You are on page 1of 28

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

MAPEH
GRADE 3
“MAPEH for Life”
Quarter 2 Week 5 Module 5
Most Essential Learning Competencies:
… identifies musical lines as similar, same and different.
… Creates new tints and shades of colors by mixing two
or more colors

… Engages in fun and enjoyable physical activities

…explains measures to prevent common diseases


PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang


lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng
panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para
lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa
pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul
na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin

1
UNANG PAGSUBOK

I. Panuto: Lagyan ng kung wasto ang pangungusap at


kung mali ang ipinahihiwatig nito.

_____1. Ang mga awit ay binubuo ng mga parirala.


_____2. Ang mga parirala ng awit ay maaaring magkatulad
lamang sa himig.
_____3. Maaaring magkatulad, magkahawig at di – magka-
tulad ang mga parirala ayon sa himig at ritmo.

II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


4. Ano ang tawag sa kapusyawan at kadiliman ng mga kulay?
A. Tint C. Value
B. Shade D. Harmony

5. Ang mapusyaw na kulay ay magagawa sa pamamagitan ng


pagdaragdag ng puti sa orihinal na kulay. Ito ay
tinatawag na _________?
A. Harmony C. Value
B. Shade D. Tint

6. Anong kulay ang idinaragdag sa orihinal na kulay upang maging


madilim?
A. Pula C. Itim
B. Dilaw D. Asul
7. Ito ay Kilos na hindi umaalis sa pwesto.
A. Kilos Lokomotor C. Kilos Di-Lokomotor
B. Pansariling Espasyo D. Pangkalahatang Espasyo

8. Ito ay espasyo sa iyong kinatatayuan.


A. Kilos Lokomotor C. Kilos Di-Lokomotor
B. Pansariling Espasyo D. Pangkalahatang Espasyo

2
9. Ito ay mga kilos di-lokomotor maliban sa isa.
A. pag-unat C. pag-kamot ng ulo
B. pagtakbo D. pagyuko
10. Alin ang tamang pangungusap tungkol sa taong malusog?
A.Ang taong malusog ay may malakas na resistensiya.
B. Ang taong malusog ay mabait.
C. Ang taong malusog ay antukin.
D. Ang taong malusog ay sakitin.
11. Paano mo pananatilihing malakas ang iyong resistensiya?
A. Sa pamamagitan ng pag-inom ng gatas.
B. Panonood ng TV at paglalaro.
C. Regular na ehersisyo, wastong nutrisyon, kalinisan at iba
pa.
D. Pagtulog maghapon.
12. Bakit mahalagang palakasin ang resistensiya?
A. Upang hindi matalo sa suntukan
B. Para makapaglaro maghapon
C. Para tayo ay malakas kumain
D. Upang makaiwas sa sakit

3
MUSIKA
ARALIN 5: IDENTIFIES MUSICAL LINES AS; SIMILAR, SAME
DIFFERENT

INAASAHAN
1. Natutukoy ang mga pariralang magkatulad,magkahawig
At di- magkatulad.
2. Napaghahambing ang mga parirala ayon sa himig at
ritmo.

BALIK-TANAW
Panuto: Gamit ang krayola o pangkulay, iguhit sa notebook
melodic contour ng himig na “Happy Birthday“. Ang sagot ay
maaaring magkakaiba-iba ayon sa kanilang interpretasyon.
Hal:

Image Source: http://theelementsofmusic.blogspot.com/2011/12/melody.html

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN


Ang awit ay binubuo ng mga pariralang pangmusika. Ang mga
pariralang ito ay maaaring magkatulad, magkahawig o magkaiba
na maaaring ipakita sa pamamagitan ng mga simbolo.
Balikan natin ang awiting natutunan na; “Yaman ng Bayan”.

Image Source: http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MUSIKA_G4_MODULE_12.PDF\

4
Ang mga awit ay binubuo ng mga parirala. Ang parirala ay
isang pangungusap musikal na binubuo ng himig at ritmo.

Ating Alamin
1. Ilang parirala mayroon ang awit?
Ang awitin ay may apat na parirala.
2. Alin sa mga parirala ang magkatulad
Ang una at pangatlong parirala ay magkatulad sa himig
at ritmo.
3. Alin nman sa mga parirala ang magkahawig sa himig?
Ang ikalawa at ikatlong prirala ay magkahawig sa himig.
4. Saang parirala makikita ang di – magkatulad na himig?
Ang una at ikaapat na parirala ay di magkatulad sa himig.
Ang ikalawa at ikaapat na parirala ay di magkatulad sa
himig
5. Ano ang masasabi mo sa ritmo ng bawat parirala?
Ang bawat parirala ay magkakatulad sa ritmo.

