You are on page 1of 5

ARALIN 2

MGA PANUNTUNAN SA PAGBIBIGAY NG FIRST AID (PAUNANG LUNAS)

Ang pagtulong sa kapwa ay isang kalugod-lugod na gawain sa mata ng Diyos lalung-lalo


na sa gitna ng matinding pangangailangan lalung-lalo na sa isang aksidente.
Ang mga bagay tulad ng isang aksidente ay hindi natin inaasahang darating sa ating
buhay ngunit sa pamamagitan ng paunang lunas (first aid) ay maaari tayong makapagsalba ng
mga buhay ng tao sa kabila ng isang mabigat na sitwasyon.
Ang pagbibigay paunang lunas (first aid) ay isang mabisang paraan upang maagapan
ang paglala pa ng mga karaniwang natatamong pinsala mga ng tao sa isang aksidente tulad ng
mga sugat, pagkabali ng mga buto,pagdurugo ng ilong, paso, pagkawala ng malay, at marami
pang iba.
Ang paunang lunas (first aid) ay maaring ibigay ng sinumang may wastong kaalaman
sa pagbibigay nito sa taong nangangailangan ngunit mayroon tayong mga bagay na dapat
isaalang-alang bago natin ito isagawa upang makasigurado tayo sa matagumpay na
pagsasalba ng buhay ng mga tao.
Pag-usapan Natin

Picture, Pictue

1. Batay sa mga larawan, ano-anong sitwasyon ang inyong nakita?

2. Ano-ano ang mga maaaring mangyari sa mga taong ito kung walang tutulong sa kanila?

3. Kung ikaw ay nasa paligid ng pinangyarihan ng mga sitwasyon sa larawan, ano ang
iyong gagawin upang makatulong sa mga taong ito?
Pag-aralan Natin

MGA PANUNTUNAN NA DAPAT ISAGAWA SA ORAS NG BIGLAANG PANGANGAILANGAN O


(EMERGENCY ACTION PRINCIPLES)

1. HUMINGI AGAD NG TULONG SA IBA. Humingi ng tulong sa iba upang makatawag agad ng
ambulansya para sa mga biktimang may malalang kondisyon. Maaari ding humingi ng pag-
alalay mula sa iba kung kinakailangan.

2.SIYASATIN ANG PINANGYARIHAN NG AKSIDENTE. Unang-una ay isipin muna ang


pansariling kaligtasan. Mainam na magmasid muna sa paligid kung ito ba ay ligtas bago
magsagawa ng paunang lunas sa mga biktima. Maaring ilipat sa ibang pwesto o lugar ang
biktima kung kinakailangan ngunit dapat siguraduhin na ang biktima ay hindi magtatamo ng iba
pang pinsala sa katawan sa proseso ng paglipat ng pwesto o lugar.

3. IHANDA ANG MGA KAGAMITANG PANG-MEDIKAL. Upang mas mapadali ang pagbibigay
ng paunang lunas, makabubuti na ihanda ang mga kagamitang pang-medikal tulad ng
bandaging tools, mga gamot, stretcher at iba pa para sa natamong pinsala ng biktima. Kung
walang makitang mga gagamitan ay maaaring gumawa ng mga pansamantalang kagamitan
tulad ng bandage na gawa sa malinis na damit, stretcher na gawa sa dalawang kahoy (mas
mahaba sa biktima ng isang metro) at mga kamiseta.

4. ISAGAWA ANG PAGSISIYASAT SA BIKTIMA. Kung may malay ang biktima ay maaari siyang
kapanayamin tungkol sa mahahalagang detalye tulad ng kaniyang pangalan, tirahan, at kung
sino ang kaniyang mga kamag-anak na maaaring tawagan. Kung walang malay ang biktima,
tingnang mabuti ang mahahalagang palatandaan ng pagkabuhay ng tao tulad ng temperatura
ng katawan, tibok ng puso o pintig sa mga pulso, at paghinga. Upang malaman na humihinga
ang biktima, maaaring tingnan ang dibdib kung ito ay gumagalaw. Maaari din itong pakinggan at
pakiramdaman.
Pagsikapan Natin

Iaayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salita sa tulong ng katangian o
paglalarawan.

GINULONG TITIK NABUONG SALITA IBIG SABIHIN


Isang pangyayaring hindi
EENTSIKAD inaasahan na nakapagdudulot
ng pinsala sa mga tao.
Tawag sa tao na napinsala ng
ITAMKIB isang hindi inaasahang
pangyayari.
Isang uri ng sasakyan na
ginagamit tuwing may
AYSMANABLU emergency tulad ng
paghahatid ng isang pasyente
patungong ospital.
Bagay na dapat nating
sinisugro at isinasaalang-
SANTAGLIAK alang sa pang-araw-araw
nating pamumuhay upang
hindi tayo mapahamak.
Abstraktong bagay na ating
GNLOUT ibinibigay sa mga taong
nangangailangan.

Mga Uri ng Aksidente at Pangkaligtasang Gawain sa Pagbibigay ng Paunang Lunas


Ano ang gagawin mo kung

1. Nakakita ka ng isang kotseng nagliliyab at sa loob nito ay may isang tao na nawalan ng
malay.
2. Nabalian ang iyong kaklase sa paa dahil sa kanyang pagtalon-talon sa hagdan.
3. Nabagok ang ulo ng isang ale habang siya ay naglalakad sa gitna ng kalsada at ito ay
nawalan ng malay.
4. Nakainom ng lason ang iyong kapatid.
5. Nakagat ng aso ang iyong kaibigan habang kayo ay naglalakad pauwi sa inyong tahanan.

Pagyamanin Natin

Gumawa ng isang dula-dulaan tungkol sa mga sitwasyon na nabanggit sa Mga Uri ng


Aksidente at Pangkaligtasang Gawain sa Pagbibigay ng Paunang Lunas.

Pagnilayan Natin

1. Bakit mahalagang masiguro natin ang ating sariling pangkaligtasan bago natin isagawa ang
paunang lunas (first aid) sa mga biktima ng isang aksidente?

2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maibabahagi ang iyong natutunan sa araling ito sa iba
pang kasapi ng iyong pamilya? Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Takdang Aralin

Magtala ng mga pangkaraniwang mga uri ng aksidente na nangyayari sa bahay at


isulat ang mga wastong pamamaraan kung paano ito binibigyan ng mga paunang lunas
(first aid). Maaaring magtanong sa inyong mga magulang o sa inyong Barangay Health
Worker.

You might also like