You are on page 1of 39

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

AGHAM 3
Quarter 2 Week 4 Module 4 Aralin 16-19

Mga Halaman sa ating Kapaligiran, Linangin at


Pahalagahan

1
Aralin Mga Halaman sa Kapaligiran
at ang mga Bahagi Nito
16 (Unang Araw)

Inaasahan
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:

1. Nakikilala ang iba’t-ibang bahagi ng halaman


2. Natutukoy ang iba’t-ibang tungkulin ng mga bahagi ng
halaman

Unang Pagsubok
(MALALIM NA PAG-IISIP)

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. B. C. D. E.

dahon bulaklak sanga ugat bunga

______1. Bahagi ng halaman na sumisipsip ng tubig at mineral sa


ilalim ng lupa.
______2. Bahagi ng halaman na pinagmumulan ng bunga at buto
na nagiging panibagong mga halaman.

2
______3. Ito ang gumagawa ng pagkain para sa halaman gamit ang
pinagsama-samang init mula sa araw, tubig at Carbon
Dioxide. Anong bahagi ng halaman ito?
______4. Nagsisilbing katawan ng halaman na nagdudugtong sa ugat
patungo sa iba’t-ibang bahagi nito tulad ng dahon, bulaklak
at bunga.
______5. Produkto ng halaman na may binhi o buto sa loob na
maaaring itanim muli upang maging isang panibagong
halaman.
II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

________1. Alin sa mga sumusunod na halaman ang gumagapang?

A. sampalok B. ampalaya C. rosas

________2. Tawag sa halaman na may makapal ngunit hindi matigas


na sanga?

A. herb B. vine C. shrub

________3. Alin sa mga sumusunod na halaman ang halimbawa ng


herbs?

A. luyang dilaw B. patola C. kalabasa

________4. Ang mga sumusunod na halaman ay may taproot na ugat


maliban sa isa. Anong halaman ito?

A. labanos B. carrots C. sibuyas

________5. Anong uri ng ugat (roots) mayroon ang halamang damo


at mais?

A. fibrous roots B. adventitious roots C. taproot

3
III. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung
hindi.

__________1. Lahat ng dahon ay may magkakaparehong hugis.

__________2. Ang tekstura ng mga dahon ay maaaring makinis o

magaspang.

__________3. Ang mangga, niyog at papel ay mga bagay na galing

sa mga bahagi ng halaman.

__________4. Makabubuting ilagay ang halaman kung saan may

sapat na sikat ng araw.

__________5. Hayaan ang mga damo sa paligid ng halaman upang

ito ay mas lumago.

Balik Tanaw
Panuto: Punan ng tamang sagot ang talaan sa ibaba.

Hayop Bahagi ng katawan na ginagamit


upang makagalaw
ibon

isda
aso

ahas

kambing

4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
(PAGBUO NG KATAUHAN, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Mga bata, alam nyo ba ang awiting BAHAY KUBO?


Ano- anong mga gulay ang nabanggit sa awiting ito?
Magaling! Mayroong singkamas, talong, igarilsyas, mani, sitaw,
bataw, patani, kundol, patola, upo, kalabasa, labanos, mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang, luya at linga.
Alam nyo ba na nagmula ang mga gulay na ito sa halaman. Mga
halamang matatagpuan sa ating kapaligiran. Alam nyo rin ba na
katulad nating mga tao, may iba’t-ibang bahagi rin ang halaman.
Halina at ating alamin ang iba’t-ibang bahagi ng halaman at ang
tungkulin ng mga ito.

5
UGAT- Bahagi ng halaman na sumisipsip
ng tubig at mineral sa ilalim ng lupa.

SANGA- Ito ang bahagi ng halaman na


nagdudugtong sa ugat patungo sa iba’t-
ibang bahagi nito tulad ng dahon, bulaklak
at bunga. Ito din ang nagdadala ng tubig
at mineral mula sa ugat patungo sa iba
pang bahagi ng halaman.

