You are on page 1of 3

.

GRADE 1 to 12 School TAWOG ELEMENTARY SCHOOL Grade Level 5


DAILY LESSON
LOG Teacher CORAZON E. UNABIA Checked by: RENAN P. UNABIA
Date NOV. 8, 2023 Quarter 2

Subjek: EsP Baitang: IKALIMANG BAITANG


Oras: Sesyon:
Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at pagganap
Pangnilalaman: ng mga inaasahang hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan ng pamilya at
kapwa.
Pamantayan sa Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at
Pagganap: pagmamalasakit para sa kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa.
Kompetensi: 1. Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kanyang tulong para sa
nangangailangan
1.1 biktima ng kalamidad
1.2 pagbibigay ng babala/impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol, at iba
pa.
EsP5P-IIa-22
I. LAYUNIN:
Naibabahagi ang tulong na maaaring maibigay sa mga biktima ng kalamidad tulad ng
bagyo, baha, sunog, lindol, at iba pa.
Kaalaman:
Naipapaliwanag ang magandang epekto ng pagkakawanggawa.
Saykomotor:
Natutukoy ang kahalagahan ng pagbibigay ng babala/impormasyon kung may bagyo,
Apektiv: baha, sunog, lindol, at iba pa.
II. PAKSANG-
ARALIN
A. PAKSA Pakikipagkapwa-tao

B. SANGGUNIAN “ Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5”,


MELC, P.81
C. KAGAMITANG larawan na nagpapakita ng epekto ng baha, bagyo, sunog, tsunami, landslide, lindol
PAMPAGTUTURO pinaghalo-halong titik
tsart
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
1. Pangmotibeysyuna Ano ang inyong hindi malilimutang karanasan ukol sa kalamidad?
l na tanong: Ano ang inyong ginawang paghahanda bago dumating ang mga kalamidad?
Epektibo ba ang inyong ginawang paghahanda? Patunayan

2. Aktiviti/Gawain Ayusin ang mga letra upang mabuo ang mga salitang may kinalaman sa iba’t ibang
kalamidad.
1. ahab (baha)
2. goyba (bagyo)
3. ugson (sunog)
4. namitsu (tsunami)
5. lidesland (landslide)
6. lolnid (lindol)

Alin sa mga napag-usapang kalamidad ang naranasan ninyo?


3. Pagsusuri o Ano ang naging epekto ng kalamidad na ito sa iyong buhay?
Analysis Naapektuhan rin ba ng mga kalamidad ang inyong mga ari-arian? Paano?
Paano kayo bumangon mula sa kalamidad?
B. PAGLALAHAD Gawain 1
Abstraksyon Panuto: Basahin ang kwento.
(Pamamaraan ng Tumulong sa Kapwa!
Pagtatalakay) Ang mabuting Kristiyano ay maawain at matulungin sa kapwa. Ito’y dahil sa ating
paniniwala na ang pgamamahal sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos. Mahal ng
Panginoon ang lahat, kaya Siya tumutulong sa lahat, mahirap o mayaman man.
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na kapag may sakuna o kalamidad ay likas sa mga
Pilipino. Ito’y kaasalang Pilipino na minana pa natin sa ating mga ninuno na dapat
gawin at pagyamanin.
Hindi natin maiiwasan ang magalit sa kapitbahay o kanayon kung minsan. Ngunit
kapag may sunog, baha o anumang pangyayaring nanganganib ang kanilang
kaligtasan, hindi natin matiis na sila’y di tulungan at damayan. Naghahandog tayo ng
damit, pagkain, at mga gamit sa nasalanta ng kalamidad.
Bilang mag-aaral, makatulong din tayo at ang ating paaralan sa mga taong
nangangailangan. Bukod sa mga pagkain, salapi, at damit na ibinibigay, mabuti rin na
turuan natin sila ng mga gawaing mapagkakakitaan upang makapagsarili sa mga
darating na araw.

