You are on page 1of 28

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

MAPEH
GRADE 3
“MAPEH for Life”
Quarter 2 Week 3 Module 3
Most Essentials Learning Competencies
… Recreates simple patterns and contour of a melody

… Demonstrates how harmony is created in an artwork because


of complementary colors and shapes

…Moves in: personal and general space, forward, backward,


and sideward directions, high, middle, and low levels, straight,
curve, and zigzag pathways diagonal and horizontal planes.

… discusses the effects of common diseases


PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang


lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng
panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para
lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa
pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul
na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin

1
UNANG PAGSUBOK

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. A. Pataas C. Pakurba
B. Pababa D. Pantay o inuulit

2. A. Pantay o inuulit C. Pataas


B. Pa-zigzag D. Pababa

3. A. Pakurba C. Pababa
B. Pataas D. Pantay o inuulit

Image Source: https://www.pngwing.com/en/free-png-zjkxv


Image Source: https://ya-webdesign.com/explore/quarter-note-png/

4. Sino sa mga sumusunod ang mga kilalang Pilipinong Pintor sa


pagguhit ng tanawin?
A. Fernando C. Amorsolo C. Jonahmar Salvosa
B. Felix Resurreccion Hidalgo D. Lahat ng nabanggit

5. Alin sa mga sumusunod na kulay ang nagpapahayag ng


damdaming masaya?
A. Pula C. Itim
B. Asul D. Berde

6. Ano ang ipinapakita o ipinapahayag ng mga kulay gaya ng


bughaw o asul, luntiang bughaw at lilang pula?
A. Masaya C. Malungkot
B. Matapang D. Mainit

7. Ito ay katutubong sayaw na nagmula sa Leyte na kilala rin sa


tawag na “Pintakasi”.

A. Tiklos C. Tinikling
B. Cariñosa D. maglalatik

2
8. Ano ang kumpas ng sayaw na Tiklos?
2 4
A. C.
4 4

3 6
B. 4 D.
8
9. Alin mga sumusunod ay mga hakbang sa pagsayaw ng Tiklos,
maliban sa,
A. change step C. change step
B. touch step D. Waltz
10. Alin sa mga sumusunod ang maaring maramdaman ng isang
taong may sakit?
A. masigla C. masiyahin
B. iritable D. wala sa nabanggit
11. Ano ang mangyayari kung ikaw ay madalas na magkasakit?
A. madalas lumiban sa klase C. magiging malungkot
B. maapektuhan ang paglaki D. lahat ng nabanggit
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pagkakasakit?
A. Maaring pagkawalay sa kaibigan.
B. Madalas na pagliban sa klase.
C. Pagkawala ng sigla at pagiging iritable
D. Pagiging aktibo at masigla.

3
MUSIKA
ARALIN 3: RECREATES SIMPLE PATTERNS AND
CONTOUR OF A MELODY
INAASAHAN
1. Nakikilala ang melodic contour ng awit
2. Nakalilikha ng simpleng melodic patterns.
3. Naikikilos ang melodic contour ng isang payak na awit
gamit ang ibat ibang bahagi ng awit.

BALIK-TANAW
Panuto: Isulat kung ang tinataglay na tono ng mga sumusunod na
mangaawit ay mataas, katamtaman o mababa.
1. 2. 3.

Yeng Constantino
Gary Valenciano KZ Tandingan
Image Source: https://divaskylaangelinekzyeng.fandom.com/wiki/Yeng_Constantino?file=Yeng_Constantino-
DIVAS_Look.jpg
Image Source: https://www.philstar.com/entertainment/2018/10/30/1864465/gary-valenciano-opens-about-
struggle-be-called-mr-pure-energy
Image Source: https://news.abs-cbn.com/entertainment/03/16/18/i-will-never-forget-this-experience-kz-eliminated-
from-singer-2018

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Mga Tanong
1.Ano ang nakikita sa larawan?
Ang mga linya ay may ibat ibang hugis?
2.Ano ang daloy ng mga hugis?

Ang mga hugis ay maaaring pataas, pababa at paalon alon o


pakurba.

4
Ang melodiya ay gumagalaw sa iba’t ibang direksiyon. May ilang
nota na maaaring tumaas o bumaba. Mayroon ding melodiya na
hindi nagbabago o nananatili sa parehong antas.

