You are on page 1of 14

4

EPP – Industrial Arts


Ikatlong Markahan–Modyul 6
Paggawa ng Sariling Disenyo sa
Pagbuo ng Produktong Gawa sa
Ceramics
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang kasanayan ng


mga mag-aaral ukol sa:

 natutukoy ang mga kagamitan sa pagbuo o pagbabago ng disenyo


ng produktong gawa sa ceramics;
 nakagagawa ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng
produktong gawa sa ceramics;
 nabibigyang pansin ang pagiging malikhain sa paggawa ng sariling
disenyo sa paggawa ng produktong gawa sa ceramics. EPP4IA-0f-6

Subukin
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng paggawa
ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng produktong gawa sa ceramics
at MALI kung hindi. Isulat sa sagutang papel.
__________1.Sa paggawa ng sariling disenyo sa paggawa o pagbuo ng
produkto na gawa sa ceramics ay gumagamit ng luwad.
__________2.Ang gunting ay isa sa mga kagamitang kailangan sa paggawa ng
produkto na gawa sa ceramics.
__________3.Ang paso ay isa sa mga halimbawa ng produktong gawa sa
ceramics.
__________4.Kailangan ng kasanayan sa pagpapakinis ang produktong gawa
sa ceramics upang mas maging kaaya-aya.
__________5.Ang produktong gawa sa ceramics ay hindi nangangailangan ng
tubig.

1
Aralin Paggawa ng Sariling Disenyo

1 sa Pagbuo o Pagbabago ng
Produktong Gawa sa Ceramics
Bilang isang bata, mahalagang matutuhan at malaman mo ang mga
kagamitan at kasanayan sa paggawa ng sariling disenyo sa pagbuo o
pagbabago ng produktong gawa sa ceramics at buong husay itong
magagawa gamit ang iyong malikhaing isip at pagsunod sa mga kasanayang
kinakailangan.

Balikan

Panuto: Isulat ang () kung ang sumusunod ay tumutukoy sa mga


kasangkapan na ginagamit sa paggawa ng sariling disenyo sa pagbuo o
pagbabago ng produktong gawa sa kahoy at (x) kung hindi. Isulat sa
sagutang papel.

_____________1.martilyo

_____________2.liha

_____________3.lapis

_____________4.luwad

_____________5.kahoy

2
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tulang inihanda ko para sa iyo at


alamin ang mga kagamitan at kasanayan sa pagbuo ng produktong gawa sa
seramiko.

Produktong Seramiko, Paano ito?


Tula ni: Cherry Mae F. Felix

Pagiging malikhain ng tao’y tunay na kahanga-hanga


Paso, baso, tasa at kung ano ano pa
Isang proyektong sa luwad nagmula
Paano ba ito ginawa?

Kung nais gumawa o bumuo


Dapat alam mo mga gamit sa pagdidisenyo
Upang makagawa ng produktong gawa sa seramiko
Ano ano ang mga ito?

Upang makagawa ng produktong gawa sa seramiko


Dapat munang alamin mga gamit sa pagdidisenyo
Marapat ding alamin mo
Ano ano ang mga gamit nito?

Sa paggawa ng proyekto, kasanayan ay alamin


Ganon din kung paano ito gagawin
Produktong seramiko ay kamtin
Mga hakbang sa paggawa kailangang sundin
Upang minimithing produktong seramiko ay kamtin.

3
Suriin
Sa pag-aaral sa sining pang-industriya, isa sa mga aralin ang
paggawa ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng produktong gawa sa
iba’t ibang bagay. Kabilang na dito ang produktong gawa sa ceramics.
Sa araling ito malalaman ang mga kagamitan at kasangkapan sa
paggawa ng produktong gawa sa ceramics at ang mga kasanayan sa
paggawa nito.
Halina’t ating alamin.

Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Paggawa ng Produktong Gawa sa


Ceramics
1.Luwad – ito ang ginagamit upang makagawa ng hulma
at sariling disenyong nais na gawin sa proyektong
ceramics.