DAHON- Ang dahon ang bahagi ng halaman


na mayroong berdeng pigment na tinatawag
na Chlorophyll.
Ang dahon ang bahagi ng halaman na
gumagawa ng pagkain para sa buong
halaman sa pamamagitan ng prosesong
tinatawag na Photosynthesis o pinag-sama-
samang init mula sa sikat ng araw, tubig at
hangin na inilalabas ng tao o Carbon Dioxide.

6
BULAKLAK- Bahagi ng halaman na
pinagmumulan ng bunga at buto na
nagiging mga panibagong halaman. Ito rin
ang pinaka-makulay na bahagi ng halaman
kaya naaakit ang iba’t-ibang uri ng mga
hayop at insekto.

BUNGA- Produkto ng halaman na may


binhi o buto sa loob upang itanim muli at
maging isang ganap na bagong halaman.
Ito rin ang parte ng halaman na nagsisilbing
pagkain ng mga hayop at tao.

Gawain 16.1 Draw My Parts!


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Layunin: Naiguguhit ang iba’t-ibang bahagi ng halaman

Materyal: lapis at krayola

Pamamaraan:

1. Iguhit ang bahagi ng halaman na hinihingi sa bawat


bilang.
2. Kulayan nang maayos at maganda ang mga
larawan.

7
Tandaan

 May iba’t- ibang halaman na makikita sa ating


kapaligiran. Ang mga halamang ito ay may iba’t- ibang
bahagi. Ang mga bahagi na ito ay ang ugat, sanga,

8
dahon, bulaklak at bunga. Bawat bahagi na ito ay may
iba’t- ibang tungkuling ginagampanan.

Pag-alam sa natutuhan
(MALALIM NA PAG-IISIP, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Panuto: Tukuyin ang tungkulin ng bawat bahagi ng


halaman.

Nakaka-akit sa mga
Bahagi ng halaman Nagdadala ng tubig at
insekto dahil sa mineral na mula sa ugat
na gumagawa ng
taglay na kulay at patungo sa iba pang
pagkain.
amoy nito. bahagi ng halaman.

9
Bahagi ng halaman Pumuprotekta sa
na nasa ilalim ng binhi at nagsisilbing
lupa. Sumisipsip ng pagkain sa mga
tubig at mineral. tao at hayop.

Aralin Magkatulad at Magkaibang


bahagi ng Halaman
17 (Ikalawang Araw)

Inaasahan
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:

1. Nailalarawan ang iba’t-ibang uri ng ugat at sanga

2. Naihahambing ang ugat at sanga ng iba’t-ibang


halaman

Balik Tanaw
Panuto: Isulat ang bahagi ng halaman na makikita sa
sumusunod na bilang.

10
1.

2.

3.
4.

5.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


(PAGBUO NG KATAUHAN, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Anong bahagi ng halaman ang makikita nyo sa


larawan na matatagpuan sa ilalim ng lupa na
sumisipsip ng tubig at mineral na kailangan ng
halaman?
Magaling! Ito ay tinatawag na ugat. Ang ugat ay isa sa
pinakamahalagang bahagi ng halaman. Maaring magkatulad o
magkaiba ang hugis at tekstura ng ugat ng mga halaman.

Masdan ang dalawang larawan.

Sa unang larawan, makikita na ang ugat ay malaki, mahaba at


matigas. Ang tawag sa uri ng ugat na ito ay TAP ROOT. Ito ay may
pangunahing ugat na nanunuot sa pinakailalim ng lupa at
gumagawa din ng maliliit na sanga ng ugat sa paglipas ng panahon.

11
Mga halimbawa ng tap root

CARROTS LABANOS SINGKAMAS

Ano naman ang napansin ninyo sa pangalawang larawan?


Mahusay! Ang ugat sa pangalawang larawan ay binubuo ng maliliit,
pantay-pantay at makinis na ugat. Karaniwang pulumpon at
madami ang ganitong uri ng ugat. Ito ay tinatawag na FIBROUS
ROOT. Hindi katulad ng tap root, ang fibrous root ay nakatanim
lamang sa mababaw na bahagi ng lupa.

