You are on page 1of 33

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

AGHAM 3
Ako at Ang Paraan ng
Pangangalaga sa mga
Hayop sa Paligid
Quarter 2 Week 3 Module 3

Learning Competency:
Nailalarawan ang mga pangkaraniwang hayop

1
Paano Gamitin ang Karagdagang Kagamitan sa Pagkatuto(Supplementary
Learning Material)

Magandang Buhay mga Bata! Binabati kita at ikaw ay nasa ikatlong


baiting na ng iyong pag-aaral.Ang layunin ng Karagdagang Kagamitan ng
Pagkatuto sa Baitang 3 ay para mapanatili at makamit ang antas ng
edukasyon ng K to 12 Kurikulum.

Bago kang magsimulang sumagot sa mga Gawain inihanda


kailangang isantabi muna ang lahat ng mga ginagawa o
pinagkakaabalahan na makakaapekto sa ating pag-aaral upang maging
pokus ka sa ating pag-aaralan. Maisasagawa ng maayos ito sa tulong at
gabay ng mga magulang habang wala sa paaralan ang mga bata.

1. Basahing maigi at unawain ang mga panuto isinasaad sa bawat


Gawain.
2. Isulat sa kwaderno ang mga konseptong natutunan sa bawat aralin.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gumawa at makiisa ang bawat isa sa pagbuo ng mga Gawain.
4. Subukan humingi ng tulong sa mga magulang sa gawaing hindi
naiintindihan.
Paalala: Mga “Magulang” Turuan ang mga bata upang gabayan
ang pagkatuto at malayang sumagot sa mga Gawain. Hayaang
magtuklas ng panibagong kaalaman sa bawat Gawain at
maisagawa ang pagkatuto bawat mag-aaral.
5. Maging mapanuri sa mga konsepto at gamitin ang natutunan para
masagutan na may tiwala sa sarili ang pangwakas na pagsusulit. Ito
ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag
na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Masiyahan nawa’y sa iyong pag-aaral at magsaya sa mga Aralin!

Bahagi ng Karagdagang Kagamitan sa Pagkatuto(Supplementary Learning


Material)

2
Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong


matutuhan pagkatapos makompleto ang mga aralin sa
modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng
mga bagong kaalaman at konseptona kailangang malinang
sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng
mga dating kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo
ng may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na
natutuhan mo ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas
ng pagkatuto sa bagong aralin

3
ARALIN 11 : Uri ng mga hayop ayon sa bumabalot sa kanilang
katawan

INAASAHAN

Ang mga mag-aaral ay naipapakita ang pag –unawa sa mga iba’t-ibang


bahagi ng katawan ng hayop at mga gamit nito at kahalagaan nila sa mga
tao.

Gagabayan ka ng modyul na ito sa mga dapat mong matutunan

 Napapangkat ang mga hayop ayon sa bumabalot sa kanilang


katawan;
 Nailalarawan ang bumabalot sa katawan ng hayop

Halina!,ating simulan suriin ang panakip ng


kanilang katawan!. Alam ko nais at handa mo na
malaman sagutan natin ang UNANG PAGSUBOK!!

Tukuyin ang bumabalot sa katawan ng mga hayop.


Piliin ang sagot na nasa loob ng kahon.

_____________1. aso 6. _____________ baka


_____________2. manok 7. _____________ ostrich
_____________3. buwaya 8. _____________ palaka
_____________4. bangus 9 _____________ pagong
_____________5. suso 10. ______________pusa

4
Pagpangkatin ang mga hayop ayon sa paggalaw
Paglakad Paglukso Paglangoy Paglipad Paggapang

maya agila bangus tilapia


kangaroo rabbit ahas kabayo
kalabaw uod palaka pagong

Tanong:

Paano maaring ipangkat ang mga hayop?

_______________________________________________________

Anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa paggalaw?

___________________________

Paano gumalaw ang hayop?

_________________________________________________

5
Ang mga hayop ay may iba’t ibang panakip o bumabalot sa
kanilang katawan maaring balahibo, buhok, kaliskis, balat, shell, gulugod o
spine at exoskeleton ito ang nagsisilbing proteksyon sa kanilang katawan
upang mapanatili ang temperatura ng katawan , makaiwas sa pinsala
,maging sa kanilang kaligtasan. Ito ang iilan sa mga halimbawa ng mga
hayop at ang bumabalot sa kanilang katawan.