2.Tubig – ginagamit ito bilang pambasa at hinahalo


sa luwad upang maging malambot at maaari nang
masahin.

3.Dahon – ito ay ginagamit upang magkaroon ng


karagdagang disenyo ang proyektong gagawin.
Maaari itong idikit sa luwad.

4.Espongha – ito ay ginagamit bilang pamahid sa


proyektong ginagawa upang maging malinis.

5.Siyense – ito ay ginagamit bilang pangporma


upang mapadali ang nais na disenyo.

6.Pamutol – ito ay ginagamit na pamputol kung may


sobrang luwad o may bahaging nais na putulin.

4
7.Rondilyo – ito ay ginagamit na pangmasa upang
maging manipis ang luwad.

8.Papel – ito ay ginagamit na patungan kung natapos na


ang proyektong ginawa upang hindi dumikit sa kanyang
kinalalagyan.

9.Pintura – ito ay ginagamit bilang pangkulay sa


proyektong ginawa upang magkaroon ng kaaya-ayang
disenyo.

10.Brotsa – ito ay ginagamit na pampahid kung lalagyan


na ng pintura ang proyektong natapos.

Mga Kasanayan sa Paggawa ng Proyekto

1.Pagpaplano – Sa paggawa ng proyekto ang


plano ang pinakaunang dapat isaalang-alang.
Sa pagpaplano ginagawa ang paglalagay ng
pangalan ng proyekto, mga kagamitan,
pamamaraang gagawin, bilang at halaga.

2.Pagsusukat – Sa paggawa ng proyekto


mahalaga na tama ang sukat ng proyektong
gagawin upang maging maayos at maganda
ang produkto.

3.Pagpuputol – Kinakailangan na tama ang


kasangkapang gagamitin sa pagputol.

4.Paghuhulma – Kinakailangan na tama ang


paraan na gagawin sa paghuhulma upang
makuha ang ng tama disenyong gagawin.

5
5.Pagpapakinis – kinakailangang gawin ang
paraan ng pagpapakinis upang mas maging
malinis, maayos at kaaya-aya sa paningin ang
proyekto.

6.Pagkukulay – Matapos na magawa ang


lahat ng paraan sa pagbuo o pagbabago ng
proyektong gawa sa ceramics, lagyan ng
tamang kapal at pantay na pagkakapahid na
pintura upang mas higit na maging kaaya-aya
sa paningin.

Paraan sa Paglalarawan ng Isang Disensyo


1. Ortographic - Ito ay pagpapakita ng iba’t ibang tanawin o views ng
proyekto. Ipinapakita nito ang tatlong tanawin ng isang proyekto.
A. Tanawing Pang-itaas (top view)
Ipinapakita nito ang tanawing pang-itaas ng proyekto.
B. Tanawing Pangharap (front view)
Ipinapakita nito ang harap na bahagi ng proyekto.
C. Tanawing Pantagiliran (side view)
Ipinapakita nito ang gilid na bahagi ng proyekto.

Disenyong Ortographic ng Paper Weight

2. Isometric - Ito ang nagpapakita ng tatlong tanawin ng proyekto sa isang


pagguhit na nakahilig ng 300 (30 degrees) ang bawat tagiliran.

Disenyong Isometric ng Paper Weight

6
3. Perspective
Isa itong krokis na nahahawig sa isometric. Ang hugis nito ay
malaki sa unahan at papaliit. May dalawa o higit pa na tuldok na
gabay sa pagguhit ng bawat bahagi ng bagay na nais ilarawan. Madali
itong gamitin sa mga pangkaraniwang pagkokrokis ngunit sa mga
arkitekto ay lagi itong ginagawa sa paglalarawan ng mga bahay at
gusaling nais ipakita ang magiging kabuuan ng ginawang plano.