Mga halimbawa ng Fibrous roots

DAMO MAIS KAWAYAN PUNO NG NIYOG

Ngayong alam nyo na mga bata ang mga uri ng ugat mayroon ang
mga halaman, tumungo naman tayo ngayon sa ikalawang bahagi
nito na nagsisilbing katawang ng mga halaman, ang SANGA.

May apat na uri ng sanga. Mayroon tayong tinatawag na TREE,


SHRUB, HERB AT VINE. Halina at kilalanin natin ang bawat isa!

12
 Ang tree o puno ay isang uri ng halaman na
may mataas, matigas at makapal na sanga. Ito ang
sumusuporta sa buong halaman upang ito ay
makatayo nang diretso at maayos. Tinatawag na
trunk ang sanga ng puno. Ang mga halimbawa ng
tree o puno ay puno ng mangga, puno ng niyog at
puno ng saging.

 Ang Shrub ay uri ng halaman na mas mataas


kaysa sa herbs. Ang mga sanga o tangkay nito
ay hindi matigas ngunit ito ay makapal. Maaring
makilala ang mga shrubs na halaman mula sa
kanilang maraming sanga at katamtamang taas.
Ang mga halimbawa nito ay halamang rose,
lemon at gumamela.

 Ang herbs ay mga halaman na mayroong


berde at malambot na tangkay at may kaunting
mga sanga. Ang mga herbs ay nagsisilbi isang
gamot na nakatutulong sa paggaan ng
pakiramdam. Ang mga herbs din ay may
mabangong katangian na ginagamit din bilang
pampalasa ng pagkain. Ang mga halimbawa
OREGANO ng herbs ay luyang dilaw, malunggay, lagundi,
tanglad, saluyot at oregano.

13
 Ang vines ay mga halaman na kung saan
ang mga sanga ay hindi kayang makatayo sa
sarili kaya ang mga ito ay gumagapang.
Tinatawag na creepers ang mga halaman na
ang sanga ay gumagapang sa ibaba o sa
lapag. Ang halimbawa nito ay ang halaman ng
Kalabasa. Tinatawag namang climbers ang
mga halaman ay gumagapang sa mga
katabing puno at iba pang matataas na bagay
tulad ng pader.

Gawain 17.1 Complete me!


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Layunin: Naiguguhit ang uri ng ugat (root) ng bawat


halaman.

Materyal: lapis at krayola

Pamamaraan:

1. Ihanda ang mga kagamitan.


2. Iguhit ang uri ng ugat (root) mayroon ang mga
sumusunod na halaman.
3. Kulayan nang maganda ang iyong gawa.

Singkamas sibuyas

14
damo kamote

Tanong:

1. Bakit mahalaga ang ugat (root) ng mga halaman?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Gawain 17.2 HERBS, SHRUBS, TREES AND VINES


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Layunin: Natutukoy ang uri ng sanga na inilalarawan sa


bawat bilang
Materyal: lapis

Pamamaraan:

1. Ihanda ang kagamitang gagamitin.


2. Tukuyin ang uri ng sanga na inilalarawan sa
pamamagitan ng paglalagay ng bilang sa loob ng
kahon.
Bilang 1- kung ito ay HERB
Bilang 2- kung ito ay SHRUB
Bilang 3- kung ito ay TREE
Bilang 4- kung ito ay VINE

15
1. Halaman na mayroong berde at malambot na sanga.
2. Rose ang halimbawa ng halamang ito.
3. Halamang may matigas, mataas at makapal na sanga.
4. Gumagapang sa lapag o sa pader ang uri ng halaman
na ito.
5. Lagundi, na isang mabisang gamot sa ubo ang uri ng
halaman na ito.

Tandaan

 Ang ugat ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng halaman.


Maaaring magkatulad o magkaiba ang ugat ng halaman sa
kanilang hugis at tekstura.
 Tap root ang tawag sa Malaki, mahaba at matigas na ugat ng
mga halaman. Ito ay nanunuot sa pinakailalim ng lupa at
gumagawa rin ng sanga.
 Fibrous roots naman ang tawag sa maliliit at makikinis na ugat
na kadalasan lamang makikita sa mababaw na bahagi ng
lupa.
 Ang sanga ay isa rin sa mga bahagi ng halaman. May
pagkakatulad at pagkakaiba rin ang mga sanga depende sa
uri ng halaman. Maaring ang halaman ay herbs, shrubs, trees o
vines.