Exoskeleton Buhok
Talukap/Shells

Balat Kaliskis Balahibo

Panakip o bumabalot sa katawan Hayop


ng hayop
buhok (mammals) aso, kuneho, kabayo, baka, pusa
kaliskis (reptiles) buwaya, tilapia, bangus
balahibo manok, kalapati, ostrich, parrot
makapal na balat elepante, palaka, dolphin
shells pagong,
madulas na balat pusit
exoskeleton suso, ipis, alimango, hipon, paru-
paro

6
GAWAIN

A. Pagtapatin ang hayop sa hanay A at sa hanay B bumabalot


o pantakip sa katawan nito. Isulat ang titik sa patlang.

Hanay A Hanay B
___1. aso A. spines
__ 2. pusit B. kaliskis
___3. pagong C. madulas na balat
___4. ibon D. buhok
___5. isda E. shell

B. Isulat sa tamang kahon ang mga sumusunod na hayop ayon


sa kanilang panakip sa katawan.

manok pagong bangus hipon agila


palaka ahas pusa aso butiki

May kabibe May May basa at May balahibo May kaliskis


balahibo at madulas ng na hindi
lumilipad balat lumilipad

7
TANDAAN

Ang mga hayop ay may kaniya – kaniyang panakip


sa katawan. Ito ay nagsisilbing proteksyon sa mga matutulis
na bagay, sa mga kaaway , sa mainit at malamig na panahon at
kapahamakan na dala ng kapwa hayop.
Ang iba’t ibang panakip o bumabalot sa katawan ng hayop
ay maaring balahibo (feather) sa mga ibon, kaliskis sa mga isda ,
buhok , balat , gulugod, talukap o shell, at exoskeleton naman sa
mga hipon.

Exoskeleton- ito ang mga hayop na walang buto sa loob ng


katawan.

A. Tukuyin ang bumabalot sa katawan ng mga hayop

1. tilapia - ___________________________
2. alimango- ___________________________
3. kabayo - ___________________________
4. kalapati ___________________________
5. pagong - ____________________________

Isulat kung tama o mali ang sinasaad sa ibaba.

1. Ang aso ay halimbawa ng hayop na binabalutan ng buhok.


2. Ang katawan ng pagong ay binabalutan ng balahibo.
3. Exoskeleton ang bumabalot sa katawan ng mga langgam.
4. Talukap o shell ang bumabalot sa katawan ng mga ahas.
5. Binabalutan ng balat ang katawan ng mga palaka.

8
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Aling mga hayop ang KARANIWANG nakikita sa ating paligid?

A.
.

B.

C.

D.

2. Ang katawan ng mga isda, buwaya at ahas ay nababalutan ng _____.


A. balahibo B. buhok C. kaliskis D. shell

3. Ang loro, parrot at uwak ay pinapangkat ayon sa kanilang ________


A. galaw B. habitat C. panakip katawan D. lahat ay tama

4. Anong panakip sa katawan ang ginagamit ng daga, baka, at kambing?


A. balahibo
B. kaliskis
C. balat
D. talukap o shell

5. Anong halimbawa ng hayop na binabalutan ng balahibo?


A. baka
B. hipon
C. manok
D. pagong

9
ARALIN 12: Bahagi ng katawan ng hayop na ginagamit sa
pagkuha ng pagkain.

INAASAHAN

Sa katapusan ng aralin ang mga bata ay inaasahang:


 Nakikilala ang mga bahagi ng katawan na ginagamit ng hayop sa
pagkain/ pagkuha ng pagkain.
 Nauuri ang mga hayop ayon sa bahagi ng katawan na ginagamit ng
hayop sa pagkuha ng pagkain.

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong. Bilugan


ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod na hayop ang gumagamit ng dila sa paghuli ng
pagkain?
A. ahas B. butiki C. lamok D.palaka

2. Ang aso, pusa at kalabaw ay gumagamit ng bibig sa pagkuha ng


pagkain. Ano naman ang ginagamit ng palaka?

A. tuka B. proboscis C. mandibles D. mahabang dila

3. Ang mga sumusunod na hayop ay gumagamit ng pare-parehong bahagi


ng katawan sa pagkuha ng kanilang pagkain. maliban sa isa. Anong hayop
ito?