5
GAWAIN
GAWAIN 1:
Panuto: Suriin ang bawat parirala ng awiting “Mga Alaga Kong
Hayop”. Alamin ang mga pariralang magkatulad, magkahawig at
di- magkatulad sa himig at ritmo. Iguhit ang bituin ( ) sa
magkatulad na parirala, bilog ( ) kung magkahawig at tatsulok (
v
) sa di magktulad na parirala.

Image Source: https://vdocuments.net/music-tg.html

Sagutan:
Himig
1. Una at ikalawang parirala- __________________
2. Una at ikatlong parirala - __________________
3. Ikalawa at ikaapat na parirala ______________
4. Ikalawa at ikatlong parirala _________________

Ritmo
1. Una at ikatlong parirala _____________
2. Ikalawa at ikatlong parirala __________

TANDAAN
Ang mga awit ay may mga kuwento at binubuo ito ng mga
parirala. Ang mga pariralang pangmusika ay maaaring
magkatulad,di magkatulad o magkahawig sa himig o ritmo.

6
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Isagawa ang mga kilos ng katawan habang inaawit ang
Yaman ng Bayan. Lumakad habang gumagalaw ang mga kamay
pataas kung ang parirala ay magkatulad; ikembot ang baywang
kung magkahawig ang parirala at umikot kung di magkatulad ang
parirala.

SINING
ARALIN 5: MAPUSYAW AT MADILIM

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Nakalilikha ng mapusyaw at madilim na kulay sa
pamamagitan ng paghahalo-halo o pagsasama-sama
ng iba’t ibang kula.

BALIK-TANAW
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
____ 1. Ito ay isang uri ng sining na nagpapakita ng kaayusan ng
mga bagay na walang buhay. Maaaring ito ay likas o mga
bagay na gawa ng tao?
A. Still Life C.Crayon Resist
B. Overlapping D. Sketching
_______ 2. Sino sa mga sumusunod ang mga kilalang Pilipinong Pintor
sa pagguhit ng Stil Life?
A. Fernando Amorsolo C. Manuel Cadag
B. Vicente Manansala D. Lahat ng nabanggit
_______3. Ito ay isang technique sa pagpipinta na nakadaragdag ng
kawilihan sa larawan?
A. Sketching C. Overlapping
B. Color Resist D. Pointillism

7
_______4. Ang still life painting na may pamagat na “Starving
Stomack” ay likhang sining ni _________?
A. Fernando Amorsolo
B. Vicente Manansala
C. Manuel Cadag
D. Bonifacio Cristobal

_______5. Ang still life painting na may pamagat na “Tropical Fruits


ay likhang sining ni ?
A. Fernando Amorsolo
B. Vicente Manansala
C. Manuel Cadag
D. Bonifacio Cristobal

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Ang mga kulay ay magkakaiba. May maliwanag at madilim
tingnan. Ang mapusyaw na kulay ay maliwanag tingnan.
Samantalang ang madilim na kulay ay malungkot tingnan.
Ang kapusyawan at kadiliman ng mga kulay ay tinatawag na
value. Ang mapusyaw na kulay ay magagawa sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng puti sa orihinal na kulay. Ito ay tinatawag na tint.
Halimbawa, ang pink o rosas ay mapusyaw na pula at ang light blue
ay mapusyaw na asul.
Ang kadiliman ng isang kulay ay magagawa sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng itim sa orihinal na kulay. Shade
naman ang tawag dito.

8
A. Mapusyaw na pula

pula + puti = pink o rosas na mura

B. Madilim na pula

pula + itim = maroon

GAWAIN
Maging Malikhain!
Gawain 1
Paggawa ng Mapusyaw at Madilim na Kulay
Mga Kagamitan: Bond paper, Lapis, Water Color, Mixing pan,
Paint Brush, lumang diyaryo
Pamamaraan:
1. Kunin ang water color at iba pang kagamitan sa pagpipinta.
2. Gumuhit ng tatlong maliit na bilog sa bond paper.

