You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education

Region VIII

Division of Samar

Sta. Rita I District

Hinangutdan Elementary School

Sta. Rita Samar

Banghay Aralin sa Mapeh Four

( Music )

I. Layunin:

Natutukoy ang daloy ng melody tulad ng inuulit, pataas na


pahakbang, pababa na pahakbang, pataas na palaktaw, at pababa na palaktaw

II. Paksang-aralin

A. Paksa : Mga Simbolong Pangmusika at Konsepto ng Daloy ng Melodiya

C. Sanggunian :K to 12 Curriculum Guide,MU4ME-IIa-1


Musika at Sining Patnubay Ng Guro,pahina 45-50.
D. Kagamitan: larawan na nagpapakita ng iminumungkahing kilos o
direksyon.
E. Pagpapahalaga:Pakikinig Nan May Pang-Unawa.

III.Pamamaraan:

A. Pangunahing Gawain:

1.Pagsasanay:
a.Rhythmic:
Hatiin sa dalawa ang klase.
Unang Pangkat - Ipapalakpak ang rhythmic pattern
Ikalawang Pangkat - Aawitin ang mga so-fa syllable

b.Tonal:

Magsanay tayo sa tinig.


Ikumpas ang kamay simula sa tiyan hanggang noo, pataas at pababa habang inaawit ang
syllable na loo- sa sumusunod na tono.
do - mi - so - mi - so - mi – do

2. Balik-aral

Pick and match


Gagawa ang guro ng musical staff sa pisara.
Aawit ang guro ng mga so-fa syllable at pagkatapos ay pipiliin ng mga bata ang tamang

pitch name at ilalagay sa wastong posisyon nito sa musical staff.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Ipakilos sa mga bata ang sumusunod habang umaawit ang guro ng loo-batay sa hulwarang
himig na may iba’t ibang daloy ng melody.
2. Paglalahad

Iparinig sa mga bata ang awit.

- Awitin ito nang sabay-sabay.


Ipaawit sa iba’t ibang pangkat ang mga measure na may iba’t ibang daloy ng
melody.
- Awitin din ang mga so-fa syllable ng awit. Sundan ang mga note at mga so-fa name.
4. Paglalahat

Ang iba’t ibang daloy ng melody ay pataas at pababang pahakbang, pataas at pababang palaktaw

o kaya nama’y pantay o inuulit

5. Paglalapat

Tukuyin ang daloy ng melody sa bawat sukat kung ito ay pataas o pababang pahakbang,
pataas o pababang palaktaw o kaya nama’y inuulit.
Awitin ang mga note sa measure na may bilang.

6. Repleksiyon

Sa anong daloy ng melody mo maihahambing ang iyong natutuhan sa ating aralin? Pataas ba o pababa o
di kaya’y nananatili ka ba sa dati mong gawi?
IV. Pagtataya

Pangkatin sa lima ang mag-aaral at palikhain ng galaw ng katawan na magpapakita ng iba’t ibang daloy
ng melody sa awiting “Batang Masipag”. Gawing paligsahan ito. Pangkatin sa A at B ang klase.

Panuto:

Sukatin ang sariling kakayahan ayon sa ginawang pangkatang gawain. Lagyan ng tsek ( √ ) ang
bilang na angkop sa ginawa.
3 – Pinakamahusay
2 – Mas mahusay
1 – Mahusay
V. Takdang-aralin

Tukuyin ang daloy ng melody ng mga nota sa measure.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat patlang sa ilalim ng staff.

1.______________ 2. ________________ 3. ____________

A. Pababang pahakbang Inaasahang sagot:


B. Pataas na pahakbang 1. C
C. Pataas na palaktaw 2. A
D. Pababang palaktaw 3. B

Checked by: Prepared by:

SALVADOR S. MARINO ZARAH GRACE A. MODESTO

School Head Teacher

Checked & Reviewed by:

CARMEN F. LEGUA

District in Charge

You might also like