A. B. C. D.

10
4. Ano ang ginagamit ng hayop na nasa larawan sa pagkuha ng pagkain?

A. bibig
B. dila
C. tuka
D. bibig at katawan

5.Aling pangkat ang kumakain ng halaman lamang o herbivorous animals?

A. aso, pusa, kambing at baka


B. baka, kambing, kalabaw at paniki
C. baboy, kambing, kalabaw at palaka
D. manok, palaka, tipaklong at kalabaw

Isulat kung paano gumalaw ang mga sumusunod na hayop.


1. isda
2. tipaklong
3. suso
4. bubuyog
5. uod

Bilugan ang naiiba sa mga sumusunod na hayop ayon sa


kanilang paggalaw.

1. pating isda aso


2. baka kalabaw uod
3. ahas uod agila
4. agila baka kalapati

11
Ang mga hayop ay may iba’t ibang bahagi ng katawan para
makakuha ng pagkain. Ang mga sumusunod ay ginagamit ng
mga hayop sa pagkuha ng pagkain.

 Ginagamit ng palaka ang kanyang mahabang dila


sa pagkuha ng pagkain

 Ginagamit ng talangka ang kanyang “princers/


sipit sa pagkuha ng pagkain

Bibig at pangtay-pantay na ngipin naman ang


ginagamit ng baka sa pagkuha ng pagkain.

“Tuka at kuko ang ginagamit ng manok, kalapati,


bibe sa pagkuha ng pagkain

 Ang bibig at katawan ng ahas ang ginagamit sa


pagkuha ng pagkain.

 Ang insecto tulad ng paru-paro at bubuyog ay


gumagamit ng proboscis o bibig ng hayop sa
pagsipsip ng nectar sa mga bulaklak.

12
GAWAIN

A. Isulat ang titik ng bahagi ng katawan na ginagamit sa


pagkuha ng pagkain.

Mga Hayop Bahagi ng Katawan


___1.kalabaw A. tuka
___2.tigre B. proboscis
___3.palaka C. matulis na ngipin
___4.bubuyog D. flat teeth o pantay-pantay na
ngipin
___5.manok E. dila

B. Anong bahagi ng katawan ng mga sumusunod na hayop


ang ginagamit sa pagkuha ng pagkain.

1. aso - _________________________

2. baka- _________________________

3. ahas- _________________________

4. paru-paro- ______________________

5. ibon- ___________________________

TANDAAN

Ang mga hayop ay may iba’ t-ibang bahagi ng katawan na


ginagamit sa pagkuha ng pagkain. May ibang hayop naman
na magkakapareho ang parte ng katawan na ginagamit
upang makakain. Mahabang dila ang ginagamit ng palaka
at butiki sa pagkuha ng pagkain. Ang tigre, pusa at aso

13
naman ay matutulis na ngipin naman ang ginagamit. Ang
baka, kalabaw, at kabayo ay bibig at malalapad na ngipin
naman ang ginagamit sa pagnguya ng pagkain. Ang
unggoy naman ay gumagamit ng kamay sa pagkain. Ang
tuka at kuko naman ang ginagamit ng ibon, manok, kalapati
sa pagkuha ng pagkain. Ang insect tulad ng paru-paro at
bubuyog ay gumagamit ng proboscis sa pagsipsip ng nectar
sa mga bulaklak.

Tukuyin ang mga sumusunod na hayop at ang bahagi ng


katawan na ginagamit sa pagkuha ng pagkain.

14
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

A. Ibigay ang hinihingi upang mapunuan ang tsart sa ibaba.

Hayop Kinakain Gamit sa pagkuha ng


pagkain
1. isda
2. agila
3. pusa
4. paru-apro
5. buwaya
6. unggoy
7. ibon
8. kambing
9. tigre
10.butiki

15
ARALIN 13- KAHALAGAHAN NG MGA HAYOP SA TAO

Napakahalaga sa atin ng mga hayop. Tumutulong ang


mga ito sa maraming paraan. Pero gaano na ang alam natin
tungkol sa kanila?

Sa katapusan ng aralin ang mga bata ay inaasahang:

 Naipaliliwanag kung bakit ang hayop ay mahalaga sa tao;


 Napapangkat ang mga hayop ayon sa kanilang paninirahan
at kinakain ng mga ito

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap . Isulat kung TAMA ang


sinasaad sa pangungusap at MALI naman kung hindi.

