You are on page 1of 2

1.

Mahalaga ang suporta ng pamahalaan sa mga proyektong may kinalaman sa


pananaliksik dahil maaaring tumulongrin sila rito sa pamamagitan ng pagbibigay
ng tulong pinansiyal upang maisakatuparan ang nasabing gawain. Maaari ring
mahikayat nila ang iba pang mga propesyunal upang mas mapabilis ang
pagsakatuparan ng pananaliksik na ito at upang mas maging epektibo ito sa kung
ano man ang panggagamitan. Sa pamamagitan nito, maraming tao ang
matutulungan nito at maaari ring makadagdag ito sa pag-unlad ng ating bansa.
2. Ang lindol ay isang biglaan, at mabilis na pag-uga ng lupa na maaaring
magresulta sa pagkasira ng mga bahay, kabuhayan, mga imprastraktura at maaari
ring kumitil ng buhay ng isang tao. Walang makapagsabi kung kalian at saan ito
magaganap dahil wala pang instrument ang maaaring makapagsabi nito.
Tuwing buwan ng Hulyo, isinasagawa ang tinatawag na National Disaster
Resilience Month na kung saan ang ilang sangay ng pamahalaan katulad nalang ng
mga kapulisan, mga bumbero at ang CDRRMC ay pumupunta sa ating mga
paaralan at barangay upang tayo’y paalalahanan at bigyang leksyon sa kung ano
ang dapat nating gawin sa tuwing may lindol o kung ano mang sakuna.
Mahalaga ang kahandaan sa lindol dahil malaki ang magiging pakinabang
nito hindi lang sa iyong sarili kundi pati narin sa ibang tao. Kapag naramdaman na
nating gumagalaw ang lupa, agad nating gawin ang tinatawag na duck, cover and
hold na isa sa pinakamainam na gawin sa ganitong sitwasyon. Kapag naramdaman
mong mahina o wala na ito, agad mong tingnan ang iyong mga kasama sa bahay
kung mayroon bang nasaktan at dali-dali kayong pumunta sa evacuation center o
sa lugar kung saan walang bagay na maaaring bumagsak sa inyo. Huwag agad
pumasok sa inyong bahay at tignan muna kung Malaki o wala bang naging danyos
ito sa inyong tahanan. Huwag ring kakalimutang tawagan ang mga kamag-anak na
malapit sa inyo upang sila’y kamustahin at huwag uunahin ang pag post sa social
media ng nangyari.
3. Para sa akin, ang lindol ang pinakanakakatakot dahil hindi natin alam kung
saan at kailan ito magaganap. Ang ating kaligtasan ay nakadepende na lamang sa
ating kaalaman tungkol sa kung paano natin pananatilihing ligtas ang ating sarili
tuwing may lindol. Kilangang alamin natin ang mga dapat at di-dapat gawin
tuwing may lindol upang mailigtas natin ang ating sarili at ang ating pamilya.
Huwag din nating babalewalain ang mga payo ng mga propesyonal at huwag
tayong tamarin na dumalo sa mga pagtitipon kagaya na lamang ng earthquake drill.
4. Ang bulking Taal ang isa sa pinakaaktibong bulkan ditto sa Pilipinas. Nitong
Enro 12, 2020 huling sumabog ito na nagdulot ng malaking pinsala sa mga
nakatira sa Batangas at sa mga karatig bayan nito. Maraming kabahayan ang
nasira, mga nawalan ng trabaho at mga nagkasakit dahil sa ash fall na dulot ng
pagsabog nito.
Hindi paman tuluyang nakakabangon ang mga taong naapektuhan ng
pagsabog ng Taal, mukhang nagbabanta na naman itong sumabog. Masakit mang
isipin, alam naman nating lahat na hindi natin ito mapipigilan lalo pa’t ito’y isang
aktibong bulkan at ang pagsabog nito ay isang “natural phenomenon.” Magiging
kalbaryo rin ito sa mga taga Batangas at kalapit bayan nito dahil alam naman
nating hindi pa natatapos ang laban natin kontra Covid-19. Ang nararapat nalang
nating gawin ay ang palagiang maging handa dahil ano mang oras ay maaaring
sumabog ito. Sundin ang payo ng gobyerno kapag tayo’y pinapalikas at huwag
nang umangal pa dahil para rin naman ito sa ating kaligtasan. Magtulungan rin
tayong lahat upang tayo’y sabay-sabay na makaligtas mula sa kalbaryong maaaring
dulot ng pagsabog ng Taal.

You might also like