You are on page 1of 12

PE 3

QUARTER 4 – WEEK 3-4


Pang-isahang Kilos o
Galaw Gamit ang
Ribbon, Hoop at Bola
Pang-isahang Kilos o Galaw Gamit
ang
Ribbon, Hoop at Bola
Tingnan ang mga halimbawa ng mga
sayaw at gawain na pang-isahan na
ginagamitan ng ribbon, hoop at bola.
Ang pang-isahang kilos o galaw
na may ribbon, hoop, bola, at
anumang magagamit na mga
materyal na katutubo sa panloob
o panlabas na kapaligiran ay
makatutulong upang maipakita
ang sariling kakayahan.
Ang laso o ribbon ay karaniwang
gawa sa satin. Ang mga ribbons
ay maaaring may iba't ibang
kulay at may iba't ibang mga
estilo ng pattern o disenyo sa
mga ito.
Ang haba ng laso ay depende sa
kung anong antas. Ang laso ay
dapat na naka-attach sa isang
stick, karaniwan ay gawa sa
payberglas o plastik.
Pag-aralan ang larawan ng batang gumagamit ng
laso o ribbon. Tingnan ang kaniyang kilos at
isagawa ang gawain ayon sa iyong kaya. Sagutin
ang mga tanong pagkatapos. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
1. Paano isinagawa ang gawain
gamit ang laso o ribbon?
2. Naisyahan ka ba sa
pagsasagawa nito?
3. Nakawiwili ba ang gawain
gamit ang laso o ribbon?
4. Ano ang sinusukat ng gawaing
ito sa iyo bilang mag-aaral sa
ikatlong baitang? Bakit?
5. Nais mo ba itong isagawa
kasama ang iba pang kasapi ng
iyong pamilya? Bakit?
Isulat sa patlang ang T kung
tama ang sagot at M kung mali.
__________1. Ang bola ay
mahalagang kagamitan sa
ritmikong himnastiko.
__________2. Mahirap isagawa
ang paggamit ng bola sa
himnastiko.
__________3. Maaring gamitin
ang malaking bola kahit maliit
ang bata.
__________4. Isinasaalang-
alang ang hitsura ng bata sa
pagsasagawa ng himastiko gamit
ang bola.
__________5. Makakatulong
ang bola para sa himnastikong
gawain.

You might also like