+ =

3. Kulayan ang unang bilog ng asul at puti naman ang


ikalawang bilog. Ihalo ang asul sa puti upang makalikha ng
mapusyaw na asul.
Kulayan ang ikatlong bilog ng mapusyaw na asul.

9
4. Kulayan ang unang bilog ng pula at itim naman ang ikalawa.
Kulayan ang ikatlong bilog ng madilim na pula.

+ =

Pangalan: _________________________ Baitang at Pangkat: ________________

__________________
(Pamagat)

Gawain 2
Panuto: Kulayan ang larawan ng Mapusyaw at Madilim na kulay
gamit ang watercolor

https://pngio.com/PNG/a88046-black-and-white-vase-png.html

10
TANDAAN
Isaisip Mo!

Ang mapusyaw na kulay o tint ay ang kulay na hinaluan


ng puti. Samantalang ang shade ay kulay na
hinaluan ng itim. Ang itim at puti ay tinatawag na neutral.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Subukin Mo!
Panuto: Iguhit ang kung ang kulay ay nagpapakita ng
Mapusyaw na kulay at naman kung Madilim na kulay.

_______1.

_______2.

_______3.

_______4.

_______5.

11
EDUKASYONG PANGKATAWAN
ARALIN 4: Paggamit ng Bao sa Ritmikong Pag –
ehersisyo
INAASAHAN
Sa araling ito bibigyan kayo ng panahon upang tuklasin at
magamit ang pisikal na kakayahan, mapaunlad ang tiwala sa
sarili, at maipakita ang natatagong talento na may pananabik
na gawin ang mga ritmikong routine gamit ang bao.
Naisasagawa ang mga ritmikong routine gamit ang bao.

BALIK-TANAW

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay tama at


ekis (x) kung ito naman ay mali. Ilagay ang sagot sa patlang.
___1. Ang Tiklos ay isang katutubong sayaw.
___2. Hindi mo kailangan ng kapareha sa pagsayaw ng Tiklos.
___3. Nasa palakumpasang ³₄ ang tugtog ng Tiklos.
___ 4. Ang touch step ay isa sa mga pangunahing hakbang sa
pagsayaw ng Tiklos.
___ 5. Nakahawak sa skirt o palda ang babae habang nagsasayaw
ng Tiklos.

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Niyog – ang tinaguriang


puno ng buhay sapagkat
lahat ng parte ng punong ito
ay may gamit. Katulad na lang
ng bao, ang bao ay maaaring gawing uling, alkansya o palamuti
sa bahay. Maaari din itong gawin instrumento sa paggalaw o pag
-eehersisyo.
https://steemit.com/health/@mylichie/puno-ng-niyog-puno-ng-buhay

GAWAIN
Paalaala: Gagabayan ka ng iyong guro sa pagsasagawa ng
bawat gawain.

12
Gawin ang pampasiglang gawain.

DepEd LM

Pagkatapos ng inyong pampasiglang gawain, ipakikita naman ng


inyong guro ang mga kilos gamit ang bao.

Sa gawaing ito, maghanap ng dalawang miyembro (puwede isali


ang nakatatandang kapatid, nanay o tatay o kung sino ang
puwede na nasa bahay niyo). Bawat isa sainyo ay susundan ang
nasa larawan at isasagawa ang mga kilos gamit ang bao.

Ngayon ay gagawin ninyo ang mga kilos gamit ang bao ng


niyog nang indibidwal at pagkatapos ay uulitin ng lahat.

Ang unang miyembro ay gagawa ng kilos sa kolum A, ang


ikalawang miyembro ay gagawa ng kilos sa kolum B, at ang ikatlo
ay gagawin ang nasa kolum C. Gagawin mo ito nang may 8
bilang ang bawat kilos.

13
14
DepEd LM p.321-322

Masaya ka ba sa iyong ginawa?


Pag-aralan natin ang mga hakbang.
Ilan sa mga kagamitan na maaari nating gamitin sa pagsasagawa
ng mga pangkatawang ehersisyo ay ang bao ng niyog.
Isasagawa mo ngayon ang wastong galaw o kilos gamit ang bao.