16
Pag-alam sa natutuhan
(MALALIM NA PAG-IISIP, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Panuto: Bilugan ang halaman na may naiibang uri ng ugat.


1. damo palay mangga
2. carrot gumamela rosal
3. labanos ube narra
4. niyog talong kamatis
5. avocado singkamas saging

Aralin Magkatulad at Magkaibang


bahagi ng Halaman
17 (ikatlong araw)

Inaasahan

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:

1. Nailalarawan ang iba’t-ibang uri dahon at bulaklak


1. Naihahambing ang dahon at bulaklak ng iba’t-ibang
halaman

Balik Tanaw
Panuto: Bilugan ang halaman na may naiibang uri ng
ugat.

17
1. damo palay mangga
2. carrot gumamela rosal
3. labanos ube narra
4. niyog talong kamatis
5. avocado singkamas saging

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


(PAGBUO NG KATAUHAN, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Masdan ang mga dahon ng mga halaman, magkakatulad ba ang


mga ito o magkakaiba?

May mga dahon ng halaman na magkakatulad at mayroon namang


magkakaiba. Maaring magkatulad o magkaiba ang mga dahon
base sa mga sumusunod:
1. HUGIS - Maaring ang hugis ay patulis, pahaba, hugis kamay,
hugis puso, biluhaba at pabilog.
2. LAKI - May mga dahon na malaki, katamtaman at maliit.
3. TEKSTURA- Ang mga dahon ay maaaring makinis o magaspang.
4. KULAY - May mga dahon na kulay berde at mayroon naman
tinatawag na non-green leaves.
5. GILID (edges) – May makinis ang gilid (smooth), patulis (toothed)
at mayroong hugis tainga (lobe)

18
Tumungo naman tayo sa pinakamaganda at pinakamakulay na
bahagi ng halaman, ang bulaklak.

- Mula sa pagiging bud, ito


ay mamumukadkad at
magiging isang ganap na
bulaklak.
- Tinatawag nating petals
ang makulay na bahagi ng
bulaklak at sepals naman ang
maliliit na kulay berdeng
halaman na nakakabit sa
petals.
bud bulaklak

May iba’t- ibang laki, kulay, hugis, bilang ng petals at amoy ang
bawat bulaklak. Dahil sa ganda at bango ng bulaklak, ito ay nakaka-
attract ng mga insekto tulad ng mga bubuyog at paru-paro. Ngunit,
may mga bulaklak na walang amoy tulad ng sunflower. Mayroon
ding mga bulaklak na tumutubo lamang ng isahan tulad ng
gumamela at rose at mayroon namang tumutubo ng maramihan o
pulumpong tulad ng santan.

Gawain 17.3 OBSERVE AND COMPARE!


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Layunin: Nahahambing ang iba’t-ibang uri ng dahon.


Materyal: lapis

Pamamaraan:

19
1. Ihambing ang iba’t-ibang uri ng dahon ng mga
sumusunod na halaman ayon sa kanilang laki, hugis,
kulay, tekstura at edges (gilid). Isulat ito sa anyo ng
pangungusap.

1.

puno ng niyog puno ng saging

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ampalaya Mangga

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

20
Tandaan

 May mga dahon ng halaman na magkakatulad at mayroon


namang magkakaiba. Maaring magkatulad o magkaiba ang
mga dahon base sa hugis, kulay, laki, tekstura at edges o gilid
nito.
 Ang mga bulaklak naman ng mga halaman ay maaaring
magkatulad o magkaiba sa kulay, amoy, laki, hugis, bilang ng
petals nito at sa paraan ng pagtubo.

Pag-alam sa natutuhan
(MALALIM NA PAG-IISIP, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Panuto: Tukuyin kung anong hugis ng sumusunod na dahon.

1. 2. 3.

4. 5.