________1. Maaring manirahan sa bahay kasama natin ang lahat ng


hayop.
________2. Kailangan dalhin sa beterinaryo ang mga hayop kapag
may sakit ang mga ito.
________3. Mapanganib ang lahat ng hayop at maaring makapinsala
sa atin ang mga ito.
_______4. Mahalaga ang mga manok dahil nagbibigay sa atin ng
pagkain ang mga ito.
_______5. Laging paliguan ang mga alagang aso’t pusa.
_______6. Maaring tumira ang mga buwaya sa lupa at tubig.
______7. Gawa sa balat ng hayop ang ilang produktong gamit ng tao.
______8. Halimbawa ng mga hayop na pantrabaho ang mga kalabaw
at kabayo.
______9. Tama lamang na paliguan ang mga alagang aso’t pusa.
______10. Mga hayop na kumakain ng halaman ay carnivores.

Ihambing ang sagot mo sa Batayan sa pagwawasto sa pahina ____.

16
Tingnan ang mga hayop na nasa ibaba. Maari mo bang tukuyin ang
mga ito? Isulat sa patlang kung ano mga hayop ito.

Karaniwang matatagpuan sa ating bansa ang mga hayop na nasa


itaas. Makikita mo ang mga ito sa iba’t ibang lugar.

Ang paninirahan ng isang hayop ay tinatawag na pinamamahayan


nito. Maaring manirahan sa lupa, tubig o hangin ang mga hayop. Ang
ilang sa mga halimbawa ng mga hayop na naninirahan sa lupa ay mga
aso, pusa, baka, kalabaw , baboy at kambing .

17
Ang mga hayop na naninirahan sa himpapawid ay kinabibilangan ng mga
ibon, tulad ng kalapati, maya, agila, kuwago.

May mga hayop na naninirahan sa tubig. Ang ilang halimbawa ay ang iba’t
ibang uri ng isda, pusit, alimango, hipon, dolpin, balyena.

May mga hayop naman na naninirahan sa tubig at lupa. Ang ilang


halimbawa ay ang mga buwaya, bibe, pagong at palaka.

May iba pang paraan ng pagpapangkat-pangkat ng mga hayop. Maari


nating pagpangkat-pangkatin ang mga ito ayon sa kinakain ng mga ito.

Tinatawag na carnivores ang mga hayop na kumakain ng


karne at iba pang mga hayop. Halimbawa’y leon, tigre at
buwaya.

Tinatawag na herbivores ang mga hayop na kumakain ng


mga halaman. Herbivores ang mga kalabaw, baka kambing,
tupa at usa. Kumakain ng damo ang mga ito.

18
Omnivores naman ang tawag sa mga hayop na
kumakain ng halaman at karne. Ang mga aso,
pusa, baboy at tao ay omnivores o mga hayop
na kumakain ng halaman at karne.

Napakahalaga ang mga hayop sa ating buhay. Tumutulong ang mga


ito sa atin sa maraming paraan.

Nagbibigay ang mga ito ng iba’t ibang uri ng pagkain upang tayo’y
maging malusog at malakas. Ang ilang pagkain mula sa mga
hayop ay kinabibilangan ng mga itlog, gatas, isda, karne ng baka,
manok at baboy.

Hindi lamang mabubuting alaga ang mga hayop. Nagbibigay rin


ang mga ito sa atin ng proteksyon laban sa pinsala. Nananakot ang
mga aso ng mga estranghero at nagbabantay ng ating mga bahay.
Tumutulong ang mga pusa na magtaboy ng mga peste sa bahay
tulad ng mga daga. Tinutugis at kinakain ng mga pusa ang mga daga.

Tinatawag na hayop na pantrabaho ang mga hayop tulad ng


kalabaw at kabayo. Tumutulong ang mga ito sa ating trabaho at

19
kabuhayan. Tumutulong ang mga kalabaw sa mga magsasaka sa
pagbungkal ng lupa. Tumutulong ang mga kabayo sa pagbubuhat at
paghahatid sa mga tao at kalakal.

Nagbibigay rin ang mga hayop ng mga bagay tulad ng mga bag,
sintoron, sapatos at damit. Maaring gawing ganitong mga bagay ang balat
o fur mula sa ilang hayop. Lumilikha ang mga silk worm ang sutlang sinulid na
maaaring gawin tela.