GAWAIN
A. Masdan ang awiting “Yaman Ng Bayan”. Suriin at iguhit ang
hugis ng himig ng awit.

Image Source: https://www.slideshare.net/razonlance/grade-3-music-teachers-guide

Tanong:
1. Ano ang hugis ng awit sa unang parirala? (Ipakita ng guro)

2. Maaari mo bang iguhit ang hugis ng ikalawa, ikatlo at ikaapat


na parirala? (Ang mga bata ay guguhit ng mga hugis ayon
sa daloy ng himig ng bawat parirala)

B. Awitin ang “Twinkle, Twinkle, Little Star” at iguhit sa hangin ang


daloy ng himig.

5
Image Source: https://www.slideshare.net/razonlance/grade-3-music-teachers-guide

TANDAAN
Ang melodiya ay gumagalaw sa iba’t ibang direksiyon. Maaari
itong maging hugis ng burol, bundok, kapatagan at lambak. Ang
galaw na ito sa musika ay ang tinatawag nating melodic contour.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Pagdugtungin ang mga linya upang makita ang hugis ng melodic
contour.

Ano – ano ang hugis ng himig na inyong nabuo? (Paalon –


alon ba? Pantay ba?)
Ang hugis ng himig na inyong nabuo ay mula sa awiting
“See Saw”.

Image Source: https://www.slideshare.net/razonlance/grade-3-music-teachers-guide

6
SINING
ARALIN 3: LANDSCAPE PAINTING

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Naipakikita na may harmony sa kalikasan gaya ng nakikita
natin sa kulay ng larawan ng mga tanawin sa
pamamagitan ng paggamit ng komplementaryong kulay
at hugis

BALIK-TANAW
Sagutan Mo!
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
_______ 1. Ito ay isang technique sa pagkukulay ng nagpapatunay
na ang tubig (water color) at langis (krayola) ay hindi
nagsasanib.
A. Shading C. Crayon Resist
B. Still Life D. Overlapping

_______2. Ano-anong mga panlabas na anyo ng mga hayop ang


nakadaragdag ng kagandahan sa kalikasan, maliban sa?
A. Kulay C. Tekstura
B. Balat D. Damdamin

_______3. Sa paggawa ng crayon resist technique, ano ang nangyari


ng ipahid ang water color sa ibabaw ng krayola?
A. Tumalab C. Naghalo
B. Hindi tumalab D. Wala sa nabanggit

_______4. Ano ang tekstura ng hayop na tamaraw?


A. Malambot C. Makinis
B. Magaspang D. Mabalahibo

7
_______5. Ano-ano ang mga katangian ng mga hayop na
nagpapayaman ng kalikasan?
A. Makukulay
B. Kakaibang pangangatawan
C. Kakaibang tekstura ng balat
D. Lahat ng nabanggit

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Ang pagpipinta ng isang tanawin sa iba’t-ibang oras ay
mapanghamong gawain. Ang mga larawang ipininta ay
naaapektuhan ng damdamin ng nagpipinta.
Ang mga larawang may matatapang na kulay gaya ng dilaw,
pula at kahel ay nagpapahiwatig ng damdaming masaya.
Halimbawa:

Artist: Mary Grace G. Remotin, Emilio Jacinto Elementary School

Ang larawang nagtataglay ng madilim na kulay gaya ng


bughaw, luntiang bughaw at lilang pula ay nagpapakita ng
kalungkutan.
Halimbawa:

Artist: Mary Grace G. Remotin, Emilio Jacinto Elementary School

8
GAWAIN
Maging Malikhain!
Gawain 1
Landscape Painting
Mga Kagamitan: bond paper, lapis, pambura, paint brush, water
color o poster paint, tubig, basahan,
Pamamaraan:
1. Ihanda ang mga kagamitan sa ibabaw ng mesa.
2. Umisip ng oras na gusto mo, ito ba ay maliwanag o
madilim?
3. Kung gusto mo ng maliwanag o damdaming masaya,
gamitin ang kulay pula, dilaw at kahel sa pagpipinta.
4. Kung gusto mo naman na madilim o damdaming
malungkot gamitin ang kulay bughaw, luntiang bughaw at
lilang pula sa pagpipinta.
5. Maaari ninyong alalahanin ang mga kombinasyon ng
kulay na ginamit ng mga Pilipinong pintor na kilala sa
pagpipinta ng tanawin gaya nina Fernando C. Amorsolo,
Jonahmar Salvosa, at Felix Hidalgo.
6. Gumuhit ng tanawin na nagpapakita ng sarili mong istilo.
(halimbawa: dagat, bukirin, dalampasigan o mga tanawin
na makikita sa inyong lugar)
7. Gumamit ng water color o poster paint at brush sa
pagpipinta.
8. Pagsama-samahin ang mga kulay upang maipakita ang
harmony nito.
9. Patuyuin at lagyan ng pamagat ang iyong likhang sining.

9
Halimbawa:

http://milenaolesinska.blogspot.com/2016/08 https://www.kargesfineart.com/fernando-
/fernando-amorsolo.html amorsolo

TANDAAN
Isaisip Mo!

Ang harmony sa kalikasan ay maipakikita sa


pamamagitan ng kombinasyon ng mga kulay sa isang larawan
ng tanawin. Naipahahayag ng pintor ang kanyang damdamin
sa pamamagitan ng mga kulay na ginamit sa pagpipinta. Ang
kulay pula, dilaw, at kahel ay nagpapakita ng masayang
damdamin, samantala ang bughaw, luntiang bughaw, at
lilang pula naman ay may malungkot na damdamin.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Subukin Mo!
Panuto: Iguhit ang kung ang kulay ay nagpapakita ng
masayang damdamin at naman kung nagpapahiwatig ng
malungkot na damdamin.

1. _______

2. _______

10
3. _______

4. _______

5. _______

EDUKASYONG PANGKATAWAN
ARALIN 3: Ang Pagkilala sa Sayaw na Tiklos

INAASAHAN
Inaasahan sa araling ito na mapagiibayo ang pansarili at
pangkalahatang espasyo sa pamamagitan ng pagsayaw ng
katutubong sayaw na Tiklos. Sa pagsayaw ng tiklos,
maipapakita at maipagpapatuloy mo ang kultura ng Pilipino
kasabay ng paglakas ng iyong katawan at pagdebelop ng
iyong kilos at galaw.

BALIK-TANAW

Sa araling ito, may mga kilos tayong pagaaralan kung


kaya’t hinihikayat ang lahat na gawin ang ehersisyong inyong
natutunan sa mga nakaraang aralin. Handa na ba kayo? Tara na
at magumpisa!

Pampasiglanggawain (Warm-Up Exercises)


(DepEd - MAPEH in Action 3 by DepEd-Bureau of Elementary Education Curriculum Development Division)

Panuto: Gawin ito sa tulong ng inyong magulang at ihanda ang


sarili. Oobserbahan ang pagiging maingat.

11
a. Mag-jog sa kinatatayuan….(8 bilang)
b. Mag-martsa nang hindi uma alis sa lugar…(8 bilang)
c. Gawin ang ehersisyong inhale-exhale.…(10 bilang)
d. Gawin ang head bend

 Tumungo gamit ang suporta ng kamay….(4 bilang)


 Tumingala gamit ang suporta ng kamay….(4 bilang)

• Ipaling ang ulo papunta sa kanan gamit ang suporta


ng kamay….(4 bilang)
• Bumalik sa orihinal na posisyon….(4 bilang)
• Ipaling ang ulo papunta sa kaliwa gamit ang suporta
ng kamay….(4 bilang)
• Bumalik sa orihinal na posisyon….(4 bilang)
e. Pagpihit ng ulo (Head Twist)
• Ibaling ang ulo pakanan….(4 bilang)
• Ibalik sa dating posisyon….(4 bilang)
• Ibaling ang ulo pakaliwa….(4 bilang)
• Ibalik sa dating posisyon….(4 bilang)

