You are on page 1of 15

Department of Education

National Capital Region

3 SCHOOL S DIVISION OFFICE


MARIKINA CITY

AGHAM
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Department of Education
National Capital Region
S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Mga Bahagi ng ibat’t ibang Uri ng Halaman

MARY GRACE P. BERNADAS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo


bilang isang mag-aaral. Ginawa ito upang matulungan kang
matutunan ang mga bahagi ng iba’t-ibang uri ng halaman.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin na
nailalarawan ang mga bahagi ng iba’t ibang uri ng halaman.
S3LT-IIe-f-8

Matapos pag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
 Nailalarawan ang iba’t ibang uri ng halaman batay sa
kanilang tangkay.
 Nailalarawan ang iba’t ibang uri ng halaman ayon sa
kanilang bulaklak.
 Nailalarawan ang iba’t ibang uri ng halaman ayon sa
tekstura at hugis ng kanilang dahon.
 Nailalarawan ang mga paraan ng pag-aalaga sa mga
halaman.

Subukin
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Nasa hardin si Alyssa at nag-iisip kung alin sa sumusunod na
bahagi ng halaman ang maaaring mawala at mabubuhay pa
rin kahit wala ito?
A. bulaklak C. tangkay
B. dahon D. ugat

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
2. Ang mga halaman ay maaring mauri ayon sa katangian ng
kanilang tangkay. Anong uri ng halaman ang
nangangailangan ng balag(trellis)upang makagapang at
makaakyat?
A. herbs C. shrubs
B. trees D. vines
3. Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin ang hindi kapansin –
pansin na katangian ng halaman ang ginamit upang
maipagsama-sama ang mga ito?

A. uri ng bulaklak C. uri ng tangkay


B. uri ng dahon D. uri ng ugat
4. Ang mga gulay at herbs ay itinatanim sa tinatawag ng
“kitchen garden”. Alin sa sumusunod na mga halaman ang
makikita rito?
A. bawang C. orkidya
B. gumamela D. puno ng mangga

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
5. Sa hardin ni Aling Rosita ay may mga halamang may makahoy
na tangkay ngunit mas mababa sa puno. Anong uri ng
halaman ang mga ito?
A. trees C. shrubs
B. vines D. herbs
6. Ang mga halaman sa ibaba ay inilalarawan ayon kanilang
dahon. Anong katangian ang pagkakapareho nila?

A. bigat C. hugis
B. haba D. tekstura

7. Si G. Bernadas ay may mga halaman na may malambot


At matubig – tubig na tangkay. Alin sa sumusunod
na halaman ang maaaring isama?
A. atis C. kamatis
B. bayabas D. papaya

8. Ang mga halaman ay kailangan din ng tamang


pangangalaga upang lumaki. Alin sa sumusunod ang
nagpapakita ng tamang pangangalaga sa mga ito?
A. Diligan ang mga ito paminsan-minsan.
B. Lagyan ng fertilizer kung kakailanganin.
C. Ilagay ang mga ito lagi sa loob ng bahay.
D. Hayaang lumaki ang mga damo sa paligid nito.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
9. Si Charles ay nagtataka kung ano ang pagkakaiba ng
halaman sa hayop. Alin sa sumusunod ang nagpapakita
ng kaibahan ng dalawa?
A. Ang halaman at hayop ay nangangailangan ng araw.
B. Ang halaman at hayop ay nangangailangan ng
espasyo.
C. Ang halaman ay gumagawa ng sariling pagkain
subalit ang hayop ay hindi.
D. Ang halaman at hayop ay nangangailangan ng tubig
at hangin.

10. Ang bagyong Ondoy ay dahilan ng pagbaha sa ating


Lungsod noong taong 2009. Alin sa sumusunod
ang dahilan ng pangyayaring ito?
A. Hindi nakinig ng balita ang mga tao.
B. Ang mga tao ay hindi nanatili sa bahay.
C. Hindi sumunod ang mga tao sa awtoridad.
D. Ang ilang bahagi ng kabundukan ay tinayuan
ng mga gusali.

Mga Bahagi ng Iba’t ibang Uri


Aralin
ng Halaman

Balikan

Tingnan mo ang larawan ng halamang talong sa ibaba.


Isulat ang bawat bahagi sa loob ng kahon..