21
Aralin Gamit o Pakinabang ng
Halaman
18 (Ika-apat na Araw)
Inaasahan
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:

1. Natutukoy ang iba’t-ibang gamit o pakinabang ng


halaman
2. Naipakikita ang pagpapahalaga sa mga halaman

Balik Tanaw
Panuto: Isulat ang bahagi ng katawan ng halaman na
hinihingi ng bawat pahayag.
___________1.Bahagi ito ng halaman kung saan dito ginagawa ang
pagkain para sa buong halaman.
___________2.Ito ang bahaging sumisipsip ng tubig at mga mineral
sa lupa para sa halaman.
___________3.Ito ang bahaging pinagmumulan ng panibagong
halaman.
___________4.Ito ang bahagi na humahawak sa lahat ng iba pang
bahagi ng halaman.
___________5.Bahagi ito ng halaman na maaaring kainin.

22
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
(PAGBUO NG KATAUHAN, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Napakahalaga ng halaman sa mga tao,


hayop at maging sa kalikasan. Isa sa
mga ibinibigay nito ay ang Oxygen. Ang
Oxygen ay isang uri ng hangin na
kailangan ng tao upang mabuhay. Pero
alam nyo ba na hindi lamang Oxygen
ang ibinibigay sa atin ng halaman?

Halina at ating alamin kung ano-ano pa


ang mga naibibigay o pakinabang na
ating nakukuha sa mga halaman.

 Ang mga halaman ay


nakapagbibigay ng pagkain para sa
ating mga tao at maging sa mga hayop.
Mais, mula sa buto, mansanas mula sa
bunga, carrots mula sa ugat, repolyo
mula sa dahon, cauliflower mula sa
bulaklak at marami pang iba.

 Ang mga halaman ay


nakapagbibigay din ng gamot gaya ng
Oregano na gamot sa ubo at mga
sugat, Ampalaya para sa diabetes,
Lagundi para sa ubo, Bawang para sa
may altapresyon, dahon ng malunggay
na gamot sa sugat, at marami pang iba.

23
 Materyales sa paggawa ng bahay at mga
kasangkapan na nakukuha sa kahoy o sanga
ng puno tulad ng puno ng
Narra, kawayan, Niyog,
Molave, Anahaw, Talahib
at marami pang iba.

 Tela para sa ating kasuotan


mula sa Abaka, Cotton, Piña at iba
pa.

 Nagsisislbi din ang mga


halaman bilang dekorasyon o
palamuti upang mapaganda
ang tahanan at kapaligiran.
Ang mga halimbawa nito ay:
Orchids, Rosas, Daisy at iba
pang namumulaklak na mga
halaman.

Gawain 18.1 What can plants give?


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Layunin: Nahahambing ang iba’t-ibang uri ng bulaklak.


24
Materyal: lapis, crayola

Pamamaraan

1. Gumuhit ng dalawang halimbawa ng mga bagay na


maaari nating makuhang kapakinabangan sa mga
sumusunod na halaman.
2. Isulat kung ano ang kapakinabangan nito.

puno ng mangga dahon ng lagundi at


at puno ng saging dahon ng malunggay

puno ng narra at abaka at cotton


kawayan

25
Tandaan

 Mahalaga ang mga halaman sa ating mga tao, hayop at


maging sa kalikasan. Ilan sa mga kapakinabangan nito ay
bilang pagkain, gamot, materyales sa paggawa ng bahay at
mga kasangkapan, tela para sa kasuotan at bilang dekorasyon.

Pag-alam sa natutuhan
(MALALIM NA PAG-IISIP, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

anahaw cotton pechay

abaka ampalaya

______________1. Gamot sa sakit na diabetes.


______________2. Ginagawang atip sa bahay kubo.
______________3. Nagsisilbing pagkain.
______________4. Ginagamit upang makagawa ng tela.
______________5. Ginagawang bag at sombrero.

26
Aralin
Pangangalaga sa mga
19 Halaman
(Ikalimang Araw)

Inaasahan
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:

1. Natutukoy ang mga paraan kung paano aalagaan


ang mga halaman sa ating kapaligiran

Balik Tanaw
Panuto: Tukuyin kung ano-ano ang pakinabang ng mga
sumusunod na halaman.