12
f. Pagpihit ng mga balikat habang nakababa ang mga
kamay sa tagiliran (Shoulder Circle)
• Igalaw ang balikat papunta sa unahan
habang nakababa ang mga kamay sa
tagiliran….(4 bilang)
• Igalaw ang balikat palikod habang
nakababa ang mga kamay sa tagiliran….(4 bilang)
g. Pagpihit ng katawan (Trunk Twist)
• I-angat ang kamay kapantay ng dibdib
habang nakaharap ang palad sa
sahig….(4 bilang)
• Ibaling pakanan ang katawan….(4 bilang)
Bumalik sa orihinal na posisyon….(4 bilang)
• Ibaling pakaliwa ang katawan….(4 bilang)
• Bumalik sa orihinal na posisyon….(4 bilang)
h. Pag-unat ng tuhod
• Tumayo nang tuwid habang ang mga paa
ay magkalayo. Ilagay ang mga kamay sa
hita malapit sa tuhod….(4 bilang)
• Dahan-dahan ibaba ang katawan….(4 bilang)
• Bumalik sa orihinal na posisyon….(4 bilang)

i. Pagpapaikot ng bukong-bukong ng paa


• I-angat ang kanang paa.
• Paikutin ito papunta sa kanan….(4 bilang)
• Paikutin ito papunta sa kaliwa….(4 bilang)
• Ulitin ito sa kaliwang paa.

13
j. Pasimulang posisyon (Half Knee Bend)
• Mag-inhale habang dahan-dahang inuunat ang tuhod at
dahan-dahang itinataas ang mga braso sa tagiliran….(8
bilang)

• Mag-exhale habangdahan-dahang ibinabalik ang mga


braso pababa sa dati nitong posisyon.……(8 bilang)

• Ulitin ito ng tatlong beses

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Ang Katutubong Sayaw na Tiklos


Sa pagsayaw ng Tiklos, may mga hakbang sa pagsayaw na
kailangan nating tandaan at pagaralan. Umpisahan natin ito sa
mga pangunahing hakbang upang mapaghandaan natin ang
pagsayaw sa susunod na aralin.
Ang bawat sayaw ay may kanya kanyang kumpas,
huwarang hakbang, huwarang ritmiko, wastong bilang at bilang
ng sukat. Ang kumpas ng “Tiklos” ay 2 na may bilang na 1, 2, 1,
4
at 2 sa isang bahagi. Ang mga hakbang naman na dapat nating
pagaralan at tandaan sa pagsayaw ng Tiklos ay ang mga
hakbang na change step, heal and toe change step, touch step,
changing step, at ang cut step.

GAWAIN
Gamit ang pansarili at pangkalahatang espasyo, subukan
nating pagaralan at isagawa ang iba’t ibang hakbang sa
pagsayaw ng “Tiklos”.
Some of the content are from: (DepEd - MAPEH in Action 3 by DepEd-Bureau of Elementary Education Curriculum Dev’t Division)

14
Mga Tala para sa Pagsasagawa
Maging maingat sa pagsasagawa. Ito ay nangangailangan
ng tulong at patnubay ng magulang, guardian o
nakatatandang kapatid. Kung sakaling may pagkakataon na
makapaginternet maaring makita ang video na ito sa link na
ito: https://www.youtube.com/watch?v=oeo26q6hz3g

Change Step
Huwarang
Kumpas Bilang ng Sukat
Hakbang/Bilang
2 step, close, step
1M
4 1 and 2

Heal and Toe Change Step


Huwarang
Kumpas Bilang ng Sukat
Hakbang/Bilang
heel place, toe point,
2 1 2
2M
4 step, close, step
1 and 2

Touch Step
Huwarang
Kumpas Bilang ng Sukat
Hakbang/Bilang
2 point, close,
1M
4 1 2

15
Changing Step
Huwarang
Kumpas Bilang ng Sukat
Hakbang/Bilang

lumundag at lumapag
sa dalawang paa na
ang kanang paa ay
nasa unahan (bilang 1)
2 1M
4 lumundag at lumapag
sa dalawang paa na
ang kaliwang paa ay
nasa unahan (bilang 2)

Cut Step
Huwarang
Kumpas Bilang ng Sukat
Hakbang/Bilang
itaas ang kanang paa
sa unahan habang
ang kaliwang paa ay
nakalapag sa likurang
bahagi
(bilang 1)
2
At mabilis na ilapag 1M
4
ang kanang paa sa
unahan habang ang
kaliwang paa naman
ang nakataas sa
likurang bahagi
(bilang 2)

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa inyong notebook ayon sa


ginawa mong kilos mula sa iba’t ibang hakbang.
1. Nagawa mo ba ang bawat huwarang hakbang/bilang
o tinatawag na step pattern?
2. Nahirapan ka bang gawin ang mga huwarang hakbang
na ito?