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Mga Bahagi ng Halaman

3.
1.

4.

2.
5.

Tuklasin
Ngayon, alam mo na ang iba’t ibang bahagi ng
halaman. Halika! Pasyalan natin ang aking munting hardin. Pag-
aralan mo ang kanilang tangkay, dahon at bulaklak.
Paghambingin at ilarawan ang hiningi ng bawat pangkat .

Tangkay : __________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Dahon: _____________________________________

Suriin
Bago ka magpatuloy sa paggawa, lagi mong tandaan na
ang mga halaman ay may iba’t ibang bahagi gaya ng :
tangkay, dahon, ugat, bulaklak at bunga na maaari silang
mailalarawan ayon sa katangian ng mga bahagi ng iba’t
ibang uri ng halaman. Mayroong apat na uri ng mga halaman
ayon sa katangian ng kanilang tangkay:
 Trees (punongkahoy) mataas na halaman na may
matigas at makahoy na tangkay na tinatawag na
puno ng kahoy (trunk). Halimbawa: Mangga, Akasya,
Kaimito.
 Shrubs (palumpon) mas mababa kaysa sa puno. Ang
tangkay nito ay hindi gaanong matigas. Halimbawa:
Gumamela, Santan, San Francisco.
 Vines (baging) Ang tangkay nito ay kailangan ng
suporta na tinatawag na balag(trellis) upang

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
makagapang at makaakyat. Halimbawa: Ampalaya,
Kalabasa, Begonia.
 Herbs (halamang gamot) Ang halamang may mas
malambot na tangkay kung ihahambing sa
punongkahoy at shrubs. Ito ay nabubuhay lamang sa
loob ng isang taniman. Ito ay halamang pinagkukunan
ng panimplang gamot na maaari ding halamang
damo o yerba.
Mailalarawan din ang iba’t ibang halaman
ayon sa mga dahon nito. Makikita ang
pagkakapareho at pagkakaiba ng mga ito ayon sa
hugis at tekstura na madalas nakikita sa gilid ng mga
dahon.
Sa kanilang bulaklak nailalarawan at nauuri din
ang mga ito ayon sa kanilang bilang kung isahan o
maramihan (palumpon).
Alam mo ba, na ang mga halaman ay
napakahalaga sa ating buhay kaya dapat mo itong
alagaan. Ang sumusunod ay mga hakbang sa
pangangalaga sa mga ito:

 Tiyakin na may sapat na araw.


 Diligan ang halaman araw-araw.
 Lagyan ng pataba sa lupa kung kinakailangan.
 Bunutin ang tumutubong damo sa paligid nito.
 Bungkalin ang lupa sa paligid nito upang madaling
pumasok ang hangin.

Ngayon naman, pag-aralan ang mga halaman sa


ibaba. Pagtambalin sa pamamagitan ng pagguhit ng linya, mula

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
sa mga halaman sa hanay A at kanilang uri ng tangkay sa hanay
B.
A B

1. Puno ng Mangga Palumpon (shrubs)


2. Kangkong Puno (tree)
3. Ampalaya Baging (vine)
4. Gumamela Herbs (halamang gamot
at ibang gulay)

Pagyamanin

Pag-aralan ang mga halaman sa ibaba.


Isulat ang bahagi na magkapareho at ilarawan
ang mga ito sa loob ng dalawang (2) pangungusap.

Bahagi ng halaman ______________________________________


Paglalarawan: ______________________________________________
_____________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Isaisip
Alam kong alam mo na, ang iba’t ibang uri ng
halaman ayon sa mga bahagi nito. Iguhit ang mga
natutunan mo sa araling ito at ilarawan nang patalata
na binubuo ng limang (5) pangungusap.

Isagawa
Kumuha ng isang malinis na papel. Iguhit mo ang
pinapangarap mong hardin na may iba’t ibang uri ng
halaman ayon sa kanilang bahagi. Sa loob ng isang (1)
pangungusap, ilarawan mo kung paano mo ito
pananatilihing malusog.