GAWAIN

A. Sabihin kung carnivores, herbivores, omnivores ang bawat hayop.


Pagkatapos, magbigay ng mga halimbawa ng kinakain ng mga ito.
Isulat ang mga sagot mo sa patlang.

1. kalabaw ___________________ _____________________


2. ahas ___________________ _____________________
3. manok ___________________ _____________________
4. baboy ___________________ _____________________
5. usa ___________________ _____________________

B. Anu-ano ang pakinabang natin sa mga hayop? Lagyan ng tsek(/)


ang kahon bago ang numero ng pangungusap kung itinuturing
mong pakinabang ito mula sa mga hayop.

Nagbabantay ang mga aso sa ating bahay laban sa mga taong di


kilala.
Nagbibigay sa atin ng gatas ang mga kambing at baka.

Naghahabol ang mga pusa ng mga dagang sumisira ng mga ari-


arian.
Nagbibigay sa atin ng karne, ang mga manok, isda, baboy at baka

Tumutulong ang mga kabayo na maglipat-lipat sa mga lugar ang


mga tao at kalakal.

20
C. Ilista ang mga pakinabang ng tao sa sumusunod na mga hayop.
Isulat ang mga sagot mo sa patlang.
1. qso __________________________________________________
__________________________________________________
2. baka __________________________________________________
__________________________________________________
3. manok ___________________________________________________
___________________________________________________

TANDAAN

Lagi nang bahagi n gating buhay ang mga hayop. May maraming iba’t
ibang uri ng hayop. Tumutulong ang mga ito sa atin sa iba’t ibang paraan.

Sa araling ito, natutuhan mo na ang sumusunod:

 Maaring manirahan ang mga hayop sa lupa, tubig at hangin. May


ilang hayop na naninirahan sa lupa at tubig.

Habitat – tawag sa particular na tirahan ng mga hayop.

Aquatic o marine animals – tawag sa mga hayop na nakatira sa tubig?

Terrestrial animals – tawag sa mga hayop na nakatira sa lupa

Aerial animals – tawag sa mga hayop na nakatira sa himpapawid

Amphibians – tawag sa mga hayop na parehong namumuhay sa lupa at


tubig.

 Maaring pagpangkat- pangkatin ang mga hayop ayon sa kinakain ng


mga ito.
- Mga hayop na kumakain ng karne ang carnivores
- Mga hayop na kumakain ng halaman ang herbivores
- Mga hayop na kumakain ng mga hayop at halaman omnivores

 Nakatutulong ang mga hayop sa atin. Ang mga ito’y:


- Nagbibigay sa atin ng iba’t ibang uri ng pagkain tulad ng gatas,
mga itlog at karne;

21
- Nagbibigay sa atin ng proteksyon at tumutulong sa ating
kabuhayan; at
- Nagbibigay sa atin ng materyales na maaaring gawing mga bag,
sinturon, sapatos at damit.

A. Tukuyin kung saan naninirahan ang mga hayop. Kung


naninirahan sa lupa, tubig o himpapawid.

1. agila
2. isda
3. kalabaw
4. balyena
5. kabayo
6. maya

B. Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Sagutin ang bawat


tanong sa pangungusap.

1. Tumingin sa iyong kapaligiran. Anu-anong mga hayop ang


nakikita mo sa iyong kapitbahay?

2. Paano ka natutulungan ng mga hayop na ito?

22
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

A. Sabihin kung saan naninirahan ang bawat hayop sa ibaba. Isulat kung
naninirahan ito sa lupa, tubig o himpapawid.

__________1. kabayo ___________6. loro


__________2. hipon ___________7. pusit
__________3. kalabaw ___________8. elepante
__________4. agila ___________9. kalapati
__________5. pating ___________10.kuneho

B. Pagpangkat-pangkatin ang sumusunod na hayop ayon sa kinakain


ng mga ito. Maglagay ng tsek (/) sa tamang hanay sa talaan.