16
3. Ano ang napansin mo sa kumpas ng bawat habang na
iyong ginawa? Bakit?

TANDAAN

Ang Tiklos ay katutubong sayaw na nagmula sa Leyte na kilala


rin sa tawag na “Pintakasi”. Ang sayaw na ito ay simbolo ng
bayanihan o ang pagtutulungan ng mga tao sa isang bayan na
walang hinihinging kapalit.
2
Ang kumpas ng “Tiklos” ay 4 na may bilang na 1, 2, 1, at 2
sa isang bahagi. Ang mga hakbang naman na dapat nating
pagaralan at tandaan sa pagsayaw ng Tiklos ay ang mga
hakbang na change step, heal and toe change step, touch step,
changing step, at ang cut step. Ang pananamit sa sayaw na ito ay
karaniwang suot ng mga mangagawa sa bukid.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Lagyan ng (✔) ang nararapat na bilang kung nagawa mo


ng wasto ang sumusunod na hakbang. Sagutan ito ng may buong
katapatan.
Legend: 5 – Pinakamahusay
4 – Mas Mahusay
3 – Mahusay
2 – Kailangan pang magsanay
1 – Mahina sa pagsasagawa
5 4 3 2 1
1. Change Step
2. Heel and Toe
3. Touch Step
4. Cut Step
5. Changing Step

17
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN
ARALIN 3: Epekto ng Pagkakasakit

INAASAHAN
Sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga bata ay
inaasahang:
 Malalaman ang mga epekto ng mga pangkaraniwang
karamdaman.

BALIK-TANAW

Panuto: Tukuyin kung ang sakit ay minana, nakuha sa kapaligiran,


o dahil sa uri ng pamumuhay.

18
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Epekto ng pagkakaroon ng karamdaman

Ang mga bata ay may mataas na


pagkakataon sa pagkakaroon ng sakit. Ang
madalas na pagkakasakit ay maaaring
magkaroon ng epekto sa kanilang kaisipan, pag-
uugali, at pakikisalamuha sa ibang bata.

Ang mga batang madalas magkasakit ay


madalas at matagal rin kung lumiban sa klase. Sa
kanilang pagliban ay naapektuhan ang kanilang
pagkatuto ng mga aralin maging ang karanasan
sa pakikisalamuha na maaring sa paaralan
lamang matutunan.

Kung ang isang bata ay matagal


nagkasakit, maaring maapektuhan nito ang
kanyang pagtingin sa sarili. Siya ay maaring
maging iritable o posible rin siyang makaramdam
ng pagkabalisa o labis na kalungkutan.
Nakaaapekto rin sa kanya ang pagkawalay sa
kaniyang mga kaibigan.
Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng
karamdaman ay maaaring makapagbigay
naman ng pagkakataon upang makilalala ang
sarili, maging mabuti sa mga tao, matutong
makiramdam sa kalagayan ng iba, sapagkat
naranasan niya ang pakiramdam ng may sakit at
maaaring nakaramdam rin siya ng pag-alalaga.

19
GAWAIN
Tama o Mali
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang sinasabi sa pangungusap.

_______ 1. Madalas pumasok sa klase ang taong sakitin.


_______ 2. Palaging nakararamdaman ng kaligayahan ang
batang may sakit.
_______ 3. Ang madalas na pagkakasakit ay walang epekto sa
buhay ng isang bata.
_______ 4. Posibleng makaramdam ng pagkabalisa at kalungkutan
ang batang madalas magkasakit.
_______ 5. Maaring maapektuhan ang pagkatuto ng isang batang
mag-aaral kung siya ay madalas magkasakit.

TANDAAN

Ang madalas na pagkakaroon ng sakit ay may


epekto sa paglaki, pag-iisip, pag-uugali, at
pakikisalamuha ng isang bata.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Lagyan ng tsek (✓)ang bilang na nagpapahayag ng epekto


ng pagkakaroon ng karamdaman at ekis (X) naman kung
hindi.

