri ng sakit na dulot ng mga mikrobyo?
A. Maglaro ng computer games sa loob ng bahay.
B. Panatilihin ang kalinisan sa katawan.
C. Pagkain ng tsitsirya at pag-inom ng softdrinks
D. Tumulong sa mga gawaing bahay.

23
24
UNANG PAGSUBOK HULING PAGSUBOK EDUKASYONG
1. KATAPUSAN 1. KATAPUSAN PANGKALUSUGAN
2. SIMULA 2. SIMULA BALIK-TANAW
3. GITNA 3. GITNA
4. A 4. A 1. M
5. D 5. D 2. T
6. C 6. C 3. T
7. C 7. C 4. T
8. B 8. B 5. M
9. B 9. B GAWAIN
10. A 10. A
11. C 11. C 1. DAMIT
12. B 12. B 2. PAGSISIPILYO
3. PAGLIGO
4. SUKLAY
SINING 5. KALINISAN
MUSIKA
BALIK-TANAW PAG-ALAM SA
BALIK-TANAW NATUTUHAN
1. D
1. 😊 1. TAMA
2. A
2. MALI
3. C 3. MALI
2. 😊
4. A 4. TAMA
5. B 5. MALI
3. 😊
PAG-ALAM SA
REPLEKSIYON
EDUKASYONG NATUTUHAN
PANGKATAWAN  Regular na
pagligo
1.  Pagsisipilyo
 Pagpapalit ng
2. damit
 Paglilinis at
3. paggupit ng kuko
 Pagsusuklay ng
buhok
 Madalas na
paghuhugas ng
kamay
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
A. AKLAT
Ilagan, Amelia M., Digo, Maria Elena D., Cinco, Mary
Grace V., Batiloy, Fely A., Villareal, Josepina D., Borbor,
Ma. Teresa P., Enguero, Fe V., Obsenares, Josephine
Chonie M. (2014). Music, Art, Physical Education and
Health – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral sa
Tagalog. Unang Edisyon, 2014. ISBN: 978- 621-402-032-
4.
Curriculum Guide in Music 3, DepEd
Learning Materials in Music 3, DepEd
Teacher’s Guide in Music 3, DepEd
Ilagan, Amelia M. et al. (2013), Music, Art, Physical
Education and Health-Ikatlong Baitang,
Kagamitang Mag-aaral ,Philippines; REX Book
Store Inc.
Ilagan, Amelia M. et al. (2013), Music, Art, Physical
Education and Health-Ikatlong Baitang, Patnubay
ng Guro,Philippines; REX Book Store Inc.
DepEd - MAPEH in Action 3 by DepEd-Bureau of
Elementary Education Curriculum Development Division
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grades 1-10
Curriculum Guide. Pasig City: Department of
Education
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 3
Teachers Guide. Pasig City: Department of Education
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 3 Learners
Mateials. Pasig City: Department of Education
The Health Curriculum in Philippine Basic Education

25
B. INTERNET
a. https://www.slideshare.net/razonlance/grade-3-music-
teachers-guide
b. https://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/11/mapeh
grade-3-learnrs-material.html
c. https://www.mutualart.com/Artwork/Still-Life--Lobster-
i. /FA5D44C01E398A7D

d. https://www.saatchiart.com/art/Painting-starving
e. stomach/756937/3519143/view
f. https://www.christies.com/lotfinder/Lot/fernando-cueto-
amorsolo-the-philippines -1892-1972-4179806-details.aspx
g.http://www.artesdelasfilipinas.com/archives/132/bonif
acio-
h. nicolas-cristobal-rediscovering-a-forgotten-grea
i. https://www.pinclipart.com/maxpin/TwiR/
http://clipart-library.com/clip-art/apple-clipart-
transparent-
k. 4.htm
l. http://clipart-library.com/banana-cliparts.html
m. https://clipartpng.com/?235,orange-png-clipart
n. https://www.youtube.com/watch?v=_fmHMqGsPE4
o. https://www.youtube.com/watch?v=oeo26q6hz3g
p. Shutterstock “a boy taking shower washing hair”
accessed June 25, 2020
q. https://image.shutterstock.com/z/stock-photo-
illustration-of-a-boy-taking-a-shower-washing-hair-
20258860.jpg
r. Bike and scoot “Clip-art Cartoon on Personal Hygiene”
accessed June 25, 2020
s. https://bikeandscoot.com/wp-
content/uploads/2018/02/clipart-cartoons-on-personal-
hygiene-4.jpg
t. Clipart-library “Wash Hands” accessed June 25, 2020
u. http://clipart-library.com/images/riLxGB98T.png
v. Clipart-library “Brush Teeth” accessed June 25, 2020
w. http://clipart-library.com/image_gallery/221903.jpg

26
x. Top 10 Home Remedies “Hair hygiene” accessed June 25,
2020
y. https://www.top10homeremedies.com/wp-
content/uploads/2016/09/hair-hygiene.jpg
z. Webstock Review “Personal Hygiene” accessed June 25,
2020
aa. https://webstockreview.net/images/bad-clipart-
personal-hygiene-5.jpg
bb. Dreams Time “Girl Clothes” accessed June 25, 2020
cc. https://thumbs.dreamstime.com/z/girl-clothes-vector-
image-little-her-46199136.jpg

27
Acknowledgment
DEVELOPMENT TEAM OF THE MODULE
Management Team:
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, EPS In-Charge of LRMS

MUSIKA 3
Manunulat: Noemi L. Celis- MT I, Victoria V. Salvania- MT II,
Criszelda A. Nievera, Kenneth A. Teppang
Editor: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagasuri: Ricky Vallejo, Head Teacher VI Cayetano Arellano High School
Tagaguhit: Victoria V. Salvania – MT II, Criszelda A. Nievera
Tagalapat: NOEMI L. CELIS- MT I, Kenneth A. Teppang
SINING 3
Manunulat: Christie B. Agpaoa – MTII, Mary Grace G. Remotin, Ricardo M.
Jimenez, Kenneth John M. Loria
Editor: Adulfo S. Amit, PSDS
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Ricardo M. Jimenez, Kenneth John M. Loria, Mary Grace G. Remotin
Tagalapat: Mary Grace G. Remotin
EDUKASYONG PANGKATAWAN 3
Manunulat: Louella Maricar O. Cheng, Rosa May V. Narag, Annagail Jamorabo
Editor: Eileen Marie C. de Leon, Head teacher III T.Paez Integrated School
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Louella Maricar O. Cheng
Tagalapat: Louella Maricar O. Cheng
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 3
Manunulat: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibalos
Editor: Christopher L. Lirio
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibalos
Tagalapat: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibalos

28

You might also like