Hayop Carnivores Herbivores Omnivores


1) usa
2) tigre
3) manok
4) kalabaw
5) buwaya

C. Tukuyin ang inilarawang hayop sa bawat pangungusap sa ibaba.


Nakabatay ang bawat paglalarawan sa pakinabang ng bawat hayop
sa tao. Isulat ang sagot mo sa patlangbago ang bawat numero. Pumili
sa listahan sa kahon.

kalabaw baka tupa kabayo manok

__________1. Nagbibigay ito ng mga itlog at mainam itong


pinagkukunan ng karne.
__________2. Tumutulong ito sa mga magsasaka sa pag-aararo ng
bukid.
__________3. Ginagamit sa paggawa ng kasuotan pangginaw ang
makapal na balahibo o lana nito.
__________4. Nagbibigay ito ng gatas at pinagmumulan ng karne.
__________5. Ginagamit itong panghila ng karitela.
Ihambing ang sagot mo sa Batayan ng pagwawasto na nakatala sa dulo ng
modul na ito

23
ARALIN 14: Pangangalaga ng hayop

Ang mga mag-aaral ay natutukoy ang mga iba’t – ibang paraan


ng pangangalaga sa mga iba’t – ibang hayop sa paligid.
Gagabayan ka ng module na ito pag-aralan ang araling ito:

 Ilarawan ang mga wastong pamamaraan ng


pagtratonsa mga hayop; at
 Talakayin ang mga wastong pamamaraan ng pag-
aalaga sa ating mga hayop.

Maingat na pag-aralan ang sumusunod na larawan. Anu-anong


mga larawan ang nagpapakita ng wastong paraan ng pagtrato
sa mga hayop? Maglagay ng tsek(/) sa loob ng kahon na
matatagpuan sa ibabang sulok ng bawat larawan na
nagpapakita ng wastong pagtrato sa mga hayop.

24
Pangkatin ang mga hayop ayon sa lugar ng tinitirhan

zebra dolphin kambing bangus


buwaya palaka pusit uwak
loro leon maya bibe

Hayop na Hayop na Hayop na nakatira sa Hayop na parehong


nakatira sa lupa nakatira sa matataas na lugar o sa nakatira sa lupa at
tubig mga puno tubig

Tulad mo, nangangailangan ang mga hayop ng pagmamahal at


pag-aalaga. Hindi kayang alagaan ng ilang hayop ang sarili kaya’t
kailangan natin alaagaan ang mga ito. Paano natin wastong
maalagaan ang mga hayop?
Tingnan ang bawat larawan. Pag-aralan ang wastong pamamaraan
ng pag-aalaga sa mga hayop.

1. Bigyan ng sapat na pahinga at tulog 2. Regular na paliguan ang


ang mga ito. Huwag pagurin ang mga hayop.
mga ito.

25
2. Ipakain sa iyong hayop ang tamang uri 4. Bigyan ng malinis at ligtas
at dami ng pagkain na tirahan ang iyong
mga hayop.

5.Ipagamot ang iyong alagang hayop kapag may sakit ito.

Bumisita sa isang beterinaryo para sa regular na


pagpapatingin ng iyong hayop.
Ang beterinaryo ay doctor ng hayop.

6.Ipakita sa iyong mga hayop na inaalagaan mo sila sa


pamamagitan ng paghawak at pakikipaglaro sa kanila.
Tulad natin, kailangan din ng mga hayop ang
pagmamahal.

GAWAIN

A. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tamang pag-aalaga sa hayop


at MALI kung hindi.

_______1. Dalhin sa doktor ng mga hayop ang alaga kung ito ay may sakit.

_______2. Bigyan ng malinis at masarap na pagkain.

_______3. Sipain ang mga alagang hayop.

_______4. Hayaang madumi ang kanilang tirahan.

_______5. Paliguan ang mga alagang hayop.

26
B Punan ang talaan sa ibaba.(Pagbabahagi ng bawat bata)

Pangalan ng alagang Paraan ng wastong pangangalaga sa


hayop alagang hayop

TANDAAN

Sa aralin ito natutunan mo na dapat mahalin at alagaan ang


mga hayop. Dapat tratuhin ng mabuti at wasto ang mga ito.

Narito ang iilan sa wastong paraan ng pangangalaga sa mga


hayop:
 Ipakain sa mga ito ang tamang dami ng pagkain
 Ipagamot ang mga ito kapag may sakit o nasaktan
 Kailanman’y huwag saktan ang mga ito
 Magpakita sa mga ito ng pagmamahal
 Bigyan ng ligtas at malinis na tirahan ang mga ito.

27
Basahin ng ang bawat sitwasyon sa ibaba. Sabihin kung bakit
nagpapakita ito ng hindi wastong pag-aalaga at pagtrato sa
hayop. Pagkatapos, sabihin kung ano ang dapat gawin upang
maipakita ang wastong pag-aalga at pagtrato. Isulat ang mga
sagot sa iyong kwaderno .