Tayahin

Basahin ang sumusunod na sitwasyon at bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Si Charles ay nagtataka kung ano ang pagkakaiba ng


halaman sa hayop. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita
ng kaibahan ng dalawa?
A. Ang halaman at hayop ay nangangailangan ng araw.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
B. Ang halaman at hayop ay nangangailangan ng
espasyo.
C. Ang halaman ay gumagawa ng sariling pagkain
subalit ang hayop ay hindi.
D. Ang halaman at hayop ay nangangailangan ng
tubig at hangin.

2. Ang mga halaman ay maaaring mauri ayon sa katangian ng


kanilang tangkay. Anong uri ng halaman ang
nangangailangan ng balag(trellis)upang makaakyat at
makagapang?
A. Herbs C. Shrubs
B. Trees D. Vines

3. Ang ilan sa mga gulay ay itinatanim sa tinatawag na


“kitchen garden”. Alin sa sumusunod ang makikita rito?
A. Bawang C. Gumamela
B. Orkidya D. Puno ng Mangga

4. Ang mga halaman ay kailangan din ng tamang


pangangalaga upang lumaki. Alin sa sumusunod ang
nagpapakita ng tamang pangangalaga sa mga ito.
A. Diligan ang mga ito paminsan-minsan.
B. Lagyan ng fertilizer kung kakailanganin.
C. Ilagay ang mga ito lagi sa loob ng bahay.
D. Hayaan lumaki ang mga damo sa paligid nito.

5. Ang bagyong Ondoy ay ang pangunahing naging dahilan ng


pagbaha ng ating lungsod noong taong 2009. Alin ang
dahilan ng pangyayaring ito?
A. Hindi nakinig ng balita ang mga tao.
B. Ang mga tao ay hindi nanatili sa bahay.
C. Hindi sumunod ang mga tao sa awtoridad.
D. Ang ilang bahagi ng kabundukan ay tinayuan ng mga gusali.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
6. Si G. Bernadas ay may mga halaman na may malambot at
matubig-tubig na tangkay. Alin sa sumusunod na
halaman ang maaaring isama?
A. Atis C. Kamatis
B. Bayabas D. Papaya

7. Ang mga halaman sa ibaba ay inilarawan ayon kanilang


dahon. Anong katangian ang pagkakapareho nila?

A. bigat C. hugis
B. haba D. tekstura

8. Nasa hardin si Alyssa at nag-iisip kung alin sa sumusunod na


bahagi ang maaring mawala at mabubuhay pa rin ang
halaman kahit wala ito?
A. bulaklak C. tangkay
B. dahon D. ugat

9. Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin sa sumusunod ang


kapansin-pansing katangian ng halaman ang ginamit upang
mapagsama- sama ang mga ito?

A. uri ng bulaklak C. uri ng dahon


B. uri ng tangkay D. uri ng ugat

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
10. Sa hardin ni Aling Rosita ay may mga halamang may
makahoy na tangkay ngunit mas mababa sa puno. Anong uri
ng halaman ang mga ito?
A. Trees (puno ) C. Shrubs (palumpon)
B. Vines (baging) D. Herbs (halamang gamut)

Karagdagang Gawain

Pumili ng isa sa mga uri ng halaman ayon sa mga bahagi na


pinakamahalaga para sa iyo. Gawin itong poster sa isang buong
papel at sumulat ng dalawang (2) pangungusap na
naglalarawan dito.

Sanggunian

Science 3, MELC ,GabbyDictionary –English –Filipino.


Science 3, Kagamitan ng Mag-aaral

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
13 DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
Palumpon (shrubs)
1. Puno ng Mangga
Puno (tree)
2. Kangkong
Baging (vine)
3. Ampalaya
Herbs (halamang gamot
at ibang gulay) 4. Gumamela
B A
5. ugat
Mga Bahagi ng Halaman
Susi sa Pagwawasto
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mary Grace P. Bernadas
Mga Tagasuri: Vilma B. Camba
Marilyn T. Cortez
Tagasuri- Panloob: Jessica S. Mateo
Galcoso C. Alburo
Catherine Paningbatan
Tagasuring Panlabas: Paul S. Magbanua (PNU)
Tagasuri ng Wika: Analisa B. Calimag
Tagaguhit ng Kober: Dennis Baquial
Charo Marie Defeo-Baquial
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Grace P. Bernadas
Jemwel Dela Paz
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Jessica S. Mateo
Superbisor sa Agham

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14

You might also like