1. puno ng narra, kawayan, niyog, molave, anahaw


2. abaka, cotton, piña at ramie
3. orchids, rosas, daisy at iba pang namumulaklak na mga
halaman
4. ampalaya, sitaw, mangga, malunggay, munggo,
mansanas, saging, pechay, kalabasa
5. oregano, dahon ng malunggay, lagundi, bayabas,
sambong at banaba.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


(PAGBUO NG KATAUHAN, PAKIKIPAGTALASTASAN)

27
Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Bakit kaya nalanta ang halaman?
Ano kaya ang kailangan upang
maging malusog ito?
Paano natin mapangangalagaan ang
mga halaman?

Narito ang ilan sa mga paraan kung papaano natin


mapangangalagaan ang mga halaman sa ating kapaligiran.

 Diligan ang halaman isang


hanggang dalawang beses sa isang
linggo upang hindi lumambot ang lupa
at malunod ang halaman, liban na
lamang kung matindi ang init ng ang
panahon.

 Ilagay ang halaman kung saan may


sapat ng sikat ng araw. Kailangan ito ng
halaman sa paggawa ng pagkain.

 Tanggalin ang damo sa paligid ng


halaman upang hindi maapektuhan
ang lupa at ang paglago ng halaman.


28
 Tanggalin ang mga patay na dahon
at bulaklak.

 Lagyan ng bakod harang ang


paligid ng halaman bilang proteksyon sa
mga tao at maliliit na hayop.

 Huwag pitasin, putulin at tapakan


ang mga halaman.

Linangin ang lupa ng halaman


upang magkaroon ng mas malusog na
tanim.

Gawain 19.1 Taking Care of your Plants


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Layunin: Natutukoy ang kailangan ng halaman upang


ito ay mapangalagaan at mabuhay
Materyal: lapis

29
Pamamaraan

1. Pagpapakita ng iyong kaalaman sa pangangalaga


ng halaman. Isulat ang iyong kasagutan sa patlang.

1. Kailangan ng halaman upang ito ay hindi matuyot dahil sa


tindi ng init ng araw.
Clue: Mayroon itong sariling cycle.
Sagot: _______________________________________________
2. Kailangan ng halaman upang ito ay maging matibay at
malusog.
Clue: Tumutulong ito sa mga tao upang tayo ay hindi lamigin.
Sagot: _______________________________________________
3. Inilalagay sa paligid ng halaman upang hindi ito matapakan
ng mga tao at masira ng maliliit na hayop.
Clue: maaaring gawa sa kahoy o sa bakal.
Sagot: _______________________________________________
4. Dito itinatanim ang mga halaman kaya nararapat natin itong
linangin upang mapanatiling malusog ang mga tanim.
Clue: ito ay kulay tsokolate at marami nito sa ating paligid.
Sagot: _______________________________________________
5. Tinatanggal sa paligid ng halaman upang hindi masira at
maapektuhan ang mineral na nakukuha sa lupa.
Clue: ito ay kulay berde, mahaba at patulis.
Sagot: _______________________________________________

Tandaan

 Mahalaga ang halaman sa ating mga tao, hayop at


kalikasan kaya dapat lang na alagaan natin ang mga ito
ng mabuti.

30
Pag-alam sa natutuhan
(MALALIM NA PAG-IISIP, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Panuto: Isulat ang tama kung ang pahayag ay wasto,


mali naman kung hindi.
_______1.Diligan ang halaman dalawang beses sa isang Linggo.
_______2.Bunutin ang mga maliliit na damong tumutubo sa gilid ng
iyong tanim na halaman.
_______3.Pitasin ang mga bulaklak sa hardin ng parke.
_______4.Lagyan ng pataba ang mga tanim na gulay upang
maging malusog ang tubo nito.
_______5.Tanggalin ang mga uod at mga insekto sa halaman.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat bilang.


Punan ang patlang ng mga nawawalang titik upang
mabuo ang tamang salita.