1. Payat na payat ang isang pusa. Madalas makalimutan ng


may-ari na pakainin ito.

2. Maruming-marumi ang aso ng isang batang lalaki. Isang


buwan na itong hindi pinaliliguan.

___________________________________________________________

___________________________________________________________

28
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Paano mo maipakita ang tamang pangangalaga ng mga hayop?

A. Hayaang pakalat-kalat sa kalsada.


B. Ibilad sa ilalim ng araw sa buong maghapon.
C. Bigyan ang mga ito ng malinis na pagkain, tubig, at tirahan.

2. Kapag nakita mo ang iyong alagang hayop na napakarumi, ano ang


dapat mong gawin?
A. Huwag pansinin ang aso.
B. Ikulong ito sa loob ng bahay upang hindi lalong marumihan.
C. Paliguan ito agad.

3. Kapag may sakit ang iyong alagang hayop, ano ang dapat mong
gawin?
A. Pabayaan ito. Gagaling ito kahit hindi tulungan.
B. Dalhin ito agad sa isang beterinaryo.
C. Bigyan ito ng gamut na iniinom mo kapag may sakit ka.

4. Pagod na ang kabayo na humihila sa kalesa. Ano ang dapat gawin


ng may-ari?
A. Payagan ang kanyang kabayo na magpahinga sandal
B. Pilitin ang kabayo na magpatuloy sa pagtratrabaho
C. Hagupitin ang kabayo upang magtrabaho ito nang husto.

5. May nahuli si Martin nasalagubang. Itinago niya sa loob ng bote at


tinakpan baka makawala. Pagkaraan ng ilang araw namatay ito. Ano
ang kailangan ng salagubang?

I. damit III. pagkain


II. hangin IV. tubig

A. I at II
B. II at III
C. III at IV

29
Sanggunian:

• Science Curriculum Guide/ TG 71-72, 73-74, 81-82


• Science Learner’s Material 70-71 72-73, 79-80
• www.shutterstock.com
• http/brainly.ph

 www.pinterest.com
 www.clipart ibon Chidia clipart black-clipart libriary
 www.kiscco.com
 www.pngflow.com
 http:// clipart.co/cooked turkey clip art
 www.gograph.com-roasted chicken clipart
 https://clipartlook.com- egg clip art 2 fried
 https://webstocksreview.com
 https://clipartix.com/fishclipart
 https://imgbin.compng
 www.dreamstime.com
 www.shutterstock.com
 Lozano,lourdesF.,etal.Science for Young Minds(grade Five), Metro
Manila Phillippines; Diwa Scholastic Press Inc.,1996
 McLaren, James,et al.Biology United States ;D.C Health and
Company,1991.

www.google.com

30
Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Rebecca M. Roxas-EPS
CID LR Supervisor: Dr. Lucky S. Carpio-EPS
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/s: Gerlie V. Capiral PSDS, Dr. Philip R. Baldera PSDS


Christie B. Agpaoa, MT 2

Writer/s: Jocelyn A.Reamico


Illustrator: Camille Ann Javier

31
SAGOT SA PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

ARALIN 11

1. C
2. C
3. D
4. C
5. C
ARALIN 12

Hayop Kinakain Gamit sa pagkuha ng


pagkain
1. isda bibig
2. agila Karne at prutas tuka
3. pusa isda bibig
4. paru-apro Nectar galling sa Proboscis/bibig
bulaklak
5. buwaya karne Matutulis na ngipin
at bibig
6. unggoy prutas kamay
7. ibon Prutas /uod tuka
8. kambing damo bibig
9. tigre karne Matutulis na ngipin
at bibig
10. butiki Insecto dila

ARALIN 13

A.
1. LUPA 6. hangin
2. TUBIG 7. tubig
3. LUPA 8. Lupa
4. Hangin 9. Lupa
5. Tubig 10. Lupa

32
B.

Hayop Carnivores Herbivores Omnivores


1) usa /
2) tigre /
3) manok /
4) kalabaw /
5) buwaya /
C.

1. manok

2. kalabaw

3. tupa

4. baka

5. kabayo

ARALIN 14

1. C
2. C
3. B
4. A
5. B

33

You might also like