Halimbawa ng Disenyong Perspective

Pagyamanin
A. Panuto: Sa puzzle na nasa ibaba, hanapin ang 10 salita na nasa
loob ng kahon na tumutukoy sa mga kagamitan sa pagbuo ng
proyektong gawa sa ceramics. Ang mga salita ay maaaring
nakasulat ng pahalang, patayo o palihis. Hanapin ito at isulat sa
sagutang papel.
L U W A D A B Q S V X B C E
H D G R I J C D U C G W H U
E S P O N G H A V F R P T F
K I F N L N P H T U B I G O
T Y E D Z B R O T S A N X I
A E B I M S N N Y D E T I J
K N J L O W Y E G H D U L M
M S L Y U Z A K N Q S R X U
I E P A P E L P R T P A V Z
P A M U T O L R Q O Y W A O

7
B. Panuto: Tukuyin ang mga kasanayan sa paggawa ng proyekto na
isinasaad sa mga pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
A. Pagpaplano D. Paghuhulma
B. Pagsusukat E. Pagpapakinis
C. Pagpuputol F. Pagkukulay

1.Ito ang kasanayan na kung saan ginagawa ang paglalagay ng


pangalan ng proyekto, mga kagamitan, pamamaraang gagawin,
bilang at halaga.
2.Ito ang kasanayang ginagawa upang maging makinis at malinis
ang proyektong ginawa.
3.Ito ang kasanayan na kinakailangan na may tama ang sukat.
4.Ito ang kasanayan na ginagawa sa isang proyekto gamit ang
pintura.
5.Ito ang kasanayan na ginagawa upang makuha ang disenyong
nais na gawin sa proyekto.
C. Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng
proyektong gawa sa ceramics sa pamamagitan ng bilang
1,2,3,4,5,6. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____Mahalaga na may tamang sukat ang proyekto upang maging


maganda ang proyekto.
____Gumagamit ng pintura upang makulayan at malagayan ng
disenyo ang produktong ginawa.
1
____Ginagawa ang paglalagay ng pangalan ng proyekto.
____Kailangan masunod ang kasanayan sa paghuhulma upang
makuha ang disenyo na nais.
____Ito ang hakbang na ginagawa kung nais na putulan at
mabago ang disenyo ng ginagawang proyekto.
____Ang hakbang na pagpapakinis ay ginagawa upang mas
maging malinis at kaaya-aya ang proyekto.

8
Isaisip
Panuto: Punan ang talata gamit ang mga salitang nasa loob ng kahon upang
mabuo ang kaisipan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Agrikultura ceramics kasanayan


Industriya disenyo paso

Sa Sining Pang-(1)______________ nalilinang ang iba’t-ibang


kasanayan. Isa na rito ang kasanayan sa paggawa ng sariling disenyo sa
pagbuo o pagbabago ng produktong gawa sa iba’t ibang bagay na
matatagpuan sa pamayanan. Kabilang rito ang paggawa ng sariling
(2)_____________ sa pagbuo o pagbabago ng produktong gawa sa
(3)_____________ gamit ang iyong malikhaing isip. Mula sa luwad sa tulong
ng iba pang kasangkapan upang makabuo ng kaaya-ayang produkto ay
makabubuo na ng (4)__________, tasa, plato at iba pang kagamitang gawa sa
ceramics. Nangangailangan lamang na sundin ang mga (5)_____________ sa
paggawa nito.

Isagawa
Panuto: Mula sa larawan ng isang produktong gawa sa ceramics gumawa ng
paglalarawan ng disenyo sa paraang Ortographic.