1. S _____ _____ G A- Bahagi ng halaman ng humahawak sa iba


pang bahagi nito tulad ng dahon, bulaklak at bunga.

2. _____ G _____ T – Bahagi ng halaman na nasa ilalim ng lupa at


sumisipsip ng tubig at mineral.

3. _____ _____ L A _____ _____ A K – Bahagi ng halaman na


pinagmumulan ng bunga at buto.

4. B U _____ _____ _____ - Produkto ng halaman na may binhi o


buto.
31
5. _____ _____ H _____ N – Bahagi ng halaman na gumagawa ng
pagkain sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na
Photosyntesis.

II. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung wasto ang pahayag at ekis (X)
naman kung mali.

___________1. Maaring magkakatulad o magkakaiba ang laki ng


dahon ng mga halaman.
___________2. Berde ang kulay ng lahat ng uri ng dahon.
___________3. Petals ang tawag sa bahagi ng bulaklak na may iba’t-
ibang kulay.
____________4. May mga bulaklak na walang amoy o bango.
____________5. Ang bilang ng petals at paraan ng pagtubo ng lahat
ng uri ng bulaklak ay magkakapareho.

Panuto: Magbigay ng sariling repleksyon tungkol sa katanungan.


Tanong:
Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang hindi
tuluyang mawala ang mga halaman sa ating kapaligiran?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Panuto: Gumuhit ng dalawang (2) paraan ng pagpapakita ng


pangangalaga sa mga halaman sa

32
kapaligiran. Ipaliwanag ang iyong iginuhit.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

33
• SANGGUNIAN

• Science Curriculum Guide


• Science Teachers Guide
• Science Learner’s Material
• www.shutterstock.com
• Have fun teaching hft.com
• Photo credits: www.google.com

34
Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Rebecca M. Roxas-EPS
CID LR Supervisor: Dr. Lucky S. Carpio-EPS
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/s: Gerlie V. Capiral PSDS, Dr. Philip R. Baldera PSDS


Christie B. Agpaoa, MT 2
Writer/s: Henna D. Ilagan , Christie B. Agpaoa

35
Susi sa Pagwawasto
ARALIN 16- Unang Araw
UNANG PAGSUBOK
I. II. III.
1. D 1. B 1. MALI
2. B 2. C 2. TAMA

3. A 3. A 3. TAMA
4. C 4. C 4. TAMA
5. E 5. A 5. MALI
BALIK TANAW

1. Pakpak
2. Palikpik at buntot
3. Paa
4. Katawan
5. Paa

PAG-ALAM SA NATUTUHAN
1. Bulaklak
2. Dahon
3. Bunga

4. Sanga
5. Ugat

36
ARALIN 17- IKALAWANG ARAW

BALIK TANAW

1. Bulaklak
2. Dahon
3. Sanga
4. Bunga

5. Ugat
GAWAIN 17.2
1. 1
2. 2
3. 3

4. 4
5. 1
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
1. Mangga

2. Carrot
3. Narra
4. Niyog
5. Singkamas

ARALIN 17- IKATLONG ARAW

BALIK TANAW
1. Manga

2. Carrot
3. Narra
37
4. Niyog
5. Singkamas

PAG-ALAM SA NATUTUNAN
1. Puso
2. Hugis kamay
3. Bilog

4. Oblong
5. puso

ARALIN 18- IKA-APAT NA ARAW


BALIK TANAW

1. Dahon
2. Ugat
3. Bulaklak
4. Sanga
5. Bunga

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

1. Ampalaya

2. Anahaw

3. Pechay

4. Cotton

5. Abaka

ARALIN 19- IKALIMANG ARAW


BALIK TANAW

1. Materyales sa paggawa ng bahay at kasangkapan


2. Nagbibigay ng tela para sa ating kasuotan
3. Dekorasyon o palamuti

38
4. Pagkain
5. Gamot

GAWAIN 19.1

1. Tubig
2. Sikat ng araw
3. Bakod o harang
4. Lupa
5. Damo

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. Sanga
2. Ugat
3. Bulaklak

4. Bunga
5. Dahoon
6. /
7. X
8. /

9. /
10. X

39

You might also like