Pagsusuri/Analysis Mga Tanong:


1. Ikaw ba ay may malasakit sa iyong kapwa? Patunayan.
2. Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa mga nasalanta ng kalamidad?
3. Bakit kailangan tayong maging mapagmalasakit sa ating kapwa?
4. Bilang pagmamalasakit, anong babala/ impormasyon ukol sa kalamidad ang
maaari nating ibigay sa ating mga kapitbahay?
5. Kailan ang angkop na panahon nang pagbibigay ng babala sa mga taong
nakatira malapit sa ilog ukol sa kalamidad? Pangatwiran.
C. PAGSASANAY Gawain 2 (Pangkatang Gawain)
Mga Paglilinang Panuto: Ang mga sumusunod ay mga maaring epekto ng mga kalamidad sa atin o sa
na kapwa natin. Gumawa ng mga babala o impormasyon na maaring makatulong upang
Gawain maiwasan ang ganitong pangyayari. Pumili ng isang kasapi ng pangkat upang ilahad
ang nabuong sagot.

Labis na Pagbaha Kakulangan ng Pagkain Mga Bahay na Natauban


ng Gumuhong Lupa

Pagkawala ng Buhay Kawalan ng Tahanan

Mabuti bang sumunod sa mga babala/impormasyon tungkol sa mga kalamidad?


Bakit?

D. PAGLALAPAT Panuto: Sumabay sa kantang ipapatugtog ng guro habang nagpapasa-pasa ng maliit


Aplikasyon na bola. Ang may hawak ng bola sa paghinto ng tugtog ay sasagot ng masayang
mukha kung nagpapakita ng tamang gawain sa panahon ng kalamidad at
malungkot na mukha kung hindi.
1. Ang babalang ipinahayag ng PAGASA ay dapat ipagbigay-alam sa ibang tao.
2. Hikayatin ang mga kapitbahay na lumikas sa ligtas na lugar kung may banta sa pag-
apaw ng tubig- ilog sa inyong lugar.
3. Sumigaw ng malakas kung magkakaroon ng sunog sa inyong pamayanan upang
malaman kaagad ng inyong mga kapitbahay.
4. Ibalewala ang pagkakaroon ng “fire exit sa bahay”.
5. Huwag magpatong ng mabibigat na bagay o bagay na madaling mabasag o masira
sa ibabaw ng kabinet.
E. PAGLALAHAT Ang pagkamahabagin ang nag- uudyok sa puso ng tao upang magkawanggawa. Sa
Generalisasyon gitna ng trahedya, ang dapat nating gawin ay tumulong sa abot ng ating makakaya.
Nilikha tayo ng Diyos na may kamay at paa, hindi lamang upang magamit natin sa
pansariling kabutihan kundi pati na rin sa pagtulong sa ating mga kapwang nasa gitna
ng trahedya. Ang tulong na ito ay hindi nalilimitihan sa pagkakaloob ng materyal na
bagay tulad ng mga damit at pagkain. Maaari rin kasing maipadama ang pagdamay sa
pamamagitan ng pagboboluntaryo o di kaya’y pagpapakalat ng imporyasyon tungkol
sa
sakuna.

Sumasang-ayon ka ba sa pahayag na ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

IV. Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o MALI isulat ang sagot sa patlang.
PAGTATAYA _____ 1. Ang taong may malasakit sa kapwa ay kinalulugdan ng Diyos.
_____ 2. Huwag pansinin ang mga sakuna sa paligid.
_____ 3. Laging isaisip at isapuso ang pagmamalasakit sa kapwa.
_____ 4. Pagkatapos ng malakas na pagyanig ng lupa, lumabas at maglaro.
_____ 5. Pabayaan na ang mga pinuno ng pamayanan ang sumaklolo sa mga
mamamayang nangangailangan ng tulong.
_____6. Tuwing lindol, maaaring tumago sa ilalim ng matibay na mesa.
_____7. Manguna sa pagbibigay ng donasyon sa kaklaseng nasunugan.
_____8. Magpaskil ng mga babala sa mga dapat gawin kung may paparating na
bagyo
sa iyong pamayanan.
_____9. Huwag paniwalaan ang babala ng PAGASA paminsan-minsan.
_____10. Tumawag sa estasyon ng bombero kung magkaroon ng sunog.

Maliban sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, paano mo maipapakita ang iyong


V.TAKDANG- pagmamalasakit sa iyong kamag-aral?
ARALIN
IV. REMARKS
V. REFLECTION
A. No. of learners ___ of Learners who earned 80% above
who earned 80%
in the evaluation
B. No. of learners
who require ___ of Learners who require additional activities for remediation
additional
activities for
remediation who
scored below 80%
C. Did the ___Yes ___No
remedial lessons
work? No. of ____ of Learners who caught up the lesson
learners who
have caught up
with the lesson
D. No. of learners
who continue to ___ of Learners who continue to require remediation
require
remediation

You might also like