Mga kagamitan sa
Paggawa:
 Dahon
 Pintura
 Brotsa

9
RUBRIK PARA SA PAGGAWA NG DISENYO
Pamantayan 5 4 3 2 1
1.Pagkamalikhain
2.Orihinal na disenyo
3.Kalinisan
4.Kaangkupan ng Konsepto
Pagpapakahulugan:
20-16 Napakahusay
15-11 Mahusay
10-6 Mahusay-husay
5-1 Kailangan pang paghusayan

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Ano ang tawag sa produktong mula sa luwad?
A. Ceramics C. Karton
B. Kahoy D. Lata

2. Ang mga sumusunod ay mga kagamitang ginagamit sa pagbuo ng


proyektong gawa sa ceramics maliban sa _________________.
A. Brotsa C. Martilyo
B. Espongha D. Papel

3. Alin ang kasangkapang ginagamit upang malagyan ng disenyo at


kulay ang natapos na proyektong gawa sa ceramics?
A. Dahon C. Papel
B. Espongha D. Pintura

4. Sa mga kasanayan sa paggawa ng proyektong gawa sa ceramics


alin ang nagsasaad ng pangalan ng proyekto, mga kagamitan,
pamamaraang gagawin, bilang at halaga?
A. Pagkukulay C. Pagpaplano
B. Pagpapakinis D. Pagpuputol

10
5. Anong kasanayan ang ginagawa upang magkaroon ng disenyo at
maging makulay ang proyektong nagawa?
A. Pagkukulay C. Pagpaplano
B. Pagpapakinis D. Pagpuputol

6. Anong paraan ng paglalarawan ng isang disenyo ang nagpapakita


ng tatlong tanawin sa isang pagguhit na nakahilig ng 30 0 ang
bawat tagiliran?
A. Isometric C. Perspective
B. Ortographic D. Tanawing Pangharap

7. Anong paraan ng paglalarawan ng isang disenyo ang nagpapakita


ng iba’t ibang tanawin o views?
A. Isometric C. Perspective
B. Ortographic D. Tanawing Pangharap

8. Anong paraan ng paglalarawan ng isang disenyo ang nagpapakita


ng malaki sa unahan at papaliit hanggang dulo?
A. Isometric C. Perspective
B. Ortographic D. Tanawing Pangharap

9. Anong paraan ng paglalarawan ng isang disenyo ang nagpapakita


ng harap na bahagi ng proyekto?
A. Isometric C. Perspective
B. Ortographic D. Tanawing Pangharap

10. Anong paraan ng paglalarawan ng isang disenyo ang nagpapakita


ng gilid na bahagi ng proyekto?
A. Isometric C. Perspective
B. Ortographic D. Tanawing Pantagiliran

11
12
Subukin Balikan
1. TAMA 7. 
2. MALI 8. 
3. TAMA 9. 
4. TAMA 10. X
5. MALI 11. 
Pagyamanin Isaisip Tayahin
A. 1. Industriya 1. A
LUWAD PAMUTOL 2. Disenyo 2. C
3. Ceramics 3. D
TUBIG RONDILYO
4. Paso 4. C
DAHON PAPEL
5. kasanayan 5. A
ESPONGHA PINTURA 6. A
SIYENSE BROTSA 7. B
B. 8. C
1. Pagpaplano 9. D
2. Pagpapakinis 10. D
3. Pagsusukat
4. Pagkukulay
5. Paghuhulma
C.
1. 2
2. 6
3. 1
4. 4
5. 3
6. 5
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Cristobal, Guadalupe. C., Alladin G. De Guzman, Loida L. Hilario, Harriet
O. Pontigon, Rebecca T. Watson, at Efigenia P. Pangilinan, (2005).
“Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan” Workteks sa
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhay para sa Ika-apat Baitang.
Manila: Rex Bookstore.

Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., and Rondina, J. (2015). “Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan IV, Vibal Group, Inc.

Gabay sa Kurikulum ng K-12, MELCs, 2020. Pasig City: Department of


Education.

Samadan, Eden. F., Marlon L. Lalaguna, Virgilio L.


Lagui, Marilou E. Marta, Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie
C. Dispababiladera, at mga kasama (2015). “Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan” (Kagamitan ng Mag-aaral), Pasig
City: FEP Printing Corporation.

Samadan, Eden. F., Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Lagui, Marilou


E. Marta, Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C.
Dispababiladera, at mga kasama (2015). “Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan” (Patnubay ng Guro), Pasig City: FEP Printing
Corporation.

You might also like