TANDAAN
Ang bao ng niyog ay maaaring gamitin sa pageehersisyo. Ang
wastong pagsasagawa ng mga gawain nang may tiwala at
pagtutulungan ay nakapagdedebelop ng panimbang upang mas
maging mahusay ang pagsasagawa.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Bumuo at magpakita ng mga ritmikong ehersisyo gamit


ang bao.

Mga Tala para sa Pagsasagawa


Gabay ng magulang o nakatatanda ang
kailangan. Maging maingat sa
pagsasagawa.

15
Pagkatapos mong maisagawa ang mga ritmikong ehersisyo
gamit ang bao, mamarkahan ng guro ang iyong isinagawa ayon
sa mga panuntunan sa ibaba.

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN
Aralin 5: Palakasin ang Resistensiya para sa Malusog na
Laban

INAASAHAN
Sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga bata ay
inaasahang:

1. Maiisa-isa ang mga kaparaanan sa pagpapalakas ng


resistensiya para sa malusog na laban.
2. Maipaliliwanang ang kahalagahan ng pagpapalakas ng
resistensiya.

16
BALIK-TANAW

Panuto: Isulat ang tsek (√) sa inyong papel kung ang


pangungusap ay nagsasaad ng wastong kailinisan at ekis (X)
naman kung hindi.
____1. Si Luis ay naghuhugas ng paa bago matulog.
____2. Kinakagat ni Marta ang kaniyang maruming kuko tuwing
siya ay nalulungkot.
____3. Nagsisipilyo si Carlo sa tuwing matatapos siyang kumain.
____4. Naliligo lamang si Leo kapag maaraw.
____5. Palaging hinuhugasan ni Ana ang kaniyang mahaba at
makintab na buhok.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Ang ating katawan, ay may sariling depensang mekanismo
sa paglaban sa sakit. Ang isang malakas at malusog na
pangangatawan ay dapat panatilihin upang maayos na
maisagawa ang sistema ng ating katawan sa paglaban sa sakit.
Ang mga paraan upang mapalakas ang resistensiya ay:

Wastong kalinisan
Kailangan ng ating
katawan ang wasto at
regular na paglilinis
upang makaiwas sa mga
pangkaraniwang sakit
dulot ng dumi at
Photo Credit: Bike and scoot

mikrobyo.
Sapat na tulog at pahinga
10 – 11 oras na tulog ang
kailangan ng lumalaking
bata para sa kompletong
pahinga.

17
Tamang nutrisyon
Mainam sundin ang food pyramid bilang gabay sa uri at dami ng
pagkain na dapat kainin.
Sa kabilang banda naman, ipinakikilala ng Department of Health
ang Pinggang Pinoy na nagsasaad ng uri at dami ng dapat kainin.

Pinggang Pinoy

Gatas

Prutas Kanin

Gulay Protena

Hinango mula sa: Health 3 Teacher’s Guide

Photo Credit: Stack Healthy

Regular na
gawaing pisikal

Mainam sa isang
batang edad 8-9
na taong gulang
ang 30-60 minuto
na paglalaro o
anumang pisikal
na gawain.

Pag-aralan ang
Physical Activity
Pyramid Guide
na gabay kung
ano at gaano
kadalas dapat
gawin ang isang
gawain.

18
Regular na pagpapakonsulta
sa Doktor
Mainam ang pagpapakonsulta sa
doctor upang malaman ang pisikal
na kondisyon ng ating katawan at
upang malaman at mapigilan ng
maaga kung tayo ay may sakit.
Photo Credit: Istock Photo

Pagpapabakuna
Huwag matakot magpa bakuna
sapagkat malaki ang naitutulong
nito sa ating katawan. Pinapalakas
nito ang ating resistensiya laban sa
sakit na dulot ng ibat-ibang
mikrobyo.
Photo Credit: UTSA

Pag-inom ng 8 basong tubig


araw-araw
Uminom ng 8 basong tubig araw-
araw para sa maayos na
sirkulasyon ng dugo at sa panloob
na paglilinis ng ating katawan.