Sagot:
1. Si Pat ay nalulungkot dahil hindi na nakikita ang
kaniyang mga kaibigan.
2. Masaya si Lisa dahil wala siyang liban sa klase.
3. Maraming hindi naipasang takda si Jennie sa
kanyang klase.
4. Mabilis magalit at mairita si Jisoo dahil masakit
ang kanyang tiyan.
5. masiglang-masigla si Rose tuwing papasok sa
eskwela.

20
REFLECTIVE LEARNING SHEET

Name: ____________________________Grade & Section: ____________

Let’s Think and Act!


REFLECTIVE LEARNING SHEET NO.3

Panuto: Alalahanin ang pagkakataon na ikaw ay nagkasakit.


Magsulat ng mensahe o liham bilang pasasalamat sa taong nag-
alaga sa iyo.

21
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. A. Pataas C. Pakurba
B. Pababa D. Pantay o inuulit

2. A. Pantay o inuulit C. Pataas


B. Pa-zigzag D. Pababa

3. A. Pakurba C. Pababa
B. Pataas D. Pantay o inuulit

Image Source: https://www.pngwing.com/en/free-png-zjkxv


Image Source: https://ya-webdesign.com/explore/quarter-note-png/

4. Sino sa mga sumusunod ang mga kilalang Pilipinong Pintor sa


pagguhit ng tanawin?
A. Fernando C. Amorsolo C. Jonahmar Salvosa
B. Felix Resurreccion Hidalgo D. Lahat ng nabanggit

5. Alin sa mga sumusunod na kulay ang nagpapahayag ng


damdaming masaya?
A. Pula C. Itim
B. Asul D. Berde

6. Ano ang ipinapakita o ipinapahayag ng mga kulay gaya ng


bughaw o asul, luntiang bughaw at lilang pula?
A. Masaya C. Malungkot
B. Matapang D. Mainit

7. Ito ay katutubong sayaw na nagmula sa Leyte na kilala rin sa


tawag na “Pintakasi”.

A. Tiklos C. Tinikling
B. Cariñosa D. maglalatik

22
8. Ano ang kumpas ng sayaw na Tiklos?
2 4
A. C.
4 4

3 6
B. 4 D.
8
9. Alin mga sumusunod ay mga hakbang sa pagsayaw ng Tiklos,
maliban sa,
A. change step C. change step
B. touch step D. Waltz
10. Alin sa mga sumusunod ang maaring maramdaman ng isang
taong may sakit?
A. masigla C. masiyahin
B. iritable D. wala sa nabanggit
11. Ano ang mangyayari kung ikaw ay madalas na magkasakit?
A. madalas lumiban sa klase C. magiging malungkot
B. maapektuhan ang paglaki D. lahat ng nabanggit
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pagkakasakit?
A. Maaring pagkawalay sa kaibigan.
B. Madalas na pagliban sa klase.
C. Pagkawala ng sigla at pagiging iritable
D. Pagiging aktibo at masigla.