Photo Credit: Istock photo

GAWAIN
Panuto: Sa gabay ng food pyramid at Pinggang Pinoy, punan ang
mga pinggang pangkalusugan na nasa ibaba ng nararapat na
pagkain.

Agahan Tanghalian Hapunan


Hinango mula sa Health 3 Learner’s Material DepEd

19
TANDAAN
Panatilihing malakas ang resistensiya upang makaiwas sa sakit.
Sundin ang mga paraan sa pagpapalakas nito.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga paraan upang
mapalakas ang resistensiya. Gawin ito sa iyong kwaderno.

1. 2. 3.

4. Malakas na Resistensiya

5. 6. 7.

20
Pangalan: ____________________ Pangkat at Baitang:_________

Isipin at Gawin Natin!

Repleksiyon sa Aralin 5

Panuto: Punan ang mga kahon ng iyong sagot kung paano mo


palalakasin ang iyong resistensiya at bakit mahalaga ito sa
panahon ng COVID-19 Pandemic.

Paano Ko Palalakasin Bakit mahalagang


ang aking Resistensiya? Palakasin ang resistensiya
sa panahon ng COVID-19
Pandemic?

21
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
I. Panuto: Lagyan ng kung wasto ang pangungusap at
kung mali ang ipinahihiwatig nito.

_____1. Ang mga awit ay binubuo ng mga parirala.


_____2. Ang mga parirala ng awit ay maaaring magkatulad
lamang sa himig.
_____3. Maaaring magkatulad, magkahawig at di – magka-
tulad ang mga parirala ayon sa himig at ritmo.

II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


4. Ano ang tawag sa kapusyawan at kadiliman ng mga kulay?
A. Tint C. Value
B. Shade D. Harmony

5. Ang mapusyaw na kulay ay magagawa sa pamamagitan ng


pagdaragdag ng puti sa orihinal na kulay. Ito ay tinatawag na
_________?
A. Harmony C. Value
B. Shade D. Tint

6. Anong kulay ang idinaragdag sa orihinal na kulay upang maging


madilim?
A. Pula C. Itim
B. Dilaw D. Asul
7. Ito ay Kilos na hindi umaalis sa pwesto.
A. Kilos Lokomotor C. Kilos Di-Lokomotor
B. Pansariling Espasyo D. Pangkalahatang Espasyo

8. Ito ay espasyo sa iyong kinatatayuan.


A. Kilos Lokomotor C. Kilos Di-Lokomotor
B. Pansariling Espasyo D. Pangkalahatang Espasyo

22
9. Ito ay mga kilos di-lokomotor maliban sa isa.
A. pag-unat C. pag-kamot ng ulo
B. pagtakbo D. pagyuko
10. Alin ang tamang pangungusap tungkol sa taong malusog?
A. Ang taong malusog ay may malakas na resistensiya.
B. Ang taong malusog ay mabait.
C. Ang taong malusog ay antukin.
D. Ang taong malusog ay sakitin.
11. Paano mo pananatilihing malakas ang iyong resistensiya?
A. Sa pamamagitan ng pag-inom ng gatas.
B. Panonood ng TV at paglalaro.
C. Regular na ehersisyo, wastong nutrisyon, kalinisan at iba
pa.
D. Pagtulog maghapon.
12. Bakit mahalagang palakasin ang resistensiya?
A. Upang hindi matalo sa suntukan
B. Para makapaglaro maghapon
C. Para tayo ay malakas kumain
D. Upang makaiwas sa sakit