23
24
UNANG PAGSUBOK PANGWAKAS NA MUSIKA
1. A PAGSUSUSLIT
BALIK-TANAW
2. B 1. A
3. D 2. B 1. KATAMTAMAN
4. D 3. D 2. MATAAS
5. A 4. D 3. MABABA
6. C 5. A
7. A 6. C
8. A 7. A
9. D 8. A
10. B 9. D
EDUKASYONG
11. D 10. B PANGKALUSUGAN
12. D
11. D BALIK-TANAW
12. D
Namamana
SINING
EDUKASYONG 1. Diabetes
BALIK-TANAW PANGKATAWAN
Kapaligiran
1. C
2. D 1. Dengue
3. B 2. Diarrhea
3. Sipon
4. B
5. D Pamumuhay
PAG-ALAM SA 1. Sakit sa Puso
NATUTUHAN 2. Sakit sa Baga
GAWAIN
1.
1. MALI
2. 2. MALI
3. MALI
3. 4. TAMA
5. TAMA
4.
PAG-ALAM SA
5. NATUTUHAN
1. √
2. X
3. √
4. √
5. x
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
A. AKLAT
Ilagan, Amelia M., Digo, Maria Elena D., Cinco, Mary Grace
V., Batiloy, Fely A., Villareal, Josepina D., Borbor, Ma.
Teresa P., Enguero, Fe V., Obsenares, Josephine Chonie
M. (2014). Music, Art, Physical Education and
Health – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral sa
Tagalog. Unang Edisyon, 2014. ISBN: 978- 621-402-032-
4.
Curriculum Guide in Music 3, DepEd
Learning Materials in Music 3, DepEd
Teacher’s Guide in Music 3, DepEd
Ilagan, Amelia M. et al. (2013), Music, Art, Physical Education
and Health-Ikatlong Baitang, Kagamitang Mag-aaral
,Philippines; REX Book Store Inc.
Ilagan, Amelia M. et al. (2013), Music, Art, Physical Education
and Health-Ikatlong Baitang, Patnubay ng
Guro,Philippines; REX Book Store Inc.
DepEd - MAPEH in Action 3 by DepEd-Bureau of Elementary
Education Curriculum Development Division
Learning Materials in Physical Education 3, DepEd
Learning Materials in Music 3, DepEd
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grades 1-10
Curriculum Guide. Pasig City: Department of
Education
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 3 Teachers
Guide. Pasig City: Department of Education
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 3 Learners
Mateials. Pasig City: Department of Education

25
B. INTERNET
a. https://www.slideshare.net/razonlance/grade-3-music-
teachers-guide
b. https://www.pngwing.com/en/free-png-zjkxv
c. https://ya-webdesign.com/explore/quarter-note-png/
d. https://divaskylaangelinekzyeng.fandom.com/wiki/Yeng_
Constantino?file=Yeng_Constantino-DIVAS_Look.jpg
e. https://www.philstar.com/entertainment/2018/10/30/1864
465/gary-valenciano-opens-about-struggle-be-called-mr-
pure-energy
f. https://news.abs-cbn.com/entertainment/03/16/18/i-will-
never-forget-this-experience-kz-eliminated-from-singer-
2018
g. http://milenaolesinska.blogspot.com/2016/08/fernando-
amorsolo.html
h. https://www.kargesfineart.com/fernando-amorsolo
i. https://www.youtube.com/watch?v=oeo26q6hz3g
j. International children's palliative care network.
“The effects of illness and pain on child development” Accessed
July 3, 2020
k. http://www.icpcn.org/wp-content/uploads/2017/08/The-
effects-of-illness-and-pain-on-child-development.pdf
l.
m. JSTOR “Children's Illnesses: Their Beneficial Effects on
Behavioral Development”
n. https://www.jstor.org/stable/1130632?seq=2#metadata_in
fo_tab_contents
o. WebMD “Chronic Illness May Affect a Child's Social
Development” Accessed July 3, 2020
p. https://www.webmd.com/children/news/20000622/chroni
c-illness-social-development#2

26
Acknowledgment
DEVELOPMENT TEAM OF THE MODULE
Management Team:
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, EPS In-Charge of LRMS

MUSIKA 3
Manunulat: Noemi L. Celis- MT I, Victoria V. Salvania- MT II,
Criszelda A. Nievera, Kenneth A. Teppang
Editor: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagasuri: Ricky Vallejo, Head Teacher VI Cayetano Arellano High School
Tagaguhit: Victoria V. Salvania – MT II, Kenneth A. Teppang
Tagalapat: NOEMI L. CELIS- MT I, Criszelda A. Nievera
SINING 3
Manunulat: Christie B. Agpaoa – MTII, Mary Grace G. Remotin, Ricardo M.
Jimenez, Kenneth John M. Loria
Editor: Adulfo S. Amit, PSDS
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Ricardo M. Jimenez, Kenneth John M. Loria, Mary Grace G. Remotin
Tagalapat: Mary Grace G. Remotin
EDUKASYONG PANGKATAWAN 3
Manunulat: Louella Maricar O. Cheng, Rosa May V. Narag, Annagail Jamorabo
Editor: Eileen Marie C. de Leon, Head teacher III T.Paez Integrated School
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Louella Maricar O. Cheng
Tagalapat: Louella Maricar O. Cheng
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 3
Manunulat: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibalos
Editor: Christopher L. Lirio
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibalos
Tagalapat: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibalos

27

You might also like