23
24
UNANG PAGSUBOK HULING PAGSUBOK MUSIKA
GAWAIN
1. 1.
Himig
2. 2.
3. 3. 1.
4. C 4. C
2.
5. D 5. D
3.
6. C 6. C 4.
7. C 7. C
8. B Ritmo
8. B
9. B 9. B
10. A 1.
10. A
2.
11. C 11. C
12. D 12. D
SINING EDUKASYONG Gatas
BALIK-TANAW PANGKALUSUGAN Saging Kanin
1. A BALIK-TANAW
Okra Itlog
2. D 1. √
3. C
2. X
4. C
3. √ Agahan
5. A
4. X
PAG-ALAM SA MGA 5. √
NATUTUHAN Tubig
Mansanas Kanin
1.
Kalabasa Karne
2.
3.
4.
Tanghalian
5.
Gatas
v Pinya Kanin
Talong Isda
Hapunan
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
A. AKLAT
Curriculum Guide in Music 3, DepEd
Learning Materials in Music 3, DepEd
Teacher’s Guide in Music 3, DepEd
Ilagan, Amelia M. et al. (2013), Music, Art, Physical Education
and Health-Ikatlong Baitang, Kagamitang Mag-aaral
,Philippines; REX Book Store Inc.
Ilagan, Amelia M. et al. (2013), Music, Art, Physical Education
and Health-Ikatlong Baitang, Patnubay ng
Guro,Philippines; REX Book Store Inc.
DepEd - MAPEH in Action 3 by DepEd-Bureau of
Elementary Education Curriculum Development Division
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grades 1-10
Curriculum Guide. Pasig City: Department of Education
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 3 Teachers
Guide. Pasig City: Department of Education
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 3 Learners
Mateials. Pasig City: Department of Education
The Health Curriculum in Philippine Basic Education

B. INTERNET
a. https://vdocuments.net/music-tg.html
b. http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MUSIKA_G4_M
ODULE_12.PDF
c. http://theelementsofmusic.blogspot.com/2011/12/melo
dy.html
d. https://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/11/mape
h grade-3-learnrs-material.html
e. https://pngio.com/PNG/a88046-black-and-white-vase-
png.html
f. https://steemit.com/health/@mylichie/puno-ng-niyog-
puno-ng-buhay

25
g. Bike and scoot “Clip-art Cartoon on Personal Hygiene”
accessed June 25, 2020
h. https://bikeandscoot.com/wp-
content/uploads/2018/02/clipart-cartoons-on-personal-
hygiene-4.jpg
i. Dreams Time “sleeping girl teddy bear” accessed June
30, 2020
j. https://thumbs.dreamstime.com/z/sleeping-girl-teddy-
bear-cute-cartoon-little-simple-vector-illustration-
129451825.jpg
k. Stack healthy “Traditional Food Pyramid” accessed June
25, 2020
l. https://www.stackhealthy.com/wp-
content/uploads/2015/04/Traditional-Food-Pyramid.png
m. Istock Photo “woman doctor giving a boy a checkup”
accessed July 1, 2020
n. https://media.istockphoto.com/vectors/animated-
woman-doctor-giving-a-boy-a-checkup-vector-
id148652957
o. UTSA “Vaccination” accessed July 1, 2020
p. https://www.utsa.edu/today/images/graphics/vaccinati
on.jpg
q. Istock photo “kids drinking water” accessed July 1, 2020
r. https://media.istockphoto.com/vectors/kids-drinking-
water-vector-
id913105716?k=6&m=913105716&s=612x612&w=0&h=JRZ
N6ljOsM3M7DLYMBpwd_rLgpscNzm07FYuEv_Kxzs=

26
Acknowledgment
DEVELOPMENT TEAM OF THE MODULE
Management Team:
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, EPS In-Charge of LRMS

MUSIKA 3
Manunulat: Noemi L. Celis- MT I, Victoria V. Salvania- MT II,
Criszelda A. Nievera, Kenneth A. Teppang
Editor: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagasuri: Ricky Vallejo, Head Teacher VI Cayetano Arellano High School
Tagaguhit: Victoria V. Salvania – MT II, Criszelda A. Nievera
Tagalapat: NOEMI L. CELIS- MT I, Kenneth A. Teppang
SINING 3
Manunulat: Christie B. Agpaoa – MTII, Mary Grace G. Remotin, Ricardo M.
Jimenez, Kenneth John M. Loria
Editor: Adulfo S. Amit, PSDS
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Ricardo M. Jimenez, Kenneth John M. Loria, Mary Grace G. Remotin
Tagalapat: Mary Grace G. Remotin
EDUKASYONG PANGKATAWAN 3
Manunulat: Louella Maricar O. Cheng, Rosa May V. Narag, Annagail Jamorabo
Editor: Eileen Marie C. de Leon, Head teacher III T.Paez Integrated School
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Louella Maricar O. Cheng
Tagalapat: Louella Maricar O. Cheng
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 3
Manunulat: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibalos
Editor: Christopher L. Lirio
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibalos
Tagalapat: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibalos

27

You might also like